Chapter 2

1135 Words
Medyo lumabi si Claude nang mauntag nito. “Puwede. Puwede na.” Tumango-tango siyang may panunudyo sa tono ng boses. Ayaw niyang mahalata nitong talagang humahanga siya ngayon sa hitsura nito. ‘But F! She looks so hot!’ dagdag ng isip niya. Kulang na lang ay maglalaway na siya. At sigurado siyang marami nga namang maglalaway mamaya sa dalaga. May mangilan-ngilan pa naman silang classmates noon na alam niyang may crush kay Darcelle. ‘What the F? Baka gusto niyang magpapansin sa mga ‘yon! Hindi puwede!’ sigaw ng isip niya. “Tch! Puwede na?” ismid na alunignig nito. “Maganda ka na nga!” aniya na hindi pa rin iniba ang tono. Ayaw niya nga talaga kasing mahalata nitong totoo ang sinabi niya. “Siyanga pala, ba’t may magazine ka ng Hunks? Siguro ay naglalaro ka kapag nakikita mo ang mga ‘to, ano?” pag-iiba niya. Pinandilatan siya nito ng mga mata. “Hoy, excuse me! Hindi akin ‘yan!” Sumugod ito palapit sa kanya. Napaatras siya dahil baka batukan siya nito. Huminto ito sa may center table para damputin ang nasabing magazine. Napatawa siya nang marahan. “Oh, yeah? Nandito sa apartment mo, hindi sa ‘yo?” Para siyang imbestigador. Umismid itong nilamukos sa harap niya ang magazine. “Hindi nga! Sa baklang friend ko ‘to. Dinala niya noong nag-overnight siya rito.” Iwinasiwas nito yaon sa harap ng mukha niya kaya medyo napaatras siya. Baka mapalo pa siya nito nang wala sa oras. Napamaang siya sa sinabi. “M-may pinatulog kang bakla rito sa apartment mo? Kayo lang dalawa? What the F, Darce? Kailan pa ‘to? Ba’t hindi mo sinabi man lang sa ‘kin?” palatak niya. Oo, paminsan-minsan ay para siyang may bungangang babae at iyon ay dahil na rin kasi rito. Pero sanay naman na ito sa kanya kaya hindi siya mapagdudahang bakla o kaya naman ay “double blade.” Tumaas ang kilay ni Darcelle. “Oy, pakialam mo kung sino ang patutulugin ko rito maliban sa ‘yo, ‘no? Nag-away kasi ‘yong bakla at fafa niya kaya wala siyang karamay noon, ako lang. Ano’ng magagawa ko kung dinala niya ‘yan dito para mawala ang isip niya sa fafa niya, ‘no? Hmp! Ang dumi-dumi ng isip mo! Huh! Palibhasa kasi…” Tinalikuran siya para itapon ang magazine sa basurahan, sa may kusina. Bumuntong-hininga si Claude. Bakit ba siya nagagalit? Maisip niya lang na bakla—kahit bakla iyon—alam niyang may armas din iyon. Ayaw niyang isipin na desperada si Darcelle at papatol ito sa bakla kung sakali. Hindi niya lang kasi maiwasang lumitaw na lang iyon nang basta sa isip niya at may kung anong kakaibang damdaming umahon sa dibdib niya na ayaw niyang analisahin. Napakislot siya ng mukha. He was just thinking something disgusting and more likely very impossible. Alam niyang hindi rin naman ganoong klaseng babae si Darcelle. And what the heck? Wala naman siyang karapatan para magalit. Buhay ito ni Darcelle. Anuman ang gusto nitong gawin, wala na siya roon. Wala siyang karapatan. Bakit? Dahil magkaibigan lang lang naman sila. Period. Bumalik ang dalaga sa harap niya at napatulala na naman siya. Parang hindi talaga mapuknat ang mga mata niya sa magandang dilag. Ang seksi kasi nito lalo na sa suuot nito. Sigurado talaga siyang pagkakaguluhan ito mamaya ng mga dati nilang kaklase. “O, ano? Tapos ka na ba sa pag-che-check ng mga bagay-bagay riyan at aalis na ba tayo?” untag nito sa kanya. Mukhang hindi nito napansin ang pagkatuliro niya. “Tsk! Tara na nga! Kunin mo na ‘yong bag mo!” utos niya nang nakabusangot. Umismid ang kulay-rosas nitong mga labi. Bagay rito iyon at parang gusto niyang halikan ang dalaga. Nalilito tuloy siya kung bakit bigla niyang naisip ang bagay na ito. Hindi lang naman kasi ito unang beses na pasulpot-sulpot sa isip niya kundi hindi na niya mabilang simula noong puberty time pa nila. Pero ayaw niya lang talaga ipahalata sa babae. “Hoy! Ano bang nangyayari sa ‘yo, ha? Palagi ka na lang nakatulala diyan!” Napansin pala nito yaon. Hinampas nito ang puwit niya. Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Hindi lang iyon. Bigla rin siyang nagkaroon ng boner! Na-peste na. Palaging ganito kapag dumadapo sa katawan niya ang kamay ng dalaga o kahit na anong parte ng katawan nito. Paminsan-minsan nga kahit sa simpleng tingin niya lang sa dalaga ay nagkakaroon na siya ng boner. Isang bagay na hindi naman nangyayari sa mga past girlfriends niya o kahit sa current girlfriend niya. Weird! Disturbing. Confusing. Napalunok siya nang pilit. Parang ang hirap namang lumunok kahit wala naman talagang dapat lunukin. Hinatak na siya ng dalaga palabas ng apartment. See? Walang malisya ang babae pagkatapos ng ginawa nito. Pero siya, grabe ang epekto niyon sa kanya. Diretso na sila sa isang mamahaling hotel kung saan gaganapin ang kanilang reunion. Pangiti-ngiti ito paminsan-minsan kapag nag-te-text pero binalewala niya ito. Ewan na lang niya kung sino ang ka-text nito. Ayaw naman niyang magtanong dahil baka babarahin lang siya. “Sino ‘yang ka-text mo?” Hindi niya pa rin mapigilan ang huwag magtanong. Sinulyapan niya ito habang nagmamaneho sa kotse. “Classmate lang natin dati, tinanong kung pupunta ba talaga ako. Sinabi ko namang siyempre at kasama kita.” Ewan niya pero natutuwa siya sa sinabi nito kaya napangisi na lang siya sa babae. Napatingin sa kanila ang lahat nang dumating sila sa venue. Hawak niya sa siko si Darcelle na nakangiti nang malapad. May mga kumikislap na cameras para kunan sila ng picture. Napalingon sila sa kaliwang bahagi. May booth para kumuha ng pictures doon at naroroon ang iba nilang mga kaklase na puro nakasuot ng pormal na damit. Nagkatuwaan para magkaroon ng mga wacky na kuha. Mamaya ay ayain niya si Darcelle doon para may souvenir naman sila. Katamtaman lang ang lakas ng musika sa background. Kasalukuyang nakatugtog ang Havana ni Camila Cabello ft. Young Thug. Nasa isang tabi ang buffet table. Puno ito ng pagkain katulad ng lechon, cordon bleu, seafood dishes, iba’t ibang meat dishes, gulay para sa mga vegetarian, dessert at iba’t ibang inumin katulad ng may alkohol at soft drinks. Nagkumpol-kumpol na ang iba nilang mga kaklase at panay ang tsismisan, kuwentuhan, tawanan, lampungan, inuman at kainan. Ilang saglit pa ay sinalubong sila ni Jenna na siyang nag-organize ng reunion na ito. Nakasuot ito ng mahabang silver-colored evening gown na kumikislap-kislap at sweetheart ang neckline. Medyo makapal ang makeup nito kaysa kay Darcelle, pula ang lipstick at naka-bun ang buhok. “Hmm. Kayo na ba?” tanong nito nang deretsahan. May panunukso sa mga mata nitong napabaling-baling ng tingin sa kanilang dalawa ng kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD