Chapter 1

3033 Words
Julie Pearl POV "Kamusta? May progress na ba sa pinapagawa ko sayo?" nakahiga ako ngayon sa sofa dito sa opisina ni Sir Roland. Halos dalawang linggo na akong nagmamamanman pero wala pa rin akong malaman laman so kung sino ang kinakasama nito. "May nalaman kana ba tungkol sa pinapagawa ko? Julie galingan mo sa trabaho mo kung ayaw mong mahagis kita mula dito papunta sa labas." napabalikwas naman ako ng bangon at masamang tumingin sa tito ko. "Bakit ko nga ba ulit ginagawa to?" tanong ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay na para bang sinasabi niya sa akin na alam ko na ang sagot sa tanong ko. "Aishh! Pesteng Ash Vladimir na yan bakit ba ang galing-galing niyang mag tago!" nakasimangot kung sabi bago tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong ni Sir Roland sa akin. "Aalis na muna ako Sir Roland. May irereport ako ngayon tungkol sa isang d**g p****r na namatay sa buy bus operation." sagot ko bago umalis. Hindi lang naman siya ang trabaho ko pero masyado kung inatupag ang pagmanman ko sa kanya. Naalala ko pa ng pakiusapan ko si Josh na doon muna ako sa condon nito pero ang nangyari labas pasok ako lang ang ginawa ko. Dalawang araw din akong namalagi sa condo ni Josh pero wala namang malisya iyon dahil nga mabait na tao si Josh. Ang nakakainis lang wala man lang nangyari. Naalala ko ulit tuloy kung paano ako napakaripas ng takbo papunta sa pintuan ng condo ni Josh ng makita kong papalabas ng elevator si Ash. FLASHBACK "Hindi ka ba talaga papasok? Kanina kapa dyan." tanong sa akin ni Josh dahil nag-aabang na naman ako sa labas ng condo nito. Marahan naman akong umiling sa kanya. "Hindi na muna, pasok kana mamaya-maya papasok na din ako." nakangiti ko pang tungon napipilitan naman itong napatango pero hindi na niya ako tinanong pa. Nang makapasok si Josh sa loob ay naglakad-lakad ako pabalik-balik sa hallway. Hindi ko alam kung nakailang balik na ako ng tumunog ang elevator sakto na napaharap ako doon. Parang nag slow motion ang pagbukas ng elevator at mukha ni Ash ang nakita ko. Dahil sa gulat ng makita ko si Ash Vladimir ay nagmamadali akong tumakbo papunta sa condo ni Josh. "Ano nga ba ulit password?" nanginginig kung tinipa ng mabilis ang birthday ni Josh. Nagdiwang naman ang buo kung sistema ng mag bukas ito ng papasok naman ako ay biglang naiwan ang tsinelas ko. "Malas." dahan dahan akong napatingin sa gawi ni Ash at nakakunot ang noo niya sa akin. Mabilis pa sa alas kwarto na sinipa ko ang tsinelas ko papasok sa loob at walang sabi sabing isinara ko ang pintuan ng condo ni Josh. Bakit ba ako tumakbo? Aishhh nakakahiyaaa! End of flashback Nang makalabas ako ay padabong akong naglakad na parang bata. Masama din ang awra ko kaya napapatingin sa akin ang iba kong mga katrabaho.  Paano 'di sasama ang awra ko naalala ko na naman ang nangyari huhu. Idagdag mo pa na napressure ako kay sir Roland. Walang nakakaalam na uncle ko si Sir Roland dahil mas pinili namin na ilihim iyon. Hindi din maganda sa reputasyon niya ang mga nangyari sa buhay namin. Kapatid niya ang papa ko matagal na simula ng mag-asawa ito at naging isang chef director dito sa PBC News. (Philippine Broadcast Company) May isang hostage daw na nangyari sa Makati Bank kaya kailangan namin pumunta doon at kumuha ng impormation. Agad naman kaming nagtungo doon ni Mang Neo para kumuha ng balita tungkol sa nangyaring hostage. "Mang Neo galingan po natin!" nailing naman sa akin si Mang Neo dahil sa lakas ng positive vibes ko. "Wag ka lang gagawa ng ikakapahamak mo...na naman." bilin niya sa akin napa pogi sign naman ako sa kanya. "Pomopogi tayo ngayon Mang Neo ahh." kinindatan ko pa siya mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin dahil sinamaan niya ako ng tingin. "Ikaw na bata ka sa oras na mapahamak ka lagot tayong pareho!" tinapik ko naman ang balikat ni Mang Neo at inayos ko ang uniporme ko bago bumaba ng van. Si Mang Neo ang camera man ko simula ng mag-umpisa akong sumabak sa news report. Hinayaan ko na munang mag set up si Mang Neo habang ako naman ay nagtanong tanong ng mga impormation tungkol sa hostage na naganap saktong pagkatapos kong mag tanong ay handa si Mang Neo. "Ok ready na tayo." tumayo ako ng tuwid at diretsyong tumingin sa camera. Nagbilang naman si Mang Neo ng tatlong beses gamit ang kamay nito. Nang natapos na ito ay nagsalita na ako. "Nandito tayo ngayon sa Makati Bank kung saan nagaganap ang hostage. Nag-umpisa ang hostage na naganap dahil sa isang lalaking armado na bigla na lang pumasok sa bangko. Inaalam pa ng mga autoridad kung pang nanakaw lang ba ang motibo dahil may binaril ang suspect patuloy pa ring ginagawa ng mga autoridad ang lahat para macorner ang suspect. Abangang niyo ang susunod naming balita sa pagbabalik ng PBC news. Ako si Julie Pearl Bucsit para sa nagbabagang balita." Agad namang ibinaba ni Mang Neo ang camera at nagpatuloy kami sa pag-aabang ng mangyayari. "Sir pinapasabi ng suspect na kailangan niya daw ng sasakyan para makaalis kapalit ng mga taong hostage niya. Sinabi din niya na kailangan niya ng isang reporter dahil may sasabihin itong importante sa media." "Sige maghanda kayo ng kotse mas importante ngayon ay ilabas na muna natin ang mga hostage bago huliin ang suspect. Magtanong ka din sa mga reporter kung sinong may gustong pumasok sa loob." dahil sa narinig ko ay agad akong nagtungo sa police chief na naka-assign sa kaso. "Sir ako po gusto ko pong pumasok sa loob." agad kong prisinta sa kanila. Ito na ang pagkakataon namin para makuhanan ng mga nangyari lalo na makikita din namin kung maayos lang ba ang mga hostage. Tinignan naman ako ng police chief mula ulo hanggang paa. "Sigurado kaba iha? Mapanganib sa loob." agad naman akong tumango sa gusto nito. "Opo siguradong sigurado ako!" determinado kong sabi sa kanila. Tumingin naman ako kay Mang Neo na ngayon ay napapailing na lang sa akin dahil sa kalokohan ko. Hindi lang sermon ang maabot ko sa bahay pati na rin kay Tito Roland dahil sa ginawa ko. Pero ito ang trabaho ko ang magbigay ng balita sa buong mundo. Wala din naman akong nobyo na mag-aalala sa akin kaya ok lang. Nasingit ko pa ang nobyo sa kalagitaan ng trabaho ko talaga lang ah Julie? "Sir ito na po ang susi ng kotse." inabot naman iyong ng chief at tumingin sa akin. Pinagsuot nila ako ng life vest ganon din si Mang Neo na nakakailang buntong hininga na dahil sa desisyon na ginawa ko ng walang hinihinging opinyon niya. Nagpapasalamat nga ako dahil naiintindihan din at nauunawaan ako ni Mang Neo. Kahit ata bunutin ko na ang nag-iisa nitong buhok ay hindi pa rin niya magawang magalit sa akin. "Ako ang kinakabahan sa pinag-gagawa mong bata ka." bulong sa akin ni Mang Neo. Habang pakamot-kamot pa sa ulo nitong wala namang buhok imposible naman na magkakuto si Mang Neo kasi nga kalbo siya. "Wag kang mag-alala Mang Neo ako ang bahala sayo saka may alam naman akong ninja moves kaya wag kang mag-alala." pagpapalakas ko ng loob niya. "Sinasabihan mo talaga akong wag mag-alala sa lagay na to? Sabi na ngang armado pero sige ka pa rin ng sige ano ka si super woman na hindi tinatablan ng bala?" bahid ang pag-aalala sa boses niya kaya tinapik ko ito sa balikat at ngumiti lang sa kanya. "Chill ka lang Mang Neo kaya natin to!" Nang handa na kami ay inabot na sa akin ang susi ng kotse nasa harapan na din ng bangko ang kotse at susi na lang ang kulang. Hindi kasi pumayag ang suspect na pulis ang magdala nun. "Tara na!" tinapik ko ulit sa balikat si Mang Neo bago naglakad papalapit sa bangko. May mga pulis na nakapaligid sa buong paligid at nakatutok lang ng b***l nila sa bangko. Habang naglalakad kami ni Mang Neo ay kumukuha na din ito ng video. Huminto lang ako sa paglalakad ng nasa tapat na ako ng pintuan ng bangko. "Ako si Julie Pearl Bucsit isang news reporter hawak hawak ko ang susi ng kotseng pinakuha mo!" sigaw ko mula sa labas. "Pumasok ka ng dahan dahan!" kagaya ng sinabi nito ay dahan dahan kong binuksan ang glass door ng bangko at dahan dahan din kaming pumasok ni Mang Neo. Nakataas ang dalawa kong kamay habang nasa kanan ko ang susi. "Itapon mo sa akin yung susi!" sigaw niya sa akin. May hawak hawak siyang batang babae at nakatutok sa kanya ang b***l na hawak nito. Pinalibot ko ang tingin ko sa buong paligid at nakita ko kaliwang bahagi ang isang lalaki na may tama sa binti. "Kamusta ang lagay ng lalaking yun?" tinuro ko ang lalaking may tama sa binti. "Mabubuhay pa yan daplis lang ang ginawa ko sa kanya. Ngayon ibato mo sa akin yung susi!" tinulak niya ang batang babaeng hawak nito paharap sa likod ng ulo naman niya itinutok ang b***l sa bata. Kitang kita ko sa mga mata ng bata ang takot kaya naman ibinato ko sa kanya ang hawak kong susi. "Pakawalan mo yung bata!" ani ko sa kanya pero nanatiling nakatutok ang b***l sa bata. "Napapanood ba ako ngayon sa news?!" tanong niya kay Mang Neo. Tumango naman si Mang Neo sa sinabi nito. "Mabuti kung ganon... Sa asawa kong ipinagpalit ako sa ibang lalaki para sabihin ko sayo ako ang pumatay sa kanya. Oo pinatay ko siya! Hindi ka na ba nakontento sa akin at naghanap kapa ng iba? Pera? Madami na akong pera ngayon kaya bumalik kana sa akin!" sabi nito sa camera. Hindi ko napigilang tumawa dahil sa sinabi nito. "Pftt sorry hindi ko lang napigilang tumawa." senenyasan ko siyang magpatuloy na sa sasabihin nito. "Mahal na mahal kita sa kabila ng ginawa mo sa aking panloloko gusto pa rin kitang makasama. Kaya bumalik kana sa akin hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko." Tinuptop ko ang bibig ko dahil sa kumakawalang tawa pero hindi ko iyon napigilan at tumawa ako ng malakas. "Anong tinatawa-tawa mo dyan ha?!" galit niyang sigaw  sa'kin. Itinuro ko naman ang sarili ko. "Ako? Ahhh simpre ikaw ang tinatawanan ko. Alam mo hindi bagay sayo ang magmakaawa. Kung iniwan ka ng asawa mo sa ibang lalaki edi hayaan mo hindi naman ikaw yung nawalan dahil siya ang nawalan. Ginagawa mo to dahil sa asawa mong iniwan ka? Sa tingin mo babalik pa siya sayo matapos ng ginawa mong to? Nakasakit ka ng ibang tao na hindi naman dapat nasali sa problema mo. Yung inosenteng batang yan may mga magulang na nag-aalala sa kanya kaya pakawalan mo na yang batang yan dahil wala siyang ginawa sayo." "Sino ka para sabihan ako ng mga bagay na hindi ko dapat gawin?!" sigaw niya sa akin. Nagkibit balikat naman ako sa kanya. "Suggestion ko ko lang naman yun." naglakad ako papalapit sa kanya at nakangising tumingin sa kanya. "Dapat kung gagawa ka ng desisyon sana naman yung makakabuti sayo hindi yung mas lalong nakakasama para sayo." itinutok niya sa akin ang b***l na hawak nito kaya napataas ako ng kamay dahil sa ginawa niya. Isang maling galaw ko lang sabog na ang utak ko. "Dyan ka lang wag kang lalapit!" tumingin naman ako sa batang nakatayo pa rin sa kinatatayuan niya. Sinenyasan ko siyang umalis na kaya naman dali-dali itong umalis sa kinatatayuan niya. Huli na nang mapansin ng suspect ang bata. Mabilis kong sinipa ang hawak hawak nitong b***l at tumilapon ito sa kung saan. Tumalon naman ako paikot para masipa ko sa mukha ang suspect. Agad itong natumba dahil nawalan ito ng malay siniguro ko kasing napaikot ng konti ang leeg nito sapat para mawalan ng malay ang suspect. "Sa kulungan ka na lang mag makaawa." yumuko pa ako para tapikin ang mukha ng suspect. Kahit papaano nakakaawa pa rin ang sinapit niya masakit naman talaga ang maiwan at ipagpalit sa iba pero masama pa rin ang ginawa nito. "Tara na Mang Neo!" nakangiti kong sabi kay Mang Neo bago lumabas ng bangko. Nagsialisan na din lahat ng hostage sa bangko. "Sumasakit ang ulo ko sayo Julie ano na lang sasabihin ko kay sir Roland ngayon?" iritadong sabi sa akin ni Mang Neo. "Kayo na po ang bahala tumawag na lang din po kayo ng ibang reporter na kasama niyo dito para mainterview yung mga biktima. Ahh paki cut na lang yung scene na sinipa ko siya da mukha pati na rin yung pagsipa ko sa b***l. May dadaluhin pala akong party ngayon kailangan ko pang mag-ayos." kumindat pa ako kay Mang Neo bago pumara ng taxi sa hindi kalayuan. Walang paa-paalam na umalis ako sa Makati Bank at nagtungo muna ako sa bahay namin para mag-ayos muntik ko ng makalimutan na dadalo pala ako sa party. Party iyon para sa naging succesful na movie ni Ash Vladimir. "Bakit ganyan ang suot moo! May boyfriend kana ba at ganyan ang suot mo?" tinuro pa ako ni tatay mula ulo hanggang paa. Nakasuot kasi ako ng isang black backless dress na sinadya ko pa talagang bilhin. "Wag kang oa tay may dadaluhin lang ako party eh." umikot naman ako sa harapan niya at tinaas baba ko pa ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "Maganda ba ang anak niyo?" tanong ko sa kanya. Hinawakan naman niya ang baba niya na animo'y sinusuri ako. "Hmm ok na din nagmukha kang tao." napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga itong tatay ko napaka ewan. "Oo na alam kong maganda ako tay ah... thank you sa pagsabing maganda ako." sarkastikong sabi ko sa kanya. "Gagabihin po ako ngayon kaya wag niyo na po akong hintayin na makauwi. Aalis na ako mahirap ng malate baka may makaligtaan ako." paalam ko kay tatay pero pinigilan ako ni nanay. "Bakit?" takang tanong ko dahil hinarangan niya ako. "Wala kang suot na make-up," inilabas niya ang red lipstick sa bulsa nito at nilagyan ang labi ko. "Kung may date ka dapat mag lipstick ka tama yang ginagawa mo habang maaga pa dapat makipagdate kana ayokong tumanda kang dalaga." Napangiti naman ako sa ginawa ni Nanay. Nang matapos siya ay nagpasalamat at nagpaalam na ako sa kanila. "Sige na po mauuna na ako." Naglakad na ako papalabas ng bahay pero sinundan ako ni Tatay sa labas tinawag pa niya ako pero hindi ko siya pinansin "Mag-iingat ka ahh! Ang pangit ng likod mo dapat tinatago mo yann!" sigaw pa niya sa akin pero kinawayan ko lang siya habang nakatalikod. Buti na lang at hiniram ko ang kotse ni Tito Roland simpre alam niya na pupunta ako ngayon sa party kaya kailangan niya din akong tulungan. Agad akong sumakay sa kotse binagtas ko ang daan papunta sa sikat na hotel dito din sa makati kung saan dadaluhin ang party. Gumawa din ng paraan si Tito Roland para makakuha ako ng invitation buti na lang at madami itong connection kaya nakakuha ako. "Where's your invitation ma'am?" tanong sa akin ng receptionist ng makadating ako sa hotel. Kinuha ko naman sa sling bag ko ang invitation ko. "Here." inabot ko iyon sa kanya ng nakangiti. "Thank you ma'am, enjoy the party." ngiti lang ang tinugon ko sa kanya iginiya pa ako ng isang staff papunta sa reception. Ipinalibot ko ang buong tingin ko sa paligid at halos wala akong mamataan na reporter dahil hindi pumayag si Ash na may makapasok na reporter sa loob. In fact nakita ko pa ang ibang tv reporters na nag-aabang sa labas ng hotel. "Good evening ladies ang gentlemen, I would like to thank you for coming here tonight. So we engaged this party to celebrate the successful movie of Ash Vladimir. Before let's  start the party, Let us welcome Ash Vladimir to take a short speech here in stage... let's give him a round of applause." Nagpalakpakan naman ang mga bisita ng umakyat na sa stage si Ash. Punong puno ito ng confidence sa sarili na ikinairita ko. Ewan ko ba pero umiinit ang dugo ko sa kanya. Nagbigay naman ito ng maikling speech pagkatapos nun ay bigla na lang itong nawala sa kalagitnaan ng party. Lahat ng dumalo sa party ay hinahanap siya. "Asaan na ba si Ash?" "Nakita mo na ba si Ash?" "Umalis na ba siya?" yun ang bulong bulungan ang narinig ko. Halos isang oras akong nakatayo at sumasakit na din ang paa ko dahil nakaheels ako ngayon. "Saan ba kasi nag punta ang lalaking yun?!" inis kong anas sa sarili ko at napagpasyahan ko na hanapin ito. Nagtungo ako sa banyo at kung saan-saan na ako napadpad pumunta din ako sa garden pero hindi ko siya mahanap. "Maka-alis na nga dito!" naglakad na ako papabalik sa reception ng madaan ko ang storage room. Wala sana akong balak huminto ng may marinig akong nag-uusap. "I told you to break up with him! Kung kailangang mag divorce kayo gawin mo!" dahan dahan akong lumapit sa storage room at bahagyang nakaawang ang pintuan nito. Nakita ko naman si Ash na may kausap na babae pero hindi ko maaninag ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito mula sa akin. "Hindi yun madali Ash... please intindihin mo naman ako oh. Bigyan mo pa ako ng konting panahon para makipaghiwalay sa kanya." hinawakan pa ng babae ang kamay ni Ash pero tinabig niya iyon. "Ilang taon na tayo pero yan pa rin ang lagi kong naririnig sayo! Bibigyan kita ng isang araw para makipaghiwalay sa kanya kung hindi mo yun gagawin aamin ako sa kanya na may relasyon tayo." Bahagyang tumagilid ang babae dahilan para mamukhaan ko ito. "Mazy Swiss." natuptop ko ang bibig ko at napasandal ako sa pader dahil sa nakita ko. May relasyon silang dalawa? Muli akong sumilip sa pintuan pero hindi ko namalayan na nasagi ko ang isang map na nakalagay sa gilid. Lumikha iyong ng malakas na tunog dahilan para mapapikit ako ng mariin. Lagot na!! "Sinong nandyan?!" sigaw ni Ash. Dali-dali naman akong tumakbo papaalis sa takot na mahuli ako. Pero bago pa ako nakalayo ng husto ay narinig ko pa ang sigaw ni Ash. Mamaya ko na iisipin ang relasyon nilang dalawa ang mahalaga makatakas ako ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD