Two

1336 Words
"We will hunt you down, traitor!" Narinig ni Fan na sabi ni Puma mula sa military radio. Inis na hinubad ni Fan ang itim na mask kuway hinilamos ang sariling mukha. Bakit nga ba niya tinulungan ang lalaking iyon at nagawa pa niyang patayin ang mga kasamahan niya? Oroka! Stupid! Kahit ilang beses na sisihin ni Fan ang sarili niya, alam niyang may kakaiba siyang naramdaman nang makita ang target niya. Iyon ang kauna-unahang beses na nakaramdam siya ng ganoon. Dinama niya ang dibdib na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma. He knows this kind of feeling. But no way! Mabilis na pinilig ni Fan ang ulo. No way! No way! Hindi niya gustong banggitin kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon, dahil wala sa isip niya ang mga ganoong bagay. He don't believe in fated mate or mate thing. Hindi siya mapapasama sa ganoong kalokohan at kasinungalingan. Nakuha ang atensyon niya nang magring ang cellphone niyang nasa kanyang bulsa. Kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ng tumatawag. It's Phoenix, his trusted friend. Agad niya iyong sinagot. "Nix." "What the hell did you do?!" Agad na bungad sa kanya nito. Hindi imposibleng hindi nito malaman ang ginawa niyang kasalanan sa grupo. Napipi ang mga labi niya dahil wala siyang masabi na tamang sagot. Malaki ang kasalanan niya sa pagpatay isa sa mga miyembro ng Amethyst, lalo na ang kasalanang tinulungan niya si Karrim Brahman na makatakas. He's doom! "You kill our ally! Your job is to kill him! Naze anata wa kare o tasukemashita ka?!" Why did you help him?! Muli napahilamos ng sariling mukha si Fan. Because this is not him! "You're not like that when it comes to your work!" Singhal pa nito sa kanya. Fan sighed heavily. "I'm sorry." Tanging nasabi niya. Hindi niya pwedeng sabihin ang dahilan. "Gomen'nasai? Sore ga anata ga ieru yuiitsu no kotobadesu ka?!" I'm sorry? Is that the only words you can say?!. Narinig niyang nagmura ito sa kabilang linya. "If he finds out what you did, he will look down more on you." Nakaramdam ng bigat sa dibdib si Fan sa sinabi ng kaibigan. Pero ano pa ba ang aasahan niya na magiging tingin ng iba sa isang Omega? Magsisiman siya ngayon huli na. Muling nagbuntong-hininga si Phoenix. "The Amethyst, they will hunt you and you know what will do next." Nababahalang pagpapaalala nito sa kanya. Nakuyom niya ng kamao. "I know." Hindi siya natatakot dahil kaya niyang protektahan ang sarili. "Why don't you go to Karrim Brahman?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Why would I do that?" "Ask for his help. He'll don't say no to you because he owe you for saving his life." Hindi siya sangayon sa minungkahi nito. Kumikilos siya ayon sa utos at ayon sa dinidikta ng isip niya. Ang bawat kilos niya ay may kalakip na bayad at ang hinawa niyang hakbang kanina ay may katumbas ding kabayaran. Iyon ay ang buhay niya. "I can protect my self." Mariin niyang sabi. "Until when? You knew what Amethyst is. They won't stop until you're dead.." Totoo ang sinasabi nito, hindi talaga sila titigil hanggang hindi siya napapatay. Pero hindi man lang nakakaramdam ng takot si Fan. Kaya niyang protektahan ang sarili. Pero kung dumating man ang araw na hindi siya makalaban, hindi siya natatakot na mamatay dahil wala namang silbi ang buhay niya sa mundo. "Please take care of your self, Kila. Don't let them caught you." "I will." Pagkapatay niya sa tawag ay agad niyang tinapon ang cellphone kung saan, kasama ang ibang gamit niya na galing sa Soshiki (org.) Kung hindi niya gagawin iyon, tiyak mate-trace siya ng mga ito. Mabilis na tumakbo si Fan at tumalon sa kabilang building. Paulit-ulit ang ginawa niya hanggang sa huminto siya at inilabas ang night vision binocular kuway tumingin sa ibaba at sa paligid ng building na kinaroroonan niya. Nang masiguro niyang walang kahinahinala sa paligid, pumasok siya sa pintong nandoon at mabilis na bumaba sa hagdanan. Nang marating ni Fan ang ika sampung palapag ng hotel restaurant, mabilis niyang hinubad ang spy suit pati na ang itim na mask na suot niya at tinago iyon sa kanyang buksa, kuway ginulo niya ang buhok. Inayos muna niya ang halter neck long sleeve shirt at ang slacks na suot bago pumasok sa pinto at sopistikadong naglakad. Pasimple siyang naglakad pababa. Kampante siyang walang makakakilala sa kanya dahil wala ni isa sa Soshiki o sa Amethyst ang nakakakita sa mukha niya. Nang makarating siya sa ika-lawang palapag ng hotel, pasimple siyang naupo sa bakanteng lamesa kuway nag order ng makakain. Kailangan niyang bumili ng panibagong cellphone at laptop para malaman niya ang bawat galaw ng dating kasamahan. Pero bago iyon, kailangan niya makahanap ng bagong matitirahan dahil hindi na siya magiging ligtas doon. Habang kumakain, nabaling ang tingin niya sa apat na lalaking bagong dating. Dalawang Alpha at Beta ng mga ito. Iyong isang Alpha, kung hindi siya nagkakamali, nakita niya ito sa isang fashion magazine. At iyong isa naman... "Your majesty and sir Vance..." Narinig ni Fan na bati ng isang staff ng hotel. Majesty... Tama! Ito ang asawa ni King Aaric na si King Maximus. Pero anong ginagawa ng mga ito dito at ni wala silang kasamang mga Epsilon? "Can we eat first? Kanina pa ako nagugutom." Reklamo ng Alphang may pagkakulot ang buhok na tinawag na Vance. So, they can speak tagalog. "Hindi na ba makapaghintay yang sikmura mo?" Si King Maximus. "Karrim is a doctor, he can cure himself." Sagot naman ni Vance. Na naupo sa di kalayuang bakanteng lamesa. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi niya akalain na nandirito si Karrim, at ang dalawang ito ay kaibigan nito. Hindi niya maiwasang isipin kung kamusta na ba ang kalagayan nito. Umiling iling si King Maximus. "Mauna na ako sa kwarto niya." Anito na humakbang na papasok sa elevator, kasama ang Beta nito. Ineskortan ito ng staff ng Hotel. Tinapos na din niya ng pagkain at hinintay na matapos kumain si Vance. Nang tumayo ito ay mabilis na kumilos si Fan. Sinalubong niya ito at sinadyang matamaan sa braso. "I'm sorry!" Kunway hinging paumanhin niya. Mabilis ng pagkilos ng kanyang kamay na nailagay ang microphone bug sa bulsa ng suot nitong coat. Tipid na ngumiti si Vance. "It's okay." Anito na nagpatuloy sa paghakbang at sumakay na ito ng elevator. Mabibilis ang mga hakbang na lumapit siya sa receptionist para kumuha ng kwarto. Nang naibigay na sa kanya ang card key ng magiging kwarto niya ay agad siyang sumakay sa elevator at agad na tinungo ang kwarto niya. Pagkapasok sa kwarto ay agad na binuhay ni Fan ang earphone na nasa kanyang tainga, at hindi nagtagal may narinig na siyang boses mula sa microphone bug na inilagay niya sa bulsa ng coat ni Vance. "Inuna mo pa talaga ang pagkain mo kaysa makita ako." Alam niyang boses iyon ni Karrim. "Don't worry Karrim, matagal mamatay ang masamang damo." Sagot ni Vance. "Gago—ohh! s**t!" May narinig siyang tawa. "I can't take the bullet out. Ohh! f**k!" Si Karrim. "Inuuna mo pa kasi kalibugan mo. Kung nagpunta ka agad sa palasyo, hindi ka titirahin ng mga kaaway mo." "Shut up Max! Bakit pa ba kayo nagpunta rito? Wala din naman kayong sasabihin na maganda!" "Oo nga pala, nabanggit samin ni Jelal na may tumulong daw sayo?" Boses iyon ni Vance. "Yeah. I don't know who. Pero alam kong hindi siya basta-basta lang." Nagbuntong hininga si Karrim. "I want to know who it is." "And?" Si King Maximus. "I don't know. I'm just curious." May tumawa ng pagak. "Wow! This is your first time to be curious in someone." Sa tingin ni Fan boses iyon ni King Maximus. "If you want, I can help you find him." "Thanks, bud." "Maliit na bagay." Mabilis ang t***k ng pusong pinatay ni Fan ang earphone kuway tinanggal iyon mula sa kanyang tainga at lihim siyang ngumiti. Let's see, if you can find me Karrim Brahman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD