When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Your cookies settings
Strictly cookie settingsAlways Active
ic_arrow_left
Story By Belle Feliz
Belle Feliz
1.5KFollowers
22.1KREAD
ABOUTquote
Belle Feliz is a Tagalog Romance writer. She loves peace and quiet. She\'s into happy ever afters, audiobooks and online shopping.
Naligalig ang mundo ni Mabel nang malamang may cancer ang kanyang ina. She couldn't live without her-literally. Buong buhay niya ay nakaasa siya sa kanyang ina, mula sa maliliit hanggang sa malalaking bagay. Wala siyang alam na gawin sa buhay.
Lalong naligalig ang mundo ni Mabel nang malamang kailangan niyang magtungo sa Sagada upang makilala ang kanyang lolo at pitong kapatid sa ama. Natatakot siya sa kanyang bagong mundo ngunit kinailangan niyang iwan ang ina upang patuloy na masuportahan ang pagpapagamot nito.
Sa Sagada ay nakilala ni Mabel si Kellan Conolly, ang lalaking hindi lang lumigalig sa kanyang mundo, nagdulot pa ng tsunami. Si Kellan ang lalaking unang inibig ng kanyang puso. Naging napakasaya niya sa piling ng binata. Inakala niya na sila na ang nakatadhana para sa isa't isa.
Ngunit paano niya ibabalik sa dating ayos ang kanyang mundo ngayong nalaman niyang hindi na pala malaya si Kellan na mahalin siya?
They met in Italy. Parehong burned-out sa trabaho at buhay. They need alone time to think and to have a little peace.
Pareho silang mga sikat na artista sa Pilipinas. Parehong parte ng sikat na loveteam. Hindi nila inakala na ma-attract sila sa isa't isa. They didn't plan to be together in that trip. Palagi lang nilang natatagpuan ang isa't isa. So they decided to be alone together.
It's like they are meant to find each other. To fall in love with each other.
Pero may katapusan ang bakasyon. Pag-uwi ng Pilipinas ay kailangan nilang manatili sa kani-kanilang mga ka-loveteam.
Ano ang mangyayari sa pag-ibig na nabuo at mabilis na lumalago?
Mula nang magising si Cheryl sa coma ay hindi na siya tinantanan ng kakaibang mga panaginip. At tuwing magigising siya, may iniiwang malaking kahungkagan sa puso niya ang mga panaginip na iyon.
Nang pumunta siya sa Pilipinas, lalong tumindi ang pakiramdam na tila may nawawalang bahagi ng pagkatao niya. At nang magtagpo ang mga landas nila ng estrangherong si Anton Quan, hindi niya napaghandaan ang matinding emosyong lumukob sa puso niya.
His kiss and embrace were achingly familiar. It was as if she had found home. Parang noon pa niya ito minahal kahit ngayon lang niya ito nakita.
Ngunit kakayanin kaya ng puso at isip niya kapag nalaman niya kung ano ang totoong kaugnayan nito sa buhay niya?
Nagkagusto agad si Penelope kay Jace Angelo noong unang beses niyang makita ang lalaki. Si Jace Angelo kasi ang lalaking tipo niya. Kaya naman nadismaya siya nang malamang ito rin ang lalaking minamahal ng matalik niyang kaibigan na si Phylbert.
Nagdesisyon si Penelope na ibaling na lang ang pagtingin kay Joaquin, ang nakatatandang kapatid ni Phylbert. Hindi naman mahirap mahalin si Joaquin. Mabait ito at malambing. Napapasaya siya ng binata.
Unti-unting nahulog ang loob niya kay Joaquin. Unti-unti itong minahal ng kanyang puso.
Akala ni Penelope ay perpekto na ang lahat. Akala niya ay patuloy silang magiging masaya. Hanggang sa isang araw ay nalaman ni Joaquin ang tungkol sa naging damdamin ni Penelope kay Jace Angelo. Nagalit si Joaquin.
Paano niya mapapaniwala si Joaquin na ito na ang nagmamay-ari ng kanyang puso?
"A few months ago, ikaw lang si Doctor Noah, ang anesthesiologist na hindi makuha-kuha ang buong pangalan ko na Cristina. Ang guwapong gas man na tinatawag ako sa palayaw na Cristine na sa palagay ko ay hindi angkop sa akin. Then you became the man-the friendly man who pushed me to reveal my feelings for my best friend. You were the guy who comforted me when I was hurting. Then very soon after that, you became the gorgeous guy whom I kissed. Pagkatapos ay ikaw ang lalaking nagpakita ng interes, ang lalaking masigasig akong kinilala. Ikaw ang lalaking nagparamdam sa akin ng kakaibang ligaya. Naging ikaw ang lalaking laman ng isipan ko, laman ng ilang pantasya ko. lyong lalaking hindi makuha-kuha ang buong pangalan ko ay naging boyfriend ko. "You were the amazing boyfriend I thought I'd never have. Maraming pagkakataon na naitanong ko kung ako ba talaga, kung talaga bang naging isa ang mundo nating dalawa. Maraming pagkakataon na naguluhan ako, nagduda. Nasiguro ko ang nararamdaman ko, naging malinaw ang mga bagay na gusto ko. Because you've been patient and kind and lovely and perfect. You were the man that made me so happy and so alive."
"Were?"
"You've become the man who breaks my heart."
Hindi inakala ni Laureen na magiging malaking bahagi ng buhay niya si Raphael Dunford. Hindi niya nais na magkagusto sa katulad nito ngunit hindi napigilan iyon ng kanyang puso. Habang nakikilala niya ito ay lalo niyang iniibig.
Ang akala niya ay pareho sila ng nararamdaman, ngunit nagimbal siya nang malaman niyang may nobya na ito. Tila pinagsakluban siya ng langit at lupa nang sabihin nito sa kanya kung gaano nito kamahal ang nobya.
Nais na niyang sumuko. Ipinangako niya sa kanyang sarili na kalilimutan na niya ang nararamdaman niya para kay Raphael. Ngunit isang gabi ay may nangyaring maganda sa pagitan nilang dalawa. Inialay niya rito ang lahat ng mayroon siya.
--
**Photo by JoelValve on Unsplash
Mula nang unang beses na makita ni Cathellya si Seth ay nakita na kaagad niya ang kaibahan nito sa mga kakambal nitong sina Simon at Sean. Magkamukhang-magkamukha man ang tatlo, kaya niyang kilalanin kung sino sa mga ito si Seth.
Malapit na malapit siya sa pamilya nito ngunit ramdam niyang hindi lubos ang pagtanggap nito sa kanya. Hindi natuloy ang pag-ampon sa kanya ng mga magulang nito dahil sa matinding pag-ayaw nito noon. Napakadalang nilang magkasundo. Ni hindi siya sigurado kung itinuturing siya nitong kaibigan.
Hanggang sa hilingin ng lola ni Seth na pakasalan siya nito.
Isang gabi, sa isang hindi conventional na lugar, nakilala ni Kila si Xander. Pareho silang may mabigat na dinadala, parehong lulong sa kanya-kanyang problema. Dala ng kabataan, ikinasal sila nang gabing iyon na hindi gaanong iniisip kung ano ang susuungin nila.
They became the best of friends aside from being man and wife. Magkasama nilang hinarap ang lahat ng pagsubok ng buhay. Magkasama nilang nilampasan ang lahat ng bagyong humagupit sa kanila. Sinuportahan nila ang isa't isa sa lahat ng bagay.
They were okay until two people from their past came back. Paano nila pakikitunguhan ang dating pag-ibig nang hindi naaapektuhan ang pagsasama nila? Handa ba silang pakawalan ang isa't isa para sa inaakalang mas ikaliligaya ng kabiyak?
Minahal ni Sassa si Phillip sa kabila ng napakaraming hadlang sa pagitan nila. Tila hindi gusto ng langit at tadhana na magkasama sila. Iniwan siya nito nang hindi na nito nakayanan ang mahirap na sitwasyon. Ang sabi nito ay hindi nito kayang mahalin ang kapatid na babae ng lalaking sumira sa buhay ng kapatid nito.
Lumipas ang mga taon. Sa kabila ng galit, naroon pa rin ang pag-ibig sa puso niya.
Nang magkaroon siya ng pagkakataon na makasama ito ay naramdaman niyang may damdamin pa rin ito sa kanya.
Ngunit hindi na siya maaaring magpumilit dahil kapwa na sila hindi malaya...
Dumating sa buhay ni Yvonne si Travis noong mga panahong kailangan na kailangan niya ng isang taong makakaramay. Sa unang pagkikita pa lang nila ay malakas na agad ang atraksiyon nila sa isa't isa. Kahit na ano ang gawin niyang iwas, palagi pa rin silang nagkakatagpo, palagi pa rin siyang nahuhulog sa charm nito.
Si Travis ang nakapagpasaya sa kanya nang lubos. Ito ang nagbigay-liwanag sa makulimlim niyang mundo. Ito ang nagpabago sa ilang pananaw niya sa buhay at sa pag-ibig. She fell deeply in love with him.
Tila perpekto na ang lahat. Tila wala na siyang mahihiling pa sa relasyon nila. Hanggang sa dumating ang isang pagsubok na hindi nila inasahan. Kinailangan niya itong iwan. Kinailangan niyang lumayo sa kaligayahan niya para sa ikabubuti ng ibang tao...
Para kay Cameron, si Damian ay isang prinsipe. Narito na yata ang lahat ng katangian na magugustuhan ng isang babae sa isang lalaki. Guwapo, mayaman, at napakabait. Hindi na siya nagulat o nagtaka nang mahulog nang husto ang loob niya rito. Minahal niya ito nang sobra-sobra.
Napakarami niyang mga pangarap para sa kanilang dalawa at para sa kanyang sarili. Punong-puno siya ng pag-asa. Alam niya na ito na ang nais niyang makasama habang-buhay. Alam niya na ito lang ang mamahalin ng kanyang puso magpakailanman.
Ngunit may nangyari upang mawala sa kanya ang lahat ng pag-asa at pangarap niya. Halos hindi na niya gustong mabuhay pa. Hindi siya naging karapat-dapat na prinsesa para dito. Dahil sa sobrang pagmamahal niya, hindi niya maatim na maging makasarili. Kinailangan niyang itaboy ito patungo sa ibang prinsesa na nararapat para dito.
Kahit masakit, pakakawalan niya ito...
Naging malapit si Luisita sa magpipinsan na Cecilio, Jeff Mitchel, at Eduardo. Nagsimula ang magandang pagkakaibigan nila nang hindi niya sinasadyang mabangga ng bisikleta si Cecilio. Inis na inis sa kanya ang binata at mula noon ay naging hobby na nito ang inisin siya.
Madalas man silang hindi magkasundo ni Cecilio, naging mabuting magkaibigan pa rin sila. Maganda ang samahan nilang apat hanggang sa magsimulang lumagpas sa linya ng pagkakaibigan sina Jeff Mitchel at Eduardo. Napagtanto niya na mahalaga sa kanya ang dalawang lalaki, ngunit hindi niya iniibig ang mga ito.
Kay Cecilio tumibok ang kanyang puso, kahit alam pa niyang hindi magkakaroon ng katuparan ang pangarap niyang happy ending na kasama ito. Pagmamahal ng isang kapatid lang ang tanging maiaalay nito sa kanya.
Gusto niyang turuan ang kanyang puso na limutin na ito. Ngunit nang kailanganin nilang magpanggap na may relasyon, nagulat siya sa ipinatikim na halik ni Cecilio sa kanya. Bakit napakatamis niyon? Lalo tuloy nahulog ang loob niya rito.
Tama bang umasa?
Maagang naranasan ni Glanys ang lupit ng pag-ibig. She believed that falling in love was painful. Kaya ipinangako niya sa sarili na hindi na siya iibig uli kung masasaktan din lang siya.
Hanggang sa dumating sa buhay niya si Adam, isang sikat na rockstar. He rocked her world. He made her laugh a lot. Tila galing ito sa ibang mundo. He was not her type. Ngunit nahulog pa rin ang loob niya rito at tuluyan na siyang nawalan ng kontrol sa damdamin niya.
Kung matatanggap nito ang lahat ng tungkol sa nakaraan niya at mamahalin pa rin siya nito sa kabila ng lahat, magiging masaya na ba siya sa wakas?
Iba ang dahilan ni Yllen Stacy sa paglapit niya kay Eduardo Castañeda. Hindi siya nagkakagusto rito kagaya ng inaakusa nito sa kanya. Pinlano niyang guluhin ang buhay nito, ang relasyon nito sa nobya nito. She was convinced he didn't deserve to be happy. Wala itong karapatan na magkaroon ng masayang relasyon pagkatapos nitong makasakit ng damdamin ng iba, pagkatapos nitong paglaruan ang puso ng mga kabaro niya.
Nais niyang umibig ito sa kanya. Nais niyang maramdaman nito ang sakit na idinulot nito sa iba. Ngunit hindi ganoon ang nangyari. Hindi niya naisakatuparan ang plano niya. Hindi niya natupad ang pangako niya sa sarili niya. All because she let her heart be involved. Hinayaan niya ang kanyang puso na umibig sa binata...
Nagulo ang pananahimik ni Victoria nang utusan siya ng kanyang publisher na si Sir Four na magsulat ng erotic novel. Kulang na lang, magwala siya. Bakit hindi? She was VA Sinclair, a young adult fiction writer.
Kaya sumama si Victoria sa mga kaibigang sina Dream, Dawn at Belle sa bakasyon, umaasang magkamilagro at maisulat niya ang hinihingi ng publisher.
Nasagot ang dilemma ni Victoria nang makilala si Roberto sa pagbabakasyon niya sa Palawan. She decided he was going to be her inspiration. Baka maraming pointers na maibigay ang lalaki. After all, he used to be an actor and starred in some sexy films before.
Pero hindi lang siya tinulungan ni Roberto na buuin ang isang nobelang hindi niya inakalang kaya niyang maisulat.
"Make your audience feel something. Arouse their imagination."
Hindi lang yata imagination at creativity ni Victoria ang na-arouse. At hindi lang basta kuwento ang kanilang nabuo...
"Do you think you'll get married someday?"
Iyon ang tanong kay Bea ng kanyang anak na si Tilly. Alam niyang nahihirapan ito sa pagkakaroon ng single parent. Kayasinisikap niyang ibigay kay Tilly ang lahat ng kailangan at kaligayahan nito. Pero may mga bagay talaga na hindi pa rin niya maibigay. Katulad ng ama.
Hanggang sa dumating sa buhay nila si Ryan. He had been the man of her fantasies. Ang celebrity na sobra niyang hinahangaan. But he was also her best friend's ex-boyfriend.
Bea liked the feel of tension with him. Ramdam niya na buhay na buhay siya kapag magkasama sila. Babaeng-babae. Hindi niya ginustong maramdaman ang ganoon sa kahit na sinong lalaki pagkatapos ng nangyari sa ama ni Tilly. Masaya na siya sa kanyang anak at hindi niya kailangan ng pag-ibig ng isang lalaki.
Pero paano ba pipigilan ang puso sa pagmamahal? Ryan was just so irresistible and she couldn't help herself.
Napilitan si Andres na pumasok sa private room ng isang pasyente para sandaling makapaghinga pagkatapos ng nakakapagod na duty. At sa kuwartong iyon, nakita niya ang isang babaeng comatose na hindi niya inakalang magpaparamdam sa kanya ng kakaibang bilis ng tibok ng puso.
Natagpuan na lang ni Andres ang sarili na nagpapabalik-balik sa kuwarto ng babaeng pasyente. Lalo na at tuwing pumapasok siya roon at ipipikit ang mga mata, palagi siyang nananaginip na kaharap at kausap ang babae. Si Alana.
Sa maraming beses na nakakausap ni Andres si Alana sa kanyang panaginip, unti-unti niyang nakikilala ang pagkatao nito, ang mga pinagdaanan. She became a part of his life...
He thought that he was going crazy. He should never fall in love with a comatose woman.
Sinubukan ni Andres na itigil na ang pagpunta sa kuwarto ni Alana para matigil na ang kahibangan. Pero nabigo siya. At sa halip, namalayan na lang niyang ninanakawan na ng halik ang nahihimbing na dalaga.
And he received the biggest surprise of his life when after that kiss, Alana opened her eyes!
Sino ang mag-aakalang sa likod ng pagkatao ni Blu ay maraming misteryong nakatago?
•Ang kinalakhan niyang ina ay hindi niya totoong magulang.
•Siya pala ay anak ng dating senador at apo ng dating presidente.
•Kaya siya nalayo sa piling ng kanyang totoong pamilya ay upang ilayo kay Sally na isang mapanganib na babae.
At ngayon, ang babaeng minamahal niya ay matagal nang comatose at parang imposible nang magising pa...
Mabuti na lang, nariyan si Trutty Charles, ang kapatid ng kasama ni Blu sa The Charmings. Si Trutty ang nagsilbing liwanag sa kanyang madilim na mundo, ang siyang dahilan upang patuloy siyang mangarap.
Pero bigla-bigla, sumulpot si Sally at ang misyon nito: mawala si Trutty sa kanyang buhay.
Hindi mapaniwalaan ni Kate na bilang na ang kanyang mga araw sa mundo. Ni minsan ay hindi niya naisip na magkakaroon siya ng brain tumor. Hindi siya nagkakasakit, wala siyang kakaibang nararamdaman sa katawan. Pinanakitan lang siya ng ulo.
Sa panahong iyon nakilala ni Kate si Eric, ang kanyang "dream man." Labis siyang nainis na noon lang dumating sa kanya ang pagkakataong umibig. Kung kailan siya mamamatay ay saka may dumating upang buhayin ang kanyang puso.
"So do something fun, something crazy, or even something stupid. You're dying, Kate. Sieze every moment. It's okay," ang suhestiyon sa kanya ni Eric.
Ganoon nga ang ginawa ni Kate. Niyaya niya si Eric na samahan siya sa isang beach house. Ninais niyang magkaroon sila ng pagkakataon kahit bilang na ang kanyang mga araw.
Doon niya na-realize na hindi pala si Eric ang tunay niyang minamahal, kundi si Euan na nakikita niya ang katauhan kay Eric.
Hey, it's Matilda. Everyone fondly called me Mattie. I had a very wonderful life. I've had the perfect set of parents, perfect big brother, perfect godmother and godfather, perfect set of friends, and the most perfect boyfriend. Too bad, I had to die.
Naging instant "mama" si Agatha ng dalawang bata nang biglaang pumanaw ang matalik na kaibigan na si Shine. Minahal niya na parang kanya sina Xena at Yogo. Tahimik ang buhay nilang mag-iina hanggang sa bigla na lang nagbalik ang mga ama ng itinuturing na mga anak.
Si Jaco, ang iresponsableng ama ni Xena at ang lalaking minahal nang lubos ni Shine. Paano niya patitinuin ang binata upang maging karapat-dapat na ama sa anak?
Si Paulino, ang mabait na lalaking nagmahal kay Shine at ama ni Yogo. Perpekto ang binata bilang ama. Responsable at stable, ngunit may fiancée na sa palagay ni Agatha ay hindi fit na maging ina ng anak. Paano niya ihahanap ng karapat-dapat na babae si Paulino?
At paano kung napaibig na ni Agatha ang dalawang lalaki? Sino ang kanyang pipiliin? Makakapili ba siya kung alam niya na mawawala ang isa sa dalawang anak?
Si Aiden ang first love ni Aiyana. Nagmahalan sila pero kinailangang magkalayo para matupad ang mga pangarap sa buhay. Paglalayo na nauwi sa ganap na paghihiwalay at pagtatapos ng kanilang relasyon. Hindi inakala ni Aiyana na magkikita uli sila ni Aiden pagkatapos ng maraming taon. Nakabuo na sila ng kanya-kanyang buhay. May kanya-kanya nang naabot at narating. Naging masaya naman ang kanilang mga buhay kahit na wala ang isa't isa. Pag-iisipan pa ba nilang mahalin uli ang isa't isa kahit na hindi naman na yata nila kailangang gawin? Masyado lang bang overrated ang first love?
Pinagbibintangang mangkukulam si Pippa sa kanilang baryo. Sa kanya isinisi ang kamalasan at pagkakasakit ng mga tao. Nang dumating si Ike sa bahay ng pamilya ni Pippa ay inakala niyang tagabaryo ang lalaki at pararatangan din siya ng kung ano-ano. Dahil naiinis na siya, sinindak niya ito.
Hindi naman niya inakala na hihimatayin ang malaking lalaki!
Pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa kaguwapuhan ng lalaki habang wala itong malay. Kaagad na tumibok nang kakaiba ang kanyang puso. Ang lalaki na kaya ang ipinadala ng langit na susunod niyang mamahalin? Ang lalaki na kaya ang hihilom ng lahat ng sugat sa kanyang puso na idinulot ng dating pag-ibig?
Si Ike Agustin na ba ang lalaking para sa kanya?
Isinumpa ni Jhoy na hindi mangyayari sa kanya ang ginagawa ng mga martir na heroine sa mga napapanood niyang telenovela.
"Hindi ko hahayaang umibig ako sa lalaking mayaman. Gaga ba ako para saktan ang sarili ko?"
Magiging wise siya pagdating sa pag-ibig.
Ngunit tila sadyang mapaglaro ang tadhana dahil nakilala niya si Joshua Agustin.
Bigla ay tila nasa isang telenovela siya-isang mahirap na babaeng umibig sa isang guwapo at mayamang lalaki na nalaman niyang pinaglalaruan lang pala siya. To complete the cast-and the plot more interesting-ay nandoon ang matapobreng lola nito na inalok siya ng tseke kapalit ng paglayo niya sa pinakamamahal nitong apo.
Tinanggap niya ang tseke, hindi dahil mukha talaga siyang pera kundi para ipamukha kay Joshua na hindi lang ito ang kayang maglaro. Ngunit sa ginawa niya ay siya rin ang nasaktan sa huli. Dahil kahit gaano pa niya itatwa, ang binata lang ang isinisigaw ng puso niya...
Hindi makapaniwala si Katrina nang muli niyang makita si Harvy pagkatapos ng maraming taon. Oo at madalas niyang naiisip kung kailan at kung paano sila muling magkikita, ngunit hindi niya inakalang magkakasama sila sa trabaho.
He was her high school sweetheart-her first love and first heartache. Ang akala niyang nalimot na niyang nakaraan ay muling nanariwa. Hindi lamang kilig at saya ang nanariwa kundi pati ang pait at sakit na idinulot nito sa kanya.
She knew she was being silly. Napakatagal na mula nang mangyari ang nakaraan. Hindi na dapat bumibilis ang tibok ng puso niya tuwing malapit ito sa kanya.
She couldn't fall in love with him again. She couldn't risk her heart again.
Ngunit mapipigil pa ba niya ang puso niya na mahalin uli ito kung iyon naman talaga ang nakatakdang mangyari?
Gabrielle's boyfriend cheated on her. Wala siyang kamalay- malay na matagal na pala nitong karelasyon ang assistant nito. Kung hindi pa niya nahuli ang mga ito sa akto ay hindi pa niya malalaman. Nagalit siya dahil nasira ng pangyayari ang plano ng buhay niya. Sinisikap niyang ayusin ang nagulong buhay niya nang hindi inaasahang makita uli niya si Agila, ang dating nobyo niya na nagtaksil din sa kanya.
Tila nais nitong maging bahagi uli ng buhay niya ngunit hindi niya ito hahayaan. Iniwasan niya ito ngunit palagi itong sumusulpot sa mga lugar na hindi niya inaasahan. Kahit anong pagtataray ang gawin niya ay hindi ito nagpapatinag. At maraming pagkakataon na tila nais na niyang bumigay. Dahil bumabalik sa kanya ang masasayang sandali na pinagsamahan nila noong sila pa.
Laking pagkakamali niya nang sa ikalawang pagkakataon ay isugal niya rito ang kanyang puso...
Sampung taon na ang nakararaan, mas pinili ni Santino ang magpakasal sa ibang babae. Iniwan niya ang nobya sa probinsiya na si Aurora. Nang malaman niyang ikakasal na ang dating nobya ngayon, napagpasyahan niyang umuwi at saksihan ang pag-iisang dibdib.
Hindi niya inasahan na aahon muli ang ilang damdamin na sampung taon na niyang sinikap ibaon sa limot. Mas nagulantang pa marahil siya kaysa sa bride nang sabihin ng groom na may iba itong iniibig. Iniwan sa altar si Aurora.
Santino was immediately by Aurora's side. Inilayo niya ang dalaga. He thought fate had given him another chance in love. Fate had given back what he had lost years ago.
Nahiling lang niya na sana ay madaling kumbinsihin si Aurora na mahalin siyang muli. Nasaktan na nang labis ang dalaga at hindi na yata kayang sumugal pa.
Ano ang mga kaya niyang gawin upang maibalik ang dating pag-ibig?
Sa batang edad ay iniibig na ni Lavender ang guwapo at sikat na pintor na si Pablo Vicente Munis. Kahit hindi siya pinapansin ni Pablo ay patuloy pa rin ang puso niya sa pagtibok para dito. Patuloy siyang umaasa na magkakaroon sila ng mala-fairy tale na love story.
But he broke her young heart.
Sinikap niyang kalimutan ito; napagtagumpayan naman niya.
And they eventually became friends.
Nagawa rin niyang umibig sa ibang lalaki. When someone broke her heart again, Pablo was there and kept her sane.
Biglang nagbago ang relasyon nila nang dumating sa buhay nila ang limang taong gulang na bata na diumano ay anak ni Pablo. Nag-iba ang ikot ng kanilang mundo. Mas naging malapit sila sa isa't isa at mas nakilala niya ito. Muli, nahulog siya rito. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya sigurado kung makakaahon pa siya. Ang natitiyak lamang niya ay nakahanda siyang isugal uli ang kanyang puso, mabigo at masaktan kung ang mga iyon lamang ang paraan upang maipadama niya rito ang wagas na pagmamahal niya.
Namili si Raven sa dalawang lalaki noong high school siya. Pinili niya ang lalaking sa palagay niya ay tama para sa kanya, si John Paul. Hindi niya tuluyang maamin sa sariling mali ang kanyang pinili. Mas inisip niyang parte iyon ng kanyang paglago bilang isang tao. She loved her life. She loved how she turned into a confident empowered woman. masaya at kontento
si Raven sa buhay kahit na single siya.
Pero parang nagbago ang lahat nang magtagpo uli ang mga landas nila ng lalaking hindi niya pinili noon, si Andrew. He was now Dr. Andrew Mendoza, isang napakahusay na pediatric surgeon. Isang lalaki na nakamamangha ang husay at hangarin.
Raven found herself falling in love with him. Magiging tama na ba ang mga pipiliin niya ngayon? Pero ang pinakamahalagang tanong, pipiliin kaya siya ni Andrew?
Pakiramdam nina JC at Corrine ay perfect example ng bad timing ang bawat pagkikita nila. Naitatanong tuloy nila kung bakit patuloy silang pinagtatagpo, kung bakit nananatili ang espesyal na koneksiyon kung ganoon din lang pala. Corrine was too young when they first met. JC was from a different country. Corrine was in love with Mathias. JC fell in love with his former patient Phylbert. Kung hindi ikakasal ang isa, nasa isang committed relationship naman ang isa. Darating pa kaya ang perfect timing para sa kanila? Were they ever meant to be together?
Isang registered nurse si AJ pero napagpasyahan niyang tanggapin ang alok na maging yaya ng isang showbiz celebrity para makatulong sa pamilya. Wala siyang panahon na ma-in love. Pero sadyang dumarating ang pag-ibig sa pinakahindi inaasahang pagkakataon. Nakilala niya si Dr. Iñaki Salvador.
Magkaiba sila ng estado ng buhay ni Iñaki ngunit mabilis pa ring nahulog ang loob nila sa isa't isa. Naniniwala siya na isang biyaya ang lalaki. Binigyan nito ng kulay ang kanyang mundo. Ipinabatid sa kanya ang mga bagay na hindi niya alam tungkol sa kanyang sarili. Ngunit ang bawat relasyon ay sinusubok ang katatagan. Kung kailan gumaganda na ang trabaho ni AJ at ang relasyon niya sa amo ay saka naman gustong igiit ni Iñaki ang pagpasok niya sa medical school. Hindi siya naniniwala na iyon ang kanyang kapalaran.
Paano magiging doktor ang isang yaya? Naisip din niya na hindi siya ang kailangan ng isang Dr. Iñaki Salvador. Kaya napagpasyahan niyang tapusin ang kanilang relasyon. Pagkalipas ng ilang taon ay natagpuan ni AJ ang sarili na nagtatrabaho sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Iñaki. Noon niya napagtanto na tama si Iñaki. Nakatadhana siyang maging doktor. At tama rin ang kanyang puso. Nakatadhana siyang mahalin si Iñaki habang-buhay.
I'm Jamie and it's my big day. I'm getting married to the most wonderful girl in the world. Every detail of the wedding is beautiful. Today, my new life begins. A new chapter unfolds. I'm gonna be someone's husband.
Everything is perfect. I'm marrying someone I love so much. I'm marrying the girl I can't live without. It's the happiest day of my life.
So let me tell you how I got here. Let me tell you the story. Let me start from the very, very beginning. There was a girl named Matilda, we fondly call her Mattie...
May hindi magandang karanasan sa pag-ibig si Margarette. Pakiramdam niya, siya na ang pinakapangit na babae sa buong mundo dahil mataba siya. May ilang tao pa na nagpababa nang husto ng self-confidence niya.
Upang makaganti at ipahiya ang mga taong iyon, sinabi niya na may asawa siyang mapagmahal. Pinalabas niya na may isang lalaking lubos na umiibig sa kanya sa kabila ng hitsura niya kahit wala naman talaga. Sa puntong iyon ng buhay niya biglang dumating ang isang lalaki.
Inakala niyang masamang tao ang nadatnan niyang lalaki sa ancestral house nila. Nahataw niya ito ng candleholder at gumulong ito sa grand staircase. Inakala niyang napatay niya ito. Ilang araw na walang malay ito. Nang magising ito, walang maalala ito na kahit ano sa nakaraan nito.
Sinamantala niya ang pagkakataon. Pinangalanan niya itong "Rosendo" at ito ang naging "asawa" niya...
Sigurado si Julliana na wala na siyang ibang lalaking mamahalin bukod kay Benjamin. It felt so great to know that the man she loved so much loved her back. Magkasalo sila sa lahat ng bagay-sa hirap man o sa ginhawa. Halos sabay rin nilang inabot ang kanilang mga pangarap.
Kaya hindi niya inakalang darating ang araw na magkakahiwalay sila. Hindi niya naisip na magmamahal ito ng iba. Pagkatapos ng maraming taong pagsasama ay naging magandang alaala na lamang ang masasayang sandaling pinagsaluhan nila.
Paano siya magsisimula ng panibagong buhay na wala ito? Paano siya susulong? Paano muling iinog ang mundo niya na dating umiikot lamang para dito?
Sa murang edad, napakarami nang nangyari sa buhay ni Iarah. Naranasan niya ang mga bagay na hindi dapat maranasan ng isang teenager. Madalas, nais na niyang sumuko na lang. Mabuti na lang at naroon palagi si Vann Allen upang kapitan niya.
Hindi siya pinabayaan nito. Naroon ito tuwing kailangan niya ng tulong. Nais niyang ibigin at mahalin ito sa paraang gusto nito. Ngunit masisira ito kung malalantad sa lahat ang pag-ibig niya.
Hindi niya kakayanin kung ang katulad lamang niya ang magpapabagsak dito. He was the shiniest star. He was soaring in the sky. Hindi niya hihilahin ito pababa.
Mamahalin na lamang niya ito nang tahimik...
Almost perfect-iyon ang buhay ni Hannah. Halos lahat ng bagay ay nakukuha niya maliban sa isa-ang pag-ibig ni Jeff Mitchel. Ordinaryo at boring man ang tingin ng iba rito, ito ang pinakaespesyal na lalaki para sa kanya. Ngunit kahit ano ang gawin niyang pagpapapansin dito, hindi pa rin niya kayang hulihin ang puso nito. Halos magmakaawa na siya rito na siya na lang ang mahalin ngunit hindi pa rin siya ang pinili.
Muli silang nagkita sa Villa Cattleya pagkalipas ng maraming taon.
Doon ay nakatagpo niya ang isang lalaking higit pa rito at hindi siya sasaktan. Ngunit ang nakapagtataka, ito pa rin ang nakikilala ng puso niya...
Phylbert had loved Jace since forever. Sa palagay niya ay wala na siyang ibang mamahalin kundi ito lamang. Anong saya niya nang matupad ang pangarap niya na maangkin ito. She had loved him with all of her heart. Ginawa niya ang lahat upang maging masaya ito sa relasyon nila.
Ngunit isang araw ay nalaman niya na hindi pala siya ang totoong iniibig nito kundi ang kanyang matalik na kaibigan. Ginawa lamang siya nitong panakip-butas. Nasaktan siya nang labis. Pagkatapos niya itong sukuan ay nagdesisyon siyang lumayo na lang at paghilumin ang mga sugat na nilikha nito sa puso niya.
Hindi naglaon ay nagawa rin nilang maging magkaibigan kahit magkalayo sila. Naghilom ang mga sugat at nagawa niyang magmahal ng iba. Akala niya ay maayos na sila, ngunit sa muli nilang pagkikita pagkatapos ng limang taong pagkakalayo ay napagtanto niyang hindi pa rin siya lubusang nakakawala sa pag-ibig niya rito.
Masyadong komplikado at magulo ang buhay ni Nicole nang makilala niya si Dr. Keith Darlington. Nakadama agad siya ng matinding atraksiyon dito. Hinayaan niya ang kanyang sarili na maakit sa lalaki. She thought he was a good distraction from everything that was happening in her life.
They kissed and flirted. Sumama siya rito hanggang sa hotel room. He sweated bullets when his condom shredded on him. Lalong hindi napakali ito nang malaman nitong fertile siya. Tinawanan lang niya ito at sinabing wala itong dapat na ipag-alala dahil wala siyang kakayahang magbuntis. Iyon ang dahilan kung bakit iniwan siya ng kanyang asawa.
Anong gulat na lang nila nang malaman nilang buntis siya sa muli nilang pagkikita.
Batang-bata pa si Khloe nang umibig kay Zantiago. Kumbinsido ang dalaga na si Zantiago ang lalaking para sa kanya at mahal din siya ng binata. Hindi alintana ni Khloe kahit na buo ang paniniwala ng lahat na isang "binabae" si Zantiago. Alam ng kanyang puso na isa itong tunay na lalaki. Napatunayan na niya iyon nang minsang hagkan niya si Zantiago at tumugon ang katawan nito.
Alam ni Khloe na kailangan lang ni Zantiago na magpanggap na binabae upang makasali sa isang beauty pageant na may malaking premyo. Kailangan ng pera ni Zantiago kaya sinuportahan ni Khloe sa abot ng kanyang makakaya. Minahal niya ang binata at niyakap ang buong pagkatao nito.
Pagkakuha ni Zantiago ng korona, umalis ito at iniwan si Khloe. Labis na nasaktan si Khloe ngunit wala nang nagawa kundi pakawalan ang binata kahit na nasaktan nang labis ang kanyang batang puso.
Pagkalipas ng maraming taon, nagbalik sa buhay ni Khloe si Zantiago. Madurugtungan ba nila ang kahapon sa kabila ng pagkakaroon ng magkaibang buhay? Sila pa rin ba ang dalawang batang wagas na nagmahalan noon?
Sa unang pagkikita pa lang ay minahal na ni Cai si Wilder. Ang lalaki ang kanyang unang pag-ibig. Hindi nga lang siya pinalad dahil ibang babae ang nakapukaw ng pansin nito. Ibang babae ang minahal ng puso nito.
Imbes naman na tumigil na ang kanyang puso, patuloy pa rin iyong nagmahal. Palihim siyang nagmahal at umasa na magkakaroon din sila ng pagkakataon. Naging maganda naman ang bunga dahil dumating ang panahon na napansin at minahal siya ni Wilder.
Ngunit minahal nga ba siyang talaga ni Wilder o ginawa lang panakip-butas? Napansin lang ba siya dahil siya ang hindi umalis sa tabi nito?
Paano kung bumalik na ang talagang babaeng mahal nito? Paano na siya?
Nang makilala ni Charlotte si Clinton Quirino ay agad nahulog ang loob niya rito. Habang nakikilala niya ang pagkatao nito ay lalo siyang napapamahal. Hindi niya napigilan ang pangangarap ng isang magandang wakas para sa kanila dahil ipinapakita nito sa kanya na espesyal siya para dito. Pakiramdam niya ay may pagtingin din ang binata sa kanya.
Pero isang araw ay basta na lang umiwas sa kanya si Clinton. Hindi na ito nagparamdam. Hirap na hirap ang kalooban niya sa panlalamig na ipinapakita nito sa kanya.
Marami siyang nalamang mga bagay tungkol dito-mga bagay na hindi maganda. Mahal niya si Clinton. Pero paano niya tatanggapin ang lahat?
Kung may natutunan man si Johanna sa buhay pagkatapos siyang takbuhan ng mapapangasawa niya sa araw ng kanilang kasal, sa mismong harap ng altar, iyon ay walang kasiguruhan ang anumang bagay sa mundo. Napagpasyahan niyang umuwi sa Pilipinas upang paghilumin ang mga sugat. Nagtungo siya sa bar gabi-gabi. Her best friend was afraid she would self-destruct.
Sa unang bar na napuntahan ay nakilala ni Johanna ang isang napakaguwapong lalaki. They talked without giving each other's name and number. Nang sumunod uling gabi, sa ibang bar ay muli silang nagkita nang hindi sinasadya. Makailang beses silang nagtagpo kahit na hindi nila pinag-uusapang magkita. Naisip niya na waring pinagtatagpo sila ng tadhana.
Dahil sariwa pa kay Johanna ang nangyaring pag-iwan sa kanya ng longtime boyfriend, ayaw muna niyang mapaugnay sa kahit na sinong lalaki. She stopped going in the bars. Ngunit waring talagang pinagtatagpo sila ng lalaki dahil muli silang nagkita sa loob ng operating room. The man was Dr. Garrett Mendoza, isang mahusay na siruhano sa bagong ospital na pinagtatrabahuhan ni Johanna.
Was he the one? Iyon ba ang nais sabihin ng tadhana sa kanya?
Sybilla was a driven hotshot surgeon. Isa siya sa pinakamahuhusay. Walang gaanong importante sa kanyang buhay kundi ang maging pinakamagaling sa larangan ng medisina. Dahil masyadong nakatuon ang buong puso at isipan sa trabaho, hindi na siya gaanong nakakapag-isip tungkol sa ibang mga bagay. Kagaya ng pag-ibig. Hindi na siya nakikipagrelasyon. Wala siyang panahon para sa true love. Sa kanyang palagay ay isa siya sa mga babaeng hindi na mag-aasawa dahil kasal na siya sa karera. Ngunit waring nagbago ang kanyang pananaw nang makilala niya si Dr. Mathias Mendoza. Nakaramdam siya ng kakaibang puwersa na waring malakas na humihila sa kanya palapit dito. Hindi niya maipaliwanag ang matinding atraksiyon na noon lang niya nadama sa isang lalaki.
Sybilla had so many reasons why she shouldn't fall in love with Mathias. He was her superior in the hospital. He was too intense for her. He was an alpha and so was she. At ang pinakamalaking dahilan kung bakit kailangan niyang puksain ang kakaibang damdamin: nobyo ng kanyang kapatid si Mathias.
Subalit bakit ganoon? Mientras na pinipigilan niya ang sarili ay mas lumalago ang kanyang nadarama. Mas nahuhulog siya kay Mathias.
Ako si Petra, isang simpleng dalaga na nagmahal at nasaktan. Inakala ko na magiging maayos ang lahat sa pagitan namin ni Mark, ang aking boyfriend. Sure, things weren't exactly good the past few months but he was trying to shed those unwanted fats. Naiintindihan ko naman na hindi madali ang pinagdadaanan niya. Pero mali ako ng inakala dahil nakipaghiwalay siya sa akin at inalok ng kasal ang kanyang trainer.
I was really angry so I had the right to be crazy. Nalaman ko ang tungkol kay Madam Virukka, isang magkukulam extraordinaire. Kailangan kong mapagbayad ang ex ko sa ginawa niya sa akin. Nagpasya akong umakyat sa Baguio. Sinamahan ako ng isang mabuting kaibigan, si Daniel. Siya rin ang nagpautang sa akin ng pambayad sa mangkukulam.
Okay naman ang lahat. Maayos ang naging meeting namin ni Madam Virukka. Nalinaw ko sa kanya ang mga gusto kong mangyari. Ang problema lang, cap ni Daniel ang naibigay kong gamit para sa kulam imbes na cap ni Mark. Sa madaling-salita, si Daniel, ang kaibigan kong terrific and awesome ang nakulam.
May pangontra naman sabi ni Madam Virukka. True love's kiss. So ang sunod ko na lang namalayan ay hinahagkan na namin ni Daniel ang isa't isa.
Isang matinding writer's block ang dinaranas ng romance novelist na si Anne. Para makapagpahinga at para na rin makahanap ng inspirasyon, sumama siya kay Nigel nang umuwi ito sa probinsiya nito sa Mahiwaga.
Doon ay naramdaman niya ang pagmamahal at pagtanggap ng isang pamilya-bagay na hinahanap-hanap niya. At dahil na rin puno ng pag-ibig ang magandang lugar na iyon, nanumbalik ang drive niya sa pagsusulat. Naging masaya ang pananatili niya roon, lalo na't kasama niya si Nigel.
Ngunit isang halik ang nagpabago sa kanilang relasyon. Nais man niyang mahalin ito nang buong-buo ay sarisaring negatibong damdamin ang pumipigil sa kanya. Magagawa ba niyang palisin ang mga iyon upang makapiling ang binata?