Part 2

1922 Words
Pagkatapos ng shift ko sa trabaho, nag open ulit ako sa omegle at tinype ko yung "ohyeahsigepa" sa interest at naconnect agad ako kay Spiderman. "Hi Superman. Busy ka ba?" Tanong niya saken. "Uhm, hindi naman, nag aaral lang. Bakit?" "Pwede ba kitang tawagan?" Sabi niya. "Huh? Wala naman tawag dito sa omegle" "Hmmm, we chat? Dali na. 3 months na tayong nag chachat. Gusto naman kitang makausap" sabi naman niya. "Hala, nakakahiya" "Sige na, para naman may idea ako kung ano boses mo" sabi pa niya. Pumayag naman ako at nagdownload ako ng we chat. Ang username ko is Superman111 at yung username niya ay spiderman111. Pagkainstall ko, sinabihan ko siya at tumawag na siya. Sinagot ko naman kaagad. Di muna ako nagsalita, "Superman?" Sagot niya. Fvck, ang hot ng boses niya. Kinakabahan tuloy ako. "Spiderman?" Sagot ko naman sakanya. "Wow nice nice! Ang cute ng boses mo" sabi niya pa. Hindi naman kasi malaki boses ko pero hindi naman maliit. Pero yung kanya medyo husky at pang hunk talaga. "Ahh hehe. Oh bakit gusto mo naman tumawag?" Sabi ko sakanya. "Wala lang, ang hirap lang kasi mag chat minsan, nakakatamad mag type. Okay na to magsasalita lang ako hehe" fvck talaga. Ang hot ng boses niya. "Ahhh ganun ba, may problema ka ba spiderman?" "Haha ang cute pag binabanggit yung spiderman. Parang ka chat lang hehe" "Haha ang sarap.. este ang cute ng boses mo hehe" "Ang sarap ng boses ko? Haha. Ikaw superman ah. May binabalak ka saken ah haha" biro pa niya. Tama nga ako sa ugali niya. Medyo palabiro at bubbly. Ewan ko pero kinikilig ako. "Haha baliw ka talaga." "Haha sorry superman, may problema lang kasi ako" sabi naman niya. "Ohh ano naman yun?" "Hmmm, wala kasi alam mo naman diba na gusto ko pumunta sa States at dun magtrabaho kaso ayaw pumayag ni mama. Gusto niya dito ako, ayan nagkasagutan tuloy kaming dalawa" sabi niya pa. Wala akong idea kung ilang taon na siya, ilan silang magkakapatid pero ang alam ko may kapatid siya, di ko lang alam kung ilan. "Ehhh diba sabi ko naman sayo, kung ano gusto mo, ayun sundin mo? Maiintindihan ka rin ng mama mo" "Kaya nga, nakakalungkot lang na malapit na ako gumraduate tapos ganun pa" "Ahh so graduating ka na?" Tanong ko sakanya. "Ayy ang daya ni superman. Nalaman mo tuloy. Tsk tsk." Sabi niya. Oo nga, eto lang yung kauna unahang bagay na inamin niya. "Ahhh nice so parehas pala tayo. Ayan ha? Alam mo na rin na graduating ako" sabi ko naman. "Ay talaga? Akala ko nga 45 kana eh hahahaha" "Ay ang sama" "Haha joke lang superman, magka edad pala tayo no?" "Haha hindi mo ko mahuhuli. Bawal magbigay ng info diba?" Sabi ko naman sakanya. "Haha dali na, exchange info na tayo. Sa susunod naman siguradong magkikita tayo diba?" Sabi naman niya. "Hmmm promise totoo lahat ng sasabihin mo?" "Aba oo naman, eh ikaw din ba totoo din lahat ng sasabihin mo?" "Oo sige promise." Sabi ko naman. "Game. Unang tanong, ilan taon kana?" Sabi niya saken. "19 years old ako. Ikaw?" "Ahh matanda lang ako ng isang taon, 20 na ako" sabi niya. "Hmmmm, sige, next question saan ka nag aaral,?" Tanong ko sakanya. "Uhmm sa UST" sabi niya naman. "Ay sht seryoso?" "Haha yes superman, bakit?" "Dun din ako nag aaral" sabi ko naman. "Oh sht. Small world haha. Tama na superman. Mamaya kilala mo ko, nagtatago ako eh, wala naman kasing nakakaalam kung ano ako maliban sayo eh" sabi niya naman. "Haha oo nga, fvck, small world" "Totoo, small world talaga" "Tama na, matulog na tayo spiderman at kung ano pa malaman natin. Baka mamaya magkaklase lang tayong dalawa haha" "Haha kaya nga eh. Sige na superman, goodnight. Sana naman makita na kita soon" sabi pa niya. "Sige soon" sabi ko naman. "Hmm wala bang kiss?" "Haha kiss ka diyan, hindi pwede, goodnight spiderman!" "Haha goodnight superman" at binaba na namen yung tawag. Ngayon lang nag sink in saken na schoolmate ko si Spiderman. Medyo kinakabahan ako at excited pero ayaw ko muna siya mameet. Masaya na ako na ganun lang set up namen. Kinewento ko naman kinabukasan lahat kay Marco. "OMG BB. Thomasian din si Spiderman mo?" Gulat na tanong ni Marco saken habang lunchbreak namen. "Wag ka maingay naman BB, mamaya may makarinig sayo" sabi ko naman. "Ano bang paki nila kay Spiderman no? Di naman nila kilala" sabi naman niya. "Eh malay mo naman kasi nasa malapit lang siya. Na conscious tuloy ako bigla" "Conscious, conscious. Na concscious kapa sa ganyang large size uniform mo ah!" "Ehhh, nakakaasar ka. Palagi mo nalang pinapansin yung suot ko" "Hello BB, ilang taon ko na ring pinipilit na mag ayos ka ng damit no?" "Ehh mas kumportable talaga ako dito" sabi ko naman. "Hay nako, pasalamat ka bestfriend kita!" Sabi niya pa. Kumakain kaming dalawa sa may ihawan sa labas ng school. Maraming estudyante rito na dito rin kumakain. "Well well well, if it isn't Anjo and his extra tela" boses to ni Kim, step brother ko, kakambal ni Kurt. Mas malala to kesa kay Kurt eh. Mas bully. Di na lang kami sumagot ni Marco pareho pero nanggigigil din to si Marco kay Kim eh. "Sabi ko naman kasi sayo BB eh, Magpalit kana ng porma. Hindi masamang mag try ng bago, kesa naman binubully ka ng step brother mong yan!" Sabi pa ni Marco. "Hayaan mo na nga, malapit na tayong gumraduate, konting panahon na lang" "Alam mo, ang bait bait mo kasi di ko alam bakit naging kaibigan pa kita" paliwanag pa niya. Tumawa na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na kaming dalawa sa school at tumambay muna. "BB namimiss mo ba si Juan?" Biglang natanong saken ni Marco. "Ha? Hmm oo. Siguro, dahil kaya ayokong maniwala sa forever kasi hinahanap hanap ko pa rin siya" "Bakit naman kasi masyado mo siyang gusto?" "Haha hindi ko naman siya gusto noon. Syempre bata pa ako nun, wala pa akong idea sa love pero nararamdaman ko sakanya yun. Kaya ngayong tumanda nako, saka ko narealize na gusto ko pala siya" "Di mo ba sinubukang hanapin?" "Di ko naman kasi alam totoong niyang pangalan, Juan lang talaga. Haha. Hayaan mo na BB, siguro makakalimutan ko rin siya pag dating ng panahon" sabi ko pa. Mahangin sa loob ng school at masarap tumambay sa ilalim ng puno. Sinasamahan ko rin si Marco kasi sobrang daming may itsura sa school. Nakita naman nameng dumaan yung grupo nila Teejay. Tatlo kasi sila, si Teejay pinakagwapo sakanilang lahat kaya siya talaga una mong mapapansin. Tahimik lang siya at mapapansin mo yun kasi nakikitawa lang siya. Lumapit naman sila sa pwesto namen, magkakaklase naman kami simula 1st yr at ngayong ggraduate na kami, kami kami pa rin magkakaklase. "Marco ggraduate na't lahat lahat di ka pa rin pumapayag magpahalik saken" sabi ni David sakanya. Si David yung moreno sa grupo, pilipinong pilipino pero gwapo siya. Ang mapapansin sakanya eh yung dating niya, napakalakas ng s*x appeal. "Leche David trip mo na naman ako ah" "Haha sorry na, ggraduate na kasi tayo eh hindi ka pa umaamin, umamin ka na kasi" pangungulit pa ni David. Parang aso't pusa tong dalawang to. "Ha, what you see is what you get, ika nga!" Sagot ni Marco. "Jusko Marco, tama na pakipot. Alam na namen kung ano ka, don't worry, tropa tropa pa rin" "Tse bakit ba kayo nandito?" "Kayo lang pwede tumambay dito? Inyo? Inyo? May anjo and Marco bang nakapangalan?" Ang witty din kasi netong ni David eh kaya nakakatuwa. "Alam mo David, kahit na medyo okay ka, sorry I'm not that desperate" Tumawa naman kaming lahat dun at napansin ko ring tumawa si Teejay. Fvck, ang gwapo niya talaga at talagang sobrang pogi. Napansin naman niyang nakatingin ako sakanya kaya iniwas ko agad tingin ko at binaling ko kay Marco. "Sorry Marco at di nakainom ng gamot tong si David" sabi naman ni Rick. Si Rick naman yung talented sakanila. Marunong sumayaw at kumanta. Hindi naman siya panget pero pag tumabi kasi siya kay Teejay at David, talagang siya yung huling mapapansin. "Tse, tara na nga!" Yaya ni David at umalis na silang tatlo. "Alam mo BB, hindi nako magtataka kung kayo ni David magkatuluyan. Palagi kayong nag aaway" sabi ko sakanya pag alis nung tatlo. "Nako hayaan mo na sila, kay Teejay lang ako naka focus kana. Arghhh sobrang sarap!!" "Nakakahiya nga eh, napansin niyang nakatitig ako sakanya kanina" "Ay nako, humaharot ka kay Teejay ko ah!!" Sabi pa ni Marco. "Walang sayo BB!!" "Tse, tara mag grindr tayo dito sa school baka may machempuhan tayong awra!" Sabi pa ni Marco. Pumayag naman ako kasi medyo gusto ko ring umawra. "Okay let's see. Hmmmm... hotfucker16, mrNiceguy, engineering14, kokorny naman ng nga username nila." Sabi ni Marco habang naghahanap ng tao sa grindr. Maya maya may nag chat samen. "Hi!" Username niya ay qwertyuiop12 pagka check ng picture, hot naman, mestiso at may katawan lang pinapakita. Mapapansin mo naman na gwapo dahil sa kutis eh at feeling ko, may itsura to. "Hello" reply namen ni Marco sakanya. "From Espanya?" Tanong niya samen. "Fvck BB mukhang taga rito lang sa school" sabi ko kay Marco. Nagreply naman siya at sinabing oo. "Wow, nice nice, wanna meet?" Reply niya. "Fvck BB, sinong pupunta?" Tanong ko. "Ikaw na BB dali, push mo. Mukhang pwede" sabi naman niya. "Uhm sure, where?" Reply namen. "Luneta, you like?" Sabi niya. "Hmm sure, what time?" "6PM? "Hmm sure, see you." "Wanna exchange numbers?" "May mobile data naman ako so no need. Chat chat na lang?" "Ahh sure sure" sabi niya at sinabi kong may pasok kami. "Sure ka BB na push ko to kahit taga school?" Tanong ko kay Marco. "Oo naman. Kung discreet siya, edi di mag iingay yan. At alam ko naman nangangati ka na rin haha" asar pa ni Marco. "Ewan ko sayo hahaha" "Balitaan mo ako BB ah?" "Sige sige" Pumasok na muna kaming dalawa ni Marco sa last subject namen. Hanggang 5PM to kaya sakto lang pagkatapos nasa 6 na ako sa Luneta. May pumasok naman na student samen at may inannounce, about sa trip namen. Hindi pa ako nakakabayad dun kasi ang mahal mahal. Iniisip ko sanang hindi pumunta pero hindi naman ako makakagraduate kung di ako pupunta. "Magkano ba kulang mo BB?Abonohan ko muna tapos bayaran mo na lang ako" sabi ni Marco. "No, alam mong ayaw na ayaw kong nangungutang di ba?" "Sorry BB, eh kailan ka magbabayad ba? Hanggang nextweek na lang yun ehh." "Hayaan mo makakagawa ako paraan, hingi ako kay tita Maggy" "Nako, eh demonyita yung tita mong yun diba?" "Hayaan mo na, no choice naman eh" Hinintay ko na lang muna matapos yung klase namen hanggang 5PM. Inopen ko na mobile data ko at napapansin kong nagchachat na siya saken. "See you later huh?" Di ko muna nireplayan baka kasi mahuli ako. Di rin naman nagtagal at tapos na yung klase namen. Nagpaalam na ako kay Marco na makikipagkita kay qwertyuiop12. "Class dismissed. I'm on my way na sa Luneta. San sa Luneta exactly?" Tanong ko. "Hmmm, sa Chinese Garden na lang?" Sabi niya. "Ah sige sure. Anong suot mo?" "Hmmm. School uniform ofcourse, sa labas na lang tayo ng Chinese Garden maghintayan ha? Papunta pa lang din ako" sabi niya. "Osige sige nice" "Ano bang trip mo?" Tanong niya saken. "Ahmmmm. Ikaw ba?" "Well I'm on grindr pero I just wanna talk. Gusto ko kasi sa bi din, and looking at your profile picture, I think you're also discreet." Sabi niya pa. Medyo nanghinayang ako pero okay na rin to. Kakasex ko lang kahapon eh. "Ahh sure, that's okay with me" "Hehe cool. See you then" Di na muna ako sumagot at baka naman malowbat na ako. "I'm here, I'll wait for you. Naka uniform ako ha?" Pababa na rin ako ng jeep nung nabasa ko yung text niya. Naglakad na ako papuntang Garden at may napansin nga ako dun na nakaupo at nakasuot ng school uniform namen. Nakatagilid siya kaya di ko napansin kung sino, pero nung palapit na ako, nakikilala ko na siya at kilalang kilala ko to. Nagtago muna ako sa may bilihan ng ticket sa Chinese Garden para silipin nga kung tama hinala ko. Sumilip ako sa gilid at nakita kong naka gilid yung upo niya at nakatingin sa phone niya. Fvck, totoo nga. Si Teejay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD