GARNET I: Ang Magnanakaw

2108 Words
Scanning profile... Loading... Project: Calendar Girls number one... Name: Garnet Garcia Nickname: Gare Birthday: January 21, 1991 Sex: Female Age: 24 yrs old Occupation: Nurse Vital statistics: 34-25-34 Height: 5'4" Zodiac Sign: Aquarius Birthstone: Garnet Sign Characters: Knowledge, Humanitarian, Serious, Insightful, Duplicitous Love interest: Doctor Kiko Molina +++ THE ANGELS At Liwayway General Hospital... 0723 hours "LALAKI ang love interest nya?" bulalas ni Uno na inagaw ang iphone ni Dos. Inemail na lang kasi ni San Pedro yung rest of the information about sa Calendar Girls. Gumagamit rin naman ng technology ang mga taga-langit. Eh sa kanila nga nanggaling ang concept ng mga gadgets dito sa earth eh. "Malamang. Kiko nga pangalan 'di ba?" pabalang naman na sagot ni Dos. "Ito naman. Nagtatanong lang eh ang suplada na agad. May period ka ba?" pang-iinis ni Uno sa kanya. "Nagkakaperiod ba tayo? Anghel tayo dude. Wag ka ngang shunga." Ganti naman ni Dos. Palagi nga silang ganyan. Si Uno at Dos ang laging nagbabangayan samantalang si Tres naman ay cool lang na nakatingin sa dalawa. Nasanay na rin kasi sya sa dalawang kaibigan. Tumutulong lang sya kung nagsasakitan na ito physically na so far hindi pa naman ginagawa ng dalawa. Word war lang lagi. "Shunga? Ako? Sa ganda at sexy kong to at sa dami ng naging accomplishment ko, shunga pa sayo? Eh sa I'm getting you by tricking you a question, high blood agad ang peg." Ayan mga kaibigan, nagsisimula na silang mag-away. "Accomplishment? Hindi mo magagawa lahat ng yun Uno kung hindi dahil sa akin." Maangas din na sabi ni Dos. Tumaas naman ang kilay ni Tres. Nakatingin pa rin sya sa labasan ng Hospital na pinagtratrabahuan ni Nurse Garnet o kilala sa nickname nyang Nurse Gare. "Kung hindi sa katalinuhan ko, malamang nasa Sheoul ka na ngayon at isa ka na sa demonyo ni Lucifer." Sheoul ang opposite ng langit. That means hell. And doon exactly ipapatapon ang tatlo kung hindi nila magagawa ng maayos ang mission nila ngayon. Seryoso talaga si Lord sa banta nya. Sakit ng ulo rin naman kasi tong tatlo. "Katalinuhan?" Uno puffed. "Lamang ka lang ng wampoint sa Cherub's board exam sa akin ganyan ka na kaangas? Eh sa field naman wala kang binatbat." Duro ni Uno kay Dos. "Anong wala? All my clever plan succeeded. Kung hindi dahil sa mga idea ko hindi ka mananatili sa langit!" si Dos. "Eh sino bang nagsasagawa ng plano 'di ba ako?" sabi ni Uno na tinuro ang sarili. Dun na tumikhim si Tres. Eh sa totoo lang kasi si Tres ang gumagawa ng agaw buhay na mga eksena sa missions nila. "I mean kaming dalawa ni Tres," Uno rephrase her first statement dahil natakot sa tikhim ni Tres. Ang tigre rin kasi ng anghel na to. She was refraining herself sa batok na ibibigay na naman nito sa kanya kung saka-sakali. She doesn't wanna mess with the hot tempered angel. "Kaya wala kang karapatang angkinin ang lahat ng credits Dos!" At nagsisigawan na yung dalawa. Buti na lang naka-angel mode pa sila at ang mga taong nasa paligid ay unaware sa presence nilang dinaan-daanan lang sila. Kahit na magsisigawan pa sila'y hindi sila maririnig ng mga tao. "Panu naman kayo makakamove kung wala ito?" Sabi pa ni Dos na tinuro ang sintido. "Admit it Uno, I deserve all the credits." Nagiging mahangin rin minsan kasi tong si Dos kaya naiinis si Uno dito. "Uhm girls, narito na si Nurse Gare." Sabi ni Tres pero panay pa rin ang bangayan ng dalawa kaya wala silang narinig sa sinasabi ni Tres. "Girls, narito na si Nurse Gare." Ulit nito but still yung dalawang anghel ay panay pa rin ang away kung sino ang mas maganda at magaling sa kanila sa larangan ng pagiging kerubin. "Girlssss!!!" hindi napigilang sigawan ni Tres ang dalawa. Natigil naman ang dalawa sa outburst ni Tres. Alam naman nila kung paano magalit si Tres kaya tumahimik na sila. "Good! Tumahimik rin." Sabi naman ni Tres na tumingin na sa gawi ng girl for the month nilang si Nurse Gare. "Now, sundan lang muna natin sya at alamin ang ginagawa nya everyday para malaman natin kung panu natin sila i-hohook up ni Doc Kiko." Dagdag pa nya na nakatingin pa rin sa Nurse habang pababa na ito sa kotse nya. Actually they were dress like as angel pa rin at nakafold lang ang mga pakpak sa mga likod ng mga ito pero 'di naman sila nakikita ng mga tao kaya okay lang. "Teka... kay Doc Kiko talaga? Pwedeng iba na lang?" sabad naman ni Uno na nakamasid na rin. She was getting so bored sa love story na ito. She was a lesbian angel and what else does she want to hook up with a girl? Eh 'di girl din! "Nope. That's the rule. According to our Cherub rule #316, those only who the subject has an interest in a romantic way shall be the one who will hook up to him or her." Pagpapaalala ni Dos kay Uno habang nakatingin sa iphone at tinitignan ang Profile ni Gare. "And based on her profile, ni nurse Gare, she only liked Doc Kiko for 2 years ever since the Doc was assigned in Liwayway." "Fine." Uno mumbled but a plan was coming into her mind. "Uno don't do anything stupid. Alam kong may binabalak kang hindi maganda." Banta ni Dos dito. "Hala. Wala ah." Uno defended, containing a smirk creeping on her lips. She surely is planning something. Tinignan lang sya ng masama ni Dos pero hindi na nya nakita dahil gaya ni Tres, nakatingin rin sya sa gawi ng nurse na ngayon nga ay may hinahanap sa bag. Just with that, napamulagat na lang din ang mga mata ng mga anghel ng may biglang humablot sa bag ng nurse at kumaripas ng takbo. The nurse was stunned for a moment. Nashock sa mga pangyayari pero ng mahanap na ang boses ay nagsisisigaw na ito. "Magnanakaw! Magnanakaw!" In a high pitch tone, the nurse screamed. Eh bag nya kaya yun, malamang naroon na lahat ng milyones nya. "She's hot when she screams like that." Nakangiting parang baliw naman si Uno na tinignan pataas pababa ang sexy'ng nurse. "I agree." Sang-ayon naman ni Dos na panay rin ang check out sa Nurse. Hayy naku... May perverts din pala na mga anghel. "Hoy!" binatukan naman ni Tres ang dalawa sanhi para mapaaray ng todo ang dalawang pervert na anghel. "Tulungan nyo kaya para matapos na tayo at mameet na natin si Doc Kiko." She commanded. The two just groaned at sinunod lang si Tres. Mahirap ng suwayin ito dahil sa temper nito. Tres was really becoming a monster when she's angry. More like nagiging kampon sya ni Lucifer. Kaya nga bad record na rin sya sa langit dahil sa temper nyang yan. "Ikaw na." siniko ni Uno si Dos. "Ikaw na kaya. Make the first move, tutal ikaw naman si Uno." Ganting siko dito ni Dos. "Ikaw na. Natatae ako eh." Excuse ni Uno. "Ulol! Boba mo talaga. Anghel tayo. 'di tayo nagjejebs!" tinuro ng mariin ni Dos ang ulo ni Uno. "O nga ano." Late namang narealize yun ni Uno. Sa totoo lang gumagawa lang sya ng excuse but Dos was a clever girl kaya 'di nya ito maisahan. "Ako na nga." Talong sabi ni Uno sabay pitik na sana ng daliri nya ng biglang may dumaan sa gitna nila and beat the snatcher. Napatanga na lang yung tatlong anghel sa kung sinuman ang bumugbog sa snatcher dahil kahit ang laki pa ng katawan ng snatcher ay agad na nabalibag yun ng mamang tumulong. Ang lakas ng loob nito actually, kasi naman may patalim na ngayon ang snatcher and was going to struck it to the person whose helping pero mabilis na nakuha nito ang wrist ng snatcher, twisted it sanhi para mapasigaw sa sakit ang snatcher. Lumaban naman yung snatcher eh sa mas mabilis naman yung taong nakasombrero at nakasuot ng kupas na maong jacket at jeans at lumang converse. Agad na nasuntok nung mamang nakasombrero sa tyan yung snatcher. Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan... pak! Pak! Pak! Pak! Nahulog nung snatcher yung bag ng nurse pero hindi pa rin tumigil yung nakasombrero sa pagsuntok dito. Kaliwa, kanan, Pak! Pow! Plak! Bag! Boog! Yung suntok ni FPJ, parang ganun ang ginawa ng nakasombrero. Wala namang kalaban-laban yung snatcher na mas malaki pa sa mamang nakasombrero. Amazed na amazed naman yung tatlong anghel dahil ngayon pa sila nakakita ng totoong suntukan. Yung ganito ka aksyon. Kaya wala silang nagawa kundi mapahanga na lang dun sa taong tumulong. The angels were so glad na marami pa rin pa lang mababait na tao. Panay pa rin ang suntok ng nakasombrero sa snatcher na ngayon nga ay basag na ang mukha at anytime babagsak na. Yung mga nosy people naman nagsimula ng rumami sa paligid. Walang umawat, wala ring tumulong. Yung tatlong anghel naman nakiparticipate na rin. Hindi para tulungan yung nakasombrero kundi para i-cheer ito. Actually si Uno at Dos lang ang panay ang cheer at sigaw na suntukin pa more ng nakasombrero yung snatcher while Tres was making a face na parang sya ang nasasaktan sa sinasapit ng snatcher. Tapos isa pang FPJ move nung nakasombrero at umikot sya ng 360 degrees para sa ultimate na suntok nya sa lulugo-lugong snatcher na hirap na hirap na sa pagtayo'y, napasinghap ang lahat sa eksenang yun. Climax na eh. Deadly punch na pero ang ginawa nung nakasombrero, instead na suntukin yung snatcher eh pinitik nya lang ito ng mahina sa noo tapos natumba naman yung snatcher. Ayun, hilata sa sahig ang peg nung snatcher. K.O. Ting! Ting! Ting! Palakpakan ang mga tao sa paligid. Even the nurse was so happy dahil na rin siguro maibabalik na yung bag nya. Tsaka umalis na yung mga tao sa paligid. Kinuha ng nakasombrero yung bag ng nurse at naglakad papunta sa gawi ng nurse. Samantala, nagyakapan pang nagpapadyak sa saya si Uno at Dos sa tagumpay ng nakasombrero. "Ang galing! Ang galing nya!" "Oo nga! Oo nga!" "Parang si FPJ lungsss! Nabuhay syaaa!!!" "Oo nga! Oo nga!" Busy ang dalawa sa kasiyahang nadarama at hindi na napansin ang dapat sana'y binabantayan nilang si Gare. Tawa namang tagumpay si Tres habang nakatingin na kay nurse Gare at sa nakasombrerong papalapit na dito hawak ang bag ng nurse. Dumating na ang mga pulis. As usual, late na naman sila. Binuhat na nila yung snatcher na nakatulog dahil sa malalakas na suntok ng hero ni Gare. "Girls, nanapansin nyo ba ang napapansin ko?" pukaw ni Tres sa dalawa. Natigil naman ang dalawa dahil marahas na silang pinaghiwalay ni Tres. "Ingat naman dyan dude." Reklamo naman ni Uno. Eh sa force masyado ang paghihiwalay sa kanila ni Tres eh. "Oo nga. Sarap na sarap pang yumayakap sa akin si Uno eh. Tsansing lungsss!" Ayan, umandar na naman ang hangin ni Dos. "Eww... Ikaw kaya tong naunang yumakap. Baklang to, tatalunin pa ako!" ganti naman ni Uno. Sasagot pa sana si Dos ng maglakihan na lang mata ng dalawang nag-aaway dahil ang mga bunganga nila ay nakazipper. Literally, nakazipper. "Sige. Ingay pa more." Sabi ni Tres na inakbayan ang dalawa. "Pag-untugin ko kayo. Gusto nyo?" bakas ang seriousness sa tono ni Tres. Bakit naman mag-iisip yung dalawa na nagbibiro si Tres, eh hindi naman ito marunong magbiro. With wide eyes, the two just shook their heads. "Very good gays. Now, balik trabaho tayo." Sabi nyang ginulo ang buhok ng dalawa na parang mga bata lang ang kausap nito. "Sige na back to work na tayo..." sabi nyang 'di pa rin tinatanggal ang pagkakazipper ng dalawa. Syempre ginamitan nya ng powers yun. They are angels, anyway. Hindi na rin gumawa ng move yung dalawa para matanggal yung zipper dahil ayaw na nilang magalit si Tres. They're back staring at their number one Calendar girl para mahuli lang sa eksenang, sinampal na ni nurse Gare yung nakasombrero at nagmamadaling pumasok sa loob ng LGH. "What the he-" sabi ni Tres. Tinignan naman sya ng dalawa sanhi para matigil ito sa sasabihin. Tres just remembered na bawal nga pala silang magsalita ng badwords kasi anghel sila. "F*ck!" hindi na napigilan ni Tres ang bunganga. Nanlaki naman ang mata ng dalawang anghel na nakazipper ang labi. They can't tell Tres to stop cursing kasi naman yun nga, nakazipper yung bunganga nila. "Don't look at me like that. Look at the person whose wearing cap a while ago." Defend naman ni Tres sa sarili na nakatingin na sa papadaan na hero ng nurse sa mismong gawi nila. "What the f*ck!" sabay namang bulalas ni Uno at Dos. At oo, tinanggal na ni Tres yung zipper. They were supposed to say it in their minds pero timing si Tres sa pagtanggal dito. Dumaan na nga yung hero ni Nurse sa kanila, hawak hawak ang pisnging sinampal ng nurse kanina pero nakangiti pa rin ang hero ni nurse Gare. Nasampal na nga, nakangiti pa rin? Eh? And guess what, nakalugay na ang itim na itim at mataas nitong buhok. "She's a girl?!" sabay na namang sabi ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD