Chapter 2

996 Words
JUNE 30 HINDI KO ALAM kung paano magsimula. Hindi ko maunawaan bakit kailangan nating masaktan samantalang ang tanging ginawa ko lang ay mahalin siya. Oo na, si Helen na naman ang tinutukoy ko. Mahal ko pa rin siya, kahit pinagpalit niya ako sa kapatid ko. Iniisip ko kung magiging okay pa kami ni Evan, dahil para sa akin, dumoble ang sakit sa kaalamang siya ang pinili ni Helen upang ipalit sa akin. Bakit nga ba tayo nasasaktan? That sounds like I am not myself today, but I am hurt and there's nothing I can do but write it down. Boring nga raw ako, eh. Walang hobby amputa. Siguro nasasaktan tayo kasi there's little love invested in the relationship that when a crisis strikes, it boils down to this. Either the love will be lost, or you will fight for your right and multiply the invested love. f**k, man. This week was torture to me. Evan knows my schedule so he knows when to bring Helen over to our house. College life is unpredictable and my brother and my ex weren't prepared when I came home on a hot Wednesday afternoon.  That afternoon wasn't the only time that I would come home not according to my sched. Whenever it happens, both are in his room and I'd just go out and be somewhere else. So last Wednesday, I came home and saw that my family are seated on the dining table and having a merienda whilst everybody is happy and smiles are plastered on their faces and giving hearty laughs. Trumiple iyong sakit. Mga magulang ko na iyon, o. Napako ako sa kinatatayuan ko. Kahit mabigat man sa loob ko, hindi na ako dumiretsong pumasok at isinara ang main door ng dahan-dahan at maingat upang hindi na mapansin ang pagdating ko. Masyado silang occupied sa isa't isa para mapansin pa ang pagdating ko. I was the one unprepared, rather. The next day, Thursday, namimili ako ng noodles sa convenience store sa tapat ng univ nang makita ko si Evan na nakaupo at nag-iisa. Nagkatinginan kami. Para kaming buwan at araw dahil sa physical differences namin. Moreno ako, maputi naman siya. Kulot siya at straight naman ang akin. Ilang pulgada ang taas niya sa akin kahit na siya ang bunso. Siya rin ang nagpapasaya sa pamilya namin habang tagatawa lang ako sa mga jokes niya. Maraming hobby iyon, hindi katulad ko na tamad. Basketball, painting, gitara, at ukulele ang mga hilig niya. Hindi na ako kumuha ng noodles at umupo na lang ako sa harap niya. Diretso akong nakatingin sa kanya. Nanlambot lang ako nang nginitian niya ako.  “Kumusta ka, Kuya?” Pati boses niya ay buhay na buhay.  “Masaya ka ba?” makabuluhang tanong ko.  Malapad na ngiti ang iginanti nito. “Oo, pero sa katunayan niyan, eh,” Bumaba ang tono nito. “Hindi ko alam kung ano ang nakita sa akin ni Helen.” Pasapak nga, bro, isa lang.  “Mapapatawad mo pa ba ako?” walang anu-ano'y tanong niya sa akin.  Huminga ako ng malalim. “Gano'n ba kadali iyon?” Iyon lang ang nasabi ko at umalis na ako sa harap niya. Sa pagtapak ko sa labas ng convenience store ay nakasalubong ko si Helen. Wala akong nagawa kundi tanguan siya habang si Helen ay hindi alam ang sasabihin sa akin. Hindi pa kami agad naghiwalay ng tingin. Kaya sinabi ko na, “Iyong paborito nating t-back mo ay pinangdakot ko na sa tae ni Miry,” sabi ko na ang tinutukoy ko ay ang aso naming pinagtatabuyan na ni papa sa ibang kamag-anak namin. Hinintay kong magising ang tigre sa katauhan ni Helen. “Nakakain ka na ba, Ed?” ani Helen. Tumawa ako. May halong inis, desperasyon, at asar sa sarili ang tawang pinakawalan ko. Alam kong mali itong nararamdaman kong sayang umahon sa dibdib ko. “Tara, samahan mo kaming mag-lunch ni Evan.” anyaya ni Helen. Ngunit nahaluan ng inis ang sayang naramdaman ko. Ikinunot ko ang noo ko. Tipong iritang-irita ako sa narinig ko mula sa kanya.  “Para ano? Pasakitan sarili ko? Strike two na kayo this week, ha. Tanga ko lang kung papayag ako sa iniaalok mo,” sabi ko at binuntutan iyon ni Helen ng tawa.  Nagpumeywang siya sa harap ko. “Bakit, Ed, sumasaya ka ba sa pag-iwas sa nag-iisa mong kapatid? Mag-bestfriends kayo no'n, eh. Isa pa, I don't want you to fall apart from your family. They are all you've got. Hear me now, Ed, kahit hindi na lang ako ang pakisamahan mo, kahit si Evan na lang.” Ito iyong isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Straight to the point. And every bad thing she did doesn't make me love her less and I don't know how to deal with that information. “Pero hindi ako martyr. I'd rather let this wound heal on its time. Don't act like you're helping, because you are not. And for the record, Helen, kapatid ko si Evan at ex-boyfriend mo ako. What's wrong with you?” “I know what's wrong with me. Pumatol ako sa kapatid mo, gano'n kasimple. Eh, ikaw, alam mo ba ang problema mo? No? I was not happy with you, Ed.” “For f**k's sake, we were together for three months!” Tumaas na ang boses ko. “That was supposed to be the easiest and happiest part of our relationship. Wala nang mas puputangina doon!” “Sinagot kita dahil noong nililigawan mo ako ay ibang-iba ka—” Lumabas na ng convenience store si Evan. Pumagitan siya sa amin. “I was watching the whole time. Sapat na sigurong nakapag-usap kayo,” matigas na sabi nito. Ibang-iba si Evan kapag nandyan si Helen. Mukha bang aagawin ko iyong ex ko sa kanya? Hindi ako gano'ng tao. Hindi ko aagawin ang hindi akin.  “Yeah, well, bye,” paalam ko. Ukinam na krisis 'to. Ang dami na ngang nawala, nagmu-multiply pa rin iyong pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD