bc

My Super Hot Straight Fake Boyfriend

book_age0+
1.3K
FOLLOW
11.9K
READ
love-triangle
possessive
badboy
boss
comedy
sweet
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
bisexual
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Nag apply si Ethan sa isang malaking kumpanya sa Makati. Natanggap siya biglang assistant ng boss ng kumpanya. Si Benjamin, boss ni Ethan, ay may sinasaradong deal kina Matteo at Julian. Para mapapayag ni Benjamin si Matteo at Julian na pumirma sa kontrata, nagpanggap silang magkasintahan ni Ethan.

Hanggang saan aabot ang kanilang pagpapanggap? Lalo na't nandiyan si Jack para seryosohin si Ethan.

Warning: m2m story. Read at your own risk :)

chap-preview
Free preview
Part 1
"Tell me about yourself" Shet. Eto na nga. Nagsisimula na ang bagong yugto sa buhay ko. Goodbye school, Hello real world na talaga. "I'm Ethan James Aguilar, 20 years old from Makati" pakilala ko. Nakasalamin na babaeng matanda yung nag iinterview sa akin. Mukha siyang mataray pero okay naman din, hindi naman ako kinakabahan kasi may piso ako sa loob ng sapatos ko. "I already know all of that. It's written here in your resume. Tell me something that I don't know" Shet. English, buti na lang at napaghandaan namen 'to ng bestfriend ko. Pero bago ako magpakilala sa kanya, biglang may kumatok sa pinto. "Ma'am? 20minutes...." "I know, I'm busy here, can't you see?" mataray nga siya. Wala naman nasabi yung lalaki at umalis na siya kaagad. "I'm sorry about that...." hindi ako nagsalita habang binabasa niya yung resumè ko. "...Well, you have an outstanding vitae..." "Thank you Ma'am" Bigla niyang nilapag yung papel ko at tumingin siya sa akin ng masinsinan. "So, How much salary are you expecting?" +++ "Ganun ganun lang? Walang ibang tanong?!" tanong saken ng bestfriend kong si Jaycee. Siya ang pinaka nakakatawang bakla sa lahat. Minsan pilosopo, minsan bastos, pero madalas masaya at sanay na sanay na ako sakanya. "Oo, ganun lang. Simpleng tanong lang tapos ayun! Hired kaagad. Final interview then pipirma na raw ng kontrata" paliwanag ko. "Sabi ko sa'yo e! Mahiwaga ang piso sa sapatos!" Ang pormal pa ng suot ko pero etong si Jaycee, naka Tshirt at short lang sa ibaba ng company. "Haha salamat bes!" "Walang anuman bes. Halika na sa bahay niyo para makakain na tayo. Siguradong tuwa tuwa na yang muji mo pag uwi mo!" si Jaycee yung baklang mukhang lalaki. Kaya kapag nagapalaki siya ng boses, natatawa ako ng sobra. "Ayaw mo sainyo?" tanong ko. "Bes ano na. Edi pilit na pilit na naman galaw ko. Alam mo naman si Father superior, sundalo, kapag sa bahay, pak, lalaking lalaki. Oh, hirap magpanggap!" "Haha sorry sige tara na samen!" "Wala kang choice bes, 'dun talaga tayo sainyo!" Si Jaycee na pinang drive ko dahil excited na excited na akong ibalita kina mama na may trabaho na ako. "Bes, tapos na yung ginagawang bahay sa tabi namen!" sabi ko habang nag ddrive siya. "Salamat naman! Infairnes sa nagpatayo sa tabi niyo ah, ayaw magpatalo. Gusto malaki rin ang bahay!" "Hindi naman ganun kalaki bahay namen" "Tigilan mo ko Ethan James Aguilar baka sampalin kita ng titing galit ah! Kung tutuusin hindi mo na kailangan mag trabaho eh, pak na pak naman kayo sa pera eh!" "Hindi naman kasi forever na manghihingi ako ng pera di'ba?" "Patunayan mo yung forever diyan bes!" "Leche haha. Magtatrabaho ka ba? Ano na? Tengga ka lang talaga?" "Next time bes. Ayokong masayang beauty ko sa stress life ng pagtatrabaho no'!" "Sabi ko na sasabihin mo 'yan eh haha" From BGC to Pasig, mabilis naman byahe dahil na rin sa barubal na pagdadrive ni Jaycee. Tinanggal ni Jaycee yung seatbelt ko tsaka niya ako hinarap sa kanya. Pumikit siya bigla at tinapat yung dalawang kamay niya sa mukha ko at nagsimula na naman sa ritual niya. "Spiritu ng kabaklaan, lumabas ka muna sa katawan ng taong itoooooooo!" "Bes, tigilan mo nga ako!!" inis kong sabi sakanya. "Nako bes, sigurado naman kasi akong tanggap ka ng....." "Sabi ko 'wag mo kong parangalan tungkol diyan diba? Ikaw nga eh 'di mo masabi sa magulang mo!" "Pinagkaiba nateng dalawa bes, hindi sundalo tatay mo at hindi ka only boy sa pamilya! Haha stress na ako! Gusto na raw ni daddy magka apo!" paliwanag ni Jaycee. "Mamaya na natin problemahin 'yan, sa ngayon, pasok muna tayo sa bahay namen tapos magpakasaya, hano po?" "Okay bes. Iwan mo muna sa kotse mo si Nahte." "Sino si Nahte?" "Yung espiritu ng kabaklaan mo!" "Tigilan mo nga ako riyan sa kabaklaan kabaklaan na 'yan!" "Sige na, ikaw na paminta. 'Di ko pa rin maisip kung paano ka nagka girlfriend tapos pak, may pag f**k pang naganap. Yuk!!!" Natatawa ako kay Jaycee. Goodvibes talaga kausap 'tong bestfriend ko. "Again, I don't want stress" sabi niya. "... Let's go inside na!" sabi pa niya. Lumabas na kami ng kotse at nakita ko na nga yung natapos na bahay ng kapitbahay namen "Bes, ang ganda talaga!" sabi ni Jaycee. "Nako, tara na!" Mukhang wala pa rin yung mga tao roon kaya 'di na nakiusyoso si Jaycee at pumasok na kami sa loob. +++ Bumalik na ako sa BGC para pumirma ng kontrata. Sa sobrang kaba ko pumorma pa ako ng maayos pero hindi naman daw kailangan. "So, Mr. Aguilar, see you on Monday?" nakipagkamay na yung HR saken at ngumiti ako. Pagkalabas namen ng kwarto, may lalaking mataba na nagpagilid saken. Maliit lang naman yung hallway kaya wala akong nagawa. "Kuya, anong meron?" tanong ko. "Shhh" "Nagtatanong lang?" "Shhh." Di naman ako sumagot. "Joke lang, parating kasi yung boss." sabi ni Kuya, at sa pagkasabi niya 'non, may dumaan na lalaki na mukhang yayamanin at sobrang kinis.  "Ayan?! Boss natin 'yan?!" sabi ko kay Kuya. "Wag ka ngang maingay. Mamaya marinig ka niyan eh!" Pero huli na ang lahat. Mukhang narinig niya yung pagkakasabi ko 'nun. Yung ngiti niya, nawala nung lumapit sa akin. "Problem?" fvck. Ano bang boses 'yan?! Ang sarap sa tenga! "Ah.... No sir..." Tumingin siya sa may katabi kong kwarto kung saan ako pumirma. "You're new. Just do your job." putek, ang sarap pakinggan ng boses niya! "Sorry sir. Ofcourse." "Good" Naglakad na uli siya palayo at naiwan naman yung matabang lalaki sa tabi ko. "Ayan, ang ingay mo, sabi sa'yo narinig ka niya eh!" "Boss natin 'yon? Halos kaedad ko lang yun ah!!" sabi ko. "Siya ang anak ng boss! Hindi naman siya yung may ari, anak lang. Masyado ka namang OA kasi mag react" "Nagulat lang ako!" "Gwapings din no?" Aba si Kuya! Iba rin ang pagka chismoso. "Hindi lang 'yon! Matinik din sa chicks yan! Kung alam mo lang." "Chismoso ka rin kuya no?" "Hehe. Sige pre, alis na ako! Sundan ko pa si Sir eh baka kailanganin ako!" sabi niya. Nakakatuwa rin yung Kuya na 'yon kaso sayang hindi ko nakuha yung pangalan niya! Pati na rin yung boss namen edi sana tuwang tuwa si Jaycee ngayon. Kaso hindi ko sasabihin sakanya yung tungkol sa gwapong anak ng boss at baka mag apply pa siya rito dahil dun. Habang pasakay ako ng elevator para bumaba, biglang nagtext si Jaycee saken at kinakamusta lakad ko. Pero dahil nakatingin ako sa phone ko, hindi ko napansin na may tumatakbong lalaki papunta saken at nagkabungguan kaming dalawa. Parang hindi pa ako nakakamove on sa anak ng boss tapos eto pa, may isa pang pogi!  "Sorry po!" sabi ko. "Fvck! Hindi ka ba marunong tumingin sa daanan?" shet. Galit siya. "Sorry po talaga" "Asshole" bigla siyang nagmadali ulit sa pagtakbo. Buti na lang at di siya sumakay sa elevator kundi siguradong awkward. Pagsakay ko ng elevator, tuloy tuloy na ako hanggang sa pagpunta ko sa pinark kong sasakyan at umalis na para makipagkita kay Jaycee.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
227.8K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.3K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
478.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook