bc

Julian's Gift

book_age0+
938
FOLLOW
10.7K
READ
adventure
time-travel
friends to lovers
arrogant
sensitive
student
comedy
bxb
bisexual
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Sundan ang buhay ni Julian matapos makatanggap ng kakaibang regalo.

Warning: FANTASY story full of magic. Read at your own risk. :)

chap-preview
Free preview
PREVIEW
Ang lakas lakas ng ulan, di ko pa alam kung nasaan ako. Ang alam ko, pumunta kami sa Pampanga para mag inuman. Ewan ko rin kung bakit ako sumama sakanila pero di ko talaga matanggihan si Matteo. Sobrang crush ko kasi si Matteo, ang gwapo gwapo niya kasi tapos ang tangkad. Siya kasi ang model sa school namen, syempre kailangan artistahin para naman naman makaakit ng mga enrolees. Di ko naman akalain na magiging kaibigan ko siya, normal lang naman ako na bakla. Alam niya naman na bakla ako, at may respeto siya saken. Pero di ko alam kung bakit niya nagawa saken to. Kanina pa ako tumatakbo sa matataas na talahib. Lagpas na nga hanggang ulo ko eh, imbis na matakot ako, ang gusto ko na lang, makaalis sa lugar na pinuntahan namen. Dala dala ko pa yung bag ko tapos nakauniform pa ako. Kahit bakla ako, may respeto ako sa sarili ko. Ganun naman kasi dapat, para di ako napagtitripan pero bakit saken pa nangyari to. Habang tumatakbo palayo, napansin kong malapit na ako sa hi way na siya namang kinatuwa ko. Nung makita ko yung mga sasakyan, pumapara ako pero walang humihinto saken. Wala rin akong makitang pwedeng silungan, basta puro talahib lang talaga. Basang basa na ako at ang lamig lamig. Nung wala ng dumadaang sasakyan, saka naman ako nakarinig ng parang may umiiyak. Hinanap ko yung tunog at di naman masyadong malayo, may matandang lalaki na umiiyak. Mukhang pulubi at madungis, pero nangibabaw yung awa ko kaya nilapitan ko siya. "Ahmm.. manong, okay lang po ba kayo?" Tanong ko sakanya. Lumuhod ako para mahawakan ko siya. "Nagugutom na kasi ako iho..." sagot niya. Sobrang nakakaawa talaga. Chineck ko bag kong basang basa na kung nadala ko yung pagkain ko, buti na lang may isang lemon square cheesecake dun tapos binigay ko sakanya. "Ohh, ayan po, kainin niyo po" sabi ko. Pinampayong ko yung bag ko sakanya para makakain ng maayos. "Maraming Salamat iho" sabi niya. Malapit kasi loob ko sa mga matatanda. Kaya di ako nagatubiling tulungan siya. "Anong pangalan mo iho?" Tanong niya. "Ahhh.. Julian po" "Maraming Salamat Julian, iho. Napakabait mong bata" sabi niya pa. Nakakatuwang makita sa labi ng matanda yung ngiti at saya kahit lemon square lang nabigay ko. "Bakit pala nandito ka sa kalsada ng ganitong panahon, ang lakas lakas ng ulan at gabi na. Mamaya kung mapano ka pa." Di ko naman masabi yung totoo sakanya kaya di na lang ako sumagot. "Iho, pwede mo ba akong ihatid sa may kubo ko??" "Ahh eh san po ba yung kubo niyo??" "Sa may talahiban, di naman malayo rito" sabi niya pa. Medyo na creepyhan ako. Gusto ko sanang umayaw kaso hinawakan niya kamay ko at naglakad na kami sa Talahiban. Putek, nakakatakot talaga!! Di naman mukhang gagawa ng masama si manong pero kahit na, nakakatakot lang talaga. Tapos ngayon, sumisipol siya habang naglalakad kami. Mas lalo tuloy akong kinilabutan, ang creepy ni manong!! Pero sa di kalayuan, may nakita akong kubo na maliit na may ilaw. Siguro ayun nga yung tinutukoy niya. Sobrang liit lang nung kubo, siguro dalawang dipa lang yung apat na sulok, tapos may lamesang gawa sa kawayan. Yung ilaw, parang lampara lang. Pero ang nakakagulat, ang daming libro sa may bandang kisame. Di naman sila nababasa sa loob. "Dito po ba kayo nakatira??" Tanong ko. "Oo" tangi niyang sagot. Umupo lang kaming dalawa, magkaharapan sa lamesa. Nakatitig lang siya saken sa mga mata ko. Di naman ako makatitig kasi natatakot ako sakanya. "Anong problema mo iho??" Sabi niya bigla. "Po??" "Di ka naman siguro tatakbo sa talahiban ng ganitong oras, kung wala lang, isa pa, wala ka pang payong, anong problema mo iho???" Sabi niya. Aba, si manong medyo chismoso ano? Bigla siyang ngumiti na parang natawa. "Gusto ko lang malaman ang istorya mo iho kaya ko tinatanong" sabi niya. Shit!! Nabasa ba niya nasa isip ko. Tumatawa pa rin siya! s**t talaga, parang binabasa niya nasa isip ko. Ang baho niyo po manong. Naligo po ba kayo?? Sabi ko sa isip ko. "Hahahahaha, nakakatawa kang bata ka, oo naligo ako" sabi niya. SHIT!!! "Paano!!!! Sa isip ko lang sinabi....." nagpapanic na ako ng mga oras na yun. Pero hinawakan niya ako sa kamay at pinakalma. "Easy lang iho. Huminahon ka!" "Paano po ako hihinahon kung binabasa niyo yung nasa isip ko?!!" "Huminahon ka nga!" Sigaw niya saken. Sumeryoso yung mukha niya na parang nagalit na kaya huminahon ako. "Ayan ganyan nga" sabi niya uli tapos ngumiti uli siya. Baliw ba to? Ay s**t, nababasa pala niya nasa isip ko, kailangan kong di mag isip ng tungkol sakanya. Sige.... ahm, carrots. Carrots??? Bakit ayun pumasok sa isip ko? "Ikalma mo yang isip mo. At ikwento mo saken yung problema mo!" Sabi niya. "Bakit po ba???" "Tinulungan mo ko sa daan, kaya tutulungan din kita" sabi niya. Napaisip tuloy ako bigla, anong tulong naman tinutukoy niya? Pero siguro okay na rin to, kasi wala naman mawawala kung sasabihin ko sakanya to. "Secret lang natin"sabi niya pa. Interesadong interesado talaga si manong sa sasabihin ko kaya naman kinwento ko na nangyari. ++++ "Julian!!!" Sigaw saken ni Matteo. Bwisit naman Matteo eh, nag deday dream na nga ako about satin tapos bigla kang susulpot. "Uyyy" sabi ko na lang. Naglalakad kami ngayon papasok ng school, "Nakagawa ka na ng assignment sa Philo? Pakopya ako!" Sabi ni Matteo. "Ahh, oo. Gumawa na rin ako para sayo, alam ko naman na di mo gagawin eh" sabi ko naman. "Wow!! Crush mo talaga ako no? Salamat!!! Lilibre na lang kita mamaya ng lunch okay ba?" Sabi niya. "Crush ka diyan, libre mo ko!!" Sabi ko. s**t, obvious na obvious naman pala ng may gusto ako sakanya. "Haha okay lang yan basta dapat ako lang crush mo ha, magseselos talaga ako kapag may iba" sabi niya. Medyo paasa to sa salita si Matteo, pero sanay na ako. Dalawang taon na rin kaming magkaklase, block section at kami talaga magkasama palagi. Napagkakamalan na ngang kaming dalawa minsan eh. "Keme mo! Basta lunch!" Sabi ko. "Hehe yes juju!" Sabi niya. Juju kasi tawag niya saken palagi, ewan ko bakit niya akong tinawag na Julian kanina. Pagkatapos ng klase namen, niyaya niya akong pumunta sa Pampanga, mag iinuman daw sila ng mga kabatch niya sa pageant, eh gusto niya kasama ako. "Sige na juju, nakakatamad kasi sumama kapag di ka kasama eh" sabi niya. "Ayoko, ni isa wala akong kilala dun sakanila!" "Ayy, natitiis mo na ako" sabi niya. Shocks, alam ko na next neto, magpapacute para mapapayag ako. "Juju.... uyyy. Sige na... sumama ka na, promise di ka maOOP! Tsaka andun si Laurence, uyyy di ba crush mo yun??" Sabi niya. "Hoy di ko crush yun!!" "Sus, kapag tinitignan mo si Laurence, nagbblush ka. Dali na juju" "Di ko nga crush yun!" "Keme neto ni juju, sige na please!" Ay grabe, ang cute niya talaga kapag nag ggay language siya. "Ayaw...." "Lilibre kita lunch 1 week. Sige na, please???" Todo na siya sa pagpapa cute. Konti na lang bibigay na ako.... "Pleaseeee???" May pagnguso pa siya. Sht talaga, wala na!! Bumigay na ako. "Oo na!!! Sige na, pero 2 weeks na lunch ha?" Sabi ko sakanya. "Yes deal!!!! Hihi, kasama kasi si Maddie dun ehhh" "Tignan mo!!! Lalandi ka lang pala dun!!" "Ehhh bawal na humindi umoo kana, alam kong di mo kayang umurong!!" Nakakainis, kilalang kilala kasi ako netong si Matteo eh. Kaya wala na akong nagawa. Sumama na ako sakanya, walang palit palit ng damit. Diretso kaagad sa Pampanga. Buti na lang Friday ngayon at okay lang mag overnight. Pag dating namen ng Pampanga, medyo liblib yung lugar, pero yung bahay ng pupuntahan namen, maganda naman. Yung paligid lang talaga na liblib yung problema ko. "Matteo naman, nakakatakot naman dito" sabi ko. "Jusko juju, di kita papabayaan dito, wag kang mag alala." Sabi niya, pero kanina pa siya tingin ng tingin kay Maddie. "Nako, kapag talaga pinabayaan mo ko rito ha!" "Nako, wag kang mag alala diyan, akong bahala sayo!" Sabi niya pa. Bale walo kaming lahat, ako at Matteo, syempre si Laurence din tapos si Maddie, may isang babae rin na di ko kilala, tapos may dalawang lalaki rin na di ko kilala, pero lahat sila mga gwapo at magaganda. Habang nasa kalagitnaan ng inuman, napansin kong tumayo si Matteo. "Saan ka naman pupunta??" Sabi ko. "Bawal naba umihi ngayon? Kung umiinom ka rin para naman naiihi ka" "Ayaw ko!" Sabi ko. "Bahala ka, haha CR muna ako, behave ka diyan juju ahhh" sabi niya. Bigla na lang siyang umalis tapos naiwan ako sa kanilang lahat. Maya maya, tumayo rin si Laurence at nagulat ako ng tumabi siya saken. "Julian right?" Sabi niya. Fvck, bigla tumaas lahat ng balahibo ko! Lahat ng pwedeng tumaas, biglang tumaas nung binanggit niya pangalan ko! "Ahhh... oo" sabi niya. Nagpapatugtog kasi sila, yung iba naman nakikikanta kaya wala silang paki. "Buti sumama ka hehe" fvck! Yung ngiti niya, yung mga mata niya, yung kutis niya, yung ilong niya!! Argh. Ang lapit namen masyado, di ko mapigilan sarili ko, parang gusto kong sunggaban ng halik! "Mapilit lang kasi si Matteo" sabi ko lang. "Ahh. Close na close kayo no?" "Hehe medyo... oo close" "Ah. Hmm. Bakit di ka pala umiinom?" Sht!!! Wala akong masabi o matanong sakanya pero siya gumagawa ng topic para makapag usap kami! Sht talaga! "Eh, di kasi ako umiinom" "Wow, may mga katulad mo pa pala sa ganitong panahon no?" "Hehe yeap, one and only!" Sabi ko. Bigla lang siyang ngumiti saken, as in saken. Grabe talaga!!! Ang gwapo gwapo niya talaga. "Saan ba yung CR dito? Pwede mo ba ako samahan?" Nanlamig ako sa sinabi niya. Grabe, ano bang nangyayari dito bakit biglang naging ganito si Laurence. Di ko rin alam kung saan yung CR, pero sayang yung opportunity na makasama si Laurence, kaya sinundan ko na lang kung saan pumunta si Matteo kanina. Nagulat akong tama nga yung pinuntahan namen, dun nga yung CR pero wala naman dun si Matteo. "Salamat Julian ah," sabi niya sabay pasok sa loob. Sht. Heaven talaga, ano bang meron, siguro kailangan ko ng palaging sumama sakanila para may ganitong moment kami ni Laurence. Hinihintay ko namang matapos si Laurence. Nakatayo lang ako sa labas, nasa bandang kusina. Napansin ko namang palapit yung dalawang lalaki saken na gwapo. Mukhang mga lasing na lasing na. "Oyy, pre, andito pala yung regalo saten ni Matteo eh!" Sabi nung isang lalaki, nakatingin silang dalawa saken. "Ayy oo nga, kanina ko pa nga tinitignan eh. Mukhang di papalag tong isang to!" Sabi nung isa. Hala, mga lasing na lasing na tong mga to. "Kilala mo na ba ako? Ako pala si Ken!" Lasing siya magsalita. Inabot niya yung kamay niya saken, nakipagkamay naman ako. Moreno si Ken, at gwapo at makinis. Di naman pwedeng di siya gwapo kasi kasali siya sa pageant sa school. "Julian" sabi ko. "Wow, Julian, ang gandang pangalan!" Sabi ni Ken. Medyo natatakot na ako sakanya kasi ang weird na niya. "Ako naman si Culver, hawakan mo rin kamay ko" sabi niya saken sabay abot ng kamay niya saken. Si Culver naman, mestiso tapos mapula labi. Sobrang hot din neto kaya maraming nagkakandarapang babae lalo na mga bakla. Dun na ako kinilabutan, ang tagal tagal pa ni Laurence sa loob ng banyo. Kinamayan ko na lang siya para tumigil na. "Hehe, sige puntahan ko lang si Matteo ah" sabi ko. "Uyy teka, regalo ka nga samen ni Matteo bakit ka aalis?" Sabi ni Ken. Hinawakan ako ni Ken sa braso tapos sinandal sa pinto. Lasing na lasing na nga siya, nakakatakot na siya tignan sa mga mata. "Ano ba!!" Sabi ko. Bigla silang tumawang dalawa. "Aba aba, gusto ko to pumapalag!" Sabi naman ni Ken. Pero pinilit kong makawala sakanila. Kahit na malaki katawan nila, kung lasing na lasing sila, mas may advantage ako. Kaya nung nakawala ako, dali dali akong pumunta sa sala at kinuha yung gamit ko saka umalis dun. Sobrang lakas nga lang ng ulan, di ko namamalayang umuulan pala pero bahala na, basta makaalis lang sa lugar na to. ++++ "Tapos po nakita ko po kayo sa kalsada na humihingi ng tulong. Ayun na po" sabi ko sa matanda. Ang haba ng kwento ko sakanya, pero kita kong nakikinig naman siya. Pero nakatitig lang siya saken. "May gusto ka kay Matteo?" Tanong ng matanda saken. "Opo" "Tapos crush mo yung Laurence?" "Opo" "Di kaya malandi ka lang iho?" Nagulat ako sa sinabi niya at napasigaw! "HINDI PO!" "Hehe binibiro lang kita" sabi niya pa. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Pero naiinggit ako sa kanya, nakakabasa siya ng isip ng ibang tao. Sana kaya ko rin yung ganun. "Gusto mo ba?" Sabi niya saken. "Po?" Sabi ko. "Gusto mo bang mabasa iniisip ng mga tao?" Sabi niya. Nanlaki mata ko sa sinabi niya. "Ahhh.... eh. Opo opo" sabi ko. "So ayun talaga gusto mo? Gusto mong mabasa mo naiisip ng mga tao?" Sabi niya. "Aba oo naman po! Sino po bang hindi?" Sabi ko. Ngumiti lang siya tapos tumayo sa may lamesa at may hinanap na libro sa may itaas ng kubo niya. "Ahhhh, eto!" Sabi niya, sabay hawak sa libro. Nilapag niya yun at humarap uli saken. "Ahm.... ano po yan?" Tanong ko. Ang weird na ni manong, ang bilis magbago ng mood! Tatawa tapos seryoso. Tapos ngayon naman binabasa na niya yung nasa libro. Kumuha siya ng baso tapos nilagyan ng tubig galing sa ulan na tumutulo sa may gilid ng kubo niya. Kumuha rin siya ng dahon na nakalagay sa garapon at hinalo sa tubig. May garapon uli siyang kinuha na may laman na parang honey na malagkit at pinatakan ng tatlo yung baso. Kumuha siya ng hibla ng buhok niya tapos nilagay din sa baso. Naglagay din siya ng siling green na buo dun. At huli, parang dinasalan niya yung baso ng mabuti at nung natapos na, inabot niya saken yun. "Ano pong gagawin ko???" Sabi ko. "Inumin mo" "Po?! Eh kung ano ano po nilagay niyo diyan tapos iinumin ko?!" "Haha, gusto mo bang makabasa ng isip ng ibang tao o ayaw?" "Eh, nakakadiri po kaya!" "Wag ka ng maarte, buti nga nagbago na yung ingredients. Dati may lamang loob pa ng pusa to!" Ano ba tong ginagawa ko, nananaginip lang ba ako? Kung panaginip to, wala namang masama kung iinumin ko to diba. Pinikit ko na lang yung mata ko habang dahan dahang dumadaloy yung iniinom ko sa lalamunan ko. Nakakadiri isipin pero panaginip lang to, kaya okay lang! Nung naubos ko na, tinignan ko si manong tapos nakangiti lang siya saken na parang manyak, nakakaramdam naman ako ng hilo. "Ano iho? Umeepekto na ba? Ganyan talaga, nakakahilo" sabi niya. Pero di ako makasagot, parang gusto ko na lang matulog. Di ko na alam sunod na nangyari basta ang alam ko nakatulog ako sa kubo niya. +++++ "Juju!!! Juju!!!!" Ang sarap ng tulog ko pero naririnig ko yung boses ni Matteo. "Hay salamat nagising din. Ano ba, uminom ka ba?" Sabi niya. Tinignan ko kung nasaan ako, nagulat ako ng nasa bahay na ako! Sa bahay namen. Nasa kwarto ko pa. "Hoy anong ginagawa ko rito!!!" Sigaw ko sakanya. "Ha? Baliw ka ba? Kwarto mo to diba?" "Oo pero.... akala ko nasa Pampanga tayo??" Sabi ko. "Ano ba juju? Lasing ka ba? Naka drugs ka ba? Diba sabi mo kagabi gusto mo ng umuwi? Oh, edi umuwi na tayong dalawa" sabi niya. "Paano? Eh nasa kubo ako?" "KUBO? Ano ba juju, ano bang pinagsasasabi mo?!!" "Umalis ako diba?" "Oo nga, lumabas ka dala mo gamit mo tapos bumalik ka, basang basa tapos nakatulala ka lang, ang weird mo nga eh akala ko nga uminom ka kagabi eh" Ang sakit sa ulo ng nangyayari. Ano ba to??? "Hoy juju ano ba!!! Nakakainis ka bakit para kang naka tira ng ano! Okay ka lang ba??" "Teka, bakit ka nandito pala?" Tanong ko nalang. "Eh sarado na bahay namen kagabi, kaya dito ko natulog. Pumayag naman mama mo haha syempre mahal na mahal ako nun eh" sabi niya. Tinignan ko lang siya, hindi ko naman nababasa yung nasa isip niya, so baka panaginip ko lang lahat yun. "Tara na nga ju," "Saan naman tayo pupunta? Sabado ngayon diba?" "Oo aalis lang tayo, dalian mo na, samahan mo na ako" sabi niya. Feeling ko kailangan ko lang maligo ng mabuti para naman mahimasmasan ako ng mabuti. ++ Pumunta kaming dalawa sa mall at dun kami nag lunch. As usual, pinagtitinginan si Matteo ng mga babae habang naglalakad, medyo pa cute din kasi tong lokong to eh. "Ju, san mo gustong kumain?" Tanong niya saken. "Chowking na lang, libre mo ah?" "Haha oo naman! Sabi ko diba? 2 weeks" "Haha mabuti naman marunong kang sumunod sa usapan" sabi ko. Pagpunta namen sa Chowking, sabay kaming umorder. Bigla naman akong may narinig na boses ng babae. "Ang sarap sarap naman neto ni Kuya" hinanap ko yung boses pero kami lang naman ni Matteo yung umoorder. Tinignan ko naman si Matteo, nagpapacute na naman habang umoorder. Ang hilig niyang kagatin labi niya kapag umoorder to. "Sht! Ang hot mo kuya, isa pa, susunggaban na kita!" Narinig ko na naman. Saan ba nanggagaling yung boses na yun!!! Bigla namang nagsalita yung babae sa cashier. "Sir, are you ready to order???" Sabi nung babae. "Sir, orderin mo rin ako" narinig kong sabi niya pero di naman bumuka bibig niya. SHT!!! SHT!! SHT!!! Naririnig ko yung sinasabi ng babae sa isip niya sht!!! "Uhm, ju, ikaw ba, anong gusto mo,??" "Ahhh. Eh maghahanap na lang ako ng upuan, ikaw na bahala umorder saken" sabi ko. Di ko na hinintay sagot niya tapos naghanap na ako. Sht talaga!! Totoo palang nangyari lahat ng yun! Pero paano? Bakit di ko mabasa nasa isip ni Matteo??? Nakahanap ako ng bakanteng couch at dun ako pumwesto. "Ano ba tong lalaking to, nakipagunahan pa saken" sabi nung babae na nasa harap ko. Di naman siya nagsasalita, nakasimangot lang kaya alam kong sa isip niya lang sinabi. Sht talaga!!! Sinubukan kong tumingin sa kabilang table, may mag jowa, kasing edaran ko lang din siguro. "Nakakainis, di ko masabing buntis ako. Paano ba to. Lord Help me!" Sabi ng babae sa isip niya. Sinubukan ko naman basahin yung sa lalaki. "Lord Help me, paano ako makikipaghiwalay sakanya? Di ko masabi??" Sht!! Bakit ko pa binasa nasa isip nila, nmomroblema pa ako tuloy. Pero di talaga ako mapakali. Akala ko panaginip lang talaga lahat. "Hoy, bakit ka nakatingin sa magsyota ha? Nagbabalik loob ka na ba? Haha." Sabi ni Matteo saken. May dala dala siyang number para sa order nmen. "Ahhh eh. Wala wala." Sabi ko. "Ano bang problema mo juju? Bakit parang natatameme ka. Kagabi ka pa ganyan! Ano bang nangyari????" Tinignan ko si Matteo, pero di ko mabasa kung anong nasa isip niya. Tinignan ko lahat ng kumakain, mukhang kaya kong basahin lahat pero kay Matteo hindi talaga. "Wala nga, ano ba!" Sabi ko. "Oh tignan mo, iritable ka pa, daig mo pa babae!" Sabi niya pa. "Gutom na kasi ako!" Sabi ko na lang sakanya. Maya maya dumating na yung order namen, di ko na muna siya pinansin, basta kumain na lang muna ako. ++++ "Bakit tayo pupunta ng Pampanga? Ano na namang gagawin natin dun???" Sabi ni Matteo saken. Piniplit ko kasi siya na samahan ako dun sa kubo ni manong. "Basta, please?" "Sagot mo pamashe???" Sabi niya. "Sagot ko pang gas, gamitin mo sasakyan ng papa mo" sabi ko. "Gusto mo pang itakas sasakyan ni dad, ano ba yan, minsan napapaisip na ako kung dapat pa akong sumama sayo eh!" "Hahaha, wag ka na maarte, sige na please???" Pakiusap ko. "Tsk, full tank ha?!" "Haha sige sige!!" Sabi ko. Buti na lang pumayag siya. Agad agad naman kaming umalis at pumunta ng Pampanga. Dumiretso kami sa kalsada kung saan nandun yung kubo ni Manong. "Saan ka pupunta Ju? Ano ba yan, ang weird mo na talaga!!" "Wag ka na maingay, samahan mo na lang ako!" Sabi ko. Wala naman siyang nagawa at bumaba na kami ng sasakyan, at pumasok sa may talahiban. Hapon naman at maliwanag, kaya okay lang. "Ju, may binabalak ka ba sken??? Ju naman, kaya mong irisk pagkakaibigan natin para lang matikman ako sa talahiban?" "Hahaha, in your dreams!!!" Mahigpit hawak niya sa braso ko. Sanay naman ako sakanya na ganito, walang malisya. Pero di niya alam na may gusto nga ako sakanya. "Ju, ano bang hinahanap mo???" Sabi niya. "Kubo! Pag may nakita kang Kubo, sabihin mo saken." "Ayun ba?" Turo niya. Nakita ko na yung Kubo ni manong. Ang liit lang pala talaga nun. Inaasahan kong nandun si Manong kaso wala, tanging yung Kubo lang talaga nandun at yung lamesa. "Ju, tignan mo to, may libro dito pero blanko" sabi ni Matteo. Lumapit ako at inabot saken yung libro. "Anong blanko? May nakasulat oh!!" Sabi ko. "Ano ba? Blankong blanko oh, bulag ka ba juju?" Pero hindi. May nakasulat talaga sa libro. "Blanko!! Walang title, tapos buksan mo, wala ring nakasulat!" Sabi pa niya. Nung binuksan ko yung libro, marami namang nakasulat. Punong puno nga yung libro eh. Kaso pumukaw sakeng atensyon yung title ng libro. "Julian's guide to mind reading" Weird. Sobrang weird.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
227.8K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
478.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

SILENCE

read
381.9K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
633.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook