Episode 2

737 Words
Chapter 2 Nicole POV.   "You're so galing talaga kahapon, Summer. I super loved it," nakangiting sabi ni Empress at kinain ang fries niya.   Nandito kami ngayon sa isa sa mga Restaurant nila Empress.   Napakamot sa ulo si Summer at napangiwi.   "Nakakahiya kaya ‘yon."   Umiling iling si Empress.   "No! It's super amazing kaya. Tapos bagay din ‘yon mangyari sa dalawa.” Nakangusong sabi ni Empress at muling sumubo ng fries.   "Basta, hinding hindi ko na gagawin ulit ‘yon," sabi ni Summer at kinain ang burger niya.   "Oo na! By the way, nasaan na nga pala yung vinideo mo kahapon, Nicole dear?" nakangiting sabi ni Empress sa’kin.   Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at binigay ito sa kanya.   Nakita kong kumunot ang noo ni Summer.   "Anong video yan?"   "Video mo kahapon!"   Nanlaki ang mga mata ni Summer.   "Seriously?! Patingin nga," sabi nito at kinuha ang phone ko.   "Shems! Nakakahiya," sabi ni Summer habang nakahawak ang dalawang kamay sa pisngi niya.   Natapos na niya kasing panoorin ang nangyari kahapon.   "Oh, diba Summer dear ang galing mo!"   "Pero naaawa ako kay Mika," malungkot na sabi ni Summer.   Nakita kong napasimangot si Empress.   "Deserved nila ‘yon, lalong lalo na si Slut. Kaya wala kang dapat ikaawa sa babaeng ‘yon," seryoso at inis na sabi ni Empress.   Napalunok ako sa aking laway. Hindi kasi ako sanay na makitang ganito si Empress.   Iniba ko ang usapan para ‘di na gumulo pa.   "Next week na pala ang pasukan ‘no?” sabi ko.   Nakita ko ang ngiti sa mukha ni Empress and pagkasabik.   "Omg! Oo nga. I'm so excited na!”   "At kailan ka pa naging good student, aber?" tanong ni Summer.   "Kanina lang."   "Ugh! Ayaw ko pang pumasok,"inis kong sabi.   "Tamad mo talaga kahit kalian," sabi ni Summer habang umiiling.   "Sana may ma meet akong hot guy do’n sa campus tapos magiging boyfriend ko," sabi ni Empress.   "Dream on.."sabi ko at umirap.   "Omg!"   Napatingin kami ni Empress kay Summer ng bigla itong napasigaw at tumayo.   "What?"   "Pupuntahan ko nga pala si Jayson ngayon sa condo niya."sabi ni Summer na busy sa pag tingin sa phone niya.   Napairap ako.   "Jayson Torres, tsk that Asshole."   Tinignan ako ng masama ni Summer.   "He's not asshole. Bye una na ako sa inyo."sabi niya at umalis na.   "I really don't like Jayson for Summer dear talaga."sabi ni Empress ng makaalis na si Summer.   Napatango ako sa pag sang-ayon.   Jayson Torres, Summer's boyfriend. We really don't like him for Summer.   He's a Playboy.   Everyone knows that. Pero nag bulag bulagan at nagbingi bingihan lang si Summer.   Hindi kami boto ni Empress para dito pero para kay Summer susuportahan nalang namin siya kung saan siya masaya.   Pero kapag nalaman kong sinaktan niya ang kaibigan namin bubungian ko talaga ang lalaking ‘yon.   SUMMER POV.   Nakakainis naman oh! Bakit ko nakalimutan na pupuntahan ko pala si Jayson sa condo niya ngayon.   Sigurado akong galit na yun sa akin wag naman sana hays.   Bago ako pumunta sa condo ng boyfriend ko ay bumili na muna ako ng favorite niyang red ribbon cake.   Dumiretso na agad ako ng pasok sa condo niya pagkatapos kong buksan ito. Alam ko kasi ang code ng condo niya.   Nagtaka ako sa katahimikan ng condo ni Jayson.   Nasaan kaya yun?   Alam kong nandito lang siya sa condo niya kasi wala naman siyang schedule ngayon.   Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang isang damit niyang nakakalat sa sahig.   Kinuha ko ito at tinignang mabuti.   Bakit nakakalat 'tong damit niya dito?   "Jayson?"   Walang sumagot sa akin.   Hinay hinay akong lumapit sa may kwarto niya nang may narinig akong kakaiba.   Parang may umuungol.   "Hmmm..Jayson.."   Kumunot ang noo ko.   "Hon?"tawag ko kay Jayson pero walang sumagot.   Lumapit pa ako lalo pero mas lumakas din ang tunog ng ungol galing sa kwarto niya.   Kinabahan ako bigla.   No..   Hindi maaari ito.   Nanginginig akong hinawakan ang doorknob at hinayhinay na binuksan ang pinto.   Nanghina ako sa nakita ko pag bukas ko sa pintuan.   "Ahh..Jayson faster!"   "Yeah! Ahh.."   Atomatikong nagsilabasan ang mga luha sa aking mga mata.   Nakita ko siyang hubo't hubad habang nakikipagtalik sa isang babaeng hindi ko alam kung sino.   "J-jayson.."tawag pansin ko sa nobyo ko.   Dali dali silang napatigil sa ginagawa nila at napatingin sa akin.   Nanlaki ang mga mata ni Jayson.   "S-summer."   Dali dali niyang sinuot ang damit at shorts niya.   Aakmang lalapit siya sa akin nang sinigawan ko siya bigla.   "Wag kang lalapit!"sigaw ko.   Nanginginig ako habang tuloy tuloy parin ang pagtulo sa aking mga luha.   Galit kong tinignan si Jayson.   "Walang hiya ka. Bakit mo 'to nagawa sa akin hayop ka!"   Lumuhod sa akin akin si Jayson at napahikbi.   "Hon let me explain..h-hindi ko ginusto ang-"   "f**k you Jayson Torres! I hate your lies! You're a great liar! Ang kapal nang mukha mong lokohin ako. Mag hiwalay na tayo!"galit kong sigaw at tinapon sa mukha niya ang kanina ko pa hawak hawak na box ng Red Ribbon Cake at nag walk out.   Walang hiya ang sakit sakit..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD