Story By Katana
author-avatar

Katana

ABOUTquote
Hi i am new in this platform and also being amo writer...Please support each other stories and i hope you will loved my story to make.. Thank you❤❤❤
IN BETWEEN
IN BETWEEN
Updated at Aug 19, 2022, 16:24
Bilang magkapatid o bilang isang kapatid lahat ng kaya mong ibigay sa kanya ay handa mong ibigay makita mo lang siyang masaya. Ngunit paano kung pagdating sa taong iibigin mo ay gano'n din siya? Iisa lang ang lalaking mamahalin niyong dalawa, nakahanda ka pa rin bang ibigay sa kanya o uunahan mo naman ang sarili mo upang ikaw naman ang sumaya? Ito ang kwento ng kambal na magkaribal. Sina Francesca and Francine Villa Ruiz pare silang iibig kay Keve Ammari Suarez at iisa nga sa kanila ang magugustuhan ng binata. Masakit, mahirap dahil pinili ang isa at ikaw na hindi pinili ay masasaktan. Ang mas malala pa ay ikaw pa ang napaki usapang maging tulay ng lalaking gusto mo para lang ligawan ang kapatid mo. Ano ang mangyayari, anong gagawin ni Franchezca? Magpaparaya ba siya para sa kakambal o ipaglalaban ang nararamdam ara sa taong mahal niya. Dito susubukin ang pagmamahalan nina Francine at Franchezca bilang magkapatid. Sino ang mamahalin at sino ang magpaparaya? Si Francine na siyang niligawan niya una pa lang, o si Franchezca na naging tulay sa dalawa pero lihim na nagmamahal at nasasaktan.
like
SOLD for WAMPEPTY
SOLD for WAMPEPTY
Updated at Oct 21, 2024, 04:16
Rita Bartolome, ang PLANTITANG RAKETERA. lahat gagawin niya para sa kinagisnang pamilya, lalong-lalo na kan'yang kinilalang Ina. Ngunit nang mamatay ito dahil sa malubhang karamdaman ay 'yon na ang umpisa ng kalbaryo ni Rita, silang dalawa na lamang ng kan'yang ang Amain ang magkasama na hindi naman talaga siyang itinuring na Anak. Lasengero ito, at umabot sa puntong ibinenta na lamang siya sa halangang,( 150 ) pesos. Wala itong pakialam basta nakabili lang ng alak sa tuwing mauubuasan na ito. Tuluyan na kayang mawala ang PURI ni RITA sa halagang, WAMPEPTY?
like
bc
Her Heart, My Soul
Updated at Apr 30, 2024, 04:27
Blurb Wagas na pag-ibig, iyan ang nagpapatibay sa relasiyon ng mga taong nagmamahalan at kung bakit sila nagtatagal. Ngunit paano kung tadhana mismo ang dahilan kung bakit ka mahihiwalay sa mahal mo? Na kahit gaano pa ninyo kamahal ang isa't isa ay hindi talaga maari sapagkat ang babaeng mahal mo ay maagang kukunin sa iyo. Halos lahat ay na kay Xantiel Sandoval na. Mayaman, guwapo, mabait at seryoso pagdating sa relasiyon. Ngunit lingid sa kan'yang kaalaman ay inilihim ng kan'yang girlfriend na si Ellah ang totoong kalagayan nito, may taning na si Ellah sanhi ng brain tumor. Ayaw niyang makitang malungkot si Xantiel at ang gusto na lamang nito ay ang maging masaya silang dalawa habang nabubuhay pa ito. Sa pagkawala ni Ellah ay makikilala ni Xanti si Cielo Cristobal at ito rin ang bagong nagmamay-ari ng puso ni Ellah. Sa pakikipaglapit ni Xanti kay Cielo ay hindi niya namalayang mahuhulog ang loob niya sa dalaga. Nabihag siya sa taglay na kagandahan at kabaitan nito. Subalit nang araw na magtatapat na si Xanti kay Cielo ay saka naman nito nalaman na kaya pala siya nakipaglapit unamo kay Cielo dahil napunta sa kan'ya ang puso ng dating nobya. At maharil ang nakikita nito kay Cielo ay ang dating nobya hindi bilang siya.
like
bc
EL, Legal Wife
Updated at Dec 4, 2023, 01:04
Siya si Farah Elisse Bustamante, nag-iisang anak. Mayaman, maganda, matalino at mabait. Kahit lumaki sa marangyang buhay ay hindi ito makikitaan ng kaartehan sa at marunong makibagay sa lahat. At iyon ang nagustahan ni Dylan Wade Sandoval kay Elisse, simula nang magkakilala silang dalawa ay hindi na siya nito pinakawalan pa. Nang dahil diyan, ngayon ay masaya na silang sa pagiging mag-asawa. Subalit susubukin ang pagmamahal at pasensiya ni Elisse sa asawang si Dylan. Nang dahil sa isang car accident ay magkakaroon ng Retrograde Amnesia si Dylan kung saan may selected memory itong mawawala, at iyon ay ang pagkalimot nito kay Elisse.  Totoo nga kaya ang kasabihan na makalimot man ang isip ngunit hindi ang puso? Paano maibabalik ni Elisse ang pagmamahal sa kan'ya ni Dylan kung iba ang kasalukuyan nitong mahal na lang  nakaraan?
like
bc
HATE at first SIGHT
Updated at Feb 22, 2023, 12:50
Si Shanaia Spencer ay dating masayahing bata at may buong pamilya subalit maagang siyang naulila dahil sa aksidenteng nangyari sa kanilang pamilya. Mula noon ay hindi na siya muli pang nakitaan na ngumiti at sumaya. Makakatagpo niya ang lalaking, masiyadong bilib sa kaguwapuhan sa kanilang paaralan ngunit wala siyang pakialam. Dahil do'n ay hindi matanggap ni Xian Parker na may babaeng hindi man lang siya magawang tapunan nang tingin at pansinin. Napahiya siya sa mga kaibigan kung kaya't gagawing niyang masalimuot ang buhay ni Shanaia sa paaralang iyon. Subalit do'n sila nagkamali dahil palaban si Shanaia. Simula no'n ay magiging mortal silang magkaaway na parang mga aso't pusa. Ngunit malalaman nilang dalawa sa huli na sila pala ang magkaibang matagal na nawalay sa isa't isa. Mapapanatili pa kaya nila ang PAGKAKAIBIGAN O MAGKAKAIBIGAN?
like
bc
The Tribe Prince Returns
Updated at Nov 23, 2022, 15:36
Wala nang sasaya pa kapag mayroon kang kumpletong pamilya at mga taong ang turingan ay isang buong pamilya. Ito ay ang Tribong Timawa na tahimik na namumuhay sa bundok ng Marilag. Sumabalit dahil sa isang taong sakim at sa mga kasamahan gawain nito ay pati ang lugar nang Tribong Timawa ay kinamkam nito. Nang dahil sa pakikipaglaban ay masawi ang mga magulang ni Amir  pati ang mga kasama sa tribo. Nawala ang Tribong kinamulatan ni Amir, at sa tulong ng kumupkop sa kan'ya ay naging maganda ang buhay niya at nakapagtapos ng pag-aaral.  Gayon pa man ay hindi nakalimutan ni Amir ang taong salarin sa pagkamatay ng kan'yang mga ka-tribo at magulang, kung kaya't magbabalik siya upang maghiganti upang makamit ang hustisya.
like
bc
THE LOST STAR
Updated at Aug 6, 2022, 02:55
Blurb Isang sikat na mang-aawit si Thalia Malliari, o mas kilalang Tala Delavin. Wala pang nakakaalam o nakakakita ng totoong siya maliban sa parents niya't mga kasama sa bahay pati ang nag-iisang bestfriend niyang si Pamela. Hindi niya naman alam no'ng una na sisikat at magugustuhan siya ng mga tao maging ang kan'yang mga sariling kumposisyon. Nang dahil sa gusto pa rin namang kumilos nang normal ni Thalia ay nakiusap siya sa kan'yang manager na hindi siya ipapakilala sa publiko at tanging ang tinig lamang niya ang maririnig, nang dahil do'n ay mas marami pa ang na-curious kung sino nga ba siya talaga. Sa paaralan na kanilang pinapasukan ay makikila niya si Blad Samañiego, ang lalaking magpapabilis nang tibok ng kan'yang puso. Mayaman, matalino at lahat ng babae ay nahuhumaling sa taglay nitong kaguwapuhan. Gagawin ni Thalia ang lahat para lang mapansin ngunit tulad nang ibang babae ay hindi siya mapapansin ni Blad, labis rin siyang masasaktan nang malamang may iba na pala itong mahal. Subalit, malalaman ni Thalia na ang babaeng iniibig pala ni Blad ay ang babae sa likod ng sikat na mang-aawit bilang Tala Delavin, tuluyan pa kaya siyang magtago? O magpapakilala na sa lahat alang-alang sa lalaking iniibig.
like