Story By Sami
author-avatar

Sami

ABOUTquote
im hopeless romantic and like to day dream alot. im here just to try to write my thoughts. hope you will like it. follow me at SAMI- romance story writer
bc
MY HANDSOME HOUSEMATE IS A BILLIONAIRE (((SPGR-18)))
Updated at Nov 11, 2024, 19:43
(((SPG SPG SPG R-18))) Paano kung sabihin ng pinakamamahal mong lalaki na may mahal na syang iba? Matapos mong ibigay ang lahat at sa kanya lang umikot ang mundo mo, iiwan ka lang pala nang makahanap sya ng iba. Paano ka magmomove on sa halos limang taon ninyong pagsasama? paano mo bubuuuin ulit ang iyong sarili. Habang lugmok ka sa kalungkutan ay isang gwapong lalaki ang makakasama mo sa bahay. Hot at sobrang nakakaakit ang katawan ngunit mukhang mahirap pa sya sa daga. Babalikan mo ba ang dati mong asawa na cheater na gustong makipagbalikan o susubok ka sa taong dumamay sa iyong kalungkutan ngunit hindi mo pa lubos na kilala?
like
bc
Seducing My Hot Professor (SPG R-18)
Updated at Sep 22, 2024, 01:10
si sir na may fiance na at malapit nang ikasal. may magagawa oa ba ang makulit niyang estudyante?
like
bc
My Brother in Law
Updated at Jul 17, 2024, 21:53
Inampon si Isay ng isang mayamang lalaki na may dalawang anak na lalaki. ang isa ay mabait at ang isa naman ay masama ang ugali. Kailangan nyang pakasalan ang lalaking masungit at arogante. Nais ng ama na baguhin ang masamang ugali ng anak. Ayaw nya man ay kailangan nyang sundin ang adoptive father na nagpapaaral sa kanya. Ayaw din ng lalaki sa kanya pero wala rin itong magawa kundi sundin ang utos ng ama dahil sa pangakong mana, sasakyan at kumpanya. Ang nais lamang ni Isay ay ang magkapamilya ngunit ang kapalit nito ay sobrang pasakit sa pagpayag na pakasal sa lalaking ayaw sa kanya. Si Marco na gagawing miserable ang buhay niya. Sa kabilang banda, inlove na sa kanya ang isang anak ng ama amahan na si Mikee. Kasundo nya na noon pa man at naging mabuti sa kanya. Gagawa ito ng paraan para mabawi ang babaeng minanahal sa kapatid nitong makasarili. Sa pag alis ng babae sa poder ng asawang mapanakit ay doon marereliaze ng lalaking unti unti na syang nahuhulog sa babaeng kinamumuhian. Paano nya pa mababawi ang babaeng iba ang mahal at may ibang lubos na nagmamahal? 200fulstory piemSAMIromancestorywriter
like
bc
Bawal na Pag-ibig
Updated at Apr 19, 2024, 20:25
Bata pa lang sina Rome at Kaye nang magkakilala. Ngunit sa unang tagpo pa lamang ay di na maganda ang nangyari sa dalawa.Ayaw ni Kaye sa mga lalaki dahil sa naranasan niyang trauma kaya naman nang abutan sya ng sulat ni Rome ay pinagpunit punit niya ito at hinagis sa mukha nito.Napahiya ang batang lalaki at kinimkim niya ito hanggang sa kanyang paglaki. Ang ama naman ni Rome ay may lihim na galit sa ama ni Kaye nang di ito pautangin para sa pagpapagamot ng asawa at di kalaunan ay binawian ng buhay. Matindi ang galit ng mga ito sa mag-amang Kaye at Carl kaya pinlano nila ang paghihiganti. Ang paibigin ang babae at kunin ang kumpanya ng ama nito. Kapalit ng mga naranasan nilang paghihirap noon. Bata pa lang sina Rome at Kaye nang magkakilala. Ngunit sa unang tagpo pa lamang ay di na maganda ang nangyari sa dalawa.Ayaw ni Kaye sa mga lalaki dahil sa naranasan niyang trauma kaya naman nang abutan sya ng sulat ni Rome ay pinagpunit punit niya ito at hinagis sa mukha nito.Napahiya ang batang lalaki at kinimkim niya ito hanggang sa kanyang paglaki. Ang ama naman ni Rome ay may lihim na galit sa ama ni Kaye nang di ito pautangin para sa pagpapagamot ng asawa at di kalaunan ay binawian ng buhay. Matindi ang galit ng mga ito sa mag-amang Kaye at Carl kaya pinlano nila ang paghihiganti. Ang paibigin ang babae at kunin ang kumpanya ng ama nito. Kapalit ng mga naranasan nilang paghihirap noon. ?BAWAL NA PAG-IBIG?
like
bc
The Mafia Prince (FREE FREE FREE)
Updated at Nov 10, 2023, 00:46
FREE FREE FREE Paluwas sana ng Maynila si Belle at ang kanyang lola ngunit ilang kalalakihan ang dumukot sa babae para ibenta. Sa grupo ng sindikatong iyon ay miyembro ang lalaking si Prince. Kanang kamay sya ni Big boss. Humiling sya sa kanilang boss na ibigay na lang sa kanya ang nakukursunadahang babae na si Belle. Sumama naman at nagtiwala ang dalaga sa binata nang mangako itong hahanapin ang kanyang lola. Ibinigay nito ang hiling ng lalaki kapalit ng pangakong tulong. Naging mabuti naman si Prince sa dalaga at itinuring itong Prinsesa ngunit di nito tinupad ang pangakong hanapin ang lola ng dalaga. Hanggang sa nabuntis ang dalaga pero bawal ang magdalang tao sa kanilang samahan. Sa takot ng binata na mapalayas ay ninais nito na ipalaglag ang anak nila ng dalaga. Dahil doon ay napilitan si Belle na iwan na ang lalaking sinasandalan at ang lalaking sumira din ng kanyang pagtitiwala. Itutuloy pa ba ni Beole ang pagbubuntis? Ano ang gagawin ni Prince sa pagkawala ng minamahal na dalaga? Paano kung magkita silang muli makalipas ang ilang taon?
like
bc
The Playboy Billionaire's Love
Updated at Jul 25, 2023, 07:27
fullstory p.iem. sami-rimance story writer. WithFEEpo. “Sakay,” galit na sabi nito kay Mary. Agad niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at saka siya sumakay sa tabi nito. Sumulyap si Mary sa mukha ni Luke na nakasimangot at mainit ang ulo nito. “What?” masungit na sabi ng binata. “Wala lang. Bakit ka galit? Ako na nga ang pinag-intay mo.” “Can you just shut up?” maangas na sabi pa ni Luke sa babae. “Sabi mo what tapos ngayon shut up.” “Nakakabadtrip ka, kung ‘di lang ako mapapagalitan na di kita kasama, ibababa kita sa gitna ng kalye.” Bumuntong hininga na lang si Mary at di na sinabayan pa ang init ng ulo ng binata. “Kalma! Kalma! Kalma!” sabi ni Mary sa sarili. “F*ck!” biglang sabi ni Luke “Anong nangyari? Nakabangga ka ba? Ano?” “Naiwan ko yung wallet ko kina Bryan! Bw*sit.” “Balikan mo bukas. Mawawala ba ‘yon? Yun lang pala, pinakaba mo pa ako.” “Not that. Wala na akong gas.” “Oh, 100. Pagas mo na lahat yan. Simple problem, cannot be solved.” “Nagpapatawa ka ba? Saan aabot yang 100 mo. I need 2000 para i-full thank itong sasakyan ko.” THE PLAYBOY BILLIONAIRE'S LOVE FULLSTORY pm sami-romance story writer 200fee
like
bc
Cruel Billionaire (SPG R-18)
Updated at Jun 16, 2023, 03:24
Pinahirapan at pinagsamantalahan ng malupit na bilyonaryo si Ella. Maganda sya at mayamang babae. Ama daw niya ang dahilan ng pagkamatay ng pamilya ni Nathan. Ang malupit na bilyonaryo na naghiganti sa inosenteng babae. Paano kung mahulog ang damdamin ng malupit na lalaki sa magandang babaeng kunamumuhian na sya? WARNING: mapanakit po ang istorya. DARK ROMANCE at may pagkabrutal sa umpisa. READ AT YOUR OWN RISK...
like
bc
My Hot Pervert Stalker
Updated at Jun 2, 2023, 02:34
Naka-dress ako at flat sandals. Gusto kong maging maganda sa paningin niya sa buong araw at sa akin lang sya titingin . Naisipan naming mag-kape at habang nasa coffee shop ay nag-iba ang timpla niya. May ka-text siya at mukhang seryoso. “May problema ba?” tanong ko. “W-wala naman. May inaasikaso lang. “ Naging busy sya sa kanyang phone. Ako naman ay paunti-unting kinakain na lang ang cake na binili niya at iniinom ang kape. Umalis pa nga sya para sagutin ang tawag niya sa phone na ayaw iparinig sa akin pero bumalik rin sya makaraan ang ilang minuto. “Pinapauwi na ako ni Dad,” saad niya na may pag-aalala. “Sige, uwi na tayo,” wala na akong nagawa. Pero sabi niya wala na ang daddy nya. Sa byahe ay tahimik lang sya. Focus sa pagda-drive at di ako pinapansin kahit panay ang sulyap ko sa kanya. “May problema ba?” ulit kong tanong sa kanya. “Si Dad kasi, ano. Basta. Hindi ko pa sure pero may sasabihin daw syang importante.” “Ok. Si papa pala, gusto nya na magkwentuhan daw kayong dalawa kelan ka pupunta ng maaga sa bahay?” “S-sige, next time kamo,” halata ang pagkabalisa niya at pagmamadali. Ako naman ay nakadungaw lang sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan hanggang sa makarating sa aking bahay. Agad din syang umalis pagkababa ko. Walang kiss o kahit na kaway. “Ang aga mo akala ko mamayang gabi ka pa.” saad ni Papa. “Eh, nagkayayaan na po eh. Nagmamadali nga si Angelo.” “Ok, magbihis ka na at magmerieda. Wala syang message that night kaya ako na ang nagtext sa kanya. Me: Hi babe. How are you? How’s your dad? Nakauwi ka na ba? Ano kayang nangyari? Nagka-emergency ba sila sa bahay? Bakit ayaw niyang sumagot sa message ko. Nag-aalala tuloy ako ng buong gabi na yun.. Umaga ng magising ako ay wala pa rin syang message. Nag-ayos na ako para maagang makita sya. I’m so excited dahil for sure nasa lobby nanaman yun at hinihintay ako. Hwag ka nang magpabulaklak Angelo ha. Wala na yung atraso mo sa akin kahapon. Isang kiss lang ok na ako at wala na ang tampo ko. Kilig na nag-iimagine ako habang naliligo. Todo ngiti ang mga labi ko na aabot na yata sa tenga. Miss ko na ang mokong na yun na di man lang angtext kagabi. “Wow! Ang ganda ng anak ko ha. Blooming. Inlove na inlove yan.” “Papa talaga. Blooming naman ako palagi.” Sa jeep ay di pa rin mawala ang mga ngiti ko. Baka akalain pa ng ibang pasahero ay naloloka na ako. Halos patakbo akong pumasok na sa building. Hinanap agad siya ng mata ko pero bakit ganoon? Wala sya. Hindi ba sya pumasok? Baka nga nagkaemergency sa bahay nila. Sa elevator ay malungkot akong sumakay at habang umaakyat ay naiimagine kong magkahawak kami ng kamay. Binati ko ang aking mga kaibigan at mga kasamahan sa trabaho saka nagsimula na sa aking mga gagawin. Plano kong mamayang lunch break ay kausapin at tanungin ang friends niya sa tambayan nila kung bakit wala si Angelo. Nagmadali akong pumunta sa canteen pero wala sya. Wala din ang mga friends niya.Nag-aalala talaga ako sa lalaking yun. Di naman sya ganun at lagi pa ngang nagpapapansin sa akin pero bakit wala sya ngayon? Sa tambayan nila ay sumilip ako. Nakita ko muna si Dion dahil sa lapad ng likod nito. Malaking lalaki kasi ito at sa tabi nya ay si Angelo. Kilala ko na rin ito kahit nakatalikod. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ito at nandoon lang pala. “Angelo,” tawag ko sa aking nobyo. “A-alice,” gulat na saad nito. “Who is she babe?” saad ng isang babae na di ko napansin na nakaupo pala sa tabi nito. “A friend. Si Alice.” pakilala sa akin ni Angelo sa babae. Bakit biglang naging friends lang kami. Ano bang nangyayari? “Hi! I’m Patty, Angelo’s girlfriend,” pakilala ng babae sa akin at para akong nabuhusan ng malamig na tubig. “Hi!” bati ko. Nakatingin ako sa babae at pagkatapos ay tumingin ako kay Angelo na may pagtataka sa aking mukha. “May kailangan ka sa boyfriend ko?” tanong ng babae sa akin. Boyfriend niya ang boyfriend ko? “May itatanong lang sana ako pero nakalimutan ko. Aalis na ako. Agad akong tumalikod at naglakad paalis,” hindi ko napigilang ang pagbagsak ng aking luha dahil sa sakit. Wala man lang masabi si Angelo at hinayaan lang akong umalis. f.bi.page sami-romance story writer
like
bc
VICTIM: Kidnapped by a Bad Billionaire
Updated at Dec 30, 2022, 03:26
WARNING. mature content for 18+ I was kidnapped. Ginabi kasi ako ng uwi galing sa birthday party. Pagkababa ko ng jeep at imbes na magtricycle ay naglakad lang ako pauwi dahil malapit lang naman. Isang itim na van ang tumigil sa tabi ko at agad akong isinakay. Nawalan ako ng malay at nagising ako dahil sa ingay ng mga taong nag-uusap. Nakahiga ako sa kama. Naka aircon at balot ng kumot ang aking katawan. Suot ko pa rin ang damit na suot ko nang kidnapin ako nang suriin ko ang aking sarili. Hindi sya. Mga gag*. rinig kong sabi ng isang lalaki na galit na galit. Sorry po boss. Akala namin sya. Magsilayas nga kayo! Maya-maya ay may nagbukas ng pinto at bigla akong nahiga at kunwaring natutulog pa. Narinig kong may ipinatong syang kung ano sa mesa. Pagkarinig ko ng sara ng pinto at saka ako bumangon at tiningnan kung ano ang dala ng taong pumasok sa kwarto. May pagkain at juice. Sa gutom ko ay kinain ko agad iyon. Naisip kong baka may lason o pangpatulog ang pagkain nang maubos ko na ito. “Ano pang magagawa ko kung nakain ko na?” May sariling banyo ang kwarto. Halatang nasa malaking bahay ako dahil kwarto pa lang ay malaki na. Walang bintana at medyo madilim ang loob. Maya-maya ay may pumasok ulit sa kwarto. Naka face mask sya. Maliit at matabang lalaki Hoy, bakit nyo ako kinidnap? Wala kaming pera. Sorry miss. Nagkamali ang mga kumuha sa ‘yo. Pakawalan nyo na ako kung hindi naman pala ako ang dudukutin ninyo. Mataray na saad ko Iniintay lang namin ang desisyon ng boss namin. Hwag kang mag-alala at pakakawalan ka rin. Eh sino ba dapat ang kikidnapin ninyo? Mahinang saad ko at pag-uusisa sa kanya. Yung babaeng gusto ni Boss. Kaso ang mga gunggong na kidnaper. Ikaw ang kinuha. Bulong din nito sa akin. Mga tanga nga. Eh sino bang boss mo? Panget siguro kata di magustuhan ng babae. Feeling close na kami agad mag-usap. Mukha naman syang mabait at di ako gagawan ng masama. Hindi ah. Napakagwapo noon kaso hindi sya gusto ng babae. May ibang gusto yung babae pero sinisiguro ko sa yo na sobrang gwapo ng boss ko. Talaga? Bakit hindi sya gusto? May attitude yang boss mo malamang? Hindi ko rin alam pero parang ganun na nga. Hwag ka na lang maingay ha. Sige na dyan ka na. Mabuti at kinain mo ang pagkain at di ka nagwawala dito. Sayang lang ang energy ko. Kelan daw ako pauuwiin? Basta. Balitaan kita mamaya. Wala man lang tv. Bigyan mo na lang ako ng libro. Tsaka anong ulam mamaya? Wala pa. Antay ka lang. Lalabas na ako. Ano ba yan. Buburuhin ba nila ako dito. Di pa naman ako sanay ng ganitong walang ginagawa. Nakaupo ako sa kama at nakatulala lamang nang bumukas ang pinto at may hinagis ang bantay. Limang libro ang nasa sahig. Panay ingles na novels at napasimangot ako. Kinuha ko na rin at susubukan ko itong basahin. Ilang pahina pa lang ang nababasa ko ay nakaramdam ako ng gutom. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakalock ito sa labas. Hoy, gutom na ako. Pameryenda naman kayo! Sigaw ko sa singaw ng pinto at ilang beses na tinapik ng malakas ang pintuan. Bumalik na lang ako sa kama para itry ulit basahin ang english na libro para makalimutan ang gutom ko. Ilang pahina pa ulit at nakatulog naman ako. Bumukas muli ang pinto at pumasok ulit ang lalaki na may dalang pagkain. Hoy, dalan mo akong snack mamaya. Nakakagutom ang walang ginagawa. Walang tinapay. Puro kanin at ulam lang. Pwede na rin. Basta pagkain at hindi naman ako mapili. Hwag nyo lang akong llasunin. Hindi naman ako magsusumbong . Mamaya ha. Bilin ko pa sa lalaki. Sige na. Ang kulit mong hostage. Takot magutom at ang daming demand. Ayoko lang mamatay sa gutom at sa pagkainip. Teka, nasaan ba ang boss mo? Gwapo ba talaga? Papasukin mo dito. Magkwentuhan kamo kami. Hay, ewan ko sa ‘yo. Dadalan na lang ulit kita ng pagkain mamaya. Pwede nya kamo akong jowain kung ayaw nung babaeng gusto niya. Sinaran na ako ng pinto ng lalaking kausap ko. Hopeless romantic ako at may jowa na walang kwenta. Pinagtitiyagaan ko lang dahil nililibre ako palagi pero nabubwisit na ako sa sobrang seloso at pagkapossessive. Bawal umalis, bawal bumarkada tapos ang boring naman niyang kasama. Hindi pa malambing. Ano sya pangalawang tatay ang peg? Mabuti at nasa abroad sya ngyon at nakakaalis ako kasama ng mga kaibigan ko. Pagkakain ay nagkaenergy ako at feeling ko ay mababasa ko na ang english novel na ibinigay sa akin. Naiintindihan ko naman kahit papaano. Interesting ang istorya na Isang lalaki ang nangidnap ng isang babae. Mahal na mahal niya ang babae ngunit kahit kelan ay di sya magawang mahalin ng babae kaya kinulong na lang niya ito sa kanyang mansyon at inangkin ang katawan nito. Bumukas muli ang pinto. Isang lalaki na matangkad ang pumasok. Hindi ang kaninang kausap ko. Matipuno ang katawan. Halata na may abs ito at ang yummy ng braso nito na halatang nagwe-weights. Medo madilim pero aninag ko sya. Naka face mask pero mukhang gwapo sa palagay ko. Kulot at bahagyang mahaba ang buhok at hindi ang bantay kanina
like
bc
Husband's Regret (tagalog)
Updated at Aug 10, 2022, 03:56
isang babaeng nagmahal at tumulong. ngunit hindi sinuklian ang kanyang kabutihan bagkus ay pinag-isipan pa siya ng masama. iniwan siya ng asawa at nakakita ng mas maganda at mayaman. isang lalaking tinulungan niya ang pinagbintangan pa syang magnanakaw. nakaranas siya ng matinding paghihirap lalo na ng iwanan pa sya ng dalawang bata ng dating amo at inako niya ang responsibilidad. sya ay nagsumikap at pinakita sa dalawang lalaki na nangbalewala sa kanya na kaya niya at di nya kailangan ang tulong nila. doon hahanga ang dalawang lalaki sa babae at mag-uunahan para mapaibig sya.
like
bc
I LOVE YOU, I HATE YOU
Updated at Jul 29, 2022, 00:13
#summerupdateprogram Si Eri ang boss na masungit at suplado. Istrikto at perfectionist. Si Miles naman ay simpleng empleyado na nagkacrush sa kanyang boss dahil sa kagwapuhan nito. Dahil sa madalas silang magkasama kahit nag-aaway ay nahulog din ang loob ni Eri kay Miles. Ngunit sinubok ng ilang beaes ang kanilang relasyon dahil sa laging nawawalang parang bula ang lalaking si Eri. hanggang sa magkita silang muli na parehong may sikretong galit sa isa't-isa. magkakaayos pa ba at magkakalinawan? mapapaliwanang ba nila ng ayos ang kanilang mga panig? Basa na.
like
bc
Stalking My Ex
Updated at Jun 27, 2022, 19:39
Ginamit lang ni Andrew si Seline para gumanda ang reputasyon nya sa kumpanya at makaiwas sa isyu ng pagiging babaero. Pinakasalan niya ito ngunit nagpatuloy sa pangbababae. Hindi raw kasi ito sexy at puro pagkain ang naiisip. Nahuli ni Seline ang asawa na may kahalikang ibang babae at sa galit ay lumayas sya. Sa muli nilang pagkikita ay natulala si Andrew dahil gumanda at sumexy na ang babae. Paano niya makukuhang muli ang dating asawa? Pagkakatiwalaan pa ba syang muli ni Seline?
like
bc
Sana Ikaw ay Maging Akin
Updated at Feb 20, 2022, 23:18
“Pumunta ka ulit sa apartment ni Carlo at may papakuha akong files dahil mukhang ‘di nanaman papasok yung lalaking ‘yon. Tinatawagan ko na pero ‘di sumasagot. May kailangan s’yang ipasa na urgent at Ikaw lang ang nakakaalam ng apartment n’ya. In return ‘di na kita lalagyan ng late sa record mo.” “Hwag na po ako Ma’am, please! Ang sungit po ‘non” “On the way ka na rin ‘di ba? Hwag nang maraming tanong. Pumunta ka na agad kung ayaw mong mapagalitan ng Head natin.” “Hay, ayoko pa naman sanang pumunta doon at baka magalit nanaman yung masungit na ‘yon.Tsaka, ok na kami na walang communication sa isa’t-isa,” sabi ko sa sarili na naiinis sa sitwasyon. Pero napilitan na rin akong pumunta sa apartment ni Carlo para mabawi ang late ko at para magkaroon ng malaking chance na ma-regular ako sa work kung wala akong late record. Pagdating ay kumatok ako sa pinto ng apartment at binuksan n’ya naman agad ito. Nakatapis nanaman s’ya at bagong paligo pa lang. Nakita ko nanaman ang abs nya at firm na ma-muscle n’yang braso. “Ayoko ng makita ang mga bagay na ito,” bulong ko sa sarili. “Bakit nandito ka nanaman? Stalker ka ba? Sabi ko na hwag ka nang pupunta dito ‘di ba?” pagsusungit n’ya nanaman. Kung pumasok ka ng maaga, hindi sana ako pupunta dito. May pinapakuha lang si Ma’am na files kaya bigay mo na sa akin. Bilis!” pagsusungit ko din. “Sige na, pumasok ka muna,” anyaya n’ya. “Hindi na. ibigay mo na yung file para makaalis na agad ako,” pagtanggi ko na pumasok sa loob ng apartment. “Kung ayaw mo hwag. Bahala kang mainitan dyan sa labas.” sabay pasok n’ya sa loob ng bahay pero iniwan n’ya ang pintong nakabukas kaya pumasok na rin ako dahil maaraw sa kinatatayuan ko. “Wala ka namam palang sakit. Dapat tumawag ka sa office na mala-late ka lang,” panenermon ko sa kanya habang papunta ako sa study table niya. “Sino ba may sabing may sakit ako? Na-late lang ako ng gising, pumunta ka na agad. Nasasanay ka ng pumupunta mag-isa dito. ‘Di ka ba nahihiya?” pang-iinis nanaman n’ya habang hinaharang ako at di makalapit sa table niya Excuse me! Ang kapal mo. Oo, nakakahiya talaga at nahihiya ako sa sarili ko kung bakit pinapatulan pa kita. Eh, di ka naman worth na kausapin tsaka, para sabihin ko sa ‘yo na pag-utusan lang ako. Akala mo ba na gusto kong pumunta dito?” ‘di ko maiwasang talakan s’ya dahil sa mga sinabi n’ya. “Baka nga. Baka gusto mo lang akong makita,” pang aasar n’ya pa. “Bakit ko naman gugustuhing makita ka? Sino ka ba at nakakainis ka kaya. Padaanin mo kaya ako para makuha ko ng yung files,” sagot ko naman. “Talaga ba,” sabay lapit ng mukha n’ya sa mukha ko. Itinulak ko naman s’ya papalayo sa akin. Sabay sabi ko na,” Ano ba yan? Basa. Ewww. Magbihis ka na nga at mahiya ka naman sa akin.” “Ang arte gusto rin naman. Ano ba ‘yang dala mo? Para sa akin ba ‘yan?” usisa n’ya sa dala kong snacks. “Hinde ‘no, pabili lang ‘to.. Ang tagal mo, ibigay mo na kasi,” pang aatat ko sa kanya. “Akala ko para sa akin yan kasi baka hinde pa ako kumakain katulad nung last na punta mo at baka bumalik ka pa dito mamaya,” patuloy na pang-iinis n’ya. “Wala akong pake sa ‘yo kung magutom ka. Magpasundo ka na lang sa ibang babae kung gusto mong kumain. Alam mo nagtatagal tayo at mapapagalitan na ako tsaka ayaw mo naman ng mga bigay ko ‘di ba?” paalala ko, sabay taas ng isang kilay ko. “Ahh yung cake ba? ‘Di kasi ako mahilig sa sweets, sorry ha. Tsaka nagselos ka ba nang may kasama akong ibang babae?” sarcastic na pag-sosorry n’ya. “Selos? Bakit? Kung ayaw mo naman pala ng sweets, eh ‘di hwag ka ng mag-expect. Ano, matagal ka pa? Magbihis ka nga.” sasabog na talaga ako sa pagkabwisit sa kanya. Ang galing n’ya talaga sa pang-iinis sa akin. “Heto na nga magbibihis na. Ang daldal mo kasi at ang selosa mo. Intayin mo na ako,” paninisi n’ya pa sa akin. “Ako? Ibigay mo na kasi at kailangan na daw yung files at para makaalis na ko,” pangungulit ko sa kanya. Hindi n’ya inintindi ang sinabi ko at nagpatuloy lang s’ya sa pagbibihis at ayaw n’yang ibigay ang files na hinihingi ko. Hinanap ko sa drawer niya ngunit wala ang files. Pagkatapos n’ya magbihis, “Ano na, Carlo?” pagmamadali ko sa kanya. “Tara na nga. Sumabay ka na sa akin para ‘di ka mapagalitan,” sabi n’ya. “Alangan naman na magpaiwan ako dito ‘di ba.” Akala ko ay sasakay kami ng taxi ngunit bigla s’yang sumakay sa isang motor at pinaaangkas n’ya ako dito. Nag-alangan pa ako nung una pero ayoko na ring magtagal pa sa byahe at sumakay sa mahal na taxi. Sumakay na rin ako at iniilagay n’ya ang mga kamay ko sa bewang n’ya. “Kumapit kang maigi at baka mahulog ka.” Binibilisan n’ya ang patakbo sa motor para kumapit pa ako ng mahigpit sa bewang n’ya. Takot din naman akong mahulog kaya no choice ako sa pagkapit sa kanya. Napapatili na lang ako minsan kapag sumisingit s’ya sa mga sasakyan sabay hampas sa balikat n’ya. “Hwag ka nang magmadali at late na rin naman tayo,” sigaw ko para marinig niya. “Ano?” sabi niya. “Hwag mong bilisan, damuho ka!” naiinis na sabi ko
like