CHAPTER ONE

3508 Words
"ARE YOU READY?" Tumungo si Timothy. Inayos niya ang strap ng gitara na nakasabit sa kanyang balikat. Nang suminyas ang isang staff na kailangan na niyang pumasok ay naglakad na siya. He walks with confidence. At nang lumabas siya ng backstage ay nagtilian ang mga tao. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Tumingin siya sa paligid. Maraming tao ang nakatingin sa kanya at sumisigaw ng kanyang pangalan. This is the life he dreams, the life that has so many lights and people admiring him. Katatapos lang ng kompetisyon kung saan siya ang second place. Matagal na nilang pinangarap ng kanyang step-father na sumikat siya bilang mang-aawit. Kaya nga lahat ng pwede nilang salihan na kompetisyon ay sinalihan nila. All the years he been sacrifice is now paying off. Ang nakakalungkot lang ay ilang taon na niyang hindi kasama ang step-father niya. He has gone together with his mom. Pero kahit nawala na ito ay pinagpatuloy niya pa rin ang pangarap nito para sa kanya. Naglakad siya papunta sa mic stand na nasa gitna ng stage. "Good afternoon, everyone. I hope you all doing great. Do you happy to see me?" tanong niya. Sabay-sabay nagsigawan ang mga tao doon ng 'Oo'. He flashes his sweet smile that can attract all his female fans. Lalong lumakas ang sigawan dahil sa pagngiti niyang iyon. Everyone is dying to see his smile. Sabi nga nila, isa siya sa mga artistang may magandang ngiti. Isa din ang ngiti niya sa dahilan kung bakit gusto siya ng tao. "That's good to hear. Salamat sa pagpunta niyo sa mall tour kong ito. Ngayon, kakantahin ko ang isa sa mga bago kong kanta. Sana ay magustuhan niyo." Inayos niya ang pagkakahawak sa kanyang gitara. Nagsimula siyang tumugtug. It's alright, I'll go to you whenever you need Whenever I start to miss you I'll be hiding on your way back home And surprise you I'll give you a piggyback ride when you're tired I'll take you to our own secret refuge Hang on tight, so your heart won't go anywhere Because I'm gonna start speeding up I just want you Your lovable smile Don't show it to anyone else Because I get really jealous and you're mine I just want you I'm gonna make your fourth finger shine Just wait, you'll find out My Real love Real love Only you in my heart in my heart I don't have pride Wherever you are, if you call, I'll run to you Hang on tight, so this love won't go anywhere Because I'm gonna start speeding up I just want you Your lovable smile Don't show it to anyone else Because I get really jealous and you're mine I just want you I'm gonna make your fourth finger shine Just wait, you'll find out When your hand feels lonely I'll lend you my pocket When your cheeks tremble with cold I'll wrap around it warmly I just want you I just want your Love My Real love Real love Only you in my heart in my heart My Real love Real love Only you in my heart in my heart Pagkatapos niyang kumanta ay tumingala siya. Para bang nakikita niya sa itaas ang tatlong taong naging importante sa buhay niya. Ang kanyang ina, ama at step-father. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. This is the life he wanted to be. Everything is perfect. There's nothing he can ask for. NATIGILAN sa paglalakad si Ace ng marinig ang isang malamyos natinig. Napatingin siya sa direksyon kung saan niya naririnig iyon. Wala sa sariling naglakad siya malapit sa may harang. Napatinign siya sa baba at doon ay may nakita siyang isang lalaki na kumakanta. Hindi niya mapigilan na hindi titigan ang lalaking may magandang tinig. Napapikit si Angela at dinama ang hatid ng kantang iyon sa kanyang sistema. Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Ace ng maramdaman ang masuyong hampos sa puso niya dahil sa tinig ng lalaki. Napakaganda. At kahit may pagkarock song ang kanta na iyon ay naging magaan naman ang dating sa kanyang pandinig. Lumanghap siya ng hangin at pumikit ng mariin. She doesn't know the song but it's feels like she has been hearing it for many times because of the feeling it giving her. Iyong tinig ng lalaki, napakasarap pakinggan. Hinayaan niya ang sarili na nakapikit habang nakikinig. Gusto niyang maramdaman ang kanyang puso, ang pagtibok noon at ang pakiramdam na buhay ang puso niya. Nararamdaman niya ang kasayahan sa kaloob-looban niya. "What are you doing, Ace?" isang tinig ang bumasag sa kanyang pakikinig sa musika. Nagmulat siya at tumingin sa babaeng ngayon ay nakatayo hindi kalayuan sa kanya. May pag-aalalang nakasulat sa mukha nito. Ngumiti siya dito bago muling tumingin sa ilalim. Tapos na kumanta ang lalaki at nagsasalita na ito. Lumabas ang maliit niyang dimple sa kabilang pisngi dahil sa pagngiti ng lalaki. Hindi lang pala maganda ang boses nito may angkin din itong kagwapuhan. Na kahit sa layo niyang iyon, dahil na sa ikalawang palapag siya ng mall ay nakikita niya ang mukha nito. Pinakatitigan niya itong mabuti. The guy looks great at his long hair. Hanggang balikat ang buhok nito. A tropical rock star guy. Hindi kakapalan ang kilay nito. Nakikita niya din ang haba ng pilik mata at ang tangos ng ilong nito. Maputi ang lalaki at bumagay doon ang mapula nitong labi. Payat din ito ngunit sumakto lang naman sa lalaki. Mas bagay naman talaga dito ang ganoong katawan. Nang tumingin ito sa kinatatayuan niya ay napasinghap siya ng makita ang magandang kulay ng mata nito. Gray eyes. Kung ganoon ay hindi Pinoy ang lalaki. "Ow!!! Dito pala ang mall tour niya ngayon." Narinig niyang sabi ng kasama niya. Napatingin siya sa kaibigan. "Kilala mo siya?" tanong niya dito. Tumingin sa kanya ang kaibigan. "Bakit parang gulat ka?" Tinuro ni Tocila ang lalaki. "Hindi mo ba kilala ang lalaking iyan?" Umiling siya at muling tinitigan ang lalaki. Inaayos nito ang gitara nito at ang upuan. Narinig niyang bumungtong hininga si Tocila. "Ace dear, alam kong iniingatan ka ng mga magulang mo pero hindi naman nakakasama sa puso mo ang makinig ng kanta. Nakakabuti pa nga dahil makapagrelax ka." Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi niya. Naalala niya ang isang bagay na dapat ay hindi na niya maalala pa. Ang kalagayan niya ngayon. Huminga siya ng malalim para alisin ang lungkot na unti-unting na bubuhay sa puso niya. Tumingin siya kay Tocila at ngumiti. She needs to smile. She needs to hide her emotions for the people around her not to worry. For them to think that she is already fine. May gusto siyang hingin kaya dapat hindi nila mabasa ang totoo niyang nararamdaman. "Hindi lang ako mahilig makinig ng musika." Sagot niya. Tumungo naman si Tocila at tumingin ulit sa iba-iba. "He's name is Timothy Razel Alexander Navarro o mas kilala bilang Tim Navarro. Isa siya sa magaling na singer sa bansa. Ang alam ko siya din ang nagsusulat at gumagawa ng kanta niya." Tumingin ulit sa kanya si Tocila. "Maliban pa doon ay sobrang gwapo niya kaya kinukuha din siya bilang modelo. Ang alam ko ambassador siya ng Life Mineral Water at Cole's Whisky." Tumungo siya. "Kung ganoon ay siya pala ang endorser ng Redwave." "Yap." Muli niyang tinitigan ang lalaki. Ipinikit niya ang mga mata at muling dinama ang boses nito ng magsimula itong kumanta. Hinayaan naman siya ni Tocila. Muli niyang naramdaman ang kasayahan na iyon ng marinig ang boses ng binata. His music is lovely. His voice sound so magical. Binubuhay nito ang puso at pagkatao niya. Nang matapos ang pagkanta nito at nagsimula itong magpaalam sa mga fans ay saka lang parang natauhan si Ace. Sinundan niya ng tingin ang lalaki na lumapit muna sa mga fans nito para makipag handsake bago tuluyan pumunta ng back stage. She suddenly feels disappointed. Parang nais pa niyang titigan ng matagal ang binata. Lalo na ang mga ngiti at ningning nito sa mga mata. Ang mga mata ni Tim na talagang sobrang ganda. Nakaka-akit ang binata at hindi na siya nagtataka kung maraming babaeng naghuhumaling dito. "Are you okay?" tanong ni Tocila na nagpagising sa naglalakbay niyang isipan. Tumingin siya sa kaibigan at tumungo. "You make me worried." Ngumiti na lang siya sa sinabi nito at hinawakan ito sa braso. Hinila niya ito paalis doon. "Kumain na lang tayo. Gutom na ako." Sabi niya. Napailing na lang si Tocila sa sinabi niya at sumunod sa kanya. Sa isang Korean restaurant sila pumasok. Tocila order foods for her. Dito niya inaasa ang mga pagkain niya kapag kumakain sila sa labas. Alam kasi nito kung ano ang nakakabuti sa kanya. Tocila is not just a friend of her but also a sister for her. Nag-aaral ito ng medicine para sa kanya kaya talagang malapit siya sa kaibigan. "Uuwi ka ba ngayon sa bahay ng mga magulang mo?" tanong ni Tocila pagkatapos nitong umorder para sa kanila. Umiling siya. "Ayaw kong makita si Daddy." "Your Dad only want is what are best for you. Nag-iisang anak ka nila kaya talaga gagawin nila ang sa tingin nila ay tama sa iyon. They can't let you risk your life. Not after what you did for this past few weeks. Gusto ka pa nila makasama ng matagal, Ace." Malungkot siyang napayuko. "Alam ko naman iyon, Tocila, pero nais kong masubukan ang lahat. I want to live my life the way I wanted it. Ayaw ko iyong pakiramdam na kinukulong ako dahil mas lalo ko lang nararamdaman na mahina ako, na may sakit ako at iilang taon na lang ako dito sa mundo. Hindi ko naman nakakalimutan na may sakit ako sa puso. Can you just trust me that I can take care of myself? Na hindi ko na gagawin ang bagay na iyon. I promise remember?" Hindi umimik si Tocila. Nanatiling nakatitig sa kanya ang kaibigan. Alam niyang tutol pa rin ito sa mga sinabi niya. Simula noong bata siya ay masyado ng maingat sa kanya ang kanyang mga magulang. She was thirteen years old when her parents found out about her weak heart. Simula noon ay naghanap na ng heart donor ang mga magulang niya pero hindi ganoon kadali ang lahat. Marami din kasi naghahanap na kagaya niya. Kahit ang yaman ng pamilya niya ang walang magawa para maka-ahon siya sa sakit niyang iyon. Kaya ng tumuntong siya ng twenty years old ay tinanggap na niya ang kanyang kapalaran. Maswerte pa rin siya hanggang ngayon dahil maayos pa rin ang puso niya. Nakakabuti daw ang pag-iingat na ginagawa ng kanyang mga magulang sa kanya para humaba pa ang buhay niya. "I tried to convince Tito and Tita to let you leave alone but you need to promise me one thing." Seryuso ang mga mata ni Tocila na nakatingin sa kanya. "What is it?" Nilukob ng saya ang puso niya ng marinig ang sinabi ng kaibigan. "Hindi mo na gagawin ang mga bagay na iyon. Sa mas malapit na bahay ka uuwi at pupuntahan ka doon ni Iiko lagi." "But Iiko is busy. May trabaho ito." "Nakabakasyon ang luko kaya hindi ka abala sa kanya. Isang buwan din siyang mamalagi dito sa Pilipinas para makasama ako. At saka plano niyang magresign pagbalik niya ng U.S." Nanlamo siya. Napayuko siya para itago ang disappointment na nararamdaman. Hindi naman pala siya ganoon ka malaya. "Papayag naman kaya iyon na maging bantay ko?" "Subukan lang niya na tumutol sa akin. Ibabalik ko talaga sa kanya itong singsing niya." Napaangat siya ng tingin. Hindi niya napigilan ang sumilay na ngiti sa labi dahil sa huling sinabi ng kaibigan. Oo nga pala, hawak pala sa leeg ng kaibigan ang pinsan niyang si John Iiko. She envies her friends. High school pa lang kasi ang dalawa ay sila na. Mas tumatag lang ang relasyon ng mga ito dahil sa mga pagsubok na dumaan. Alam niya kung gaano kabaliw ang pinsan niya kay Tocila dahil minsan na itong nagtakang magpakamatay ng nakipaghiwalay dito ang kaibigan. Buti na lang at mahal na mahal ito ni Tocila. Hindi sinukuan ng kaibigan niya ang kanyang pinsan. She also wishes that kind of love. She prays to meet the man who going to love him despite of her condition. Pero hindi na siya umaasa pa. Iilang taon na lang ba siya mananatili sa mundong iyon. Anytime, God will take her life away. At alam niya, hindi siya pwedeng umibig dahil maari iyon ikapahamak ng puso niya. Too much happiness and sadness will affect her heart. Ayaw din niya na masaktan ang taong mahal niya dahil sa iiwan niya din ito. She has no rights to fall in love. NAGLALAKAD SI Timothy sa parking lot ng mall ng mapansin ang isang kotse hindi kalayuan. Kilala niya iyon dahil sa plate number. Huminga siya ng malalim at tumingin sa Team niya. "Manager Kho, may kakausapin lang po ako. Pwede po bang mauna na kayo?" ngumiti siya sa kanyang manager. Nagsalubong ang kilay ng Manager niya. "Hindi ka ba napagod sa performance mo ngayon?" Lalong lumawak ang ngiti niya. "Nope. I be home after this." "Paano ka uuwi kung mauuna kami?" "Someone will ride me home." Tumingin siya sa direksyon kung saan ang kotse na nakita niya. Lumabas na ang driver ng kotseng iyon at seryuso ng nakatingin sa kanila. Muli siyang tumingin sa kanyang manager. Nakita din nito ang lalaki kaya tinapik niya ang balikat nito. "I'll be fine." "Hindi ba pwedeng putulin mo na ang ugnayan mo sa kanya?" Napahinto siya ng marinig ang sinabi ng manager niya. Muli siyang humarap dito. Nakita niya ang inis at disappointment sa mukha nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaksyon nito gayong wala naman ginagawa ang lalaking iyon sa kanya. Nawala ang ngiti sa labi niya at pinalitan iyon ng kaseryusuhan. Wala siyang paki-alam kung manager niya ito. Hindi nito saklaw ang personal niyang buhay. Mas wala itong karapatan kung sino ang taong kakaibiganin at pakakasamahan niya. "Alam natin pareho na hindi natin pwedeng putulin ang ugnayan ko sa kanya. I'm still the ambassador of their product." "Na hindi ko maintindihan kong bakit pumayag ka. Oo at malaki ang ibinayad nila sa iyo pero hindi pa rin iyon---" "Wala akong paki-alam sa reputasyon ng mga Cortez." Tinalikuran niya ang kanyang manager na alam niyang galit na sa kanya ng mga sandaling iyon. "Kaibigan ko si Lincoln Aries at hindi mo iyon pwedeng paki-alaman." Tuluyan siyang lumapit kay Lincoln na nakasandal sa kotse nito. Hindi na niya pinansin ang mga titig ng kanyang team. Wala naman silang alam tungkol sa personal niyang buhay at wala siyang balak na sabihin sa mga ito. Isang ngiti ang ibinigay niya kay Cole na ngayon ay masama ang tingin sa manager niya. "Good to see you." Sabi niya. Ngumiti lang si Lincoln at tinuro ang kabilang bahagi ng kotse. Agad siyang umikot para pumasok ng kotse. Sumunod din sa kanya ang binata. Tinatapunan pa rin nito ng masamang tingin ang kanyang manager kahit nasa loob na sila ng kotse nito. Nakasuot na siya ng seatbelt ay nakatingin pa rin si Lincoln kay manager Kho. "Baka matunaw iyang Manager ko." Pabiro niyang sabi at tinapik ito sa balikat. "Hindi ko lang nagustuhan ang sinabi niya, Kuya." Sabi ni Lincoln at binuhay ang kotse. Natigilan siya at napatingin kay Cole. Madilim pa rin ang mukha nito at para bang ilang sandali na lang ay sasabog na ito. Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Wala siyang alam tungkol sa totoong pagkatao ko. Hindi nila alam na magkapatid tayo." "Bakit ba kasi ayaw mong ipaalam sa kanila? Saavadra ka, Kuya. Ikaw ang unang anak ni Daddy." Hindi siya umimik. Tumingin siya sa labas ng kotse para itago kay Lincoln ang gumuhit na lungkot sa mukha niya. "Mom is willing to adapt you para maging legal kang Saavadra. Kailangan mo maging Saavadra para makuha mo na ang lahat ng para sa iyo." "Alam mong hindi ako interisado sa Saavadra Empire. Isa akong bastardo, Lincoln. Wala akong karapatan sa kayaman ng mga Sa---" Natigil siya sa pagsasalita ng ihampas ni Lincoln ang kamay nito sa manubela. "Bullshit!!!" sigaw nito. "Licoln Aries, your words." Sabi niya sa kapatid. Madilim ang mukha na tumingin sa kanya ang kapatid. "Everything you said is bullshit, Kuya. May karapatan ka sa Redwave dahil ikaw ang panganay na anak ni Daddy. Anak ka man niya sa labas hindi pa rin ma-aalis ang katutuhanan na dumadaloy ang dugo ng Saavadra sa iyo. You are my big brother and you are a Saavadra." May humaplos sa puso niya dahil sa sinabi ng nakakabatang kapatid. Lincoln and he is brother in father. Anak siya sa labas ng ama nito. Nakilala ng kanyang ina ang ama nila ni Lincoln dalawang taon bago nagpakasal ang mga magulang ni Lincoln. Bunga siya ng isang one night stand. Pumunta ng Pilipinas ang ina niya na isang German para magbakasyon. Doon niya nakilala ang ama niya sa isang bar. Isang gabi na nagpabago sa buhay nito. Hindi kilala ng kanyang ina ang kanyang ama kaya mag-isa siya nitong tinaguyod. He was fifteen years old when he found out about his father. Pinakilala siya ng kanyang ina dito pero naging daan din iyon para magkasakit si Lincoln. Isa siya sa naging rason para matrigger ang depression nito. Iniwan siya ng kanyang ina sa kanyang ama kaya walang nagawa ng kanyang ama kung hindi ang isama siya ng umalis ang mga ito ng bansa para ipagamot si Lincoln. Nabuhay siya na kasama ang ama at si Tita Ivy na tinanggap siya ng buong-buo sa loob ng dalawang taon bago siya muling kinuha ng ina. Sumama siya sa ina ng malaman na may sakit ito sa kidney. Nakilala niya din ang napangasawa ng kanyang ina na si Tito Saturn, isang pinoy na may-ari ng isang kilalang jewelry line. Tinanggap siya ni Tito Saturn at tinuring na parang anak. Nang malaman niyang namatay ang totoong ama niya ay nahiya siyang magpakita sa kapatid pero ng mamatay ang kanyang ina at Tito Saturn, apat na taon na ang nakakaraan ay muling nagpakita sa buhay niya si Cole at Tita Ivy. Itinaboy niya ang mga ito pero hindi siya sinukuan. Kaya ngayon ay sobrang malapit siya sa kapatid na tanggap siya bilang kuya nito. Nang mag-umpisa siyang sumikat bilang isang mang-aawit, hiniling ni Lincoln na dalhin niya ang apelyidong Saavadra ngunit tumutol siya, ayaw niyang bahiran ng kontrobersya ang buhay ng mga ito. Walang nagawa si Lincoln kung hindi respetuhin ang desisyon niya na makilala bilang Tim Navarro. Hindi lang ang apelyidong Saavadra ang tinggihan niya kung hindi na rin ang tulong nito sa kanyang career. He wants to do it alone. Nais niyang ipagmalaki ang lahat sa buhay niya ng masasabihing wala siyang kinuhang tulong sa pamilya ng kanyang ama. "Cole, alam mo kung gaano ako nagpapasalamat sa inyo ni Tita Ivy. Nang mawala si Mommy at Tito Saturn kayo ang naging sandalan ko. I'm become strong person because of you and Tita pero hayaan mo naman ako ngayon. In no time, malalaman din ng lahat na magkapatid tayo. Wag lang ngayon. Mas mabuti ng ganito para hindi madungisan ang pangalan ng mga Saavadra. Lalo na ang pangalan ni Tita Ivy at ni Daddy. Alam mo kung gaano nila iningatan ang pangalan nila. Kahit anong paliwanag ang gagawin natin sa mga tao, lalabas na nagtaksil si Daddy kay Tita Ivy. It's better this way. People does't knows that I'm a Saavadra." "f**k all those people. Wala akong paki-alam sa sasabihin nila." Ngumiti siya. Alam niya kung gaano gustong ipagsigawan ni Lincoln na kapatid siya nito. Ang buong akala ng mga tao ay isang walang pusong tao ang kapatid niya ngunit hindi. Isa ito sa mabubuting taong nakilala niya pero nakakatakot itong kalaban. Kaya kahit hindi alam ng mga tao, sobrang proud niya sa kapatid. He really treasures Lincoln because he also treasures him. Kung may bagay man siyang dapat ipasalamat bilang isang bastardong anak ay iyon ang magkaroon ng kapatid na tulad ni Lincoln at step mom na tulad ni Tita Ivy. Tita Ivy is like a second mother to him. Tinuring siya nitong totoong anak sa kabila ng lahat kaya ang tanging magagawa lang niya ay proteksyonan ang pangalan nito. Tity Ivy deserves all the respect in this world. Ginulo niya ang buhok ni Lincoln. He is still his baby brother even they have two years age gap. Gagawin niya ang lahat maproteksyonan lang ito kahit kanino. "In no time, Cole. Sa ngayon ay ituon mo muna ang atensyon mo sa negosyo ng pamilya. Make me proud as you big brother." Inalis ni Cole ang kamay niya sa ulo nito. Tumingin siya sa kapatid at napangiti siya ng makita ang kasayahan sa mukha nito. "Tara na nga. Mommy is waiting." Hope you love Timothy's love story. Half brother siya ni Lincoln ng The Girl in Red Dress Sana ay suportahan niyo ang love story niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD