bc

Sir! Yes, Sir! (Ikaw pa, labs kita!) COMPLETED

book_age16+
108
FOLLOW
1K
READ
forbidden
love-triangle
age gap
bxb
mxb
bisexual
campus
childhood crush
first love
mxm
like
intro-logo
Blurb

Itong story na ito ay tungkol sa isang student na unti-unti nalang nakaramdam ng kakaibang pagtatangi sa kanyang teacher. Ano nga ba ang magiging desisyon ni Sean kung pati kapatid niya ay nahuhumaling na rin sa kanyang guro?

chap-preview
Free preview
Chapter I
Sean Krisher Juntura Point of View "It is because of the hypothalamus" sagot ko sa tanong ni Sir Migs. Nakakakaba naman itong teacher na ito kapag nagpaparecitation. Kahit open notes pa kapag narinig mo naman ang tanong niya talaga namang nakakataranta. Hindi kasi siya marunong masiyahan sa simpleng sagot. Nakakainis! Nakakahiya tuloy sa mga nakakakita at nakakarinig. Dalawang section pa naman kami dito sa loob ng room. Pinagsama kasi ang section namin pati ang section A. Ewan ko ang daming pwedeng isama samin bakit dito pa sa section na ito. Umupo na ako kaagad matapos ang hindi mabilang na tanong ni Sir Migs. Kaiba talaga. Pakiramdam ko nga ay collage na ako eh. Kapag nagrerecitation kasi kami ay tahimik lahat ng kaklase ko. Paano ba naman hindi tatahimik eh bibigyang kami ng kanya-kanyang number tapos tatawag si Sir ng number at kapag natawag ang number mo ay dapat tumayo ka na agad. Kung hindi? Ay naku! Grabe! Baka wala ka ng maiharap na mukha sa mga kaklase mo. Minsan naman kapag napagtripan ka ay ituturo ka at patatayuin ka. Gumawa ka lang ng kaunting ingay ay maririnig mo ang salitang be ready your'e next aw! Ayoko maririnig yun! Imagine tatayo ka tapos ang daming nakatingin sayo at tatanungin ka ng nakakawindang na tanong. Torture! Kung pag-uusapan naman ang exam. Haaay naku! 200 items! Wala pang pagpipilian! Torture talaga! Mahilig pa magpagawa ng essay. Wala pa naman akong wisyo sa paggawa ng mga ganoong bagay. Ayaw pa niyang pumayag na isang papel lang, gusto niya umabot ng limang yellow paper ang essay. Imagine ano kaya ang ilalagay ko dun? Diba? Walang hustisya! Pahirap siya sa mga estudyante! Ako nga pala si Sean Krisher Juntura. Highschool student. Matangkad, basketball player, moreno ang kulay at singkit ang mga mata. May dimples ako na hindi ko naman masyadong ipinagyayabang. Girlfriend? Meron naman. Mawawala ba sakin yun? Yung girlfriend ko ay nasa kabilang section. Tuwing hapon lang kami nagkikita kapag pauwe na kami. Sabay kaming nauwe sa hapon at inihahatid ko siya. "So, we'll continue this tomorrow" pagtatapos ni Sir Migs bago niya kami tuluyang palabasin ng kaniyang impyernong room. Paano ko ba naman hindi sasabihing impyerno yun eh saksakan ng init! Tapos wala pa siyang awa sa mga estudyante kung magparecitation o magpaexam. "Tol may assignment ba tayo?" tanong sakin ni Mark habang patuloy ang pagkulikot sa kanyang cellphone. Siya yata ang taong hindi mabubuhay ng walang cellphone. Mahilig sa selfie! Kaasar! "Wala. Basta mag-aral ka nalang baka tawagin pa number mo ni Sir!" sagot ko sa kanya habang hawak ko rin ang cellphone ko. Naglalaro kasi ako ng mmm fingers. Kabanas nga at hindi ko malampasan ang high score. Hapon na palagi ako umuwe. Wala rin naman kasi akong gagawin sa bahay namin bukod sa pagtambay sa labas. Naupo muna kami ng mga kaibigan ko at nagkwentuhan. Ganito naman kami palagi lahat na yata ng pwede naming pag-usapan ay pinag-uusapan namin may masabi lang. "Oh nandiyan na pala ang hinihintay mo" sabi sakin ni Mark na hawak parin ang kanyang cellphone. Si Cheska ang tinutukoy niya, girlfriend ko. Mabilis akong tumayo at kinuha ang kanyang bag. Nagsimula na kaming maglakad pauwe. Hinahatid ko pa kasi siya pauwe eh. Ganoon ako ka-gentleman. Eheeeem! Para-paraan lang yan mga dre. "Si Sir oh!" sabi ni Ian habang naglalakad kami. Sinubukan namin siyang tawagin pero hindi siya nalingon. Napakasuplado naman nitong teacher na ito. Hindi man lang makabati sa mga estudyante niya. "Oh pano? Bukas nalang" sabi ko sa kanila. Magkaiba kasi ang way ng daan namin. Pakaliwa ang sa kanila at pakanan naman ang sakin. Wala pa akong masyadong kilala dito. Bagong lipat lang kasi kami kaya hindi ako masyadong sanay sa lugar na ito. Ang dami laging taong nakatambay sa labas lalo kapag gabi. Daig pa ang mga aswang. May inuman sa magkabilang daan at naghaya ang mga tambay. Ganoon palagi ang nadadaanan ko tuwing hapon. Pagkatapos kong mabihis ay lumabas na ako ng bahay para makapasok na ako. Hindi uso sakin ang kumain ng almusal sa bahay dahil nakagawian namin na kumain sa school ng mga kaibigan ko. Habang naglalakad ako ay biglang may tumigil na sasakyan sa gilid ko. "Sakay na" sabi niya matapos ibaba ang bintana ng kanyang sasakyan. Binuksan niya ang kabilang pintuan at umikot naman ako para makasakay na ako. Hindi kami nag-uusap. Wala akong naririnig na kahit na ano nung nasa loob ako ng sasakyan niya. Bumusina siya sa tapat ng gate ng school namin at mabilis naman itong pinagbuksan ng guard. Matapos nitong maipark ang kanyang sasakyan ay lumabas na agad kami. "Sir thank you po" sabi ko. Tumango lamang siya at nagdiretso na sa faculty room. Ako naman at nagpunta na sa room ko para ayusin ang gamit ko. May taglay din naman palang kabaitan yung teacher na iyon. Akala ko ugaling monster na iyun eh. Nandito ako ngayon sa rooftop at nakadungaw sa ibaba. Dito kasi tanaw lahat ng nasa ibaba ultimo ang buong parking lot ay tanaw mo. Napabalik ako ng tingin nung makita ko si Sir Migs na may mga kasamang estudyante. Sigurado ako senior yung mga kasama niya. Nakita ko silang naghahabulan at nagkukulitan. Unang beses kong nakita si Sir sa ganoong pagkakangiti o sobrang tawa na yata ang tawag doon. May nakita akong lumapit sa kanya at biglang siyang inakbayan tapos narinig ko ang mga kasama niya na nagkakantahan. Hindi ko na alam kung anong kanta iyon pero halata ko na tinutukso nila si Sir at ang katabi nito. "Uy! Sino tinitingnan mo diyan ah!" nagulat ako sa biglang pagtapik sakin ni Mark. "Wala. Nagpapahangin lang" sagot ko sa kanya. Tatanungin ko sana siya kung bakit nandito rin siya pero nakuha ko na kung bakit, kasi magmomorning selfie siya. "Pang cover photo lang naman" sabi niya sakin habang todo ang pagseselfie niya. Kaiba talaga ang taong ito. Pati ba naman dito sa rooftop, selfie parin! Ang tinde! Muli akong lumingon sa ibaba at nakita kong unti-unti na silang umaalis sa pinupwestuhan nila. Ang iba ay kasama ni Sir at yung iba naman at patungo sa main building. Nakakatamad naman ang araw na ito. Puro discussion lalo na sa PhH (Philippine History), nakakabagot! Kung hindi dahil kay Mark ay siguradong makakatulog ako. Atag ba naman sundutin ang pwet ni Ace habang nagdidiscuss ang teacher namin. Nuknukan ng loko. Panay rin ang selfie niya kapag nakatalikod si Maam. Natapos ang oras namin sa subject na iyon na pigil na pigil ko ang pagtawa ko. May mga pagkakataon nga na napapatingin na samin si Maam dahil sa ingay na nanggagaling sa area namin. Last subject na. Yes! Konting oras nalang at uwian na. Sobrang tahimik ng mga kaklase ko at ng kasama naming ibang section. Nakita na kasi nilang padating si Sir at may nakasabit na red ballpen sa damit nito. Iyon kasi ang palatandaan na meron kaming quiz o recitation sa subject niya. Walang maririnig na kahit ano nung pumasok na siya sa loob ng classroom namin. Inilapag niya ang kanyang bitbit na libro at record book. "9!" bigla niyang sabi. Nakakagulat naman talaga itong teacher na ito. Nakita kong tumayo ang isa kong kaklaseng babae. Halata ang pagkakaba nito dahil sa pagkakatawag ng number niya. "It is composed of structures in the brain that deal with emotions such as anger, happiness, and fear as well as memories" pagsisimula ni Sir sa kanyang nakakawindang na tanong. Nagpalinga-linga ang kaklase ko at halatang hindi malaman kung ano ba ang isasagot sa tanong ni Sir. "Look at me when I'm asking a question" sabi ni Sir. Tumayo ng maayos ang kaklase ko at tumingin lamang sa iisang direksyon, kay Sir. "Limbic system..." mahinang sagot ni jackie. "Are you sure?" dugtong ni Sir. "Yes Sir..." "Okay. Very good" matapos sabihin ni Sir yun ay nakita kong nakahinga ng maluwag si jackie. Kami naman ngayon ang nakakaramdam ng kaba dahil baka biglang tawagin ang number namin. Bakit ba kasi ang bagal ng oras kapag hapon. Nagpatuloy ang pagtawag ni Sir sa mga number at napapaswerte naman ako dahil laging nakakailag ang number ko. Ang number 11. Swerte yata ang number ko kasi simula pa kahapon hindi natatawag. "20 mins nalang, matatapos na" bulong sakin ni Mark. Sa ganitong oras lang hindi nakakapagselfie ang taong ito. Jusko naman kung magseselfie pa siya kapag ganito ang teacher na nasa harapan. Patuloy ang bulungan ni Mark dahil pinag-uusapan namin kung saan kami kakain mamayang hapon. Friday kasi. Walang pasok bukas kaya nasanay kami na kapag walang pasok kinabukasan ay nagkakaroon kami ng piknikan tuwing hapon. "11" bigla akong napabalikwas sa pagkakaupo ko. Nakita ko ring napaayos ng upo si Mark. Tumayo ako ng dahan-dahan at tumingin kay Sir. "What is Hypothalamus?" tanong ni Sir. Jusko naman! Kung kailan matatapos na ang oras saka pa natawag ang number ko. Nag-isip ako. Pinapakita ko kay Sir na kunwari ay nag-iisip ako. Nakatitig ako sa kanya pero siya naman ay nakatingin lang sa hawak-hawak niyang record book. "Again, what is Hypothalamus?" pag-uulit ni Sir. Si Sir naman masyadong mainipin. Sa totoo lang hindi ko alam ang sagot sa kanyang tanong. Inaantay ko nalang na matapos ang oras para paupuin niya ako at mag-uwian na kami. Iniangat niya ang kanyang ulo at tumingin sakin. Nakita kong kumunot ang kanyang noo at halatang naiinis. Naglalakad siya unti-unti papunta sakin. Palapit ng palapit. Bumibilis ang lagabog ng dibdib ko sa kaba. Nakakahiya naman sa mga kaklase ko at sa kasama naming ibang section. Saktong mapapalapit na siya sakin nung may narinig akong nagsalita sa may likuran. "Paupuin mo na yan, sagot ko na iyan!" sabi niya. Mabilis akong lumingon at nakita ko yung nagsalita na nakasandal sa gilid ng pintuan. Nakangiti ito kay Sir. "Oh bat ang aga mo?" sagot naman ni Sir. Nakalimutan na yata ako ni Sir dahil sa taong nasa pintuan na ang atensyon nito. Nakatayo parin ako at nag-aantay na paupuin ni Sir. Bigla akong natigilan nung maalala ko ang mukha ng taong kinakausap ni Sir. Siya yung isa sa mga kasama ni Sir sa parking lot kaninang umaga at siya rin yung taong umakbay kay Sir. Nagdiretso yung lalaki sa table ni Sir at inilapag ang gamit nito. Naupo sa upuan at kinuha ang cellphone ni Sir. "Maaga kasi kaming pinalabas ni Maam" maikling sagot nung lalaki. Tahimil parin ang mga kasama ko sa loob ng classroom. Nag-aantay yata lahat na pauwiin ni Sir. Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong may sampung minuto pa kaming natitira. Wala naman nagbubulong sakin ng sagot. Siguradong mapapahiya na talaga ako nito. "Sabi ko, paupuin mo na siya" sabay turo sakin nung lalaki. Pinaupo ako bigla ni Sir at hindi na muling tumingin sakin. Nakita kong nakathumbs up sakin si Mark senyales iyon na swerte talaga ako. "Sigurado ako na number 11 yung tinawag mo" sabi nung lalaki. Nakita kong ngumiti si Sir. Bakit? Anong meron sa number 11? Parang nagkaroon ako ng interes na malamn iyon kasi ako ang number 11. "Naku Reynier ah! Kapag nalaman kong hindi ka pumasok lagot ka talaga sakin" sabi ni Sir. Reynier pala ang pangalan nung lalaking iyon. Salamat nalang sa kanya at dahil sa kanya ay nakaligtas ako sa tanong ni Sir. "Okay class, you may go now..." sabi ni Sir at mabilis tumalikod samin. Inayos niya ang kanyang gamit at kinuha ito ni Reynier. Bitbit ni Reynier ang bag ni Sir habang papalabas na kami ng classroom namin. "Ahh... Sean, Mark and Michael, antayin ko kayo sa bench after 20 mins" biglang sabi ni Sir a dahilan ng biglang pagtigil namin sa paglalakad ng mga kaibigan ko. Nagkatinginan kaming tatlo at nagtataka kung bakit. "Okay Sir" sabay-sabay naming sagot sa kanya. "Bakit kaya tayo pinapatawag ni Sir? Tanong ni Michael. "Baka nakita kang nagseselfie kanina Mark? Pasimple ka pa kasi kanina eh!" sabi ko naman. "Tanga! Baka gawa mo kasi hindi ka nakasagot kanina!" sabi naman ni Mark. "Eh kung dahil doon yun eh dapat ikaw lang Sean ang ipatawag dapat hindi na kami kasama" dugtong naman ni Michael. Halata sa mga mukha namin ang kabang nararamdaman habang papalapit kami ng papalapit sa bench. Sa bench kasi ang tambayan ng mga estudyante. Dun ko madalas makita ang mga junior at senior student na tumatambay. "Why are you late!?" nagulat ako sa biglang sinabi ni Sir samin. Grabe naman itong teacher na ito. Dalawang minuto lang kaming late ah! Walang hustisya! "Why are you late!? Pag-uulit ni Sir sa tanong niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
619.9K
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K
bc

My Stranger Husband

read
7.3M
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
699.2K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
478.0K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook