Chapter 1

2012 Words
Chapter 1 "Lo, please don't do this!" mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ni Serenity sa kanyang lolo pero hindi siya nito pinansin bagkus sinamaan lamang siya ng tingin at muling lumakad, kahit pa may tungkod na ito sa edad na anim na pu't lima mabangis pa rin ang itsura nito. "Lo, please!" "Shut up, Serenity! Hindi ako makakapayag na hindi niya panagutan ang nangyari sa inyo! Kung ayaw mong masaktan itikom mo yang bibig mo!" maotoridad na sigaw nito bago lumakad papasok sa Villamore Group Inc. Wala na siyang nagawa kundi ang yumuko at sumunod na lamang sa kanyang lolo. Nakakakuha na rin sila ng atensyon ng ibang mga tao kaya nakakaramdam siya ng hiya. "Good afternoon sir. Pwede po bang makita ang ID nyo--" magalang na tanong ng guard pero sa halip na sumagot ng maayos ay minura pa ito ng kanyang lolo. "Don't you know me? Or you're just too stupid to recognised me?" tumawa ito ng mapang-uyam at tinignan ang pobreng guwardya. "De Grasya pala ah. Tumabi ka riyan kung ayaw mong mahambalos ng tungkod kong dep*t* ka!" sigaw nito kasabay ng pagpukpok ng tungkod sa marmol na sahig dahilan para siya ay mapaiktad. "Pero sir--" "Anong pero-pero?! Ilabas mo ang boss mo at sya ang gusto kong makausap!" hinawi nito ang guard at nagpumilit na pumasok pero agad din itong napigilan ng iba pang guard kaya nagsisisigaw ito at minumura lahat ng nakahawak rito. "Lo, please, umuwi nalang po tayo" pilit niyang hinihila ang lolo niya sa pagkakahawak ng mga guard ng marinig nila ang isang boses. "What's going on here?" napalingon ang silang lahat at sumaludo ang mga guard. Tinanguan lamang ito ng bagong dating. Si Mr Venedict Villamore, kaibigang matalik ng kanyang umaong ama, ito rin ang ama ni Rage Villamore. "Let him go, I know him and his granddaughter" Binalingan siya nito ng tingin at ngumiti, napayuko naman siya dahil nahihiya sa nangyayari. "Go back to your position" muling sumaludo ang mga guard at yumuko bago bumalik sa kani-kanilang pwesto. Inayos at pinagpag naman ng kanyang lolo ang nagusot na amerikana at taas noong tinignan ang lalaki. Siya naman ay nakayuko lamang, kinakabahan sa mga susunod na mangyayari. Bahagya niyang iniangat ang ulo para tignan ito. Maamo at tila laging nakangiti ang mga mata nito. Mabait din ito at madaling lapitan, kaya sobra ang kaba niya. Nakangiti nitong iniabot ang kamay para makipagkamay sa kanyang lolo pero hindi ito pinansin ng huli. Siya tuloy ang nahihiya sa ginawa ng kanyang lolo. Tumikhim naa lamang ito bago binawi ang kamay at muling ngumiti. "Tito , what a surprise visit? Mukhang importante ang dahilan ng pagpunta mo rito. Let's talk about that in my office. Please follow me" nauna itong lumakad papunta sa private elevator. Tumikhim ang lolo niya at tinignan siya ng matalim. "Ayusin mo ang akting mo, kung ayaw mong malintikan" napalunok muna siya at dahan-dahan ang naging pagtango. Habang lulan sila ng private elevator, ay walang nagsasalita sa kanila, pero ramdam niya ang masamang tingin ng kanyang lolo. Nanlalamig lalo ang kanyang mga kamay at halos lumabas sa kanyang dibdib ang kanyang puso dahil sa sobrang kaba. Nagdadalawang isip na siya kung itutuloy pa ba ang plano o salungatin niya ang nais ng abuelo. Naging mabait ang pamilya Villamore sa kanya, lalo pa nang mga panahon na naulila siya sa mga magulang, parang hindi kaya ng konsensya niya ang lokohin ang mga ito pero kung susuwayin niya ang lolo niya baka naman mapatay siya nito sa gulpi. Ano ba ang dapat niyang gawin—? "Are you Ok hija? You look pale" napatingin siya sa nag-aalalang mukha ni Mr. Villamore. Mas lalo tuloy siyang kinakain ng kanyang konsensya. "Ti-tito.." 'bahala na' "Maybe she is tired, Venedict. Kaya nga kailangan na nating i-settle ang lahat para makapagpahinga na ang aking apo. Masama sa kalagayan niya ngayon ang sobrang stress" napatingin siya sa lolo niya ng hawakan siya nito sa braso ng mahigpit. "O-ok. So let's go to my office. Mrs. Bena... "nawala ang atensyon sa kanila ng kanyang Tito Venedict kaya ginamit iyon ng kanyang lolo para siya ay bantaan. "H'wag na h'wag mong sisirain ang mga plano kong dep*ta ka kung ayaw mong mabugbog ulit! Naiintindihan mo?!" nanginginig siyang napatango na lamang, dahil kilala niya ang abuelo, lahat ng sinasabi nito ay ginagawa nito. "Ayusin mo yang sarili mo, kailangan maging kaawa-awa at kumbinsido ang akting mo, kung hindi, alam mo ng mangyayari sayo!" "O-opo.." pabalya siyang binitawan ng matanda at sumunod sa pinasukang pinto ng kanyang tito Venedict. Pinunasan niya ang luha at dumiretso sa CR na nakita niya. ---- "I don't want to waste my time, Venedict, you know me, ayokong pinghihintay ako. Pag—usapan na agad natin ito para kapag dumating na ang magaling mong anak hindi na siya makakatutol. Don't get me wrong. Apo ko ang dehado rito at hindi ako makakapayag na balewalain lang siya ng anak mo! " "Alright, tito, I understand." Nakangiting sabi ng kanyang tito at lalong lumawak ng ngiti nito ng makita siya sa pinto. "Serenity, anak,come here.." palihim siyang napatingin sa kanya lolo at sinensyasan siyang lumapit kaya wala siyang nagawa. Talagang hindi marunong maghintay ang kanyang lolo at mukhang nasabi na nito ang pakay sa kawawang lalaki. "Uncle Rodolfo told me everything—" "S-sorry po.." "Why? " Sumulyap muna siya sa lolo niya bago ibinalik ang tingin sa tito niya. "K-kasi po, n-nabuntis po ako ng maaga. N-naging mapusok po k-kami ni Rage.. " "Hija, you don't have to apologize. I'm not mad or anything, mali man ang oras at panahon na nagkaron kayo ng anak, still, baby is a blessing, at kailaman hindi iyon naging masama. At hindi ibig sabihin na nagkamali kayo ay hindi nyo na pwedeng itama,walang pagkakamali ang hindi pwedeng pagsisihan, bata pa kayo kaya pwede niyo pang itama lahat. Alright?" gustong sumabog ng puso niya sa galak pero hindi niya magawa dahil hindi tama ang ginagawa nila. 'Sorry po tito. Sana mapatawad niyo kami sa gagawin namin' Piping usal niya sa isip. "Stop crying hija, baka bigla akong dalawin ng Papa mo dahil pinaiyak kita, takot pa naman ako sa multo" natawa siya sa sinabi nito. "S-salamat po“ he just tapped her head and smile. Muli siyang sumulyap sa lolo niya na malawak ang pagkakangiti. Hindi niya alam kung ano pang mga kasinungalingan ang mga sinabi nito dahil sinadya niyang magtagal sa CR, pero ang ngiti nito ang nagpapahiwatig na masaya ito sa kung ano ang nangyari. 'bata pa kayo kaya pwede niyo pang itama lahat' Naalala niyang sabi ng tito niya. Tama, habang maaga pa, kaya pa niyang itama ang lahat. 'T-tito ang—" lahat sila ay napatingin sa taong pabalyang nagbukas ng pinto. Nahigit niya hininga ng makita ang nagbabagang mga tingin ng lalaking minsan ay naging takbuhan niya kapag napapagalitan siya ng kanyang lolo. Si Rage Villamore. "What the f*ck is this, Leech!?" Napatayo siya at napaatras. Akmang lalapitan siya nito ng humarang ang ama nito. "Watch your words young man" kalmado pero puno ng autoridad na sabi ng ama nito. "Sit here and stop glaring at her" . "Then what dad?Let them manipulate your mind?! She is a scheming b*tch! A f*cking leech! —" "Don't make me repeat myself Rage Inigo Villamore!" napaiktad siya ng tumaas ang boses ng ama nito dahilan para ito ay manahimik at pabagsak na umupo, pero tuloy pa rin ang nagbabaga nitong tingin sa kanya. Napabuga naman ng hangin ang ang Tito Venedict niya at malumanay na pinapaupo siya. "See that! ¡Sin respeto por mi nieto!" (Walang respeto sa apo ko!) "I'm really sorry for that Uncle." hinging paumanhin nito sa lolo niya, bago binalingan ang anak. "In just a month, magpapakasal na kayo ni Serenity—" "WHAT?!!"sigaw ng binata at maging siya ay nagulat din. Bakit parang ang bilis naman ata? Tinignan niya ang lolo niya at wala siyang mabasang emosyon mula rito. "Ti—" "Nagdesisyon agad kayo ng hindi ako hinihintay?Para san pa ang pagpunta ko dito kung hindi niyo man lang ako papakinggan? That so f*cking unfair Dad!" "We already discussed it, Son and that's final" "Fine! You have your decision and I have my own too. Hindi ako magpapakasal sa kanya. I won't marry a b*tch like her" sabi ng binata habang nakatingin sa kanya ng diretso. "Rage! I'm warning you!" sagot ng ama nito pero hindi pa rin ito tumigil. "I won't let you ruined my life" matigas na sabi nito. "And I also won't let you na makatakas sa nangyari sa inyo ng apo ko. Hindi ako makakapayag na hindi mo panindigan ang ginawa mo. You fvcking put your seeds to my granddaughter tapos hindi mo siya pananagutan!? P*tang*na ka?!"Sigaw ng lolo niya na may kasamang paghampas sa marmol na sahig. "Its not fvking mine! " sigaw ng binata pabalik at mabilis na lumabas ng opisina. Hindi nito pinansin ang tawag ng ama dahilan para mapahilot na lamang ito sa sentido. "I'm really sorry, Uncle, but I assure you na makakasal sila." hinawakan siya nito sa balikat at tipid na nginitian. "Don't stress yourself, Serenity, akong bahala sa batang 'yun. Sige na, kailangan mo ng magpahinga.This day is too much for you to handle, lalo pa at nasa unang buwan ka ng pagbubuntis. Ipapahatid ko na kayo sa driver." "Aasahan ko iyan, Venedict. Ayokong humarap sa maraming tao ang apo ko na disgrasyada." tumango lamang ang tito niya at nginitian siya. ________ Nang makarating sa kanilang bahay ay agad na nagpaalam si Serenity sa kanyang lolo, kahit na hindi ito sumagot ay dumeretso pa rin siya sa hagdanan pero bago siya makaakyat ay nagsalita ito. "Stick to the plan, Serenity. Akala mo ba hindi ko napapansin kanina na balak mo kong suwayin? Pasalamat ka at hindi ito napansin ni Venedict, kung nagkataon na nagkaproblema tayo kanina malilintikan ka talaga sa akin" Naikuyom niya ang kamao at nakagat ang labi. Pumasok sa isip niya ang uri ng tingin na ipinukol sa kanya ni Rage. Wala na ang gentleness sa mga mata nito , puno na ito ngayon ng galit. Ang dating nakangiti nitong mukha sa t'wing siya ay makikita ay napalitan ng hindi kakikitaan ng emosyon. At dahil iyon sa kanya at sa dagdag na kasinungalingan ngayon. Nilingon niya ang lolo ng magsimula itong maglakad. "Lo.. " tawag niya subalit hindi ito huminto kaya nagaptuloy pa rin siya. "Lo.. B-baka pwede pa po nating bawiin yung sinabi natin—" halos mapatalon siya ng hampasin ng lolo niya ang marmol na sahig at nagbabaga siyang tinignan. "Stupida! Tonta! Wala ka talagang utak! Naririnig mo ba yang sinasabi mo ha?! Bakit pa natin babawiin ang mga sinabi natin? Ako na nga ang gumawa ng paraan para maisagawa ang mga plano at pagpapakasal na nga lang ang magiging ambag mo kaduduwagan mo pang dep*ta ka!" lumapit ito sa kanya at hinampas siya ng baston. "Lo.. H-hindi na po kasi kaya ng konsensya ko. Hindi ko na po kayang lokohin ang mga taong tumuring sa atin na pamilya " "Gaga! Sa tingin mo ba mabubuhay ka ng konsensya mo? Hindi! Mag-isip ka nga minsan! Malaki ang pagkakautang ko at kailangan natin ang kamayanan ng mga Villamore para makabayad kung hindi papatayin nila tayo!" Sigaw nito at nagsimula ito maging balisa. "Lo, mabait naman po sina Tito Venedict. Maiintindihan nila tayo. Pwede po tayong humiram sa kanila ng pera at kahit habang buhay akong magtrabaho sa kanila gagawin ko para makabayad. H'wag lang po yung ganit—" napasubsob siya sa sahig at halos mamanhid ang buong mukha niya sa lakas ng sampal ng kanyang lolo. Nang tignan niya ito ay halos manginig ang buo niyang katawan sa takot. "Manahimik ka! Magpapakasal ka kay Rage Villamore—! " "Lo! Hindi po ako buntis! Makasal man kami ni Rage, matutuklasan pa rin nila na niloloko lang natin sila. Mas lalo lamang magagalit sa akin si Rage kapag nalaman niyang hindi totoo na nabuntis niya ko. Please Lo" tuluyan na siyang umiyak habang nagmamakaawa sa kanyang lolo pero iniwan lamang siya nito. --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD