bc

One More Chance Book II

book_age18+
66
FOLLOW
1K
READ
forbidden
drama
comedy
bxb
campus
mxm
like
intro-logo
Blurb

One More Chance Book II

One More Chance Book II

One More Chance Book II

One More Chance Book II

chap-preview
Free preview
Chapter I
One More Chance Book II Chapter I Ashton Clarence Point of View Ang bilis lumipas ng araw.  First day of school agad at college na ako. Wala na akong naging balita kay Mark, siguro masaya na yun kasi alam ko sa mga oras na ito ay nagsasama na sila ni Steff. Balita ko kasi ikinasal sila after ng graduation namin. Ayos narin siguro yun atleast mas magkakaroon siya ng masayang pamilya. Si Babe ko kaya, kumusta na? Simula kasi nung umalis siya ay isang beses lang kami nagkausap, sinabi niyang magiging busy siya at hindi na makakatawag. Kahit nga sa sss wala na rin ako balita sa kanya. Sana mabilis lumipas ang panahon para makabalik na ulit siya dito. "Oh umiiyak ka nanaman" sabi ni Tin. Magkapareho kami ng eskwelahang pinapasukan at the same time pati ng kurso. No choice na rin kasi siya. Mabilis kong pinunasan ang luhang pumapatak sa mata ko at ngumiti sa kanya.  "Don't worry. He'll be back - soon" ang pang-aamo nya sakin. Halos araw-araw kasi akong napapaiyak sa tuwing naiisip ko si Ace. Palagi kong tinitingnan ang suot-suot kong singsing na hindi ko kailanman hinubad simula nung isinuot niya sakin ito sa airport bago siya umalis. "Osya - tara na! first day of school ee nag-eemote ka!" sabay haltak niya sa kamay ko. Malaki rin itong school na pinapasukan ko. San Sebastian College Recoletos - de Cavite. Hindi naman sa pagmamayabang ay private school ito. Sa totoo lang ayaw ko sana dito mag-aral kasi ang mahal ng tuition fee pero nagpumilit si mama. Kaya nagpa-part time job ako sa gabi at si mama naman ay bumalik sa dati niyang work. Flashback "Mama naman! Kahit saang school naman pwede ako tsaka okay lang naman kahit sa isang taon na ako mag-aral ee" sabi ko kay mama.  "Hindi pwede Ashton! Gusto kong mag-aral ka sa magandang eskwelahan. Kung ayaw mong sumunod sa gusto ko ay pauuwiin kita sa probinsya at doon ka sa tito mo!" biglang nanlaki mata ko nung narinig ko iyon. Ayaw ko umuwe ng probinsya nu! Hindi naman sa pagiging maarte pero ayoko kasama si tito baka pagtindahin lang ako ng gulay nun! "Papayag ka rin pala!" sabi ni mama sakin habang nag-aayos ng gamit. "Bakit ma? Saan ka pupunta?" sabi ko nung nakita ko ang mga maleta na halatang naglalaman ng maraming gamit. "Anong saan ako pupunta? Baka Saan TAYO pupunta!" pagtatama niya sakin. Pinaliwanag ni mama ang nangyayari. sinabi niyang pinakiusapan siya ng dati niyang amo na bumalik sa bahay nila bilang katiwala. Lubos kasing si mama daw ang pinagkakatiwalaan ng kanyang amo, at sinabi rin daw kay mama na walang ibang tatao sa bahay nila kundi ang mga katulong at kami nila mama. "Eh ma, pwede bang maiwan ako dito sa bahay?" "Naku Ashton! Hindi pwede! Baka magloko ka lang sa pag-aaral" Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay mama. Kesa naman ipatapon niya ako sa probinsya. Ayoko dun! __________ "Bilisan mo nga ang kilos! Kanina pa nag-aantay ang taxi at ang kapatid mo!" "Oo na! Eto na nga mama e!" Nagsimula ng umandar ang sasakyan. Isinalpak ko sa tainga ko ang earphone ko. Pumikit ako at hindi ko namalayan ang sarili ko na nakatulog na pala ako. Naramdaman ko nalang ang sarili ko na may yumuyugyog. "Kuya! Kuya! Gising ka na, andito na tayo. Ang ganda ng bahay kuya, anlaki!" dahan dahan kong iminulat ang mata ko at bumaba sa sasakyan. OMG! Nanlaki ang mata ko at hindi halos ako makahakbang. Nanginginig ang dalawang tuhod ko at bumibilis ang t***k ng puso ko. Nananaginip ba ako? Takte! Gisingin nyo ako! Hindi ako pwedeng magkamali, ilang beses na akong napunta dito. Ito ba ang tinutukoy ni mama? Ayoko! Ayoko! "Ashton, wala ka bang balak pumasok? Kanina ka pa nakanganga diyan sa pintuan!" sigaw ni mama sakin. "Mama! Ayoko! Dun nalang ako sa bahay natin! Ayoko dito!" sigaw ko kay mama. "Bakit kuya? May mumu ba dito?" sabi ng nakakabata kong kapatid. "Oo Jairus. May Mumu dito kaya sabihin mo kay mama na umuwe na tayo, nakakatakot yung mumu dito, nangangain ng bata!" pananakot ko sa kapatid ko para pumayag si mama na umuwe kami. "Mama! Ayaw ko din dito! Ayoko may mumu daw sabi ni kuya!" sigaw din ni Jairus habang nagsisimula ng mautal senyales ng pag-iyak. "Ano bang pinagsasasabi mo sa kapatid mo Ashton! Magsitigil nga kayong dalawa sa kaartehan nyo! Halika na!" Kahit na anong gawin kong pagmamakaawa kay mama para pauwiin ako ay wala parin akong nagawa. Pumasok kami sa loob ng bahay at sinalubong kami ng mga katulong dun. "Musta ka na Ashton? Namiss ka namin dito. Buti sinama ka ni Ate Juana" bati sakin ni manang Fe. Yung palaging nag-aasikaso ng pagkain namin ni Mark dati. Oo! Tama ang basa nyo, nandito ako ngayon sa bahay nila Mark para tulungan si mama. Si mama kasi ang katiwala sa bahay na ito matagal na. Small world. Ayos lang siguro to. May asawa nanaman si Mark kaya ayos lang kung dito kami. Nagtatrabaho naman si mama at wala naman kaming ginagawang masama. End of flashback "Oy! Ashton ikaw na.." mahinang sabi sakin ni Tin. Mabilis ang tumayo at nagtungo sa unahan. "Hi! I'm Ashton Clarence Castillo. 5'4 in short pandak, 17yrs old" tipid kong pagpapakilala. Maayos naman ang mga kaklase ko at totoo nga yatang may mga sariling mundo ang mga kumukuha ng kursong sikolohiya. Mukhang mga weirdo.  "Tara sa canteen" sabi sakin ni Tin. Naglakad na kami papunta sa canteen, wala naman halos napunta sa canteen. Mas marami akong nakikitang nalabas ng gate at kung saan-saan napunta. Naupo kami ni tin matapos namin umorder ng pizza at iced tea. "Uy Tin nextweek ha, punta ka sa bar" sabi ko kay Tin. Yun kasi ngayon ang part time job ko. Singer. Kahit naman papaano ay kumikita ako dun at nakakadagdag narin sa gastos namin nila mama. "Oo. sasabihan ko narin ang tropa. Matagal na rin kasi tayong hindi nagkakabonding" sagot naman niya na may malawak na pagkakangiti. Alam ko na ang ibig niyang sabihin, INUMAN! "Ashton! Ashton!" Sabay kaming napalingon ni Tin sa pinaggagalingan ng boses. "Chris? Justin!!!!" sigaw ko nung makilala ko sila. Si Chris at si Justin ang bestfriends ni Ace. Simula nung maging kami ni Ace ay nakakasama ko palagi sila dahil kay Ace. Pinakilala ko sila kay Tin at naging magkasundo naman sila. "So, finally you're engage" nakangiting sabi ni Justin habang nakatingin sa kamay ko. "Talagang ginawa ni Pareng Ace yung sinabi niya satin" dugtong naman ni Chris. Nalaman ko sa dalawa na talagang balak ni Ace na ibigay sakin ang singsing bago ang flight niya. Tumaba lalo ang puso ko nung marinig ko iyun sa kanila. Kahit wala si Ace ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sakin. "Oh pano? Napadaan lang kami talaga dito gawa mo Ashton" ani ni Justin. "Una na kami. Mag-eenroll pa kami sa St. Dominic" paalam ni Chris. "See you beautiful girls" huling sabi ni Justin sabay kindat. Isang linggo narin ang nakalipas simula nung pumasok ako. May mga naging kaibigan na rin kami ni Tin at nakakasama na rin namin sa gala. Nasanay na rin ako sa bahay na tinitigilan namin nila Mama kaya nakakatulog na ako ng maayos ngayon. Ace? Awa ng diyos. Wala parin akong balita sa kanya. Hindi ko nalang sinasabi yun sa mga kaibigan ko, ayoko naman kasi mag-alala sila sakin. Ayoko maging dahilan para masira ang mood ng tropa kaya sinasarili ko nalang. Palagi pa rin akong nagpapadala ng email kay Ace kahit wala akong natatanggap na response mula sa kanya. Sinusubukan ko rin na tawagan ang number niya pero voice memo ang sumasagot sakin. Yun na nga lang ang ginagawa ko sa tuwing gusto kong marinig ang boses niya. Kahit paulit ulit ay ayos lang basta marinig ko lang ang boses niya. "Tara sa Park, may nagshoshooting daw dun" sabi ni Taniya. Napagdisisyunan ng tropa na pumunta sa park para mapanuod ang shooting. Sa totoo lang hindi naman ako aware sa mga artista. Hindi ko ina-idolize o makipagbungguan para lang makita sila. Oo nga pala. Linggo ngayon kaya maraming tao. Halos mapuno kasi ang buong parke at maririnig mo talaga ang mga sigawan ng mga tao don. Karamihan ay babae. Mga talande! Leonaaaaaaaard!  Vinceeeeeeeent!  Marcuuuuuuus! Narinig kong sigaw. Grabe naman makasigaw yun! Parang wala ng bukas at kung ilawit ang lalaugan ee inam. May naalala tuloy ako sa taong yun. Natigilan ako nung makilala ko yung kanina pa sigaw ng sigaw. "Balugaaaaaaaa!" sigaw ko sa kanya at mabilis naman siyang lumapit sakin at binatukan ako. "Tangnamo bakla! Kung makabaluga ka diyan!"-Buloy "Malay ko ba! Bakit ba sigaw ka ng sigaw diyan, ano bang meron?" "Palibhasa ee lulong ka sa katangahan mo sa pag-ibig kaya wala kang alam. May taping ang shooting star members at si Jennifer de Guzmaz, yung sikat na artista" umoo nalang ako at kunwari ay kilala ko ang mga iyon. Nawala sa paningin ko ang ibang mga kaibigan ko. Takte! nandun pala at nakikipagsiksikan sa napakaraming tao para lang makita ang mga pasikat na artista na iyan! "Oh break sila ng 15minutes. Tara lapitan natin" sabi nung babae habang kinikilig. Malande talaga. Wala talaga akong interes sa mga ganyan kaya naisipan kong maglakad-lakad. Nung medyo malayo na ako ay may nakita akong nagtitinda ng ice cream. Bumili ako at umupo sa maliit na bench na nakita ko. "Ay sorry. Hindi kita napansin" paumanhin ko sa taong muntik ko ng maupuan ang katawan. Nakahiga ba naman sa bench at halos kakulay na ng suot niya ang kulay ng bench. Bigla siyang napatayo at napatitig sakin. Ang tagal ng pagkakatingin niya. "Kuya anong problema?" hindi pa rin siya nagsasalita at para bang iniiscan niya ang mukha ko. "Anong ginagawa mo dito?" sabi niya sakin matapos akong tingnan. "Aba! Sino ka para pagbawalan ako dito?" -Ako. "Hindi mo ako kilala?" pagtataka niyang tanong sakin. "Hindi. Teka sino ka nga ba? Naging classmate ba kita?" sabi ko habang nakaturo ang daliri ko saking sintido. "hahaha! Hindi pa pala ako ganoong kasikat kaya may mga tao pang hindi nakakakilala sakin" sabi niya habang tumatawa. "See you cheekbone" sabay kaway niya at mabilis na naglakad palayo. Sinimangutan ko siya dahil sa pagtawag niya sakin ng cheekbone. Badtrip tong lalakeng to! "Oh andito ka lang pala Ashton. Kanina ka pa namin hinahanap. Tara, uwe na tayo. Maaga pa pasok natin bukas" nakangiting sabi ni Taniya na halatang masaya dahil may hawak siyang cd na may pirma. Hindi ko na iyon inusisa pa at nagsimula na kaming umuwe. _____________ "Bilisan mo! Kabagal bagal mo!" hila sakin ni Tin at nakatayo ngayon kami sa loob ng school malapit sa canteen. Marami rin ang taong nakatayo roon at para bang may flag ceremony. Takte! College? My Flag ceremony? "Ayieeeeeeee!" "Awwwwwwwwww!" "Ahhhhhhhhh!" "Ayan na silaaaaaaaaaaa!" Jusko! Ano ba ang nangyayari sa eskwelahang ito. Naniniwala na ako na weirdo talaga mga tao dito. "Tin ano ba nangyayari?" sabi ko kay... ay! Never mind. Nawala siya sa tabi ko at ibinalandra ang mukha sa sasakyang pumasok sa school namin. Pinalibutan yun ng maraming kababaihan. Lalong lumakas ang hiyawan nung bumaba yung sakay ng sasakyan. Hindi ko halos makita ang mga iyon pero halata naman na sikat sila kaya nagkakaganun ang mga estudyante. "Hey! Cheekbone! Swerte ko naman at schoolmate pala tayo. See you later" tukoy ng isang lalaking bumaba sa sasakyan sakin. "Ashton magkakilala kayo?" -Tin "Nino?" "Ni Leonard?" Takte! Member pala siya ng Shooting Star Band. Siya pala yung taong nakaencounter ko sa park. Pinaliwanag ko kay Tin ang nangyari kung bakit medyo magkakilala kami ni Leonard. "Ang swerte mo talaga. Inggit ako" tangang sagot ni Tin. "Tangnamo! Lande! Huwag mo ngang pag-iisipin mga yun at makakaapekto lang sa pag-aaral mo yun, tanga ka pa naman!" sabi ko sa kanya habang nasa loob na kami ng room. "Okay Lia1Psy meet your new classmate. Be nice" sabi ni Maam Alvero tapos pumasok sa loob ang isang lalaki na naging dahilan ng hiyawan sa loob ng room. Kaunahan na roon si Tin. Ako? Wala. nakaupo lang at hindi ko pinapansin ang taong yun. "Dito oh bakante pa" sigaw ni Ellen na nakaupo sa kaliwang dulo. "Ay dito presko, tabing bintana tayo" sabi naman ni Sheryl. "Hi cheekbone, may nakaupo ba dito?" tukoy niya sa bakanteng upuan sa tabi ko. "May nakikita ka?" masungit kong sagot sa kanya. "Sungit naman. Patabi ha. Ikaw gusto kong katabi eh" -Leonard. Nagsimula ng magpaliwanag ang prof namin na hindi maintindihan ang sulat sa blackboard. Totoo yun! Parang ancient letters ang sulat niya at kailangan pa ng archaeologist para matuklasan mo ang sinusulat niya. Pati yung word na society, jusko! Paulit ulit! "Cheekbone ano magandang salihan na club dito?" sabi sakin ng katabi ko habang nagdidiscuss si Maam sa unahan. "Marami akong alam na pwede mong salihan Leonard, gusto mo samahan kita sa lahat ng club dito" malakas na sabi ni Tin at halos mabali ang leeg sa pagkakalingon kay Leonard. "Miss Alcantara what's the problem?" puna ni Maam. "Ah wala po mam" sagot naman niya at tumahimik na uli. "Saan ba dito yung mga pwedeng tambayan?" mahinang sabi nanaman sakin ng katabi ko. "Ako marami akong alam na pwedeng tambayan at pwede pa kitang samahan, ARAW ARAW!" nakangiting sabi ni Tin na halos mabali uli ang leeg sa pagkakalingon kay Leonard. "Miss Alcantara, can you please listen or else..." "Yes maam. Sorry" Napangiti ako sa nangyayari dito sa loob ng room. Lakas talaga mag-adik ni Tin. Hahaha! "Cheekbone samahan mo ako mamaya ah. Salamat" mahinang sabi niya at bumalik na muli ang atensyon namin sa pinapaliwanag ni Maam Alvero. Leonard Cruz Point of View Haay naku! Bakit ba kasi kailangan pa namin bumalik dito sa Pilipinas? Pwede naman pagkatapos ng concert namin ay umalis na agad kami. Ayoko na sana pang tumigil ng matagal dito - lalo lang bumabalik sakin ang masasakit na pangyayari sa buhay ko. Ako nga pala si Leonard Cruz. Member ako ng Shooting Star band at the same time naging actor na rin. Kasama ko sa grupo si Vincent at si Marcus. Matagal ko na silang kaibigan at naisipan namin bumuo ng banda at sa swerte ay nadiscover kami sa ibang bansa dahil na rin sa impluwensya ng papa ni Vincent. 19years old na ako, at hindi naman sa pagmamayabang ay may angking kagwapuhan ako at isa yun sa mga naging puhunan ko para madiscover ako. Nakakapagod rin pala yung kumaway ng kumaway at ngumiti sa mga fans. Pero walang magagawa trabaho namin ito at ayoko masayang yung effort nila sa pagpunta dito sa airport para lang salubungin kami. Matapos yun ay naglakad na kami pa-exit ng area. Habang naglalakad kami ng mga kasama ko ay hindi ko naiwasan mapatingin sa nakasalubong ko. Dalawang lalaki at yung isang lalaki ay nakapulupot ang kamay sa braso ng kasama niyang lalaki. Nakita ko ang maganda niyang pagkakangiti at halos parang bumagal ang paligid ko habang nakatingin ako sa kanya. Akala ko pa naman ay pagkatapos ng mga interview ay makakapagpahinga na ako. Hindi pala. May taping kami mamaya at kasama yung sinasabi nilang si Jennifer de Guzman. Gusto ko pa naman sana matulog para makabawi sa pagod. "Okay lets have a 15 minutes break" sabi samin ng director. "Oh san ka pupunta?" tanong sakin ni Vincent nung aktong lalakad na ako palayo. "Punta lang ako sa van, I'm going to check my phone" sabi ko sa kanya. Ang totoo lang ay gusto ko magpunta sa lugar na tahimik. Yung walang sigaw ng sigaw at lapit ng lapit para makapagpapirma ng autograph. Nahiga ako sa bench na nakita ko at sinalpak ko sa tainga ko ang earphone na nakakabit sa ipad ko. "Oh shiii" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nung makita ko kung sino yung muntikan ng upuan ang katawan ko. "Ay sorry. Hindi kita napansin" sabi niya sakin na halata sa mata niya ang sinseridad sa kanyang sinasabi. Hindi ako makapagsalita. Tiningnan ko siyang maigi at tama nga ang hinala ko. Siya yung nakita ko sa airport, Siya yung dahilan kung bakit biglang bumagal ang paligid ko nung oras na iyon. "Kuya anong problema?" "Anong ginagawa mo dito?" biglang sabi ko sa pagbalik ko sa katinuan. "Aba! Sino ka para pagbawalan ako? sarkastikong sagot niya. "Hindi pa pala ako ganoong kasikat at may mga taong hindi pala nakakakilala sakin. Osya - see you cheekbone" sabi ko sa kanya at umalis na ako. Patalikod akong kumaway sa kanya. Ewan ko ba bakit bigla ko nalang siyang tinawag na cheekbone, ang cute kasi niya - o I mean ang ganda niya. ___________ "Hey! Cheekbone! Ang swerte ko naman at schoolmate pala tayo. See you later" sabi ko sa kanya nung makarating kami sa eskwelahang papasukan namin. Dagdag sa fans din daw kasi kung papasok kami at hahatak lalo kami ng mga tao. Napansin ko ang mga reaksyon ng mga tao nung kinausap ko si Cheekbone. Hindi ko pa nga alam pangalan niya eh. Nagpunta kami sa deans office at kinausap ng manager namin ang dean. Habang busy sila sa pag-uusap ay tinanong ko yung S.A (Student assistant) kung anong kurso ang kinukuha ni Cheekbone. Napatawa pa nga siya kasi wala daw ganoong pangalan dun. Kahit ako napatawa sa sinabi ko. Kaya ang nangyari ay isa-isa niyang pinakita sakin ang mga litrato at mabilis nahagip ng mata ko ang picture ng taong hinahanap ko. Nalaman kong Psychology ang kursong kinukuha niya kaya pagkatapos mag-usap ng manager namin at dean ay yun ang sinabi kong kurso na gusto kong kunin. Ewan ko ba kung bakit parang hinahatak ako ng sarili ko na mapalapit sa kanya. "Hi cheekbone may nakaupo ba dito?" sabay turo ko sa bakanteng upuan sa tabi niya. "May nakikita ka?" napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa kasungitan niya. Ganito ba talaga ang taong ito? bakit nung unang kita ko naman sa kanya ay parang ang bait-bait niya. "Sungit naman. Patabi ha. Ikaw ang gusto kong katabi eh" sabi ko sa kanya sabay kindat. Aba! inirapan lang ako. May monthly period ata tong taong ito ah! Maya't-maya ay kinakausap ko siya. Tinatanong ko kung saan pwedeng sumali na club para naman mawili ako sa school na ito pero hindi siya sumasagot bagkus yung kaibigan niya lang ang palaging sumasagot sa tanong ko dahilan para mapansin kami ng teacher namin. "Cheekbone samahan mo ako mamaya ha. Salamat" hindi patanong yan kundi pasalaysay para wala na siyang ligtas sakin mamaya. Gusto ko kasi siya yung kasama ko sa paglilibot dito sa bagong school namin. LESSON. LESSON. RECITATION. RECITATION. Sa wakas! Natapos din! Makakapaggala na ako - kami pala. Nilibot ng mata ko ang buong room pero wala na yung taong gusto kong makasama sa paglilibot dito sa school. Tiningnan ko ang upuan niya at napansin ko ang isang bagay na nasa ilalim ng upuan niya. I.D at Panyo. Tiningnan ko iyon. Ashton Clarence Castillo. Wow! Ashton pala ang pangalan niya. Ang ganda. Unique at bagay sa kanya. Nilagay ko sa bulsa ko ang napulot kong I.D at panyo. (Inamoy ko pa nga yung panyo - ang bangooooo!) Di ako manyak nu! Normal naman na amuyin ang panyo diba? Huwag ng kumontra. Ako bida dito.  "Oh san ka ba galing? Ang tagal mo naman. Ayan tuloy.." bungad sakin ni Marcus habang nakaturo sa sandamakmak na taong nakapaligid sa kanila. Ngumiti nalang ako at napakamot ako saking ulo. "Tara na. Mag-unwind muna tayo" sabi naman ni Vincent habang nakatuon ang atensyon sa kanyang minamaneho. ____________ Itinaas ko ang kamay ko at mabilis na lumapit samin ang isang waiter. Nasa isang bar kaming tatlo ng kabanda ko. Ganito palagi kami sa twing naboboring. Sa pagkakataong ito ay naka-disguise kami para na rin makagalaw kami ng maayos. "One pitcher - s*x on the beach" sabi ko. "Nachos" - Marcus "Fries yung plain" Vincent. Hindi nagtagal ay dumating agad ang inorder namin. Nagsimula na kaming magkwentuhan tungkol sa first day ng school namin. Magkakahiwalay kasi kami ng room dahil iba-iba ang kinuha naming kurso. Naging masaya naman si Marcus base sa kanyang pagkakakwento. Someday you're gonna realize One day you'll see this through your eyes By then I won't even be there I'll be happy somewhere even if I cared Bigla akong napahinto sa pagsasalita ko. Parang may kung ano akong naramdaman ko. Pakiramdam ko ay nakakaramdam ako ng sobrang sakit at pighati. Yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag dahil sa sobrang kalungkutang nararamdaman mo. I know you don't really see my worth You think you're the last guy on earth Well I've got news for you I know that I'm not that strong But it won't take long, won't take long Habang tumatagal ay lalong kong nararamdaman yung sakit. Pakiramdam ko ay punong-puno ng hinagpis ang kalooban ko habang naririnig ko yung kanta. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero ngayon ko lang naramdaman to. Cause someday someone's gonna love me The way I wanted you to need me Someday someone's gonna take your place One day I'll forget about you You'll see I won't even miss you Someday' someday Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Inikot ko ang upuan ko at tiningnan ko kung sino yung nakanta. Nanlaki ang mata ko nung namukhaan ko yung nakanta. Hindi ako pwedeng magkamali, si Ashton yun. Nakita ko rin yung kaibigan niya na nakaupo sa unahan at may mga kasama pang iba. Right now I know you can't tell I'm down and I'm not doing well But One day these tears' they will all run dry I won't have to cry sweet goodbye Cause someday someone's gonna love me The way I wanted you to need me Someday someone's gonna take your place One day I'll forget about you You'll see I won't even miss you Someday' someday Kitang-kita ko sa mata niya ang lungkot na tinatago niya. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay ako lang ang nakakapansin, pakiramdam ko ay sadyang sakin lang pinapaintindi ang kanta. Nagpalakpakan ang mga nasa loob ng bar matapos kumanta ni Ashton. "Nice voice" - Vincent. "I think I like him" - Marcus Nakita kong binulungan niya yung mga tumutugtog na banda at nagsimula ulit itong kumanta. There are night when I can't help but cry And I wonder why you have to leave me Why did it have to end so soon When you said that you would never leave me Ito nanaman. Bakit iba naman ngayon ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko ay iniwanan ako ng isang pinakamamahal kong tao? Ano ba itong nangyayari sakin? Tell me where did I go wrong What did I do to make you change your mind completely When I thought this love would never end But if this love not ours to have I'll let you go with your goodbye Hanggang sa matapos ang kanta ay ramdam na ramdam ko parin yung ibig sabihin ng kanta. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin. Iyun yung naging dahilan kung bakit gusto ko pa lalong mapalapit sa kanya. "Yung mga gusto pong magrequest ng kanta - pakibigay nalang po sa waiter. For now - enjoy po muna tayo sa tugtog na ihahatid satin ng CnY Band" sabi niya sa mikropono at nakita ko siyang naupo sa harapan kasama ang mga kaibigan niya. "Ashton ano nga bang meron ka?" mahinang sabi ko sa sarili ko. "Are you okay Leo?" - Marcus. Nginitian ko nalang sila at bakas sa mukha ko ang kagustuhan kong mapalapit kay Cheekbone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Precious Property

read
615.5K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
316.1K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook