bc

Caballero

book_age18+
1.8K
FOLLOW
6.4K
READ
billionaire
friends to lovers
tomboy
drama
others
childhood crush
first love
secrets
friends
seductive
like
intro-logo
Blurb

1.) The player must be present in the game. If caught being late or absent, three chess pieces will be confiscated.

2.) A new player must wear a mask before entering and leaving the venue. If playing with one of the Dieciseis, the player must remove the mask after the game.

3.) Any sound or talking during the game is prohibited. The referee of the game will confiscate three chess pieces from each player if violated.

4.) Player must secure their chess pieces. The Brotherhood is not responsible for any missing piece. Stealing is allowed.

5.) Romantic relationship between the players is prohibited.

6.) Only the referee has the right to change the color of a chess piece if the player wins the game.

7.) Losing in each game means losing a chess piece. A draw will be given to the player on what chess piece will be submitted to the referee. If a player wants to stop his/her game, he/she must call someone outside the venue to continue his/her game in exchange for the player's freedom.

8.) If all the chess piece changed their color, the player will be welcomed by the Brotherhood's tattoo and will be part of the Dieciseis.

Enjoy playing, future Dieciseis.

chap-preview
Free preview
Caballero One
17 years later... Kyzo's P.O.V ISINUKBIT ko sa kaliwang balikat ang strap ng backpack at lumabas sa kwarto ko. Sa pagbaba ko sa hagdan ay natanaw ko si Mama na kausap ang nakababata kong kapatid na si Kyla. "Mama, gusto ko po sumama kay Kuya. Please?" pagmamakaawa ni Kyla. Mabuti kung papayagan siya ni Mama. "Hindi p'wede, Kyla. Manggugulo ka lang sa Kuya mo. Dito ka lang at tulungan mo ako sa Orchidarium." Salubong ang kilay na nagdabog si Kyla sa harapan ni Mama, "I hate flowers."    "Kyla!" may diin na saway ni Mama. Walang nagawa ang kapatid ko at napanguso nalang. Lumapit ako sa kanila at hinalikan sa pisngi si Mama. Lumingon siya sa akin at mabining hinaplos ang pisngi ko. "Aalis ka na ba?" I smiled, "Opo." "Mag-ingat ka sa biyahe. Naku! Kukurutin talaga kita kahit binata ka na kapag nalaman kong mabilis na naman ang pagmamaneho mo." Sabi niya at pasimpleng kinurot ako sa tagiliran. I chuckled. "Alam ko po." My mother means what she said. Last time na kasama ko si Mama papunta sa beach ay bigla niya akong kinurot sa tagiliran dahil daw sa mabilis kong pagmamaneho. Mabuti nalang at wala pang tao noon sa paligid dahil napaaga ang dating namin. "Saka pagsabihan mo nga rin ang Papa mo na tigilan ako sa kakatawag lalo na kapag busy ako sa Orchidarium. Naaasar ako sa kakulitan niya." Bakas ang inis sa kaniyang sumbong. Napangiti ako. Kung alam niya lang kung gaano kasaya ni Papa kapag kinukulit siya nito. After they talked on the phone, my father's smile could not be erased. He loves Mama very much. Malimit silang mag-away dahil ayaw ni Papa na lumaki ang problema nila. Laging bumabawi si Papa. Takot lang na matulog sa guestroom kapag hindi nakipag-ayos si Mama. I admire my father for his care and love for us. Kaya gusto kong maging katulad niya. I will give everything and love my own family when the time comes. "Okay po. May bilin ka pa po?" "Wala na. Umalis ka na at baka mahuli ka sa outing ninyong magkakaibigan." Tumango ako at hinalikan ulit siya sa pisngi. Hinarap ko ang kapatid ko at ginulo ang kaniyang maikling buhok saka kumaripas ng takbo. "Kuya!" Habol na sigaw ni Kyla. Agad na sumakay ako sa kotse at pinaandar ito paalis sa bahay. Habang tinatahak ko ang daan at mapansin na may kalayuan na ako sa bahay ay pinihit ko pakaliwa ang manibela. Honestly, I have no outings to go to. Sinabi ko lang iyon sa parents ko para hindi sila mag-alala sa akin. Kinasabwat ko na rin ang mga nasabi kong kaibigan na kapag tumawag o nagtanong ang parents ko sa kanila ay sabihin na kasama nila ako. In my twenty-five years of existence, I have never lied to my parents, especially to Mama. Ngayon lang at mabigat na kasalanan pa. Sigurado kasi akong hindi papayag ang parents ko sa pupuntahan ko, lalo na si Papa. It took me five hours para marating ang lugar na pakay. Pinarada ko ang kotse ko at kinuha ang mga gamit para sa pagpasok sa hotel. Sinalubong ako ng pagbati at ngiti ng mga empleyado habang papasok sa hotel. "Good afternoon, Sir. Welcome to Ahedres Hotel." Nakangiting bati sa akin ng babaeng front desk clerk nang makalapit ako. Tipid na ngumiti ako. "Good afternoon. I have a reservation here." "May I know your name, Sir?" Agad na itinuon niya ang pansin sa monitor. Napalunok ako bago nagsalita. "Caballero." Natigilan siya sa pagtipa sa keyboard ngunit nakapaskil pa rin ang ngiti sa kaniyang mga labi. Hindi nagtagal ang kaniyang pagtipa sa keyboard nang may lumabas na isang babae mula sa pinto na may nakaukit na five dices. Nakangiti itong nakatingin sa akin at tumabi sa babaeng front desk clerk. "Good afternoon, Sir. Here is the key to your room. Please enjoy your stay here." Sabi nito at iniabot sa akin ang isang gold card. Kinuha ko ito at pinakatitigan ang card. "Good luck, Sir." Sabi ng babaeng front desk clerk. Bumalik ang tingin ko sa kanilang dalawa at kabadong ngumiti. "Thank you." Tama ba itong desisyon ko? Tama ba na pumasok ako rito? Pero nasa kamay ko na ang susi para makapasok sa Brotherhood. "Good afternoon, Sir. Let me show you the way." Napalingon ako nang marinig ang boses ng isang lalaki sa aking tabi. Sa unang tingin ay aakalain na isa siyang bellman ng hotel pero kung titignan nang maigi ay makikita ang pagkakaiba niya sa mga bellman na nag-a-assist sa mga guests. Nagbago ang kulay ng nameplate niya. Mula sa puti ay naging kulay gold ito. "Yes, please. Thank you." Kinuha niya ang dala kong gamit at sinundan ko siya sa paglalakad. Ahedres hotel is famous for its recreational activities and it can accommodate five hundred guests. But behind the busy environment, it has a dangerous activity that no one can guess. We took a different elevator. Tanging kaming dalawa lang ang lulan nito hanggang sa huminto ito sa floor kung saan ang magiging kwarto ko. Habang tinatahak namin ang tahimik na hallway ay hindi ko maiwasan na pakiramdaman ang paligid. Pakiramdam ko ay nasa isang normal na hotel ako pero ang kabog ng dibdib ko ay nagsasabing hindi ito normal. After three months of quietly following my father, makakapasok na rin ako sa Brotherhood, where he got his Valknut tattoo on his back. Na-curious ako nang makita ang tattoo ni Papa kaya tinanong ko siya kung saan niya ito nakuha. Sabi niya ay sa Brotherhood. Nang tanungin ko siya kung puwede ako sumali ay matigas ang pag-ayaw niya. Kaya kapag aalis siya ng bahay ay sinusundan ko siya, hanggang sa makita kong pumasok siya rito sa Ahedres Hotel. Ayokong bigyan ng malisya ang pagpunta niya rito sa hotel. Ayokong isipin na may babae siya at hindi na niya mahal ang Mama ko. Hindi ako papayag na may sumira sa pamilya namin. Kaya hangga’t maaari ay pipigilan ko si Papa. Ngunit nagkamali ako. Hindi nambababae si Papa. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman na hindi niloloko ni Papa si Mama. Ngunit hindi roon tumigil ang pagsunod ko sa kaniya dahil na-curious ako sa pagpunta niya rito sa Ahedres Hotel tuwing Friday. Sinundan ko siya hanggang sa loob ng hotel at nalaman kong hindi lang ito basta hotel kundi isang fraternity club. Front lamang ng hotel ang recreational activities na ino-offer nito sa mga guests. Pino-profile nila ang mga guests na pumupunta rito at inaanyayahan ang mayayamang negosyante at professionals na sumali sa kanilang brotherhood. Kaya hindi biro ang pinagdaanan ko para lang maimbitahan. Kinailangan kong itago ang pagkatao ko para hindi nila malaman na anak ako ni Kyng Adler Sullivan. Gumamit ako ng ibang pangalan at napili kong gamitin ang pangalan ng isa sa mga kaibigan ko. Pumayag naman siya kapalit ng customized car na matagal na niyang hinihingi sa akin. Ngayong nandito na ako, hindi ako papayag na mauwi sa wala ang pagtago ko sa tunay kong pagkakakilanlan. Nang huminto ang bellman sa harap ng nakasarang pinto ay hinayaan niya akong buksan ang pinto at pumasok. Agad na inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto. Katulad ng ibang mamahalin at kilalang hotel na napuntahan ko, nagpapakitang-gilas ito ng magara ngunit simple at komportableng ambiance. "Excuse me, Sir." Tawag pansin sa akin ng bellman. Napakunot-noo ako nang makita ang kaniyang hawak. Hawak niya ang isang chess board na futuristic ang design. Hindi ito isang ordinaryong chess board na nakikita sa mga chess tournament. Each square part ay naglalaro sa kulay na black and red, imbes na white and black sa normal na chessboard. Ang gilid ng board ay transparent kaya nakikita ko ang mga chess piece na nasa loob ng board. "This will be your Tablero de ahedres." Iniabot niya sa akin ang chessboard. Binuksan ko ito at namangha sa laman. Kinuha ko ang isang red knight at tinitigan ito. "This is beautiful." Komento ko. Transparent ang mga chess piece at pinapalooban ang bawat isa ng kulay pula na ilaw sa gitnang bahagi. First-time ko na magkaroon ng ganitong chess piece. "Each piece you have will turn into white every time you win in the competition. But if you lose a game, you will lose a piece." Napakunot-noo ako sa narinig. "What do you mean?" Nakangiti na tumingin siya sa aking mga mata. "According to our rules, no one is allowed to go home until all the colors of the chess piece have been changed. " Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin, hindi ako makakalabas sa hotel nang hindi nananalo at nagbabago ang kulay ng mga chess piece ko? "You mean, I can only go home if I won all the games?" "Yes, Sir." Para akong pinako sa kinatatayuan ko dahil sa nalaman. I didn't know that! Ang alam ko lang ay normal na chess game ito. Pero nagkamali ako. "W-what if I lose?" Kinakabahan kong tanong. Hindi naman sa natakot ako sa sinabi niya pero gusto ko rin malaman kung anong mangyayari kapag na matalo ako sa laro. "You have to steal a chess piece or call someone outside the hotel who can take over your game in exchange for your freedom." I know how to play chess because my grandfather teaches me every time I visit them in the mansion. But to steal a chess piece? Siguro ay madali lang magnakaw ng isang chess piece. Pero ang tumawag nang ibang tao para lang palitan ako sa laro kapalit ng pag-alis ko sa hotel? Mukhang hindi madali iyon. This is just a board game pero hindi ko alam na ganito pala ang set-up ng larong pinasok ko at ang mundo ni Papa. But I only have one option, ang manalo sa laro. I composed myself and asked. "When will I face the Dieciseis?" Dieciseis ang tawag sa top players ng Brotherhood. Sila ang susi para magkaroon ng Valknut tattoo ang sinumang player na makalaban nito at tuluyang maging miyembro ng brotherhood. Caballero naman ang gamit ko as my code name dahil ang unang code name na gusto ko ay pagmamay-ari na nang iba. So, I just translated it to Mexican language. "Until the Dieciseis announces for a rank up." "Rank up?" "Yes, for you to advance in the competition." Kailangan ko pa pala makipaglaro sa ibang manlalaro para makaharap ko ang isa sa Dieciseis at tuluyang maging miyembro. "Do you have any questions, Sir?" Bumalik ako sa huwisyo nang marinig ang boses niya. "C-can I go around the hotel?" He smiled, "Of course, Sir." Nakahinga ako nang maluwang sa sagot niya. Ito lang yata ang good news na narinig ko mula nang bumuka ang bibig niya kanina. "Great! Thank you." Nakangiting yumuko siya at umalis sa kwarto ko. Napatingin ulit ako sa mga chess piece. Nagpakawala ako nang hininga at parang talunan na nagsalita. "16 chess pieces. It means I have to win 16 times para magkaroon ng Valknut tattoo." Sinara ko ang board at umupo sa kama. Ang alam ng parents ko ay uuwi ako after two weeks pero hindi iyon kakayanin ng araw ng pag-stay ko rito sa hotel. Tinukod ko ang mga kamay sa kama at nakapikit na tumingala. "Siguradong malalagot ako nito kay Mama." Inis na ginulo ko ang buhok dahil sa problemang pinasok ko. NAISIPAN kong lumabas ng kwarto para libutin ang buong hotel. Gusto kong alisin ang stress sa katawan ko. Nadatnan ko sa first-floor ang maraming tao na abala sa pag-enjoy sa loob ng hotel. Sa laki ng hotel ay hindi sila mauubusan ng mapupuntahan at gagawin. Katulad ng boutiques, restaurants, supermarket at ang iba't-ibang recreational activities na laging pinupuntahan ng mga guests. Nang mapagod sa pag-iikot ay pumunta ako sa restaurant na nasa loob ng hotel. Hindi naman kasi ako puwedeng lumabas para kumain sa favorite restaurants ko. I owned KYS Photography located at BGC and I am the manager of KArS manufacturing that owned by my father, Kyng Adler Sullivan. Bata pa lang ako ay hilig ko na ang mag-drawing kaya naisipan ko na magtayo ng sariling  negosyo na naaayon sa gusto ko. Full support ang mga magulang ko sa pagmamahal ko sa art at photography. And lately, nakakahiligan ko ang tattoo kaya sumali ako sa Brotherhood. Dumating ang order ko at inilapag ito ng waiter sa mesang nasa harapan ko. Magsisimula pa lamang akong kumain nang mag-ring ang cellphone ko. I answered the call. "Hello, Papa." "Son, did you arrive safely?" "Yes po." "Good." "Oh! I almost forgot. Sabi po pala ni Mama na huwag mo siyang tatawagan ngayon dahil busy siya sa Orchidarium. I'm sure she'll be pissed off kapag naistorbo." Sa sobrang stress ko sa sitwasyon ko ngayon, nakalimutan ko siyang sabihan kanina. My father laughed. "Well, your warning is late. I just did. She's pissed off right now and I am on my way to our house." Napailing ako. "Papa, alam mo naman na ilang beses ka ng pinagsasabihan ni Mama na huwag siyang iistorbohin sa Orchidarium kapag busy siya." "I know but I can't help it. You know how busy we are, right? Kaya kahit sa phone lang, gusto ko marinig ang boses ng Mama mo, hindi yong hilik niya lang sa gabi ang naririnig ko." Natawa ako sa huli niyang sinabi. Ewan ko sa Papa ko pero kahit na nag-uusap naman sila ni Mama sa bahay ay hindi iyon sapat at parang maliligaw siya kapag hindi naririnig ang boses ni Mama. Minsan gusto ko na lang ibigay kay Mama ang posisyon ko sa KArS Manufacturing para lang magkasama sila araw-araw. Siguro nga ay dahil sobrang mahal ni Papa si Mama kaya ganoon na lamang ang kakulitan niya. "I am at home now. Enjoy your time with your friends, okay?" Sa narinig, bigla kong naalala kung nasaan ako. I felt guilty because I lied to them. "I-I will po." Narinig ko pa ang pagtawag ni Papa kay Mama na "honey" nang tapusin niya ang tawag. Pinilit kong kumain sa kabila ng konsensya na nararamdaman. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagsisinungaling lalo na sa magulang. Mahirap lumunok. Matapos kong kumain ay naisipan kong bumalik sa kwarto. Tinungo ko ang elevator at pumasok. Nang marating nito ang floor kung saan ako bababa ay bumukas ito at narinig ko ang isang pamilyar na boses sa hallway. Kunot-noo na lumabas ako sa elevator at tinitigang maigi ang dalawang tao sa unahan ko na naglalakad sa tahimik na hallway. Tila tinatangay ng hangin ang mga paa ko habang nakasunod sa kanila. Naka-suit ang lalaki at tantiya ko ay kasing edad ko ito. Ang tindig nito ay naghuhumiyaw na isa itong businessman. Nang mapatingin ako sa kasama nitong babae at nakangiting lumingon sa lalaki ay malakas na tinambol ang puso ko. Makapal ang make-up nito at maayos ang pagkakakulot sa dulong bahagi ng kaniyang buhok. Hapit sa hubog ng kaniyang katawan ang red dress na suot at tinernuhan niya pa ito ng black stilettos. The way she walks, the way she smiles, I could tell that I know her. Hindi ko man siya nakita na ganito ang ayos kapag kasama ko siya pero alam kong siya iyon. Hindi ako p'wedeng magkamali. "Aina..." Bulong ko sa kaniyang pangalan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

Reckless Hearts

read
256.7K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.9K
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook