A male writer and story lover! Joel Anilao is my name and jhoelleoalina is my username. Filipino writer and erotic-romance is my genre.
List of my stories:
1. My Possessive Boss (Keane and Alyana)
2. My Childhood Sweetheart (Vince and Allyson)
3. Owning Her Innocence (Jacob and Euricka)
4. Babysitting the Billionaire (Jack and Jillian)
5. Deal with a Monster (Christian and Danica)
6. Raging Desire (Darwin and Laila)
7. The Unfogettable Mistake (Jayvee and Caren)
8. Lovin\' My Enemy\'s Daughter (Angelo and Vanessa)
9. You Are My Everything (Justin and Shine)
10. Damon\'s Possession (Damon and Phoenix)
11. Marco\'s Obsession (Marco and Anamor)
Bunga si Thalia ng seksuwal na pang-aabuso ng isang among lalaki sa isang katulong. Nang maisilang siya ng kanyang ina ay iniwan siya nito sa poder ng kanyang ama na mayroong ibang pamilya. Hindi siya tanggap ng kanyang ama pero hindi rin naman siya nito itinaboy palayo. Ibinigay siya nito sa mayordoma ng mansion na naging kaibigan ng kanyang ina noong nagsisilbi pa itong katulong doon. Ito ang tumayong kanyang pangalawang ina at ang nag-iisang kakampi niya sa mansion habang lumalaki siya.
Lumaki si Thalia na salat sa maraming bagay at isa na roon ay ang pagmamahal galing sa kanyang totoong magulang. Kulang din siya sa edukasyon dahil hindi siya hinayaang makapag-aral ng kanyang ama sapagkat gusto nitong manatiling lihim ang pagkatao niya. Umiikot lang ang mundo niya sa loob ng mansion kung saan siya nagsisilbing katulong ng sariling ama at ng pamilya nito. Lumaki siya sa pang-aalila at pisikal na pang-aabuso ng sarili niyang kadugo.
Tanggap na ni Thalia ang buhay na mayroon siya sa loob ng mansion. May pagkakataong naiisipan niyang tumakas pero natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya sa labas. Wala siyang ibang kakilala na maaaring niyang puntahan at tumulong sa kanya. Wala siyang taong malalapitan oras na makatakas siya.
Ano nga ba ang magiging buhay ng isang tulad niya sa labas? May tao kayang tatanggap sa kanya? Walang pinag-aralan, lumaking mangmang at inosente sa maraming bagay. Baka mas malala pang pang-aabuso ang naghihintay sa kanya sa labas kaya mananatili na lang siya sa loob ng mansion. At least doon ay sanay na siya at natitiis niya ang pang-aabuso na araw-araw na natatamo niya. At least doon ay may isa siyang kakampi na puwede niyang lapitan at pagsabihan ng lahat ng hinanakit at hinaing niya sa buhay. At least kahit doon ay may matatawag siyang 'pamilya' na ipinagkait sa kanya buhat noong maisilang siya.
Pero ang hindi inaasahan ni Thalia na mangyayari sa buhay niya ay nang dukutin siya. Nagtatapon lang siya ng basura sa labas ng bahay nang may isang sasakyang tumigil sa tabi niya at sapilitan siyang isinakay. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari dahil bigla siyang nakatulog nang may panyong may kakaibang amoy na itinakip sa ilong at bibig niya at nagising na lang siyang nakagapos sa ibabaw ng kama habang may isang matipuno at guwapong lalaki ang tiim na nakatingin sa kanya.
Nagsilbing bihag siya ng isang lalaking nagngangalang Matthew Sebastian. Plano siya nitong gamitin sa paghihiganti sa kanyang ama. Sinubukan niyang ipaliwanag dito na nagkamali ito sa pagdukot sa kanya at mali ang inaakala nito sa kanyang pagkatao dahil ang akala nito ay isa siyang iniingatang prinsesa sa loob ng mansion. Pero hindi naniwala sa kanya ang binata at ipinagpatuloy nito ang planong gamitin siya.
Habang nasa mga kamay si Thalia ni Matthew ay unti-unti niyang nakilala ang binata. Naintindihan niya kung saan nagmumula ang galit nito nang malaman niya ang dahilan kung bakit gusto nitong maghiganti sa kanyang ama. Nakitaan niya rin ng kabaitan ang binata dahil kahit nagsisilbi siya nitong bihag ay hindi siya nito pinapabayaan, pinapakain siya nito at ibinibigay ang lahat ng kanyang pangangailangan... ibang-iba sa naranasan niya sa loob ng mansion na kanyang kinalakihan.
Kakaibang pakiramdam at karanasan ang idinulot sa kanya ng isang Matthew Sebastian. Hindi niya maitatangging naging masaya siya sa piling ng binata kahit na ang tingin lang nito sa kanya ay isang kasangkapan. Ito na kaya ang magbibigay sa kanya ng matagal na niyang hinahangad na kalayaan? O panibagong pasakit at paghihirap ang naghihintay sa kanya sa mga kamay nito na tuluyang magbabaon sa kanya sa labis na pagkabigo at kalungkutan?
***THIS IS A WORK OF FICTION. ANY NAMES, CHARACTERS OR EVENTS ARE ALL FICTITIOUS. SOME CONTENTS ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. READ AT YOUR OWN RISK.***
*R18
*Not suitable for young readers
*Read at your own risk
'Kailanman ay hindi naging sagot ang pagtakbo sa isang kasalanan,
bagkus ay harapin mo iyon at kung kinakailangan ay pagbayaran.
Lagi rin 'yang laman ng iyong konsensiya at parte ng iyong nakaraan,
na kailanman ay hindi mo magagawang talikuran para takasan.'
Pagkatapos mabigo ni Marco sa una niyang babaeng minahal, mas pinili niyang lumayo para makalimot at para na rin takasan ang kanyang nagawang kasalanan. Sa kanyang paglayo ay ang tanging hangad niya ay makalimot at paghilumin ang sugatan niyang puso. Pero sa paglayo niyang iyon ay hindi niya akalain na muling titibok ng mabilis puso niya nang masilayan ang isang babaeng parang isang diwata ng kagubatan habang naliligo sa ilog.
Hindi niya itatanggi na nabighani siya sa taglay nitong nakahahalinang alindog, na gumising sa natutulog na parte ng kanyang pagkatao na noon ay hindi niya naramdaman sa ibang babae kahit na sa babaeng una niyang minahal. Pero pilit niyang itinaboy at inignora ang pakiramdam na iyon dahil hindi siya lumayo para sa bagay na iyon. Ang gusto lang niya ay makalimot at hindi kasama roon ang humanap ng babaeng bubuo sa nadurog niyang puso.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil nakilala niya si Anamor Larosa-ang babae sa ilog, ang nag-iisang heredera ng hacienda na pagtatrabahuhan niya. Ang babaeng kayang gawin ang lahat mapansin lang niya dahil naniniwala itong silang dalawa ang nakatadhana para sa isa't isa.
Nasaktan, nabigo at lumayo. Ngunit sa paglayo niya kayang iyon ay magawa niyang makalimot at paghimumin ang sugatan niyang puso o may panibagong heartbreak ang magdudulot sa kanya nito?
Isang lalaking nasaktan dahil sa pag-ibig at isang babaeng kayang gawin ang lahat alang-alang sa pag-ibig. Pinagtagpo ang landas nila sa isang komplikadong sitwasyon, ano kaya ang kahihinatnan ng pagtatagpo nilang iyon? May pagmamahalan kayang mabubuo sa pagitan nila o mauuwi lang ito sa isang one-sided love na kadalasang nababasa sa isang nobela?
"Itinuring na kitang akin buhat noong una kitang masilayan. At ngayong nasa mga bisig na kita, wala ka nang magiging kawala pa dahil akin ka lang. Lagi mong tatandaan na pagmamay-ari ng isang Damon Salvador ang isang Phoenix Specter. I will possess your heart, mind and body, forever..." - Damon Salvador
*R18
*NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS
*READ AT YOUR OWN RISK
Isla Montellano Series #5
\'Hindi sagot ang pagpapatiwakal para takasan ang pagsubok sa buhay. Dahil hindi iyan ibibigay sa iyo kung hindi mo kayang harapin at lampasan.\'
Nagkasala ang isang Justin Aragon sa babaeng pinakamamahal niya. Nabulag siya ng kapusukan at matinding pagnanasa kaya nakagawa siya ng isang bagay na naging dahilan ng pagkasira ng namumuong relasyon sa kanilang dalawa. At halos ikasira na rin ng buong buhay niya.
Labis siyang nagsisi sa kanyang pagkakamali pero kahit anong pagsisising naramdaman niya ay hindi na nito maibabalik ang lahat. Pinarusahan niya ang sarili sa kasalanang nagawa. Halos sumuko na siya at ilang beses na sinubukang wakasan ang sariling buhay.
Pero parang may ibang plano pa ang nasa itaas sa kanya dahil nagigising pa rin siyang buhay at humihinga. Kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang buhay, buhay na puno ng lungkot at walang kulay. Walang saya at walang pag-asa. Buhay lang siya at humihinga pero deep inside ay itinuring na niya ang sariling parang patay na.
Nasaktan, naghirap at nagdusa. Pero lahat iyon ay tila napawi nang dumating ang isang Sunshine Langusta sa buhay niya. She became his personal nurse, personal assistant, personal maid, personal in EVERYTHING. She became his everything. At mula ng makilala niya ito ay muling nagkakulay ang buhay niya. Sumaya, sumigla at unti-unting bumalik sa dati. Sa madaling salita si Sunshine ang kanyang naging liwanag at bagong pag-asa.
Liwanag ang naging hatid ng dalaga sa madilim niyang mundo. Pero makakaya rin kaya nitong paghilumin ang sugatan at bigo niyang puso? O panibagong sakit ang maging dulot sa kanya nito?
Isang lalaking halos nabaliw dahil sa pag-ibig sa isang babae. Pag-ibig din kaya ang makakapag-pagaling sa kanya? O magiging dahilan pa iyon ng lalong pagkasira at pagkabaliw niya?
*R18
*Read at your own risk
*Not suitable for young readers
Vince Alcantara— ang lalaking malaki ang pagkakahalintulad sa kababata at matalik na kaibigan na si Keane Matthew. Parehong snob, a silent type guy at hindi na-attached kahit kaninong babae.
Parehong iisang anak at nagiisang tagapagmana ng sari-sariling pamilya. Parehong possessive at handang ipaglaban ang babaeng itinatangi.
Pero may isang pinagkaiba sa kanila at iyon ay ang kasama niya ang babaeng tinatangi o minamahal niya simula pagkabata. At hinihintay lang niya ang tamang panahon para maangkin ito ng buo.
Kaya niyang gawin ang lahat para dito. Kahit pa habang buhay syang maging celibate na hindi naman nangyari dahil ng nagkaroon ng pagkakataon ay paulit-ulit niyang inangkin ang dalaga...
Allyson Gutierrez— ang babaeng itinatangi o iniibig ng binatang si Vince. Ang babaeng hindi paniwalaan ang nararamdaman ng binata dahil hindi pa niya nakikitang na-attract kahit kaninong babae.
Pero lihim ding itinatangi ang binata. At sinusubukan kung hanggang saan ang paninindigan ng binata para sa pagmamahal sa kanya.
Pero dahil sa kasusubok niya dito ay nasagi ang pride ng binata at pinarusahan siya. A wild and hot punishment na humantong sa panibagong yugto ng buhay nila...
Let's find out kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa dalawang magkakabatang nag-ibigan. Kung anong pagsubok ang darating sa kanila at kung anong sakit, saya at kilig ang ipaparamdam nila. Samahan nyo akong ilathala ang buhay ng pag-iibigan ni Vince Alcantara at Allyson Gutierrez. Ang kaibigan ng mag-asawang Keane Matthew Valiente at Alyana Jane Sarmiento Valiente..
R18
SSPG
NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS
READ AT YOUR OWN RISK
Isla Montellano Series #4
'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.'
Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil sa kagagawan ng isang baliw na lalaki. Nasaksihan niya ang paghihirap ng kapatid dulot ng hindi karaniwang sakit nito. Masakit at mahirap makitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang kapatid at habang lumalaki siya ay may namumuong galit at paghihiganti sa puso niya sa taong gumawa noon sa kanyang Ate Caren.
Hanggang sa lumipas ang mga taon at dumating sa buhay niya ang isang babaeng kayang palabasin ang lahat ng nakatagong emosyon sa loob niya. Sa unang beses na masulyapan pa lang niya ang magandang mukha ng dalaga ay nagawa nitong buhayin ang lahat-lahat sa kanya kasama na doon ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. At doon pa lang ay itinatak na niya sa kanyang puso't isipan na pagmamay-ari niya ang babaeng nagngangalang Vanessa Joy Gayla.
Pero paano kung dumating ang panahon na malaman niyang ang babaeng kinahuhumalingan niya ay anak pala ng taong kanyang kinasusuklaman?
Paano niya maisasakatuparan ang paghihiganting nabuo sa kanyang isipan?
Isang magandang pagkakataon na para maging sandata niya ang dalaga laban sa ama nito. Pero kaya nga ba niyang gamitin ang dalaga na sa simula pa lang ay walang ng ibang ginawa kun'di ang mahalin at pagsilbihan siya?
Kaya ba niyang saktan ang babaeng nagmamay-ari na ng puso, isipan at katawan niya? Matuto pa rin kaya siyang magpatawad kung alam niyang habambuhay na nagdudusa ang kapatid niya dahil sa kagagawan ng ama nito?
Alin ang pipiliin niya?
Pagmamahal o paghihiganti?
*R18
*Read at your own risk
*Not suitable for young readers
Isla Montellano Series #3
'Isang babaeng nagkukubli buhat sa madilim at masamang nakaraan at isang lalaking nakatali sa isang pag-ibig na masisira dahil sa isang kapusukan'
Ang akala ng lahat, mayroong masaya at perpektong buhay ang isang Caren Aldover . Buhat sa marangyang pamumuhay, sa magandang katangian, magandang mukha at magandang katawan. Pero hindi nila alam sa kabila ng pagngiti at pagtawa niya, nagkukubli ang tunay niyang nadarama. Isang bangungot sa buhay niya na hanggang paglaki ay kanyang dinadala. Pilit man niyang kalimutan pero hindi niya makayanan. Dahil ang pangyayaring iyon ay nakatatak na sa kanyang isipan. Lalong-lalo na ang epekto sa kanyang katawan. She became a nympho because of her tragic and dark past..
She tried everything para malabanan iyon until she met Carl Jayvee Rosal. Isang lalaking nagkukubli sa isang inosente at maamong mukha na parang hindi makakagawa ng kasalanan. He looks like an angel pero ang hindi nila alam may nagtatagong ibang katauhan sa loob niya. Katangian na tanging si Caren lang ang nakakapag-palabas at sa dalaga niya lang ipinapakita. Isang pilyong katauhan na nakatago sa isang maamo at inosenteng mukha.
Ano ang mangyayari sa dalawang taong pinagtagpo na parehong may itinatagong ibang katauhan?
Isang babaeng nakulong sa isang masalimoot na nakaraan at isang lalaking magiging gamot sa kanyang kakaibang nararamdaman.
Isang inosenteng lalaki ang matutuksong gumawa ng kasalanan dahil sa malaking tukso na nasa kanyang harapan.Tukso na hindi niya kayang pigilan dahil nagawa nitong palabasin ang nagtatagong katauhan sa loob ng kanyang katawan.
Nagsimula sila sa isang pagkakamali pero magagawa pa kaya nilang itama pa iyon sa bandang huli?
*R18
*Read at your own risk
*Not suitable for young readers
Isla Montellano Series #2
Minsan ng naging mapaglaro sa babae si Darwin. Hindi lumilipas ang isang linggo ng hindi s'ya nagkakaroon ng katalik na babae. Pero tinitiyak naman n'yang malinaw lahat sa mga ito ang lahat, na it's just a pure sex. No feelings involved, no strings attached at pampalipas lang ng init ng katawan ang lahat. He has needs at naibibigay din naman n'ya ang ligayang hanap ng babae sa kanya. Para sa kanya patas lang 'yon.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon may isang babaeng nakapukaw ng kanyang atensyon. May isang babaeng nagpatibok ng mapaglaro n'yang puso. S'ya si Laila Rivera...
Pero paano kung hindi umaayon ang TADHANA para sa nararamdaman n'ya sa dalaga? Dahil ang babaeng nagpatibok ng puso n'ya ay pagmamay-ari na ng iba. Paano pa n'ya ipaglalaban ang nararamdaman n'ya kung sa umpisa pa lang wala na s'yang laban at talo na s'ya? Mag-tagumpay pa kaya s'ya kung ang babaeng nagugustuhan n'ya ay walang epekto ang kanyang karisma? Pero dahil s'ya si Darwin Mendoza, lalaban s'ya hangga't kaya n'ya. Dahil meron s'yang isang kasabihan na...
'Kung hindi makuha sa pang-aakit, igapos sa ibabaw ng kama at angkinin ng paulit-ulit'
*R18
*NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS
*READ AT YOUR OWN RISKS
Isla Montellano Series #1
Simpleng namumuhay si Danica kasama ang Lola n'ya sa Isla Montellano. At dahil may kahirapan ang kanilang pamumuhay doon, tanging elementarya lang ang kanyang natapos. Idagdag pa na sakitin na ang kanyang Lola dahil may edad na ito pero kahit ganun, tatlong beses pa rin naman silang kumakain sa isang araw. Masaya na sila sa ganun at simpleng pamumuhay pero dahil sa isang pangyayari ay napilitan s'yang gumawa ng hindi maganda at mabigat na kasalanan. Ang magnakaw..
At doon n'ya makikilala ang binata na nagmamay-ari ng bahay na pinasok niya para pagnakawan dahil sa desperado na siyang kumita ng malaking halaga para sa kalagayan ng Lola niya. Unfortunately, nahuli s'ya ng binata at doon nagsimula ang pakikipagsapalaran n'ya sa kamay ng ng isang Christian Montellano. Sa kamay ng snob, ruthless at malupit na binata. Na tinaguriang ' THE BEAST' ng buong Isla Montellano. And let's find out how she Deal with a monster sa katauhan ng isang Christian Montellano...
Ano kayang pakikipagsapalaran ang pagdadaanan ni Danica sa kamay ng isang Christian Montellano? Magawa din kaya nyang nakawin ang puso ng binata o ang puso nya ang magawang manakaw nito? Samahan n'yo akong tuklasin ang mundo sa Isla Montellano, kung saan mabubuo ang pag-iibigan ng isang langit at ng isang lupa...
*R18
*Not suitable for young readers
*Read at your own risk
Her name is Alyana Jane Sarmiento. Isang babaeng medyo may kahirapan ang buhay. Ngunit dahil sa kanyang mga pangarap ay nagti-tiyaga siyang maging isang working student para lang makapagtapos.
Isa siya sa pinagkalooban ng may magandang mukha, katawan at ugali. Subalit sa kagustuhang makapagtapos, ikinubli niya ang kanyang kagandahan sa pagiging isang nerd. Dahil naniniwala siya na sagabal lang ang mga lalaki sa kanyang mga pangarap.
Tinagurian siyang nerd ng campus pero ayos lang sa kanya dahil pabor naman 'yon para walang mangugulo sa kanya...
Subalit magugulo ang kanyang buhay dahil sa isang lalaki..
His name is Keane Matthew Valiente. Isang anak-mayaman na estudyante. Isang heartless, ruthless, masungit, snob at very possessive na lalaki. Na kanyang magiging asawa dahil sa isang arrange marriage.
Ano kaya ang magiging buhay ni Alyana sa mga kamay ng isang Keane Matthew?
Mapapaamo niya ba ito katulad sa mga nababasa niya sa kuwento? O magiging alipin siya nito?
R18
SSPG
READ AT YOUR OWN RISK
NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS
R**8
Rated SPG
Read at your own risk.
Not suitable for young readers.
Nabubuhay si Jacob na may isang naturang perpektong pamilya, ang pamilya Geizler. Marami rin ang nagsasabi na isa syang perfect guy bilang isang ideal man. Mula sa hitsura hanggang sa pangangatawan at syempre hindi mawawala ang kanilang yaman. Yaman na kalimitan ay tanging habol lang kung kaya't nakikipaglapit sa kanya.
Pero sa kabila ng sabi-sabi na isa syang perpektong tao ay para sa kanya ay kabaliktaran yon. Dahil hindi sya namumuhay ng normal katulad mg iba dahil sa skin condition nya. Pinaglihi sya ng kanyang ina sa snowman, kung kaya't napaka-sensitive ng balat nya lalo na sa sikat ng araw. Plus na meron syang kakaibang kulay ng mata na kalimitang nagiging sanhi ng bullying noong kanyang kabataan. A color silver eyes with color light blue around its iris. Para syang fantasy cartoon anime na naging tao.
Until he met Euricka Ybañez, a blind girl from orphanage na napili ng magulang para tulungan na makakita. A very young innocent girl na tanging nakakuha na kanyang atensyon. Na tanging nakapagpalabas ng kanyang possessive side and also his..... naughty side. At wala itong ibang magagawa dahil ng tumapak ito sa kanilang bahay ay itinuring na nyang pagmamay-ari ito. At gagawin nya ang lahat para tuluyang maging kanya ang dalaga and even her innocence couldn't stop him.
R**8
"Kung ano ang puno sya rin ang bunga"
"Like father, Like son"
Yan ang laging naririnig ni Jack sa mga taong nakapaligid sa kanya. Na sya daw ay tunay na replica ng kanyang Dad, sa ugali man o sa pisikal na anyo. At hindi nya yon itatanggi dahil yon ay may katotohanan. And he's very proud na namana nya ang lahat ng nasa kanyang Dad, as in lahat-lahat. Until she met, Jillian.. Ang babaeng gumising ng lahat ng natutulog sa kanya sa unang sulyap nya pa lang dito. Especially his thing down there...
Ang babaeng walang hinangad kundi ang mapabuti ang pamumuhay. Ang mabuhay sa sariling sikap dahil ulilang lubos. At kahit anong trabaho pinapasok basta hindi illegal. At kakayanin ang lahat maka-ahon lang kahit konti sa hirap. Yan si Jillian...
Pero papano pag nagtagpo ang kanilang mga landas? Ano ang magiging buhay ni Jillian sa isang Jack Geizler?
*NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS*
*READ AT YOUR OWN RISK*