CHAPTER ONE

2845 Words
INILAPAG ni Maze ang nilutong itlog sa mesa. Hinihintay niya ang kapatid na lumabas ng kwarto nito. Pinagluto niya ito ng almusal dahil kapag hindi niya iyon ginawa ay papasok ito ng school na hindi nag aagahan. Kaya kung maari ay makapagluto siya ng agahan nito bago pumasok sa opisina. Dalawa nalang sila ng kapatid niya sa buhay kaya naman talagang inaalagaan niya ito. Nangako din siya sa ina na hindi niya pababayaan ang kapatid. Parehong namatay sa sakit ang mga magulang nila. Second year college siya ng mamatay ang ama sa sakit sa puso habang ang ina naman ay ng magtapos siya sa kolehiyo. Kakapasok lang niya sa trabaho ng iwan sila ng ina sa sakit sa baga. Simula noon ay siya na ang tumayong ina at ama sa kapatid niya. Nasa ikalawang taon na ito sa kolehiyo. Buti na lang at maganda ang napasukan niyang trabaho. Kahit pa nga napakasungit ng boss niya at lagi siyang sinisigawan ay okay lang sa kanya. Lahat ay gagawin niya para lang mabigyan ng magandang buhay ang kapatid. "China, matagal ka pa ba? Malelate na ako sa trabaho ko." Sigaw niya. "Ate, hindi mo naman kailangan hintayin akong makakain bago ka umalis." Sabi ni China na kalalabas lang ng kwarto nito. Nakasuot na ito ng uniform nito. "At tapos di ka kakain. Papasok ka na naman sa school ng walang laman iyang tiyan mo." "Hindi na ako bata." "Alam ko. Pero kung umasta ka ay parang bata." Sumimangot si China. Umupo ito at nagsimulang kumain. Napangiti naman siya. Kahit ano pangsabihin nito ay hindi ito mananalo sa kanya. Bilang nakakatandang kapatid ay ginagalang siya ni China. At nagpapasalamat siya na hindi ito natulad sa iba na napapariwara dahil sa wala na itong mga magulang na gumagabay. Inilapag niya ang isang basong juice sa mesa. "Kumain kang mabuti. Nasa taas ng refrigerator ang baon mo para ngayong linggo. Sabihan mo na lang ako kapag may kailangan ka pa." "Don't worries too much ate. May pera pa naman ako." "Okay. Alis na ako." Kinuha niya ang bag na nakapatong sa sofa. Tumingin muna siya sa salamin na nakalagay sa may gilid ng pintuan. Sinipat niya ang suot kung maayos pa ba at baka gusot na. Simple lang naman ang suot niya kung tutuusin. Isang t-shirt na hanggang siko ang manggas at black slack. Wala din siyang make-up sa mukha. Maputi naman kasi siya kaya hindi na siya naglalagay. May bahid ng manipis na lipstick ang kanyang labi. Hindi din kakapalan ang kilay niya. Iyong singkit niyang mga mata na hindi niya alam kung kanino niya namana ay walang bahid ng ano man kulay. Mapangiti siya sa ayos. Ito ang gusto niyang laging ayos. Simple lang naman talaga siya. "Bye, sis." "Bye ate. Wag masyadong ma inlove sa boss mong masungit." Pahabol ni China ng palabas na siya ng pinto. Napailing nalang siya bago tuluyan lumabas ng bahay. Naglakad siya papunta ng labasan. Hindi naman sila ganoon kalayo sa sakayan ng mga jeep palabas ng lugar nila. Wala din masyadong tambay sa lugar nila kaya naman hindi nakakatakot umuwi paggabi. At saka sanay na siya sa lugar na iyon. Baby palang si China ng lumipat sila doon. At saka kilala na rin naman siya sa lugar na iyon. Pagdating niya sa labasan ay agad siyang nag abang ng jeep na masasakyan. Dalawang sakay siya bago makarating sa trabaho. Sa Makati ang main building ng opisina nila habang sa San Juan ang apartment na tinutuluyan nila ng kapatid. Isang jeep at isang bus ang sinasakyan niya papuntang opisina. Sa loob ng dalawang taon na pagtatrabaho niya sa mga Wang ay nasanay na siya sa bhaye niya. Papara nasa siya ng jeep ng huminto ang isang taxi. Tumalikod siya at maglalakad na sana papunta sa may unahan dahil baka akala ng driver ng taxi ay sasakay siya ng bumaba ang driver at tinawag siya. Napalingon siya at nagulat ng makilala kung sino ang driver ng taxi. "Good morning Maze." Nakangiting bati sa kanya ni Christian. "Chris, ikaw pala. Good morning." Ngumiti din siya rito. "Papasok ka na, Maze? Tara hated na kita." "Naku wag na!" tanggi niya rito. "Nakakahiya." High school siya ng maging kaibigan niya si Christian. Matanda lang ito sa kanya ng dalawang taon. Malapit din ang mga bahay namin. Malapit siya sa ina nito kaya naman magaan din ang loob niya kay Christian. Mabait itong anak kaya naman natutuwa siya rito. Saying nga ito dahil hindi ito nakapagtapos ng pag aaral. Matalino din itong tao. "Ano ka ba? Nahiya ka pa sa akin. Parang di tayo magkaibigan." Napayuko siya. Lalo siyang nahiya rito. Hindi niya tuloy alam ang gagawin. Kung tatanggihan niya ito ay malulungkot naman ito. At sa lahat ng ayaw niya ay iyong may taong nalulungkot ng dahil sa kanya. Nag volunteer na nga itong maihatid siya tapos ito siya at tumatanggi. Umangat siya ng tingin. Ngumiti siya kay Christian. "Okay pero magbabayad ako." "Naku wag ka ng..." "Hindi pwedeng hindi ako magbayad. Magagalit si Ate Leny." Sabi niya na ang tinutukoy ay ang ate nitong may ari ng taxi. Napayuko si Christian habang napahawak sa batok nito. "Okay." Nakita niyang namula ang tainga nito. Tanda na nahihiya ito sa akin. Ngumiti na lang siya at sumakay sa front seat ng taxi. Sumunod naman sa kanya si Christian. Hindi niya napigilan ang sumilay na isang ngiti sa labi niya ng makitang namumula pa rin ang tainga nito. Ang cute ni Christian kapag nahihiya. Kaya naman hindi na niya pinuna ang namumula nitong tainga kahit pa nga gusto na niya itong tuksuhin. Tumahimik na lang siya at tumingin sa labas. "Maze?" tawag ni Chris sa kanya. Napatingin siya rito. Nasa daan parin ang tingin nito. "Ano iyon?" Tumikhim si Christian at sinulyapan siya. "Ano kasi..." "Chris, may sasabihin ka ba?" tanong niya rito. Alam niyang nahihiya pa rin ito. Huminto ang sasakyan nito dahil may stop light. Sinamantala iyon ni Chris para sulyapan siya. "K-kailan mo balak sagutin ako?" Natigilan siya sa tanong nito. Oo nga pala, matagal ng nanliligaw sa kanya si Christian. Mag iisang taon na yata itong nanliligaw sa kanya. Ngunit hindi niya ito masagot. Mabait at gwapo naman si Christian. Pero hindi niya alam kung bakit hindi kaya ng puso niyang mahalin ito o ibaling nalang dito ang naramdaman. Lahat ng nakapaligid sa kanila ay gusto ito pa kanya. Ngunit hindi talaga madiktahan ang puso. Tanging pagkakaibigan lang ang tingin niya rito. Sinabihan niya na itong itigil ang panliligaw sa kanya kaso talagang matigas ang ulo ni Christian. Isang buwan palang itong nanliligaw ay binasted na niya ito. "Chris..." "Sorry! Alam ko naman na kaibigan lang talaga ang nararamdaman mo para sa akin. Pero hindi ko talaga kayang sumuko." May bahid ng lungkot ang boses nito. Napabuntong hininga na lang siya. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin dito. Ayaw niyang makapanakit ng damdamin ngunit talagang ayaw tumigil ni Christian. Minsan na niya itong iniwasan ngunit naki usap ito na wag itong iwan. Kahit pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay ay tatanggapin pa rin nito. "Chris, alam mo naman di ba kung anong nararamdaman ko para sa'yo." "Alam ko pero hindi pa rin ako susuko. Hanggang hindi ka nagkakaboyfriend ay hindi ako titigil sa pagsuyo sa puso mo." Lalo siyang napabuntong hininga. Wala na yatang pag asa na mababago niya ang desisyon ni Christian. Talagang determinado itong makuha ang pag ibig niya. Ngunit paano nito iyon gagawin kung ang puso niya ay may tinitibok ng iba. Na may tao ng nagmamay ari ng puso niya. Napaka weird nga niyang tao. Dahil ang taong tinitibok ng puso niya ay never nagpakita ng kabutihan sa kanya. Iyong taong nagmamay ari ng puso niya ay ang lalaking lagi na lang nakasimangot at sumisigaw. At ito lang ang tanging lalaking nakakuha ng atensyon niya. Iisang lalaki lang siya nakaramdam ng attraction at iyong lalaking iyon ay ang baliw niyang boss. Boss niyang sarap ipatapon sa ilog Pasig kapag nagagalit. INAAYOS ni Maze ang mga files niya sa table ng may naglapag ng isang folder. Napaangat siya ng mukha. Muntik na siyang matumba kung hindi lang siya napahawak sa mesa niya. Mukhang galit na naman ang boss niyang pinaglihi sa sama ng loob. Nagising na naman ito sa maling position. "Yes, Sir Wang." Kinakabahan niyang tanong ditto. "I told you that I don't want to see Mr. Saurez proposal for new set of furniture on my table. Bakit nakapatong na naman ito sa table ko? At nakahalo pa sa new proposal ni Aldrine?" galit nitong sigaw sa kanya. Napayuko naman siya. "Kasi sir sabi ni Sir Shan ay ibigay ko daw sayo para papirmahan. Approve na po niya iyan." Paliwanag niya rito. Napapitlag siya sa gulat ng suntukin nito ang table niya. "Sino ba ang boss mo rito, Mazelyn Reyes?" "K-kayo po sir." Nanginginig sa takot niyang sagot. "Ako!" sigaw nito. "Ako ang boss mo pero sumusunod ka sa utos ng kuya ko. What did I told you about that folder last week?" Lalo siyang napayuko sa tanong nito. Alam niya naman kung anong iniutos nito noong nakaraan linggo tungkol sa proposal ni Mr. Suarez. Talagang sinabi lang ni Sir Shan na papirmahan na iyon kay Shilo. President ng kompanya si Sir Shan habang vice president naman si Shilo. Magkapatid nga ang dalawa ngunit hindi naman magkasundo. Noong unang pasok niya ay hindi niya maintindihan kung bakit laging parang nasa gira ang opisina kapag naruroon ang magkapatid. Magkaiba kasi talaga ang paniniwala ng dalawa. Ganoon din ang ugali ng mga ito. Palaging nakangiti si Sir Shan habang lagi naman nakasimangot si Sir Shilo. Ilag nga ang lahat sa boss niya. Noong unang pasok niya doon ay nakilala niya ang dating secretary nito na si Carila. Sobrang seryuso daw na boss si Shilo. Nakakatakot din daw kapag nagalit. Namamato daw ito ng bagay na mahawakan. Ang huling secretary nito bago siya ay si Anniza. Hindi tumagal ng dalawang linggo ang babae at gustong bumalik bilang secretary ni Joshua. Kaya ng ibigay sa kanya ang position na maging secretary nito ay tinanggap niya. Aaminin niya attractive talaga siya kay Shilo. Sobrang gwapo nito sa paningin niya. Lumipas man ang ilang taon at nakilala niya ng tuluyan si Shilo ay hindi man lang nabawasan ang paghanga niya sa kagwapuhan nito. Kahit pa nga madalas siyang sigawan nito ay hindi niya naisipan ang magresign. Oo nga at kailangan niya ang trabahong iyon. Ngunit ang pinaka rason ay gusto niyang laging makita ang cute at gwapong mukha nito. Natatakot man siya kapag galit ito ay okay lang. Buo naman ang araw niya kapag nakikita ito. Buti na lang talaga at magaling siyang magtago ng nararamdamang paghanga rito. "Nakikinig ka ba sa akin, Mazelyn?" sigaw na tanong nito na nagpabalik sa kanya sa realidad. Napakurap siya at napatingin dito. Namumula na ang mukha ng boss niya sa sobrang galit. Kitang kita niya ang nag aapoy nitong mga mata. Alam niyang ilang saglit nalang ay sasabog na ito. At hindi nga siya nagkamali. Dinampot nito ang stapler niya at hinagis iyon sa pader sa likuran niya. Napatalon siya sa gulat. Lintik lang, nagwala na ang dragon. Mukhang nasagad na naman niya ang pasensya nitong wala naman talaga. "Do your work right, Ms. Reyes. Wag kang managinip ng gising sa oras ng trabaho." Galit pa rin nitong sabi at tinalikuran siya. Pumasok ito sa loob ng opisina at malakas na isinara ang pinto na naging rason para mapatili siya. Napahawak siya sa dibdib ng makaalis ito. Para siyang nabunotan ng tinik. Akala niya ay sisantihin siya nito dahil wala siya sa fucos habang nagsasalita ito. Muntik na siyang mawalan ng trabaho. Napaupo siya ng maramdaman ang panginginig ng kanyang mga tuhod. Nakakatakot talaga kapag galit ang dragon ng floor na iyon. Hindi nga niya akalain na tatagal siya ng dalawang taon na secretary nito. Kung iba siguro ay sumuko na. Well, Masaya naman siya kapag nakikita ito. Okay lang kahit pagalitan at sigawan siya nito. Ang weird nga daw niya sabi ni China. Kung ibang babae siguro matagal na nagresign at na turn off sa pag uugali ni Shilo. Kahit kasi ito ang may mali ay hindi siya nagagalit dito. Matiyaga at pasensyuso daw siyang tao kaya siya inaabuso ni Shilo. Kahit isang beses ay hindi niya pa naringan na humingi ng sorry si Shilo. Masyadong mataas ang pride ng boss niya para humingi ito ng pasensya sa kanya. Kaya nga hindi na siya umaasa na magsasabi ito ng 'sorry'. Basta makita niyang ngumiti lang ito sa kanya ay tunaw na lahat ng tampo o inis niya rito. Sabi nga ni China sa kanya, baliw na daw siya kay Shilo. KUMAKAIN sa canteen si Maze ng may naglapag ng juice sa tabi niya. Napaangat siya ng mukha. Ngumiti sa kanya si Carila. "Kamusta ang araw mo, Maze?" masayang tanong nito. Umupo ito sa katapat niyang upuan. Wala itong dalang kahit anong pagkain. "Okay lang naman kahit pinagalitan na naman ng masungit na dragon." Sabi niya rito. Tumawa si Carila sa sinabi ko. "Sinumpong na naman si Shilo? Sa tingin ko may pinagtalunan na naman ang dalawang iyon. Sumugod kasi ito kanina sa opisina ni Shan." "Anong sinumpong? Sabihin mo baliw na ang boss ko. Lagi na lang nakasimangot. Pinaglihi sa sama ng loob." Tumawa lang ulit si Carila. "Ikaw, lagi mo nalang sinasabihan si Shilo ng baliw. Buti nga at di ka pasinisanti ng isang iyon. Sa lahat ng secretary niya ikaw lang ang nakatagal." Hindi siya umimik. Ano naman ang sasabihin niya? Sasabihin niyang kaya siya tumagal na secretary ni Shilo ay dahil attractive siya sa boss niya? Matagal na siyang may gusto sa boss niya kaya siya nagtagal na secretarya nito. Siguradong pagsinabi niya rito ang nararamdaman ay tatanungin siyang bakit si Shilo pa. Hindi kasi talaga mabait kahit kanino si Shilo. Well, kay Carila lang naman ito mabait. "Mazelyn, bakit di ka nalang magpalipat ng ibang department? Sigurado akong papayag si Joshua na ilipat ka." "Ayoko." Natigas niyang sabi rito. Anong lilipat ng ibang department? Hindi pwede. Paano niya masilayan ang sinisinta niya kung papalipat siya ng ibang department? At saka sanay na siya sa pag uugali ng dragon. Kahit pa nga nanginginig siya sa takot pagpinapagalitan siya nito. Basta ang kapalit ay ang makita ito araw-araw ay okay lang sa kanya. "Alam mo Maze ang wierd mo. Kaya ka siguro nakatagal sa ugali ni Shilo." "Ako? Wierd." Tinuro niya pa ang sarili. Tumungo si Carila. "Simula ng magtrabaho ka kay Shilo walang linggo na hindi ka niya sinisigawan. Na aawa na nga ang lahat sayo pero ikaw wala lang sayo." Hindi siya umimik. Ganoon ba ang tingin sa kanya ng lahat. Wierd na agad ang tingin sa kanya dahil sa nakatagal siyang secretary ni Shilo, paano pa kaya kapag nalaman ng mga ito na may pagsinta siya sa dragon. "Well, hindi naman kasi ganyan dati si Shilo." Napabuntong hininga si Carila. Nagtatakang napatingin siya rito. "Si Sir Shilo, hindi masungit?" Tumingin sa kanta si Carila at ngumiti ng walang buhay. "Mabait naman talaga kasi si Shilo sa lahat dati. Nagsimula lang iyon ng bumalik si Shan." "Ha!!!" nailapag niya ang hawak na kutsara. "Alam mo naman di ba na dati akong secretarya ni Shilo. Wala pa si Shan ay malapit na ako kay Shilo. Para ko na siyang kapatid. Magaan ang loob ko sa kanya. Ng dumating si Shan galing U.S at hinawakan ang position ng daddy nila ay doon nag umpisa ang lahat. Shilo wants his father position. He been working so much to gain that position pero binigay lang iyon ng ama sa kay Shan. Panganay kasi si Shan at alam mo naman pag Chinese." Tumungo siya. Ngayon niya lang iyon nalaman. Hindi naman kasi siya mahilig makipag usap sa ibang empleyado. Kay Carila at Anniza lang talaga siya malapit. Siguro ay dahil sa alam ng mga ito ang sitwasyon niya bilang secretary ni Shilo. "Kawawa naman pala si Sir Shilo." Bulong niya. Nakikita niya ang mukha nitong nasaktan ng malaman na hindi ito ang magiging president ng kompanyang pinangarap nito. "Wala akong pinagsasabihan nito dahil family matter ito, Maze. Pero dahil may tiwala ako sayo at sa tingin ko ay may karapatan kang malaman kung bakit ganoon nalang ang galit ni Shilo kay Shan. Sana tatagan mo pa ang loob mo." Napangiti siya sa sinabi nito. "Parang kanina lang gusto mo akong lumipat ng ibang department." "Alam ko naman na hindi ka papayag na lumipat ng ibang department. Dahil kung gusto mo talagang lumipat, noon pa sana." Natigilan siya sa sinabi nito. Bakit pakiramdam niya ay may iba itong ibig sabihin? Nag iwas siya ng tingin. Nahalata ba nito ang nararamdaman niya kay Shilo? "Thank you, Maze. Alam ko na lalo pangmagiging masungit si Shilo ngayong ikakasal na ako kay Shan." Hinawakan ni Carila ang kamay niya. "I trust you. Wag mo siyang susukuan." Dagdag na sabi nito bago ito tumayo at iniwan siya. Nagtataka naman siyang sinundan ng tingin. Anong ibig sabihin nito na wag niyang sukuan? At bakit lalong magiging masungit si Shilo? ----- Happy reading everyone!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD