Heavenly Bodies II: CeresUpdated at Jan 11, 2022, 19:53
Warning: Read at your own Risk!!!
Rated SPG ALERT! may mga eksena sa kwentong ito na hindiangkop sa mga may edad na 18 pababa!!
Ipinaglaban ni Graciella si Jordan sa kanyang pamilya kahit na hindi sang-ayon ang mga ito sa kanilang relasyon.
Pero noong matapos ang kasal nilnag dalawa, doon na ipinakita ang totoong hangarin ni Jordan, ang makuha ang kung anong meron sa pamilya bi Graciella.
Ikinulong, sinaktan ni Jordan si Graciella, hanggang sa maibigay niya kung ano ang hinihingi niya, pero nagmatigas si Graciella, hanggang sa makatakas siya sa kamay ng kanyang asawa.
Nang makatakas si Graciella, isang aksidente ang nangyari na siyang sumira sa mukha niya.
Matapos ang aksidente, nakilala niya si Ceres, isang Multi-billionair na may-ari ng KC Empire, isa sa pinakamalaking kompanya sa buong bansa.
Nagkasanudo silang dalawa, si Graciella na babalikan ang kanyang asawa para bawiin ang lahat na dapat sa kanya, at si Ceres para matakasan ang kasunduang ginawa ng kanyang ama na ipakasal siya.
Si King Ceres, isang woman-hater. Ang tingin ni Ceres sa lahat ng babae ay manlolo, mapanakit, at mapagsamantala dahil sa kanyang nakaraan. Ipinangako niya sa kanyang sarili na walang babae ang hahayaan niyang makapasok sa kanyang puso.
Sa kanilang kasunduan, may mangyayari bang hindi nila inaasahan, o tutuparin nila kung ano ang pinag-usapan na hindi dapat magkagusto si Graciella sa kanya?