bc

Captured Love

book_age18+
173
FOLLOW
2.4K
READ
possessive
kidnap
forced
dominant
badboy
kickass heroine
independent
brave
confident
Multi-professional Billionaire Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

"Sleep tight, my princess" were the last words I heard as I felt his warm arms snake around me before I fell asleep. His voice sounds good and at the same time... dangerous.

chap-preview
Free preview
Chapter I
" 'Cause this angel has flown away from me. Leaving me in drunken misery.. I should have clipped her wings and made her mine for all eternity. Now this angel has flown away from me. Thought I had the strength to set her free. Did what I did because I love her so.. Will she ever find her way back home to me? Aah… " Pumapailanlang ang kanta ng Orange & Lemon habang nakatanaw si Gia sa labas ng kanyang cafe. Paulit-ulit na niya itong pinapakinggan buong maghapon pero hindi pa rin siya nagsasawa. Nakatulala niyang pinapanood ang pagbagsak ng ulan sa labas habang hinahalo ang kape na ngayo'y malamig na sa kanyang harap. "Ma'm, broken hearted ka po ba?" hindi nakatiis na tanong ng barista niya sa kanya habang nagsasalansan ng mga baso sa counter. Nakakunot-noo niya itong nilingon. Nakapangalumbaba pa rin siya sa mesa. "Bakit mo naman naisip na broken hearted ako?" Hinigop niya ang kape na kanina pa malamig. "Kasi ma'm, excuse po." sabat ng isa pang staff na si Meann. Itinaas niya ang paa niya dahil nasa pwesto na pala niya ang sahig na mina-mop nito. "Kasi ma'm, isang linggo niyo na po pinapatugtog yang kanta na yan at halos ma-LSS na kami at hanggang pagtulog po namin." paliwanag nito. Nilingon ko si Shiela. Tipid itong ngumit at tumango ito sa sinabi ng kasama. Kumunot lang lalo ang noo ko at ilang sandaling hindi nakasagot. Hinahanap ko rin ang sagot sa tanong nila. Bakit nga ba? Noon ay biglang tumunog ang chime sa pintuan ng cafe, senyales na may pumasok na customer. Hindi ko pinansin ang bagong pasok dahil seryoso akong nakatingin sa labas ng glass window kung saan kitang-kita ko ang pagpatak ng ulan. Nakapangalumbaba at nakatulala pa rin. "One cafe americano with extra shot of coffee." saad ng baritonong boses na nagpalingon sa kanya sa counter. Nakatalikod sa kanya ang customer kaya hindi niya makita ang mukha nito. Pero ang katawan nito... Lihim siyang napasipol sa isip. Pinasadahan niya ng tingin ang likod nito. Ang lapad ng balikat na parang ang sarap yakapin at sandalan. Maganda rin ang pang-upo nito na siyang nagpataas ng kilay niya. Bihira sa mga lalaki ang may magandang pang-upo. Napaisip tuloy siya, hindi kaya isa itong paminta? Humigop ulit siya ng kape at tinignan ang kanyang kahera. Lihim siyang napangiti ng nakitang nakatulala sa customer ang dalawang staff. Napapalatak siya sa isip, siguro ay gwapo ang customer dahil dalawang staff niya ang nag-entertain dito. Ang mga ito talaga hindi na nagbago. Bumuntong hininga nalang siya at sinabayan ang kanta.. "Heaven knows how bitter I am... 'Cause this angel has flown away from me. Leaving me in drunken misery.. I should have clipped her wings and made her mine for all eternity. Now this angel has flown away from me. Thought I had the strength to set her free. Did what I did because I love her so.. Will she ever find her way back home to me" Napabuntong-hininga siya ulit at pumikit. Bakit ba ganito ang pakiramdam niya nang mga nakaraang araw? Parang sawing ewan. Wala naman siyang boyfriend na dapat ipag-emote. Pero bakit ganoon ang nararamdaman niya? Nagmulat siya ng mga mata nang maramdaman na may nakatitig sa kanya. Napalingon siya sa counter. Nakatitig na pala sa kanya ang customer nila. Umiwas siya ng tingin dito at hinawi ang mahabang buhok para matago ang namumulang mukha. Shocks! Nakakahiya! "Cafe Americano for Sir Max!" mabining sambit ng staff niya sa customer. Hindi nakaligtas sa kanya ang tono ng boses nito na sinadyang palambingin. Aba! Nagpapacute ang mahadera. Napaikot nalang ang mga mata niya at inubos ang natitirang kape sa tasa niya. Na-curious tuloy siya kung gaano kagwapo ang customer at ganoon ang reaction ng mga staff niya. "Thank you." wika ng lalaking customer sabay abot sa baso at nagtungo palabas sa kanilang cafe. Tinitigan niya ang likod nito habang tinabig ng braso nito ang pinto. Tumaas ang kilay niya, weakness talaga niya ang mga lalaking may malapad na balikat. Naramdaman ata nito ang titig niya kaya ito lumingon. Para siyang nahipnotismo ng mga mata nito at di niya naialis ang titig. Dinala nito sa bibig ang papercup na may kape sabay kindat sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ng lalaki at nasamid. Nakita ng mga staff niya ang nangyari at napalingon din sa kanya. "Ma'm, type ata kayo ni sir! With matching lingon and kindat pa sa inyo, o. Grabe! Parang model sa gwapo!" kinikilig na saad ni Meann na sinusundan parin ng tingin ang papalayong customer. "Oo nga po, Ma'm. Kunin mo po kayang model natin ma'm o kaya endorser? Kahit araw-araw pa natin bigyan ng kape, solve na tayo." komento ni Shiela. "Bading yon. Wag kayong papadala sa itsura." sabi niya nalang habang pinupunasan ang labi dahil bahagyang natapon ang iniinom nya nang kindatan siya nang lalaki. Parang pamilyar ang mukha nito sa kanya pero hindi niya maalala kung saan ito nakita. Parang nasira ang araw niya dahil sa nangyari. "Ay Ma'm, sayang ang genes! Hingi nalang tayo ng lahi ma'm, sayang din yun!" malanding sabi ni Meann na pinanlakihan ko ng mata. Tumawa lang ito at nag-peace sign. "Watch your words!" yun lang at pumasok na siya sa loob ng back office. Pinalitan na rin niya ang tugtog sa cafe. *** Sumakay sa kotse si Max dahil lumalakas na ang patak ng ulan paglabas niya ng cafe. Lihim siyang napangiti nang maalala ang reaction ng dalaga kanina. Mula nang makita niya ito sa cafe na iyon ilang araw na ang nakalipas ay di na niya maalis sa isip ang maamong mukha nito. Sa wakas! Nahanap na rin niya ang babae sa panaginip niya. "Looks like someone's in a good mood today." bati nang kaibigan niya pagsakay niya sa kotse. Nakangisi itong nakatingin sa kanya at sinulyapan ang pinanggalingan niya. Nilingon niya rin ang cafe. Nakita niya ang pagtayo ng dalaga at pagpasok sa loob ng back office nito. Sumusunod sa kilos nito ang nakalugay nitong buhok. He sighed. "Let's go." saad niya at muling sumulyap sa cafe. Just a few more days....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Payment of Debt

read
88.2K
bc

My Last (Tagalog)

read
487.0K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
237.3K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
454.0K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
399.1K
bc

Billionaire's Twins

read
263.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook