HELL 1: Hell

1387 Words
  HARA Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok ko ng biglang may naghagis saakin ng kung ano. Dagli akong napamura.   "Ay punyeta!"inis na sambit ko.Napatayo agad ako ng mapansin ko kung ano yun,ipis.   "Sabi ko na nga ba eh!pabebe ka din eh"sabi ng walang hiya kong kapatid.Oo walang hiya. Hagisan ba naman daw ako ng ipis habang nagsusuklay ako?bastusan bes.Inis na binato ko si kuya Cyfer ng throw pillow na hawak ko. Alam naman nyang ayoko ng ipis eh.Napatili na lang ako sa pagkairita ng bigla ng tumatawang umalis si kuya Cyfer.Naku!kung hindi ko lang talaga kuya si kuya cyfer malamang binanatan ko na sya eh! Grr! Inis na hindi ko na lang ito sinundan at pinagpatuloy ko na lang ang pag iimpake ko dahil baka mabwisit lang ako lalo.saktong kakasara ko pa lang ng maleta ko ng biglang kumatok si kuya Axel sa pintuan ng kwarto ko.   "Yes kuya?"mabait kong tanong dito.Unlike kuya Cyfer mas mabait si Kuya Axel.Totally opposite sila ni Kuya Cyfer pero sa totoo lang yung mga totoong nakakakilala lang sa kanila ang makakapag differentiate ng pinagkaiba nila.Isa lang yon.Mas mean lang si Kuya Cyfer kaysa kay kuya Axel.Yun lang.Tss.Kung mukha, halos walang pinag kaiba.Talino?lamang lang ng kaunti si kuya Axel,physical?mas active si kuya Cyfer sa sports kaysa kay kuya Axel na mahilig mag aral.Onti lang naman ang difference nila tss.Pareho silang habulin ng babae na ikinaiinis ko kasi lagi na lang akong kinukulit at kinakaibigan nung iba para lang mapalapit sa kuya ko.Kainis diba?sarap nilang isubsob sa inidoro.   "How's your things?okay na ba?"tanong nito sabay pumasok na din sa kwarto ko.   "Yes,kuya.I'm so excited"tuwang tuwang sabi ko sa kanya.Tipid na ngumiti lang si Kuya Axel.   "Tss.bakit kasi ayaw mo na lang sa Athens University?bakit kailangan sa weithermer pa?" malungkot na tanong ni kuya Axel.Napangiti ako ng tipid."Ayaw mo ba nun,lagi kaming nasa tabi mo nila mommy,ni cyfer.Ni daddy at ni mommy.."napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni kuya Axel.   "That's my point kuya axel,gusto kong matuto sa sarili kong mga paa..ayoko naman na habang buhay eh lagi akong nakadepend sa inyo nila mommy,paano pag mag isa na lang ako?paano ko kakayanin?"paliwanag ko dito.Si kuya axel naman ang napabuntong hininga.   "Okey,sabi ko nga eh. wala akong magagawa sa desisyon mo princess.."   Saktong pagkababa ko ng hagdan ng salubungin ako nila Mommy at ni Daddy na naghaharutan pa.Napabusangot din tuloy ako gaya ni Kuya Cyfer na medyo lumalayo kila mommy "eherm.."tikhim ko. Agad naman naglayo sila mommy. "So,paano ba yan mommy?gotta go?" nakangiti kong sabi. lumungkot naman bigla si mommy mula sa pagkakangiti.   "Mamimiss ko ang baby ko"sabi ni mommy sabay yakap saakin.Gumanti naman ako ng yakap kay mommy.   "Mom,hindi naman ako mawawala,pwede naman akong umuwi pag semestral break.OA mo mommy ha?"nakatawa kong sabi.   "Tss.wala na akong baby dito"nakalabing sabi ni daddy.   "Hay,nandyan pa naman sila kuya, dad eh" nakatawa kong sabi.Inirapan naman ako ni kuya cyfer.   "Damulag na yang mga yan"nakalabi pa ding sabi ni daddy.   "Tss.I'm an adult now,for your information young lady"ma-accent na sabi ni kuya cyfer.   "Luh"sabi ko na lang sabay nag sign ng loser. Hindi pa kasi nanalo saakin si kuya cyfer pagdating kay daddy.Dahil ako ang nag iisang anak na babae ako ang laging kinakampihan ni daddy,well.good girl naman ako,kaya hindi ko yon ginagamit na advantage kay kuya cyfer kahit na binubully nya lang ako."Bye daddy,bye mommy!"sabi ko sabay wave dito habang umaandar na yung sasakyan at nakasilip lang ako sa bintana.   "Hoy,wag kang pabebe dun ha"masungit na sabi saakin ni kuya cyfer habang nagmamaneho ito.   "Whatever"sabi ko na lang dito.Napansin ko naman ang pagbuntong hininga ni kuya axel,hindi pa ito nagsasalita ay sinenyasan ko na itong wag nang ituloy ang sasabihin."Shut it kuya axel,alam ko na.sasabihin mo na naman kung bakit sa weithermer pa ang gusto ko samantalang marami namang school gaya ng athens university pero nunca kuya,tama na.buo na ang pasya ko.naka enroll na nga ako di ba?"sabi ko ditong nakangiti.Napabuntong hininga na lang ulit si kuya Axel.Malayo layo pa yung byahe namin.Gabi na ng makarating kami sa university.Nasa gate pa lang kami ay hinarang na kami at hinahanapan kami ng pass.Nang makapasok kami nila kuya ay napamura si kuya cyfer.   "Wow Hara ha?thank you.baka gusto mo kami tulungan ni Axel kaysa ngumanga ka dyan?ang bigat kaya ng bagahe mo?"sabi nito sabay binato saakin yung isang bag.Pinigilan ko ang magmura dahil baka magalit saakin si Kuya Axel.Aish.wala akong nagawa kung hindi ang buhatin yung bag ko.Dumeretso kami sa isang building na nakahiwalay sa karamihan.   "Bakit ang layo yata nito sa iba?"tanong ko kay kuya cyfer bago pa kami makapasok sa building.   "Dahil dito tumutuloy yung mga disciplinarians" sabi ni kuya Axel.   "And so?siguro mga rich kid din yung mga yun,mga maarte."sabi ko sabay busangot. "Ayoko dito,dun ko gusto"sabi ko sabay turo dun sa mga building na magkakadikit.   "Huh?dorm yan"kamot ulong sabi ni Kuya Axel sabay upo sa couch na nasa waiting area. Umupo na din ako.Kitang kitang kita mula sa kinauupuan namin yung mga ilaw mula sa dorm.   "Ih,paano ako magkakafriends kung dito ako titira?luh.Ayoko dito baka puro panget nandito." sabi ko sabay ngumuso.Nakita ko naman na nanlaki ang mata ni kuya cyfer.   "Ano?anong ibig mong sabihin dun hara?"-Kuya cyfer.Hindi ko ito sinagot."Baka mamaya magboyfriend ka lang dito ha,isusumbong talaga kita kila mommy"sabi nitong naniningkit ang mga mata.Binelatan ko lang ito.   "Don't worry,puro panget naman for sure yung mga tao dito sa building na to so I'm safe" sarcastic kong sabi.pagak na napatawa si kuya cyfer.   "buti sana kung panget mga nakatira dito" bulong ni kuya cyfer na hindi ko narinig.Maya maya ay sabay sabay kaming napatingin ng biglang may bumabang kung sino sa hagdan. Nanlalaki ang mata ko ng makilala ko ito.   "Kuya zerred?!"nakasigaw kong sabi.Ngumisi lang ito.   "Hello sis"sabi nito habang lumalapit.Nakipag apir pa ito kay kuya cyfer.   "What the hell?!"iritang sabi ko dito.   "Alis na kami,Pakibantayan na lang si baby girl" sabi ni kuya cyfer na nakangisi.   "f**k!"mura ko sabay sipa sa may couch."What the hell"inis na sigaw ko ng tumawa sila kuya. Nang makaalis na si kuya ay napamura ako lalo ng makita kong biglang sumulpot sa harapan ko si Kuya Chain."What-the-hell"inis na sabi kong sabay pang ngumisi ang dalawa.   "Hello princess"nakangising sabi ni Kuya Zerred. Inirapan ko na lang ito.Akmang lalabas na ako ng biglang may makabunggo akong kung sino sa labasan nung building.Inis na inirapan ko ito saka ko ito nilagpasan.   HELL kakagaling ko lang mula sa kada-umagang jogging ko ng pabalik na ako sa building ng may makabunggo akong babae na bigla na lang akong inirapan sisitahin ko sana ito ng bigla akong pigilan ni Zerred.   "Who the f**k is that girl?"Inis na tanong ko dito. Nagkatinginan muna sila ni Chain na parang naghihintayan kung sino ang unang magsasalita.Nang walang sumagot ay hindi ko na lang pinansin ang dalawa at mabilis akong pumanhik sa kwarto ko.Wala ako sa mood makipaglokohan sa kung sino man yung nakabunggo kong babae.May araw din sya saakin.Papasok na sana ako sa kwarto ko ng biglang may humabol na nagsalita mula sa hagdan.   "Master!"pahabol na tawag ni Zerred.Tuluyan na akong humarap sa kanila dahil mukhang importante ang sasabihin nito dahil kasama pa talaga nito si Chain.   "What?"Tanong ko dito.   "Uhm,ikaw na magsabi!"paasik na bulong ni zerred kay chain sabay siko dito.Tinignan naman ito ng masama ni chain.Inis na humarap saakin si Chain.   "Magpapaalam lang pala kami sana kung pwede namin dito patuluyin yung anak ng tito namin ni Zerred"paalam ni chain.   "Bahala kayo basta't ayoko ng makakaistorbo sa trabaho natin dito"sabi ko na lang saka ako pumasok sa kwarto ko.Pagkasara ko ay hinubad ko muna ang polo shirt ko saka ako pabagsak na humiga sa kama ko.Naalala ko pa yung sinabi ni daddy kanina over the phone. Kailangan ko pang sundin ang gusto nya?syempre bakit ko gagawin kung ayoko. Nagsasarili na ako.Hindi na ako babalik sa impyernong bahay na yon para lang hawakan ang kompanya nya.Nandun naman sila kuya Nasus bakit kailangang ako pa?.Inis na itinakip ko sa mata ko ang braso ko saka ko ipinikit ang mata ko.   Bakit pa ako babalik sa impyernong yon kung nandito naman sa lugar kung nasaan ako ay ako ang hari,ako ang masusunod.Ako ang magdedesisyon sa lahat ng gusto ko.Ako ang batas. Ako. Hindi ang kung sino man.Lahat ng matatanaw mo sa loob ng mga pader ng weithermer university ay matuturing kong akin. At walang sino man ang may karapatan na utusan ako o tapaktapakan ako.   Impyerno man ang tingin ng ibang estudyante sa lugar na to dahil sa higpit ng mga disciplinarians,Eto lang ang tanging lugar na matuturing kong akin,ang lugar kung saan kampante ako.   Lugar kung saan langit ang impyerno sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD