CHAPTER 1

831 Words
Kinuskos ko uli ang mata kong nagluluha. “Hoy, Daryl , sabi nang `wag kang kuskos ng kuskos, eh!” sita sa akin ni Kuya Brent. “Isang buwan mahigit ka na naka contact lens, hindi ka pa rin sanay?” “Ikaw ba naman nakasalamin ng fifteen years, masanay ka ba agad?” tanong ko sa nagmamagaling kong kapatid. “Ang kati kaya sa mata, at saka nasanay na `ko nang inaangat lagi ang salamin ko, kaya nauuwi tuloy ito sa kuskos!” “Bahala ka, baka ma scratch ang cornea mo n’yan, sige ka.” dagdag pa ng kapatid kong ophthalmologist. “Pasalamat ka nga nilibre kita, ang mahal kaya ng extended wear contacts! Kaya ingatan mo `yan, at least hindi mo kailangan alisin or palitan `yan for up to a month!” Muli kong kinuskos ang mata ko habang hindi nakatingin si Kuya. Buti na lang nagpagupit na ako, dati kasi laging tumatama ang buhok ko sa mata ko, lalo tuloy kumakati. “O, handa na ba kayong pumasok?” sabi ni Ate Althea na kalalabas lang ng banyo kung saan s’ya nagkulong ng mahigit isang oras. “Kanina pa.” reklamo ko. “Malapit na akong ma late sa freshmen orientation ko!” “Hu! Hindi importante yun! Nasa Student’s Handbook lahat ng pag-uusapan n’yo doon...” lumapit s’ya sa akin, pumulot ng suklay, at inayos ang buhok ko. “`Di ba sabi ko sa `yo, sa gilid ang hati? Ang baduy ng gitna! Ayan kita mo, mas bagay sa `yo!” “Ate naman, ako na mag-aayos!” inabot ko sa kanya ang suklay. “Ayan, napaka cute talaga ng bunsoy namin!” inabot n’ya ang mukha ko at hinalikan, leaving a red kiss mark na pinunasan n’ya ng wet wipes. “Buti talaga napilit ka ni Kuya Brent na mag contacts!” “At buti gumana ang bigay kong facial wash, ayan kuminis na mukha mo.” singit pa ni Kuya. “Naku, sigurado pagkakaguluhan ka ng mga blockmates mo!” “Tama, bunsoy, time to shine mo na `to, kalimutan mo na yung kung sino mang babaeng nagpaiyak sa `yo buong summer, `yan tuloy nangayayat ka, bagay pa naman sa `yo ang chubby!” “Hay nako, tama na nga kayo... lalo akong male-late nito, eh!” nauna na `ko palabas ng bahay. “Sige, sakay na kayo sa kotse,” tumatawang sinabi ni Kuya na may pahabol pang kurot sa pisngi ko.   Sumakay na nga ako sa back seat. Sa passenger seat naman pumwesto si Ate na agad nag-check ng lipstick sa rear view mirror. “Maganda ka na, `te.” pang-asar ko sa kanya. “Thank you, bunso, matagal ko nang alam.” Binelat n’ya ko. Her full lips pouted. Ewan ko nga kung ba’t kung anu-ano pang ginagawa ni Ate sa mukha n’ya, eh, maganda naman siya kahit walang make-up! “Hi, Kuya Brent, good morning!” narinig kong bati ng isang grupo ng highschool girls kay Kuya. “Good morning, papasok na kayo?” tanong sa kanila ng chickboy kong kapatid. “Oo, Kuya.” sagot ng mga dalagita. “Ingat kayo sa pag-byahe.” sagot ni Kuya ng may ngiti sabay kindat pa. Nagtitilihan pa `yung mga babae nang pumasok si Kuya ng kotse. “O, wala na kayong naiwan ha?” tanong niya sa amin. “I’m good!” sagot ni Ate. “Ako rin ok na.” sagot ko. “Okay, next stop, Maybunga University.”   Ito ang unang araw ko in college. Medyo may kalayuan ang bahay namin sa Antipolo, kaya alam kong male-late kami sa traffic papuntang Quezon City. Pero okay lang, since orientation lang naman ang ipapasok ko ngayon. Ang kinuha kong course ay fine arts. Malayo sa pre-law ni Ate Althea na economics ang course, at sa medical course na natapos ni Kuya Brent. Nang una nga, nagalit and Dad namin, dahil parang wala daw akong pangarap sa buhay. “Ano naman kalalabasan mo n’yan? Pintor? Taga-drawing ng children’s books?” sabi niya, “Kita mo nga, ni walang entrance exam `yang course mo, para lang kasi `yan sa mga bobo, talent exam lang, pasado na!” “Dad naman, hayaan mo na si Daryl sa gusto n’ya,” pagtatanggol sa akin ni Kuya, “May doctor ka na naman, eh, si Althea naman magiging abogado, ayos lang `yan, may artist tayo sa pamilya para balanse.” “Oo nga Dad, kesa naman pilitin mo pa si Daryl, baka magloko lang `yan.” dagdag ni Ate Althea. “Kayo talagang dalawa, lagi n’yong inii-spoil yang kapatid n’yo!” reklamo ni Dad. “Pag ako umuwi d’yan , humanda kayong tatlo sa akin!” “Okay Dad, `pag uwi n’yo po from Canada with our step mom, pagalitan n’yo kami!” tumatawang sabi ni Ate.   Totoo naman na spoiled na spoiled ako sa dalawang kapatid ko, sobrang mahal na mahal nila ako, kahit pa minsan, `di ako makapaniwalang kapatid ko sila. Super talino kasi nila, at super ganda at pogi pa. Samantalang ako, eto, nerdy, sabog ang buhok, makapal ang salamin, mantikain ang mukhang puro pimples at ubod ng taba. Well, at least, ganon ako dati, mula grade school hanggang senior high. Hanggang sa masawi ako sa pag-ibig. Hanggang sa mawalan ng lasa ang lahat ng pagkain. Hanggang sa mag-alala sa akin ang mga kapatid ko at maisipang bigyan ako ng ‘mega make-overhaul’ na `di ko naman hinihiling. Ngayon, malaki na ang pinagbago ko. At malaki rin ang mga plano ko para sa bagong buhay kong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD