bc

Right love Wrong time (COMPLETED)

book_age16+
50
FOLLOW
1K
READ
forbidden
friends to lovers
drama
bxb
mxb
bisexual
cheating
first love
mxm
like
intro-logo
Blurb

Ipagpapatuloy mo ba ang isang relasyon dahil sa masaya ka sa nararamdaman mo? O ititigil mo na dahil mali na ang nararamdaman mo?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Powell Jake Ricafrente Point of View "Tol tara na! Sama ka na maraming chix don! Orientation palang naman ee!" Yakag sakin ni Mike kaibigan ko. First day of school kasi kaya halos karamihan sa mga professor namin ay nagpapa-fill-up lang ng class cards. Kaya itong mga kolokoy kong mga kaibigan eh puro gala ang nasa isip. Niyayakag nila ako mag-inom sa likod ng school at marami daw silang inimbitahan na mga babae. Mga babaero! Kinukulit nga akong maigi ni Mike eh pati si Lorenze nakikikulet narin. MGA HAGOM! Hahaha! Halatang mga tigang na! Sabagay ayos lang na maging ganyan sila dahil lahat naman kami ay may maipagmamalaking itsura. Pogi. Heartthrob. Yabang ko noh!? Kahit pogi ako hindi ko naisip ang salitang MAMBABAE. Mali yun! Ayokong may makitang nalolokong tao. Masakit kaya ang masaktan. Naranasan ko na yun dati. Kaso ang pinagkaiba lang - namatay sa sakit yung dating girlfriend ko. Leukemia. Sobra nga akong masaktan dati. Sa totoo lang hindi ko pa siya nakakalimutan. Kahit may girlfriend na ako ngayon ay hindi parin nawawala sa isipan ko si Angeline. Tama. Si Angeline yung girlfriend ko dati na namatay. Maganda yun. May malamlam na mata. Matangos na ilong. Kayumangging kulay ng balat at napakaamong mukha. Mabuting tao kaso nga lang napakaiyakin. Matampuhin pa. Pero kahit ganoon yun mahal na mahal ko yun. May girlfriend ako ngayon. Si Danica. Mahal ko rin siya katulad ng pagmamahal ko kay Angeline. Hindi ko na ikukwento kung paano kami nagkakilala ni Danica. Masyadong mahabang kwento eh. Ako nga pala si Powell Jake Ricafrente. 17 years old. Second Year I.T student. Gwapo na - pogi pa. Loyal ako at maginoo. "Pasensya na Mike. Next time nalang. Susunduin ko pa si Danica eh" sagot ko sa kanya. "Ewan ko ba sayo PJ! Kaya ang boring boring ng buhay mo eh!" Inis na sagot sakin ni Mike. "Naku! Hayaan mo na yang si PJ. Mahal na mahal niyan si Danica eh!" Singit naman ni Lorenze. "Alam mo tol dapat nag Pari ka nalang. Sige na nga! Sa sabado nalang tayo mag-inom" -Mike. "Teka tol! Pano yung mga chikabeybs don? Sayang yun!" Maktol ni Lorenze. Wala ng nagawa si Lorenze. Kaya eto nanaman kami at nagpi-fill-up ng class cards sa ibang mga subject. Katulad nung first year pa kami kapag orientation ay maaga kaming pinapalabas ng room. Wala pa sigurong syllabus ang mga prof kaya hindi pa sila nagtuturo kapag first day of school. Kaya nandito ngayon kami sa bleachers. Tambay lang. Palipas ng oras. Halata ngang nababagot na sila Mike eh. Sabi ko kasi aantayin ko pa si Danica. Magkaiba kasi kami ng schedule. May pang 6pm pa si Danica kaya may isang oras pa kaming maghihintay dito. "Tol kung gusto niyo una na kayo?" Tanong ko sa kanila. "Magandang ideya yan tol. Una na kami. Ikaw lang naman ang may lovelife eh! Maghahanap na muna kami" kamot ulong sang-ayon ni Lorenze. Naiwan na akong mag-isa dito sa bleacher. Naglalaro ng color switch. Kakainis nga eh. Hindi ako makaalis sa lever 24. Badtrip. Tumingin ako sa digital clock ng cellphone ko. 6:40pm. Nagsimula na akong maglakad papuntang room nila. Ganoon na kasi ang ginagawa ko dati pa kapag sinusundo ko siya. "Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo!!?" Malakas na boses na narinig ko sa gawing kaliwa ko. Mabilis kong idinako ang dalawang mata ko dun. Nakita ko ang apat na lalake at isa pang maliit na lalake. Lalake nga ba yun? Wala akong naririnig na salita dun sa lalaking sinigawan. Nakayuko lang ito habang dinadampot ang mga nalaglag na gamit nito. May isang lumapit na lalake. Siguro napansin niya rin yung nangyayari kaya tutulungan siguro niya yung inaaway ng apat na lalake. Nakatigil lang ako. Pinagmamasdan ko ang nangyayari at gagawin nung lalaking tutulong. Nung nakalapit na yung lalake sa kanila ay kinuha nito yung bag ng lalaking inaaway. Binuksan ang zipper ng bag at itinaob ito dahilan para magkalat lalo ang gamit nung lalake. Ayos ah! Akala ko tutulungan niya! Tropa rin pala niya yung apat na lalake. Hindi ko alam kung anong course nila kasi naka-civillian pa kami ngayon. Pero base dun sa lalaking inaaway nila ay freshman ito. Pandak kasi ee. Sorry pero totoo lang sinasabi ko. Pagkatapos damputin ng lalake yung mga gamit niya ay inilagay niya ulit iyon sa bag niya. Kinuha ulit iyon ng isang lalaking kaharap niya at itinaas iyon. Pilit niyang inaabot pero dahil sa maliit siya ay hindi man lang niya magawang hawakan ito. Nung aktong itataob ulit nung lalake yung bag ay hinawakan ko ang braso niya. Hindi ko alam pero namalayan ko nalang na dinala na ako ng dalawang paa ko dito sa pwesto nila. "Tol tama na. Isauli niyo na ang bag niya" mahinahong sabi ko dun sa lalake. Nagtinginan sakin ang limang magkakaibigan. Yung tingin na kakaiba. Yung tingin na ano mang oras ay babanatan nila ako. Kinuha ko yung bag na hawak ng lalake. Nung hawak ko na ang bag ay bigla nalang silang umalis at naglakad na palayo. Sigurado ako mainit na ang dugo sakin ng tropang iyon. "Oh.." Sabi ko sa lalakeng kaharap ko. Nakasuot siya ng salamin. Halatang malabo ang mata niya. Yung buhok niya? Okay na sana kaso mukhang kailangan ng trim. Makapal kasi eh. Sa likod ng salamin niya nagtatago ang malamlam na mata. Yung parang laging iiyak. Pagkaabot ng bag niya ay mabilis na itong naglakad palayo sakin. Aba! Hindi man lang siya marunong magpasalamat!!? Itinaya ko ang buhay ko para lang iligtas siya tapos wala lang! Ayos ah! Aktong tatalikod na ako nung napansin kong may panyo sa lapag. Dinampot ko iyon. Sigurado ako sa kanya to. "Heyyy! Yung pan-" "Bhe nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap" biglang singit ni Danica dahilan para hindi ko na natawag yung lalakeng nakaiwan ng panyo. Palihim kong nilagay sa bulsa ko yung panyo at sinalubong ko na si Danica. "Pasensya na Bhe. Nag-CR kasi ako" palusot ko sa kanya. "Osya - tara na. Dinner muna tayo" nakangiting sabi sakin ni Danica at kaagad inabresiete ang kanyang kamay sa braso ko.   Isang linggo ng nakakaraan simula nung pasukan. Pagkatapos nung first day ay sumabak na sa gyera ang mga prof namin sa discussion. Takte! Nakakatuleg! Kung memory card nga lang ang utak ko ay siguradong memory full na ako o di kaya ay naghahang na ako. Hindi ata kaya ng utak ko i-save lahat yun. Nakakaloko! At ang masaklap pa - may quiz na agad kami bukas. Monday. Hindi ba naaawa ang mga prof saming mga estudyante? Tapos kapag bagsak kami sa exam magagalit samin at palaging sinasabi na wala kaming natutunan sa discussion nila. Dapat maglaan naman sila ng oras para marelax ang isipan namin. Haaay... Buhay kolehiyo nga naman. Habang tinotorture ko sa isipan ko ang lahat ng prof ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Notification tune. Hindi ko muna agad in-open yun - pinagmasdan ko muna yung wallpaper ko. Picture naming dalawa ni Danica nung six monthsary namin. Magkadikit ang dalawang labi namin at pareho kaming nakanguso. Astig noh? Ang sweet. Naka-center pa talaga sa cellphone ko yun. Bhe hindi ako mkkacmba. Bglaan kse kming ddalaw kina Lola sa Batangas eh pro uuwe rin kmi mmyang gabi. Sumimba k kht ndi mo ak ksama ah. Labyu. Sender: Bhe Ayy! Kainis naman! Nasanay na akong magkasama lagi kami sumimba tapos for the first time ay hindi kami makakasimba. Hindi ko naman siya pwedeng pilitin. Sabi nga niya pupunta sila kina Lola. Haaaay.. Huwag nalang kaya ako magsimba? Ayy! Bad yun. Sisimba parin ako kahit ako lang mag-isa. Ok cge Bhe. Ingat kyo sa biyahe ah! Labyutu po. Reply ko agad sa kanya. Nanuod muna ako ng onepiece. Maaga pa naman kasi eh. 4pm ang simula ng misa eh 12 palang naman. Pagkatapos kong panoorin ang tatlong episode ng onepiece ay kumain na ako at naligo. Si mommy nga pala ay isang supervisor sa isang campany at si daddy naman ay manager sa bangko. Kapatid? Wala. Solo lang ako. Kaya nga naibibigay sakin ang lahat kahit hindi ko naman hinihingi sa magulang ko. Syempre dahil din yun sa pagiging goodboy ko. Ako pa! Binili nga ako ng kotse ni daddy kaso hindi ko iyon ginagamit kapag napasok ako sa school. Malapit lang naman din kasi. Saka low profile. Naks! Lakas maka-low profile noh? Hahaha! "Dy! My! Simba muna ako. Paalam ko sa kanila habang busy sila sa panunuod ng movie sa Netflix. "Sige anak. Ikamusta mo kami kay Danica ha!" -Mommy. "Hindi ko siya kasama ngayon mommy. May pupuntahan daw sila" sagot ko. "Alis na ako" dugtong ko at mabilis na akong lumabas ng gate namin. Pumara agad ako ng tricycle at sumakay na agad. Ang init kase. Kahit 3:30 na ng hapon ay ang sakit parin sa balat ng sinag ng araw. Ayoko kaya masira ang magandang kutis ko noh! Bawas pogi points yun. Baka maturn off sakin si My-Bhebhe Danica. Hahaha! De joke lang. Kahit na ano itsura ko alam kong mahal na mahal ako nun. Quarter to 4pm ako dumating dito sa simbahan. Marami narin ang taong nandito. Karamihan ay mga estudyante ng highschool. Required kase silang sumimba ng 4pm dahil may mass card sila. Sa ESP atang subject yun. Values Education ang tawag dati dun. At dahil sa k12 na, ayun iba iba na ang tawag sa mga subjects at hinati hati pa. Pahirap noh? Kumuha ako ng isang upuan sa gilid at ipinuwesto ko ito sa gilid ng karo ng patron ng bayan namin. Si Tata Usteng (St. Agustin) dito kasi kami palaging napwesto ni Danica. Mas komportable kasi dito eh. Naupo na ako. May limang minuto pa bago magsimula ang misa kaya kinuha ko ang cellphone ko at nagtext ako kay Danica. Sinabi kong nandito na ako sa simbahan. Sinabi naman niyang nasa Batangas na sila ng Papa at Mama niya. Ang bilis ng biyahe nila noh? Sana sumama nalang ako sa kanila para kasama ko siya. Parang kulang kasi ang buong araw ko kapag hindi ko siya nakakasama at nakikita. Narinig ko na ang tunog ng bell na senyales na kailangan ng tumayo para sa pambungad na awit. Tumayo agad ako at nakisabay ako sa kanta pero sa isip ko lang. "Ahmm... Excuse me po" sabi nung lalake na may bitbit na dalawang upuan. Umurong ako ng kaunti para makadaan siya. Sila pala. Dalawa kasi sila. Hindi ko na sila tiningnan. Nasa unahan na kasi si Father at nakikisabay narin sa kanta. "Palit tayo Denis ng pwesto dito ka" narinig kong sabi nung kaninang may bitbit na upuan kausap yung kasama niya. Ang ingay naman ng neto! Nawawala tuloy ang atensyon ko sa misa. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo "Amen" Pagsisimula ng misa. Naktutok lang ang atensyon ko kay Father at sa choir habang kinakanta ang Papuri sa Diyos. Naupo na kami pagkatapos at nagsimula ng basahin ang mga nakasulat sa Sambuhay. First reading. Second Reading. Tumayo para sa Gospel. Umupo para pakinggan ang Homily. Hanga talaga ako sa mga Pari. Ang galing nila magbigay ng halimbawa at naikokonek nila agad iyon ukol dun sa nilalaman ng mga pagbasa. Naipapaliwanag nilang maigi para mas maintindihan ng mga taong nasimba ang tunay na pinapahayag ng bible. Tumayo na muli kami para Panalangin ng bayan. Matapos yun ay ang pagbe-bless ng bread and wine at magkasunod itinaas iyon ng pari. Natatandaan ko oa nga dati sabi samin nung teacher namin sa values education ay sa tuwing itataas daw ng parin yung bread and wine at dapat daw nakapokus kami dun dahil yun daw ang time na bumababa ang holy spirit at bine-bless yung bread and wine. Kaya simula nun ay palagi na akong natitig sa part ng misa na iyon. Sa tagubilin ng nakagagaling na utos. Hawak kamay. Haaay. Kung kasama ko sana si Danica e di kaming dalawa sana ang magkahawak ng kamay ngayon. Kakalungkot naman. Naramdaman ko nalang na hinawakan ng katabi ko ang kamay ko. Hindi ako nalingon sa kanya at nakatingin lang ako sa unahan - Kay Father. Babae siguro ang katabi ko. Ang lambot ng kamay. Parang bulak. Parang marshmallow. Ang weird lang kasi parang kakaiba yung pakiramdam ko. Hindi ko ma-explain. Parang nanginginig na ewan ang kaliwang kamay ko habang hawak hawak ng katabi ko. Matapos yung kanta ay binitawan agad ng katabi ko ang kamay ko. Sumainyo ang Panginoon. At sumainyo rin. Magbatian kayo ng kapayapaan sa isa't isa. Peace be with you. Sabi ni Father. Nauna akong nag-peace sa unahan - kay Papa God. Sa harapan ko, sa kanan ko, sa likuran ko at sa.. Teka! Kilala ko to ah! Ayy hindi ko pala kilala, nakita ko na siya ah. Nakayuko lang siya at hindi siya nakikipagpeace kahit kanino. May sayad ba talaga itong taong ito? Sayang! Nakalimutan ko yung panyo niya sa kwarto ko. Nasa ibaba ng drawer ko yun eh. Saka ko na siya kakausapin kapag dala ko na yung panyo niya. Saka mukhang may sayad siya. Kaya siguro napagtitripan sa school ay palagi siyang ganyan. Tapos na ang misa. Kaya nagsimula ng maglabasan ang mga tao. Lilingunin ko pa sana yung katabi ko kanina nung napansin ko sa bintana na nakalabas na sila. Madala na nga bukas yung panyo niya at baka sakaling magkita kami. Ano nga kayang pangalan niya at course niya? Para maipadala nalang kung sakali sa mga kaibigan ko.   Potek! Yung quiz namin sa calculus tangkahirap! Parang board exam. Bakit kaya kapag nag-e-explain ang prof sa unahan ang dali daling intindihin? Pati yung example nila, madali. Pero nung nasa test paper na, langya! Magkaiba ng given! Sana lang makapasa ako sa quiz sa calculus sumabay pa kasi ang Physics eh. Kaya kurtang kurta na ang utak ko. Nandito ako ngayon sa room. Nag-aantay ng susunod na subject. EFL (English Foreign Language). Makikita ko nanaman ang teacher na dahilan kung bakit dumudugo lagi ang ilong ko sa ganitong oras. Wala kasing humpay ang pag-e-english niya. Ultimo pagtawa ay kailangan english. Hindi ba nila alam na English is only a dialect - it’s not a knowledge. Tama ba yang grammar ko? Nagmamarunong nanaman ako. Haha! "Oh umayos na kayo. Nandiyan na si Maam English" sabi nung classmate ko. Haaay... Eto nanaman. Ano nanaman kaya ang itatalak nito sa unahan? Kalimitan kasi puro kwento siya tungkol sa history. Naisip ko nga dapat World Lit nalang ang tinuturo niya samin. "Okay class this is the correct pattern in writing a poem" tukoy niya sa imahe na nanggagaling sa projector. Parang boses nga ni looney toons ang naririnig ko eh. Yung ang bilis bilis tapos wala akong naiintindihan. Ganon yun! Naranasan niyo narin ba? "Okay so I am giving you 30 minutes. Write your own poem" Halos sabay sabay kaming napatingin kay Maam. Yung tingin na nagulat dahil sa bigla niyang sinabi. "Uyy PJ ano ba yung poem?" Kalbit sakin ni Mike. Hindi ko alam kung tatawa ako o maiinis sa tanong ni Mike. Tangna college na hindi pa alam ang poem. Hahaha! "Ang alam ko dun yung parang gagawa ka lang ng kanta, yung ikaw ang composer" nagmamagaling kong sagot sa kanya. "Marunong ka?" Seryosong tanong niya ulit sakin. "Hinde" ipit tawang sagot ko sa kanya. Totoo naman eh! Ano ba malay ko sa paggawa nun? Tapos English pa! Baka maiga dugo ko dito! Ahh! Alam ko na! Hindi naman siguro mahahalata ni Maam kung kokopya ako sa google. Hind naman siguro chinecheck ni Mam o kinukumpara yung ginagawa namin sa iba, diba? Utakan lang yan! Palihim kong kinuha ang cellphone ko sa kaliwang bulsa ko. Ni-tap ko ang google at nagsearch ako. Jakpat! Ang daming lumabas! Kaso - tangna ang hahaba! Mangangalay ako sa pagkopya dito. Ni-tap ko ang pangatlong lumabas sa google. Masyado naman kasing obvious kung yung pang-una yung kokopyahin ko. Denis Lindsey Blancaflor Yan ang lumabas. w*****d pala tong nai-tap ko. Basta ko nalang ni-tap yung isa sa mga list ng poem. Ayos! Kokopyahin ko na to. Your first message got me panicking You caught me by surprise I saw it as a threat Something that I gain - will regret. But now you're crawled your way up to my walls I don't know what to do Your corny jokes your cheesy pick-up lines; Your lopsided smiles, your dorky sentiments The silly note-passing, the lingering glances Things that make me illogically infatuated with you This is me pretending to be detached As you pass me by With flowers in your hands You walked straight to my side You took my hand And said, "Will you be mine?" Maybe this is not too bad I'm glad I answered that first chat (Pahiram po) Haaaay... Natapos din. Buti hindi ako nahalata ni Mam English. Uyy kung sino ka man - thank you ha.. Bulong ko dun sa account na nakopyahan ko. Na-save mo ang araw ko. "Okay. Time's up. Pass your work. Don't forget to write your name on the top of your paper" sabi ni Maam English. "Tol nakagawa ka?" Tanong sakin ni Mike. "Oo naman! Ako pa!" Mayabang kong sagot sa kanya. "Eh ikaw?" Dugtong ko. "Oo. Pero lyrics ng crazy for you ang sinulat ko. Wala kasi akong maisip na iba" seryosong sagot niya dahilan para mapatawa ako ng malakas. Pasalamat nalang ako dahil nakalabas na ng room namin si Maam English, kundi dali nanaman ako don. "Osya tara na nga sa hall. Vacant tayo" yaya ko. Kaya eto na kami ngayon sa bleachers. Nakatambay. Palipas oras na ulit. May dalawang oras pa kasi kaming hihintayin para sa last subject namin. Ganito talaga kapag kolehiyo. Broken time. Oh wag ng humugot! Di ako broken. :) Pinagkukwentuhan parin namin nila Mike yung tungkol sa pinagawang poem ni Maam. Tawa pa nga rin ako ng tawa eh. Hahaha! Lyrics ng kanta ang nilagay ba naman ni Mike. Hahaha! Sigurado lagot tong lalaking to sa next meeting kay Maam. "Ayy sorry po..." Hindi ko sinasadyang mapalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Malapit lang kasi sa pwesto namin. "Sorry din.. Di kasi kita napansin eh.." Sagot naman nung nakabungguan NANAMAN niya. Oo. Tama. Siya nanaman. Ganoon na ba talaga kalabo ang mata niya? "Pasensya na po talaga..." Sabi ulit niya habang dinadampot yung nalaglag niyang gamit. Tinutulungan naman siya ng lalaking nakabanggan niya. "Isuot mo kasi ito..." Sabi nung lalaki sabay suot sa kanya ng salamin niya. "PJ" Parang naging pamilyar sakin iyong mukha niya. Parang nakita ko na sa isang.. Saan nga ba? "PJ" Sigurado ako. Bukod nung nakita ko siya na binubully ay sigurado akong nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung saan. Epekto yata ito ng English namin kanina ee! "PEEEEEEEEJAAAAAAAAAAY!" Muntik na akong mapatalon dahil sa lakas ng pagkakatawag sakin ni Mike. "Adik ka ba?" Diretsong tanong sakin ni Mike. Tangna! Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang estudyante. "Bakit ba!?" Takang tanong ko sa kanya. "Kanina ka pa nakatulala diyan!" Sabi niya sabay turo sa dalawang taong nakatingin sakin sa gilid ko. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko. Nakakahiya! "Sige. Suot mo palagi yan para di ka na makabangga ulit" sabi nung lalaki bago tuluyan ng lumabas ng gate. Nagdiretso na yung isa paakyat sa hagdan. Ayy! Oo nga pala! Yung panyo niya. Mabilis akong tumayo at pumorma ng paghabol sa kanya. "Uyy! Teka yung pan-" "Bhe saan ka pupunta?" Biglang sulpot ni Danica. Awtomatikong tumigil ang katawan ko at humarap sa kanya. "Nandiyan ka na pala bhe, tara" ngiting sagot ko sa kanya. Di ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko kung saan ako pupunta. Napagpasyahan namin kumain muna sa labas. Mahaba haba pa kasi yung oras namin. Pareho kami ng oras ng last subject ngayon ni Danica kaya magkakasabay kami ng tropa uuwe ngayon. Nandito ngayon kami sa Jollibee. Todo kwento na ulit si Mike. Bidang bida nanaman. Kwela eh. Joker ng tropa. Pinag-uusapan namin yung outing namin. Tagal na kasi ng huling bonding namin. Naagaw ang pansin ko ng taong pumasok. Siya nanaman? "Bhe bakit?" Puna sakin ni Danica. "Ahh wala" mahinang sagot ko sa kanya. Nilagay niya sa upuan ang bag niya at inilabas dun ang laptop niya at pinatong naman sa table. Matapos yun ay umorder siya ng pagkain. Large Fries, Mango Pie at Iced tea. Talagang tiningnan ko yun. Hindi ko nalang pinapahalata sa mga kasama ko ang ginagawa kong pagmamasid sa taong nasa kabilang table. Nakatuon ang dalawang mata niya sa laptop. Kaya naman pala malabo mata nito eh! Kung makatutok sa laptop, inam! Nagsimula ng gumalaw ang mga daliri niya. Nagta-type siya. Wala ba siyang mga kaibigan? Kahit naman siguro freshman lang sa school ay dapat may kaibigan na siya. O sadyang loner? "So ganon na nga ang plano. Ikaw na bahala don PJ ha!?" -Lorenze. "Ha?" Takang tanong ko. "Anong ha? Hindi ka ba nakikinig?" -Lorenze. "Tulala nanaman" -Mike. "De. Iniisip ko lang kasi kung ano magandang kulay ng jersey natin para sa inter-barangay" palusot kong sabi nung biglang bumukas ulit ang pintuan at may pumasok na isang lalaki at mabilis na naupo sa harapan ni pandak. (Hindi ko pa kasi alam pangalan niya - tutal pandak naman siya kaya yun ang tawag ko sa kanya. Huwag sasabihin ha! Baka magalit!) Nursing student yung lalaki. Pero iba ang logo ng school niya. Naka-uniform ng nursing eh. Malamang diba? Tumigil sa pagta-type si Pandak at nakipagkwentuhan dun sa nursing. Parang gusto ko ngang lumapit para marinig ko pero ano nga ba pakialam ko diba? Tsismoso talaga ako. Marunong naman palang ngumiti si Pandak. "Bhe masama ba pakiramdam mo?" Bigla akong napaayos ng pagkakaupo nung biglang hinawakan ni Danica ang kamay ko. "Hindi naman bhe. Hang over siguro ng English namin kanina" birong sagot ko sa kanya. Muli kong tinuon ang atensyon ko sa kabilang table. Magkatabi na sila. Bigla kong iniwas ang tingin ko nung aktong titingin sa pwesto ko si Pandak. Naramdaman yata niyang nakatingin ako sa kanila dalawa. Buti naiiwas ko agad kundi huli ako. Hindi na namin napansin ang oras. Malapit na pala ang last subject namin kaya isa isa na kaming tumayo para makalabas na ng jollibee. Nilingon ko ulit yung table nila Pandak - tumayo narin sila at sabay lumabas ng pinto. Magkahiwalay sila ng direkyon. "Sige kita nalang tayo mamaya bhe" sabi ko kay Danica nung papunta na siya sa room nila. Kami naman nila Lorenze ay eto binabaybay namin ang paikot ikot na hagdan papuntang third floor. Haaay gutom na ulit ako. Di bale. Last subject nanaman kaya ayos lang. Dalawang section nga pala kami kapag ganitong subject. PinagJoin ni Sir Trinidad. Syempre prof yun kaya wala narin kaming magagawa. Bawal tumanggi - baka ibagsak. Pagpasok ko ng room ay kaagad na akong naupo sa dulong upuan. Dulo paborito ko para di pansinin sa recitation. Ganoon din ang ginawa ni Lorenze at Mike. "Denis dito ka sa unahan - di mo makikita diyan, ang tatangkad ng nasa unahan mo oh!" Sabi nung isang babae sa pangalawang row. Bahagya kong nilingon yung tinutukoy niya at parang na-stock ang leeg ko nung makita ko yung tinutukoy nung babae. Si Pandak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
685.3K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
404.0K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.9K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook