KABANATA 02

1502 Words
"Hi Kamille!" Napalingon sya sa lalaking bumati sa kanya habang naglalakad sya sa hallway. Kadarating lamang nya sa iskwelahan at itong mukha agad ni Max ang bumungad sa kanya. Well kung hindi nyo naitatanong eh isa ito sa mga lalaking naging biktima lang ng paghahanap nya ng thrill sa buhay. Aminado naman syang may pagkamaharot sya pagdating sa lalaking natitipuhan nya sa umpisa ngunit kapag nagsawa na sya ay iniiwan na lang nya ito ng basta. "Oh Hi there Max," wari ay bati nya rin dito. Nakasunod ito sa kanya habang naglalakad sya. Mayaman ang lalaking ito at isa sa mga sikat na estudyante sa kanilang iskwelahan, lolo kasi nito ang nagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na restaurant sa lugar nila. Nag-iisa itong apo kaya naman sunod sa luho. Masasabi nyang magandang lalaki talaga ito, matangkad at maputi, may pagkasingkit at mapula ang labi. Natural iyon sa isang meztisong kagaya nito. Bagay na bagay nga daw sila sabi ng karamihan. Halos parehas kasi sila ng estado ng pamumuhay. Sya kasi ay kilala rin ang pamilya nya dahil sa yaman nila at sa lawak ng lupaing pagmamay-ari ng kanyang magulang sa Tarlac. Hacienda, Bukirin, Rancho at may kompanya pa na syang pinamamahalaan ng kanyang ama.  Pero hindi naman sya naging seryoso kay Max. Hindi naman nya ito minahal at parang naging palipas oras lamang nya ito.  "Sabay tayong maglunch mamaya?" pangungulit nito sa kanya, Nilingon nya ito, umangat ang isang sulok ng labi nya. "I'm sorry Max, hindi ba't malinaw na satin ang lahat? Tapos na tayo right? So para saan ang lunch?" nakataas ang isang kilay nya. Pansin nyang nalaglag ang balikat nito. "Kahit ngayong araw lang. Huli na ito promise," pagmamakaawa nito. Hindi pa ba ito maka-move on sa kanya? Samantalang para sa kanya ay balewala lang ang lahat. Naging boyfriend nya ito ng halos dalawang buwan. Wala lang trip lang nyang makipagrelasyon dito at pagkatapos na magsawa ay ganoon lang nya kadaling iiwan. Saglit na nag-isip sya bago tumango sa lalaki. Para na rin matigil na ang kakulitan nito sa kanya. "Fine." pinilit nyang tumango dito, kita naman nya ang pagsilay ng malawak na ngiti sa labi nito. "Dadaanan kita mamaya." Hahalik sana ito sa pisngi nya pero mabilis syang umiwas. "Ooops!" sambit nya at tumalikod na dito, iniwan nya itong nakatanga sa hangin. Bago pa mag alas dose ay dumating na nga si Max, tanaw nya itong naghihintay sa labas ng room nya. Ang ibang babae ay pinagtitinginan ito, sino ba namang hindi mapapatingin sa lalaking ito? Gwapo ito pero wala lang sa kanya. Wala syang maramdaman dito.  Nagpahid lang sya ng bahagyang foundation sa mukha bago lumabas at sinalubong sya nito, Napakalawak ng ngiti nito. "Tayo na?" sabi nya at nakangiting inalalayan sya nito. Lumabas sila at tumambad sa kanya ang mamahaling sasakyan ng binata, hindi nakapagtataka, barya lang para dito ang halaga ng mustang na iyon kahit para sa kanya ay nakakalula na ang presyo. Binuksan nito ang pintuan para sa kanya. "Thanks!" sabi nya bago pumasok sa loob. Sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nito sila huminto, syempre ito ang pinakasikat na kainan sa lugar nila kaya hindi na nakapagtatakang dito sila hihinto. Palagi naman syang dinadala nito dito kahit noong sila pa, at aaminin nyang masarap talaga ang mga pagkain dito. Naiimpluwensyahan nga ang isip nya na magtayo din restaurant balang araw. Mahilig kasi sya magluto. Binuksan muli nito ang pintuan para sa kanya at pumasok na sa loob. Napakaganda ng lugar at talagang hindi basta-basta ang mga pumapasok dito. Umorder sila sa waiter at napangiti pa ito ng makita ulit silang magkasama. Ginantihan na lamang nya ito ng ngiti. Si Max na ang umorder para sa kanilang dalawa. "Kamusta ka?" tanong nito habang nakangiti sa kanya. Akala mo naman ay napakatagal nilang hindi nagkita. "I'm okay. Ikaw kamusta ka na?" balik nya. "Ito, hindi ko pa rin magawang harapin ang bukas para tanggapin na wala na tayo."  Naging seryoso ang mukha nito at pagkuwan ay mapait na ngumiti, "Pero unti unti ko ng tinatanggap," dagdag nito, halatang binawi lang ang sinabi. Bumuntong-hininga sya at hinawakan ang kamay nito, "You know Max, maraming babae dyan na mas karapat-dapat para sayo. And I'm sorry dahil hindi ako 'yun. Masasaktan lang kita. You don't deserve me," aniya. "Bakit ba kasi hindi pwede? Bakit bigla ka nalang umayaw? Bakit bigla iiwan mo na lang ako? Anong dahilan?" Pinisil nito ang kamay nya. "Pwede kang magalit sakin Max at tatanggapin ko iyon, ang totoo ginamit lang kita at wala akong nararamdaman sayo, ayokong pilitin ang damdamin ko dahil wala talaga," pagtatapat nya, nakagat nya ang ibabang labi ng sambitin nya ang mga salitang iyon. Ilang saglit na katahimikan bago ito muling nagsalita, "And it didn't work? Sana man lang pala nahulog ka sakin sa mga panahong ginamit mo ko, mukhang sa mga libro na lang talaga nangyayari ang ganoon," natawa ito. Nakaramdam sya ng awa para dito. Nakukunsensya na tuloy sya dahil sa kabila ng mga ginawa nya ay hindi makuhang magalit nito para sa kanya. Napakabait nito. "Mapagbiro ka talaga. Kumain na lang tayo," pag-iiba nya ng usapan. Hinatid din sya kaagad ni Max sa room nya pagkatapos nya itong pagbigyan sa lunch kanina. Wala na syang klase.  May mga inaayos nalang syang papel kaya paunti-unti na lang ang oras nya sa iskwela. Tinawagan na nya ang driver nila at halos kinse minutos syang naghintay dito bago nya natanaw ang sasakyan nila. "Ang aga nyo ngayon Ma'am," puna ni Art sa kanya. Mga nasa trenta pataas na ang edad ng driver nilang ito. "Ah oo, hindi ko nasabi sayo kaninang hanggang alas dose lang ako," sabi nya bago pumasok sa loob. "Tayo na."  Tumango naman ito sa kanya at pinaandar na ang sasakyan. Natanaw nya kaagad ang malawak na hacienda nila pagkatapos ng kinse minutos na byahe, walang masyadong tao ngayon dahil malamang na kumakain ang ibang mga tauhan nila. Ang garden na kanina lang ay napaka-kalat ngayon ay napakasarap ng pagmasdan dahil sa linis nito. Mukhang mahusay ang bagong hardinero nila.  Bumaba sya ng sasakyan at nakita nya ang bahay kubo kung saan nagpapahinga ang mga tauhan ng hacienda nila. Nagkakainan ang mga ito at kumaway sa kanya ang mga ito nang makita sya. Gumanti sya ng ngiti sa mga ito, liban sa nag iisang lalaking hindi na naman sya tinapunan ng tingin.  Lumapit sya sa mga ito. "Ma'am Kamille halina po kayo at sabayan nyo kaming kumain," anyaya sa kanya ni aling Eba. Isa din ito sa matagal ng katiwala sa kanilang Hacienda. Kasama nito ang iba pang mga katiwala nila. "Ma'am Kamille, hindi mo na yata dinadala dito ang nobyo mong si Sir Max? Hindi na namin sya nakikitang dumadalaw dito," sabi ni Mang Nestor, nagpapaypay ito gamit ang malapad na sumbrero. Napatingin sya kay Franco na noon ay nasamid, hindi nya alam kung bakit bigla na lang itong nasamid. Pero hindi naman sya nilingon nito kahit kanina pa nya hinihintay na sulyapan man lang sya nito, tahimik lang itong kumakain habang nakakamay at pagkatapos ay tumayo na at lumayo. Anong problema ng lalaking yun?  Nakaramdam na naman sya ng inis. "Wala na ba kayo ni Sir Max?" pang-uusisa pa ng mga katiwala at tauhan nila. Ka-close nya ang mga ito at alam nya kung gaano sya kamahal ng mga ito bilang nag-iisang senyorita ng Hacienda Monreal. Wala kasi syang pinakitang kagaspangan ng ugali sa mga ito, kung tutuusin ay parang mga nanay at tatay na rin ang turing nya sa mga ito at anak naman sya kung itrato. "Wala na po kami ni Max," sagot nya sa mga ito. "Ha? Bakit naman? Sinaktan ka ba nya Senyorita? Mukhang kailangan mahasa ang aking gulok," pagbibiro ni Mang Nestor.  "Ikaw naman Nestor, wag mo naman takutin ang bata," saway ni aling Eba. Nagtawanan lamang ang mga ito. Ngumiti na lang sya at hindi pinansin ang tanong ng mga ito. "Oo nga pala, kilala mo na ba si Franco? Sya ang bagong katiwala at hardinero ninyo, apo sya ni Mang Isko," Napansin yata ng mga ito na sinundan nya ito ng tingin habang nakaupo at nagpapahinga sa silong ng malaking punong mangga. "Ganoon ba talaga sya?" tanong nya sa mga ito. "Sino? Si Franco? Naku ganyan talaga ang isang yan. Parang may sariling mundo. Pero mabait at masipag na bata yan," sagot ni Aling Eba. Napasimangot sya. "Hindi yata sya nagagandahan sakin. Kanina pa nya ako hindi pinapansin," biro nya. "Haha! Naku napakaswerte naman pala nitong si Franco. Akalain mong naghihintay pala ang senyorita natin na mapansin nya," si Elmer, halos kaedad lamang nya ito. "Senyorita ako araw-araw kitang napapansin. Di mo na kailangan pang magpapansin," dagdag pa nito. Siniko ito ni James. Isa din sa mga tauhan. Ngumisi lang ito kay James. "Ikaw talaga Elmer. Magtigil ka nga at kilabutan," pang aasar ni James. "Bakit? Kung mayaman lamang ako ay hindi ako magdadalawang-isip na magpursigi para ligawan si Senyorita," ngumiti ito sa kanya. "Alam mo Elmer di mo naman kailangan maging mayaman para magustuhan ako. Hindi lamang kita type," Narinig nya ang malakas na tawanan ng mga ito. "Aray ko. Ang talim naman nun Senyorita!" tila nasasaktang sabi nito at humawak pa sa dibdib. Umismid lang sya. Sanay na syang makipagbiruan dito. Muli nyang tinapunan ng tingin ang lalaking tahimik na nagpapahinga sa ilalim ng puno. Mukhang kailangan na nyang kumilos. Tila hinahamon sya ng lalaking ito at ayaw nyang napapahiya sa sarili. Hindi sya papayag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD