Chapter 1 - Timmy is back for a reason!

1045 Words
[Timmy's POV] Yes! Nakauwi din ng Pilipinas. Haaaay grabe namiss ko ng sobra ang bansang ito. Bumalik kami dito dahil dito na ulit kami maninirahan ng permanente. Whoah ansaya saya! Makikita ko na ulit bestfriend ko. Sana di na siya galit sakin. The reason why we settled here. It is because para makamove on sa pagkamatay ni Granny. Its hard to admit it but she is gone. My Granny that I love. Maraming rason kung bakit kami btmalik dito sa Pilipinas. Una na dun ay yung para maka move on nga. Tapos para manirahan na din dito permanently kahit na may naiwan kaming kompanya sa Japan. Oo, sa Japan kami naninarahan pagkatapos kong gumraduate ng high school dito sa Pilipinas. Doon kasi nakatira ang Granny ko at doon din ako nag-aral ng kolehiyo pero napagdesisyunan kong dito ako magtatapos. Ang huling rason ay dahil gusto kong humingi ng tawad kay BUNS [Patty] at para na rin makapagpaliwanag na din sa kanya dahil sa pagkakaalam ko matindi daw ang galit nun sa akin, yun ang sabi ni Ciara sa akin nung magkachat kami minsan sa sss. Napakalungkot isipin na ang bestfriend ko ay galit sa akin. Ang gago gago ko kasi. Arghhh!!! Makapag online na nga muna. 'Yes! We're here already. JGH from Japan! Its nice to get back home on our country. Im so excited to see my friends and also to study here. By the way I miss you all. See you around. #JGH! #imsoexcited! #ImissYou!' at pinost. Ilang minuto ang lumuipas marami ang nag-like at nagcomment sa post ko. Nagcomment yung iba na kung kelan daw reunion. Yung iba naman namimiss na nila ako. Nagcomment din ako na namimiss ko na din sila pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay nag comment ni Ciara na kung bakit pa daw ako bumalik. Nagmessage ako sa kanya kung ano problema niya at tinanong ko kung bakit ganun comment niya. Natawa naman ako sa reply niya. Joke niya lang daw yun para maasar ako. Nakakatawa talaga ang babaengh ito kahit kelan. Minsan tinatanong ko siya kung ano ang kalagayan ni BUNS. Sa kanya ko nalalaman ang mga ibang bagay tungkol kay BUNS. Nalaman ko na galit pa din siya sa akin. At nalaman ko na ayaw na ayaw daw niya akong pag-usapan. Sayang at di kami friend ni BUNS sa f******k. Ilang taon na akong nafriend request sa kanya pero diu pa rin niya inaaccept. Minsan nagpopost ako sa wall niya! Nililike mga photos at post niya! Minsan nga sinubukan ko siyang imessage nung natsambahan kong nagpost siya ng status niya pero bigla na lang suiyang nagla-log out. Kelan kaya niya ako papatawarin. "Andito na tayo!" sabi na Mama. Hindi ko man lang namamalayan na nakarating n pala kami diot sa bahay namin. "Halina kayo! Baba na tayo!" sabi naman ni Papa "Wow! Ang ganda pa rin ng bahay natuin kahit tatlong taopn na ang nakalipas nang umalius tayo!" yan ang sabi ni Mama pagkababa pa lang namin ng kotse. Manghang mangha din ako sa nakita ko, parang walang pinagbago. Medyo may konting naidagdag sa may garden at sa may harapan ng bahay. "Maasahan talaga si kumareng Pia, akalain mo napanatiuli niya itong maganda. Ang swerte natin talaga at nakilala natin sila no dear." sabi ni Mama Si Tita Pia ang nakatalagang mayordoma ng bahay namin. Siya ang ina ni BUNS at bestfriend ni Mama. Nagulat kami ng bumukas ang pintuan ng bahay namin at iniluwa nito sa tita Pia kasama ang ibang kasambahay para salubungin kami. "Kumare, Andito na pala kayo. Mabuti at napagdesisyunan niyong umuwi na dito!" sambit ni tita Pia sa amin sabay yakap kay Mama at sa akin. "Naman kumare. Kamusta ka na. Ang galing mo ah at napanatili mong maganda ang bahay namin kahit wala kami diot ng tatlong taon." "Ako pa! Anong silbi ko dito kung wala akong ginagawa!!" "hay naku tama nga muna yan honey! Mamaya na kayo magkamustahan ng kumare mo at nagugutom na kami ng anak mo!" sabat naman ni Papa "Hay naku! Ang labo mo talaga dear! Halika na nga Pia baka ako pa makain ng aswa ko! hehe!" "Sige pasok na tayo! Madami kaming hinandang pagkain para lang sa pagdating niyo!" At pumasok na nga sila pero pagkalapit pa lang ng pintuan ni tita Pia ay tinawag ko siya sapagkat gusto ko siyang kausapin ng pribado. "Tita Pia!" tawag ko sa kanya kaya tumiguil siya sa paglalakad papasok sa loob ng bahay. "Oh timmy! Ano yun!" "Uhmm...kamusta nga po pala si Patty!" tanong ko sa kanya. Base sa pagkakita ko ng lungkot sa kanyang mukha uay alam ko na kung bakit! "Alam mo kahit di sabihin sa akin ni Patty kung ano kinikmkim niya. Alam ko pa rin na nasaktan siya sa ginawa mong pagsisinungaling sa kanya. Sa katunayan nagagalit siya pag nabibigkas ang pangalan mo o kahit na may kinalaman sayo!" Lalo lang akong nagiguilty dahil sa kasinungaluingang ginawa ko kay Patty "Pero ngayon , nakikita kong bumabalik ang kasiyahan niya dahil sa mga kaibigan niya na kung ituring niya BABIES niya! At napansin kong bumabalik na rin siya seryoso niyang pag-aaral dahil noon ginagawa lang niyang parang laro ito kaya minsan napapabayaan na niya ito! Pero sa kabutihang palad bumalik siya sa dati na kinahihuiligang niyang magbasa ng maraming libro." Ang tanga tanga ko talaga. Napakag*go ko. Nang dahil sa akin nagkaganun siya. Sana hindi na lang ako nagsinungaling sa kanya at sana mapatawad niya ako. "Ganun po ba tita!" sabi ko sa malaungkot na boses. "Sa tingin niyo po! Mapapatawad niya pa ako!" "Siguro Timmy! Marami namang pagkakataon na makausap mo siya tungkol diyan dahil ang alam ko dito na kayo permanently maninirahan!" "Salamat po tita sa page-encourage niyo! Sana nga po dumating yung time na mapatawad niya ako!" "Sana nga Timmy. Iasa na lang natin kay Patty ang desisyon at ipagdasal natin na patawarin ka na niya!" Napabuntong hininga na alang ako. Ang hirap sa kalooban na mismong bestfriend mo, galit sayO! Sana nga mapatawad mo ako Patty! SANA NGA!!! Tinapik na lang ako ni Tita Pia sa balikat at pumasok na siya sa loob bago ako sumunod. ~~~~ Ano kaya mangyayari kay Timmy! Mapapatawad pa kauya siya ni Patty! Abangan....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD