Story By Nina Cristobal
author-avatar

Nina Cristobal

my HOT COLD soldier
my HOT COLD soldier
Updated at May 8, 2023, 02:19
Khen Isang sundalo,matalino.seryosong tao,strikto,suplado. maputi,maskulado,maAbs,matipuno,matangkad,at madaks hahahaha Amber maganda,maputi,mahaba Ang buhok,kissable lips, rosey chicks,balingkinitan,mabait,palaban pero Minsan marupok hahahah
like
KONTRATA
KONTRATA
Updated at May 7, 2023, 23:19
Si Rhuella ay ulila nasa ama.Tanging ang kanyang nanay at lola nalang ang kasama niya sa buhay at mahal na mahal niya ang mga ito.Sanggol palang siya ng iniwan na siya sa pangangalaga ng kaniyang lola dahil kailangan maghahanap buhay ng kainyang nanay.Kahit isang beses lang sa isang buwan umuwi ang kaniyang nanay ay hindi naman hadlang ito upang maipadama sa kanya ang pag aalaga at pagmamahal ng isang ina.Hanggang dumating ang panahon na siya ay nagkaisip ,lumaki,at nagdalaga,marami mang mga binata sa kaniya ang sumubok na manligaw o magsabi ng nararamdaman ay ni isa ay wala siyang sinagot o binigyan ng pagkakataon dahil ang nais niya ay matulungan muna ang kaniyang nanay at lola. Dahil matagal na niyang napapansin sa kanyang nanay na para bang may problema ito pero hindi niya ito maitanong sapagkat alam niya na kung meron ngang problema ay hinding hindi sasabihin ng kaniyang ina. Sa paglipas ng mga araw ay nakapagtapos din siya ng sekondarya at pinaghahandaan niya ngayon ay ang pagpasok niya ng kolehiyo hanggang isang gabi ay dumating ang kaniyang ina ng hindi inaasahan at umuwi ito na bitbit ang isang malaking bag at kita sa mukha nito ang kalungkutan. ”Nay! Bakit po ang aga nyo ata umuwi,diba po dapat sa makalawa ang dating mo?” tanong niya na may pagduda sa ina.Lumapit siya sa ina at tinulungan niya ito na ilapag ang bibit na bag at sabay sila umupo. At nagsalita ang kaniyang ina. ”Anak patawarin mo ko! mukhang di nakita mapag-aral ng kolehiyo dahil natanggal na ko sa masyon ng mga Madrigal”sabi niya sa anak na may kasamang lungkot. ”Ano po nay!? pe..pero bakit po?”tanong niyang muli. ”Kase anak nalaman ni Senyorito Thomas ang sakit ko kaya napilitan siya na paalisin ko”paliwanag ng ina niya. '’sakit? Nay anong sakit?”naguguluhan tanong parin niya ‘oo anak may sakit ako sa mata kumakalat na ang katarata ko sa mata na kailangan ng paoperahan,nanlalabo narin ang paningin ko at hindi ako makatagal sa liwanag at dahil doon naaapektuhan ang mga trabaho ko sa mansyon.” at tuluyan ng umiyak ang kaniyang ina. Awa at lungkot ang naramdamn ni Rhuella sa kaniyang ina naisip niya ito marahil ang problema ng kaniyang ina noong mga nakaraang mga araw.Niyakap niya ang kaniyang ina at pati siya ay lumuha nadin. ”Tahan na nay ok lang naman po kahit di muna ako makapag-aral ng kolehiyo,magtratrabaho nalang ako para maoperahan na kayo sa mata nyo nay!’’ pagpapaliwanag niya sa nanay niya. “Anak! Ang gusto kase ni senyorito ay ikaw ang pumalit sa akin sa mansyon!” “Ha!? Pero bakit nay?’gulat niyang tanong ‘’Kase anak malaki ang utang natin sa Madrigal nung namatay ang tatay mo sila ang nagpautang sakin at sila rin ang gumastos noon sa ospital nung na mild stroke ang lola mo kaya napaka laki ng utang na loob ko sa mga madrigal.’’ sabi ng kanyang ina. ‘’Kung ganun sige nay! para sa pagpapaopera sa mata mo tatanggapin ko ang trabaho sa mansyon basta para sa inyo ni lola gagawin ko nay.’’ sabay yakap ng mahigpit sa kaniyang ina. ‘’Salamat anak ko!’’ngiti naman ng kaniyang ina
like