bc

Not A Love Story

book_age12+
30
FOLLOW
1K
READ
forbidden
brave
drama
Multi-professional Billionaire Writing Contest
bxb
city
disappearance
like
intro-logo
Blurb

Kapag talaga ang tadhana na ang gumawa ng paraan wala ka ng magagawa. Ang mainam lamang na gawin ay ang tanggapin ang lahat at lumusong pa sa buhay.

Maaaring kayo noon pero ngayon hindi na. Ano kaya ang nais ipahiwatig nito? Paano na lamang kung puro tadhana na lamang ang dumikta sa lahat ng taong nagmamahalan? May pag ibig pa bang mamumutawi? May mga tao pa ba kayang magiging alagad ng pag ibig?

chap-preview
Free preview
One
. . . . . . . Maaring ikumpara ang ating mundong ginagalawan sa isang gubat na kung saan matatagpuan ang iba't ibang uri ng tao na asal hayop. Sa pitong libo't pitong daan at isang isla na mayroon tayo, matatagpuan ang isang taong bibihag sa iyong puso, isang taong magpupuno ng kaligayahan sa lahat ng nagkukulang sa iyo. Hindi problema kung magkapareho kayo ng kasarian basta lamang namumutawi ang pag ibig sa kaibuturan ng inyong mga puso ay walang masama. . . . . . . . . . . . #TheProtagonistAzi Bata pa lamang si Azi alam na niyang kakaiba siya. Hindi siya pangkaraniwang lalaki. Bukod sa balingkinitan at malapad na balakang idagdag pa ang ang kulay tsokolateng buhok nito at ang balat niyang sing-puti ng niyebe. Ang mga mapang akit niyang mga matang kulay asul at ang labi niyang parang seresa sa kapulahan. Kaya naman napagkakamalan siyang babae. Ngunit sa kabila nito naniniwala si Azi na ang kanyang kaluluwa ay isang babae ngunit nabitag sa katawan ng isang lalaki. Natatakot siya sa kaniyang ama na isang makapangyarihang tao sa kanilang lugar dahil kaya nitong pumatay ng kadugo niya. Isang homophobic ang ama na ito kaya naman ayaw niyang malaman ang sekswal na kagustuhan nito dahil baka kahit na anak niya ito ay paslangin niya gamit ang mararahas na kamay nito na siyang ikinakabagabag ng kalooban ni Azi. Galing sa isang kilalang pamilya si Azi. Ang kaniyang ama ay kilalang haciendero habang ang ina nito ay isang may bahay lamang. May mga kapatid si Azi ngunit malamig ang turing nila rito. Para bang isa siyang mortal na kaaway ng mga ito. Marahil ay mas napapansin si Azi ng kaniyang mga magulang dahil bunso ito at naibibigay ang kaniyang mga luho. Lumipas ang mga araw, ang araw naging linggo, ang linggo naging buwan at ang buwan naging taon. Si Azi ay ganap ng binata. Lalong lumabas ang katangiang pambabae nito na siyang ikinabahala niya. Alam niyang hindi na niya kayang itago ang nararamdaman nito kaya ng minsang dumalaw ang kaniyang ina sa silid niya ay nagtapat ito ng kaniyang nararamdaman ukol sa sekswal na kagustuhan nito. "Ma may nais po akong sabihin" panimula nito. Lumapit naman ang ina nito sa kaniyang tabi tinapik ng kaniyang ina ang balikat nito saba'y sabing "Anak, ina mo ako alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngunit alam mo naman kapag nalaman ng iyong papa ang itinatago mo ay baka patayin ka niya" naiiyak na sabi nito "Hangga't maari anak itago mo ang nararamdaman mo ayokong mawala ka sa akin mahal na mahal kita." at tuluyan na nga itong umiyak. Sinundan ni Azi ang payo ng kaniyang ina na itago ang pagkakakilanlan nito sa sekswalidad. Kahit na bumabagabag sa kaniyang kalooban ang maaring mangyari kapag nalaman ng kaniyang ama ang kaniyang kasarian. Si Leo ang naging sandalan nya. Kababata niya ito siya lagi ang kasama nitong naglalaro ng sarangola sa parang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.3K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
309.4K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
404.0K
bc

Fight for my son's right

read
147.2K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.7K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook