bc

The Hallyu Brothers series 2: Vincent Lee (Completed)

book_age16+
1.0K
FOLLOW
2.2K
READ
kidnap
goodgirl
CEO
maid
popstar
K-pop
sweet
mystery
secrets
harem
like
intro-logo
Blurb

Vincent Lee loves to collect cute stuffs. Lalo na kung may favorite color nya ito, ang color pink.

Until he met Sunny Villa, maid of a famous fashion designer. Mahilig din itong mangulekta ng cute stuffs lalo na kung may kulay pink at cute rin ito.

Pero paano kapag nalaman ni Sunny ang tunay na pagkatao ni Vincent? Magiging cute pa kaya sa paningin nya ito o bangungot nalang?

chap-preview
Free preview
Chapter One
VINCENT LEE's POV Nakadapa ako sa kama habang kinukuyakoy ang mga paa ko at nakasalapak ang mukha sa unan. So boring naman dito sa bahay. It's sunday morning, so ibig sabihin, walang trabaho. Tinatamad akong tumayo at hinanap si Nathan. "Nathan, where are you?" Malambing na tawag ko sa kapatid. Sa sobrang laki ng bahay namin, kailangan ko talagang gamitin ang maganda kong boses para lang marinig ako. "Kuya! Nandito ako sa kusina!" Sagot ni Nathan mula sa kusina. "Okay. I'm coming!" Pagpunta ko sa kusina, nadatnan kong nagluluto si Nathan at nakaupong naglalaway naman sa harap ng mesa si Matthew. Nilapitan ko si Matthew at inakbayan. Ang bango ng niluluto ni Nathan. "Nathan, anong niluluto mo?" Tanong ko. "Ginataang kalabasa. Nagugutom kasi si Kuya Matthew kaya naisip kong lutuan nalang sya ng madaling putahe. I know it's your favorite too, Kuya Vincent. Lalong lalo na ang kalabasa." Baling sa akin ni Nathan habang nagluluto. Natuwa ako sa aking narinig. KALABASA?! "Really?! Oh wow! Gusto kong kumain! Kung papayagan ako ni Matthew na makihati sa ginataang kalabasa." Sabay pa-cute ko kay Matthew. Sana effective. He sighed. "May choice pa ba ako?" Piningot nya ng mahina ang ilong ko. Yes! SUNNY VILLA's POV Bubuksan ko na sana ang gate ng bahay ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. Di ko na kailangan lingunin kung sino itong adik makayakap sa akin. For sure may kailangan to. "Anong kailangan mo, Nove?" Bored kong tanong. "Ang galing mo. Paano mo nalaman na may kailangan ako?" Nahihiya nyang tanong. Hinarap ko sya. Kung di ko lang ito kaibigan, hindi ko sya papansinin. Isa akong kasambahay ng kilalang fashion designer sa Pilipinas na si Joana Benito. Stay-out ang trabaho ko. Binigyan nya ako ng five days na day-off dahil may business trip sya. Ang saya! "Kapag uuwi kasi ako at yayakapin mo ako, uungot ka sa akin ng utang. Tama ako, di ba?" Nang-uuyam kong sabi sa kanya. Kaya feeling ko minsan, may nanghohold-up sa akin. Noong unang beses nya itong ginawa sa akin, nasiko ko sya sa mukha. Hindi naman sya nagkaroon ng pasa pero naputok ko ang pimples nya sa pisngi. Ngumuso sya. "Oo nga. Mangungutang sana ako." "Magkano?" "Manghihiram sana ako ng five thousand. Wag kang mag-alala, babayaran ko naman eh. Kilala mo naman ako, di ba?" Pakiusap nyang sabi. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Ano?! Five thousand?! Ang laki naman ng hinihiram mong pera." Okay lang sana kung five hundred. Pero five thousand? Pwede ko naman sya pautangin sa hinihingi nyang halaga dahil may pera naman akong naitabi. "Hehe. Sorry naman. May kailangan lang talaga akong paggastusan." Napapakamot sa batok nyang turan. "Tsk! Saan mo ba gagamitin?" "A-ah. Kasi... May concert ang favorite boyband ko next month. Kaya ito, mangungutang ako sayo ng pera. Sige na, Sunny. Pautangin mo na ako. Please. Babayaran naman kita eh. Kailangan ko silang makita." Maluha luha nyang sabi. Kahit hindi ako pilitin ni Nove na pautangin sya, papautangin ko pa rin sya dahil hindi nya ako tatantanan kapag hindi ko sya pinagbigyan. Good payer naman sya kahit papaano. I sighed. "Sige. Pauutangin kita, pero!" Siningkit ko ang aking mga mata. "Samahan mo ako mamaya sa mall." "Okay! No problem! Yon lang pala eh." Saludo ni Nove. Childhood bestfriend ko sya at kapitbahay na rin. Nasa province ang mga magulang at kapatid ko. Lima kaming magkakapatid at ako ang pangalawa sa amin. Ako lang ang maaasahan ng pamilya ko dahil maagang nag-asawa si Ate Rhea. Si Christine Dyan naman, nasa high school palang. May kambal akong mga kapatid na sina Angela at Antoinette na parehong nasa grade four. Medyo may kalakihan naman ang sahod ko at may naiipon na rin ako kahit papaano. Pagpasok ko sa bahay, dumiretso ako sa kama at naupo. Maliit ang bahay na inuupahan ko dahil ako lang naman mag-isa. Tinignan ko ang buong kwarto. Naeexcite akong pumunta mamaya sa mall. Marami na naman akong mabibiling cute na bagay. Sa ngayon, magpapahinga muna ako para may lakas ako mamaya sa pagsho-shopping. VINCENT LEE's POV We're on our way to mall na malapit lang sa bahay. Kasama ko sina Matthew, Nathan at si Spencer na nasa driver's seat. I'm so excited dahil mapupuno na naman ang van namin sa bibilhin ko. Wahahahaha! I love collecting cute stuffs lalong lalo na kapag may color pink ito. Pink is my favorite color. Basta may color pink, bibilhin ko agad. Sabi nila, bakla daw ang nagsusuot ng pink. Hello! Ang tunay na lalaki, nagsusuot ng pink! Yan ang pinaglalaban ko sa buhay. Cute kaya ang color pink. Di ba? Ang mall na pupuntahan namin ngayon ay exclusive lang sa mga artista at mayayamang businessman sa buong pilipinas. Gusto kasi ng may-ari ng mall na ito na makapamili ang mga artista at mga businessman ng walang media sa paligid. It's great na may ganitong mall. Atleast makakapag-shopping ako ng walang media sa paligid. Pagdating namin sa loob ng mall, nagkatinginan kaming apat. "Sa make-up section tayo!" Sigaw ni Nathan. "Hindi. Sa underwear section tayo!" Kontra ni Spencer. "Sa food and beverage section muna tayo! Nagugutom na ako." Hawak sa tyan ni Matthew "Magbato bato pik nalang tayo kung saan ang first destination natin." I suggested. Gusto kasi naming sabay sabay na mag-malling. Walang iwanan. Kaya ang hirap mag-decide kung saang section kami unang pupunta. Si Nathan at Spencer ang unang maglalaban. Isang bagsakan lang. "Bato bato pik!" Spencer - Gunting Nathan - Bato "Yehey!" Nagtatalon sa tuwang sabi ni Nathan. Sunod na maglalaban ay kaming dalawa ni Matthew. Kung sino man ang manalo sa amin, sya ang makakalaban ni Nathan. "Bato bato pik!" Me - Papel Matthew - Bato "Yes!" I laughed while shooing Matthew. "Tsk! Madaya. Dapat ako panalo. Nasisira kaya ng bato ang papel. Try it." Ungot ni Matthew. Inakbayan ko sya. "Wag mo ng ipush yan, bro. Yan ang rules ng bato bato pik. Talo ang bato sa papel." Sinabayan ko pa ng tawa. Ngayon, kaming dalawa naman ni Nathan ang maglalaban. "Bato bato pik!" Nathan - Papel Me - Bato Biglang sumulpot ang mga kamay nina Spencer at Matthew na parang nagpapaulan. Siraulo talaga tong dalawa. Palibhasa talo. "Oh Nathan. Talo ka! Nababasa ang papel sa ulan. Si Vincent ang panalo." Matthew said. Natawa nalang ako sa kalokohan nitong dalawa. Ayaw ni Nathan sa mga ball games pero sa bato bato pik, lumi-legend sya. Our first destination is make-up section. "Miss, may tester kayo or free nitong foundation?" Tanong ni Nathan sa saleslady. "Meron po kaming tester sir pero wala po kaming free." Nakangiting sabi ng saleslady. Nalungkot si Nathan sa narinig. Ewan ko ba sa batang ito. Gustong gusto ang free cosmetics. May pera naman sya. "Eh ikaw Miss. Free ka ba?" Sabat ni Spencer sabay lapit sa babae. Hinila sya ni Matthew palayo sa saleslady. "Miss, pagpasensyahan mo na yong unggoy namin. Ngayon lang kasi namin nailabas sa zoo. Ibabalik din namin sya pagkatapos namin mag-malling." Ani Matthew. Naglibot-libot pa kami sa make-up section hanggang sa may nahanap na si Nathan. "I'm next! Let's go to Blue World! Doon ako maghahanap ng pink!" Tuwa kong sabi. "Hay. Buti nalang hindi natin sinama si Aiden. Baka magwala yon kapag nakakita ng pink." Spencer sighed. Pagpasok namin sa Blue World, ang dami kong nakitang cute stuffs pero hindi ibig sabihin no'n ay bibilhin ko na. Dapat ay color pink ito bago ko bilhin. Naglibot pa ako sa buong store at naagaw nang pansin ko ang isang human sized teddy bear na color... PINK!!! Agad kong pinuntahan ito at nang mahawakan ko na, may kamay din na nakahawak sa teddy bear. Napatingin ako sa taong nakahawak din sa teddy bear. She was looking at me with her mouth slightly opened. She's wearing a pink floral dress with black and pink shoes. Wow! She's cute! "Did you like it, too?" I asked. She nodded. Nakita kong napakagat sya ng labi. "Okay. Take it. Pipili nalang ako ng iba." I smiled and gave her the human sized teddy bear. Marami naman sigurong stock nito kaya ipapaubaya ko na sa kanya. "Wag na. Sayo nalang yan. Ako nalang ang pipili ng iba." She said. Pinipilit nyang ibigay sa akin ang teddy bear pero hindi ko kinukuha. Mukhang ayaw papilit. Tinawag ko ang isang staff na malapit lang sa pwesto namin. "Do you still have stocks like this one with the same color?" "Sorry, sir. This is the last stock that we have. Limited edition po ang teddy bear na ito kaya wala na po kami makuhaan ng new stock na katulad nito." The salesman said. Kakalungkot naman. I was hoping na meron pang stock. I looked at her. She's hugging the teddy bear while looking at me with a sad face. What the? I don't know but I find her so cute with that teddy bear. I want to know her name. I grabbed her arm at dinala sya sa counter area. "I'll buy this human sized teddy bear. Ipangalan mo kay Miss..?" Tinignan ko sya. Kahit na gusto kong bilhin yong teddy bear para sa akin, napag-isipan ko na ibigay nalang sa kanya. Mas cute kasing tignan kapag sya ang may hawak. "Naku! Wag na po. Bibili nalang ako ng iba." Nahihiya nyang sabi. Mas lalo tuloy syang nagiging cute sa paningin ko. "I insist. I find it cute while you're hugging it. So, I'm going to buy it for you. What's your name, cutie?" Tinignan nya ako sa mata. Oh my! Mas cute ang mga mata nya compared kay 'Puss in Boots' na nagpapacute. "Sunny Villa po." "Nice name. Ako ang magbabayad." Baling ko sa staff. Sinimulan ng i-pack ang binili kong teddy bear for her. "T-thank you po." Nahihiyang sabi nya. I smiled and winked at her. "Your welcome, cutie." Nakita kong pinamulahan sya ng pisngi. Bat ganon? Ang cute ng mga babae kapag namumula ang pisngi? After ma-pack ang binili ko for her, inabot ko ito sa kanya. Naramdaman ko pa ang pagdampi ng malambot nyang kamay sa aking mga kamay. "Thank you ulit." I smiled at her. "Take care of it." Tumango sya at may tinawag na babae na kausap sila Spencer. Tinignan ko sya habang paalis ng store. "Are you done, Kuya?" Napapitlag ako ng marinig ko sa aking tabi si Nathan. "Yeah." Sana makita ko ulit sya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.5K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.7K
bc

NINONG II

read
619.8K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.9K
bc

YOU'RE MINE

read
894.2K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
572.9K
bc

SILENCE

read
381.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook