Hi I\'m Peynstorymaker, I love reading and writing.
If you like my stories please share and follow me here in Dreame App.
Thank you so much
and Godbless
Binigay ni Carlo sa akin ang isang short enveloped na may lamang sulat. Kinuha ko ito at agad din binuksan at tinignan ang nakasulat sa loob. Nang mahugot ko na ang dokumento agad bumungad sa akin kung ano ang nilalaman nito.
Annulment letter
"Pirmahan mo na yan, pumayag na si mommy na maging malaya ako" sabi nito.
Natulala ako at halos diko mapigilan ang pag patak ng luha sa mga mata ko.
"Excited na ako makasal sa taong totoo ko mahal!" muli sabi nito.
Patuloy ang pag patak ng luha ko. "C-carlo" Yun lang nasabi ko nang hihina na ako.
"Carlo, mahal na mahal kita, please naman"lakas loob na sabi ko halos mapaluhod na ako sa kanya.
"What are you doing?" Sabi nito.
"Hindi ko kaya mawala ka sakin please" sabi ko rito.
Itinayo nya ako mula sa pag kakaluhod ko sa kanya.
"Misty! Wag ka nga magmakaawa dyan! makita ka pa ni mommy! ano nalang sasabihin sakin nun!" sabi nito. Pero patuloy parin ang pag iyak ko.
"Carlo, ni minsan ba hindi mo ako natutunang mahalin?" Tanong ko rito.
"Oo Misty! Ni minsan hindi ko naisip na minahal kita! Kahit katiting wala ako nararamdaman kaya please lang palayain mo na ako! Ayoko na sayo! Ni minsan hindi ako masaya kasama ka!” sabi nito.
Sobrang sakit walang halong pag aalinlangan ang nakita ko kasagutan. So siguro ito na nga yun.
Palayain siya para maging masaya sya at tanggapin nalang na hindi talaga siya yung taong minahal ko noon hindi na sya yung taong naging king of the night ko nung prom, hindi na siya yung taong nakasayaw ko nung gabing yon sa garden kung saan ginanap ang js prom namin nung high school.
Ang sarap balikan yung mga panahon na akala ko ay may pag tingin din siya sa akin.