bc

Ang Manliligaw Kong Bully Book II

book_age18+
219
FOLLOW
1K
READ
forbidden
pregnant
LGBT+ Writing Contest
LGBT+ ประกวดงานเขียน
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
campus
betrayal
mxm
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Ang ikalawang libro ng Ang Manliligaw Kong Bully

Ang ikalawang libro ng Ang Manliligaw Kong Bully

Ang ikalawang libro ng Ang Manliligaw Kong Bully

chap-preview
Free preview
Chapter I
Chapter I Chriden Miguel Point of View Ang bilis dumaan ng panahon. Ilang buwan narin ang lumipas simula ng maging kami ni Francisco. Ang saya nga eh. Palagi siyang napunta sa bahay at ganun din ako sa kanila. Open ang family namin sa isa't isa. Ang saya. Kagagaling lang namin last week sa Bicol. Dinalaw namin si Lolo. Ang dami nga namin napagkwentuhan eh. Sinama pa kami ni Lolo sa iba't ibang farm na meron siya. Wiling wili si Lolo sa ganoong pamumuhay. Di ko pa nga nakakalimutan ang nga nagawa ni Lolo dati - humingi rin ako sa kanya ng paumangin dahil sa mga nasabi ko laban sa kanya dati. Hindi ko naman kasi ineexpect na ganoon ang balak niya samin ni Francisco. Bakasyon na ngayon. Nakagraduate na nga pala si Francisco pati ang mga kaibigan niya. Si Jerome sumama sa ate niya sa ibang bansa. Balak yata niyang doon magtrabaho. Sila Kerby naman ay nasa Manila kasama ang ibang kaibigan niyang sila Allen. Naisip kasi nilang magtayo ng isang bar at share share sila. Si Lloyd? Ilang araw pagkatapos nung pangyayari samin ni Francisco dati ay napagpasyahan niyang pumunta sa Baguio. Wala daw kasing namamahala ng bahay nila doon bukod sa Tita niyang may sakin. Kailangan daw na siya muna ang mamahala kasi may business din sila doon. Ako naman Third Year na ako ngayong darating na pasukan. Pero ayoko munang isipin yun. Isa't kalahating buwan pa naman bago ang pasukan. Kailangan ienjoy ko muna ang bakasyon. "Nei ang tagal mo naman diyan. Bilisan mo na at naiinip na si Chrien" Kahit kailan talaga mainipin si Francisco. Ayu hindi ko nga pala nasabi sanyo na nandito kami ngayon sa bahay namin. Nagbibihis ako kasi nagyakag maggala ang nakababata kong kapatid. Grade 1 n si Chrien pagpasok. Ang bilis noh? Mas makulit na nga nagyon eh. Mas naging malapit silang dalawa ni Francisco. Ini-spoiled kasi. Lahat ng gusto ibinibigay kaya eto nasanay si Chrien at kung saan saan nanaman nagyayakag. Nei? Ah.. Ewan ko. Bigla nalang namin naging tawagan sa isa't isa. Saan nakuha yung Nei? Sa HoNEY daw. Pinalitan lang ng I ung Y, kaya Nei as in Ney talaga ang basa. Tagalog na tagalog. Astig nu? "Aba kung nagmamadali kayong dalawang ugok ay mauna na kayo! Naghahanap pa ako ng susuotin eh!" Sagot ko. "Inihanda ko na ang damit mo. Nasa kama. Huwag kang magshort! Magskinny ka nalang!" Ganting sigaw naman ni Francisco. Tiningnan ko ang shirt na nasa patong sa kama. Takte! Hindi na yata kasya sakin ito eh! Tumaba na kasi ako ng kaunti dahil sa araw araw na pagpapakain sakin ni Francisco. Sinuot ko iyon. Ayos. Hindi pa masyadong masikip. Panakto lang. Suot ko ngayon ang superman na yellow na pinasuot niya sakin dati. "Kuya ayoko na sa enchanted" biglang sabi ni Chrien habang nasa kotse kami. Beh oo naman kapatid! Hindi ka ba nagsasawa don? Wow! Lakas makayaman ah! Dejokelang. Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan ko ay hindi kami makakapunta ng kapatid ko dun. Ang mahal kaya dun taz hindi mo naman masasakyan lahat ng rides. Ang haba ng pila! "Saan mo gusto pumunta bunso?" Magiliw na tanong naman ni Francisco. Ayan! Diba? Spoiled! "Sa starcity naman Kuya Paul!" Masayang sagot ni Chrien. Hindi na ako nagsalita pa. Wala rin naman akong magagawa kapag itong dalawang ito ang nagkasundo. Ilang oras din ang lumipas ng marating namin ang starcity. Kahit pala weekdays ay marami rin ang napunta dito. "Nei eto oh idagdag mo sa pambi-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung tiningnan niya ako ng hindi maganda. Alam ko na ang ibig niyang iparating. Madalas kasi kami magtalo pagdating sa ganitong bagay. Ayaw ko naman kasi na palagi nalang siya ang nagastos. Nakakahiya yung ganon. Di naman porket mayaman siya ay palaging siya nalang ang taya. Palagi niya ngang sinasabi sakin na siya daw ang lalake kaya dapat lang siya lahat. Wow! Eh ano ako? Elyen? Saan ako nahahanay? Sa unidentified. Haaay. Lakas talaga ng sapak ng boyfriend ko no? Naglakad na kami papasok sa loob. Hawak niya sa kanyang kaliwang kamay si Chrien at ang kanang kamay naman niya ay nakaakbay sakin. (kiligmats! Over) hahaha! Pinagtitinginan nga kami ng mga nakakasalubong namin eh. Ito namang taong kasama ko ay parang walang pakialam sa mga nakakasalubong. Kapal din ng peslak nu? "Kuya tara dun tayo!" Turo ni Chrien sa Peterpan's World. Pumasok kami. Ang ganda. Bumabalik tuloy ako sa pagkabata ko. Kumpleto ang mga characters ng peterpan. Nauuna si Chrien sa paglalakad kasunod naman kaming dalawa ni Francisco. Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Francisco ang kamay ko habang patuloy kami sa paglalakad. Nakakakilig. Sana palagi kaming ganito. Ang saya saya ko. Hindi ako nagkamali ng taong minahal. Salamat Lord at salamat kay Lolo. Matapos namin dun ay isinunod naman namin ang iba pang tinuturo ni Chrien. "Kain muna tayo" yaya ni Francisco. Kaya eto ngayon kami sa tabi ng isang malaking falls dito sa loob ng starcity. "Nei ako na oorder" prisinta ko. Alam niyo na baka sumpungin nanaman itong abnormal na ito. Pumili na ako. Iniwan ko na sila sa table habang naglalaro ng psp. Naruto shippuden. Paborito namin yun. Habang nakapila ako ay napansin kong may tatlong lalaki ang papunta sa pinipilahan ko. Nagkukwentuhan yung dalawa at ang isa naman ay biglang napatigil nung aktong nasa harapan ko na. Nakatitig lang siya sakin. Hindi niya inaalis ang pagkakatingin niya sakin. "Kuya bakit?" Untag ko sa kanya pero wala akong narinig na kahit na anong sagot mula sa kanya. Hindi siya naalis sa harapan ko. Naramdaman ko nalang na biglang umakbay sa balikat ko. "Nei, anong problema dito?" Biglang sulpot ni Francisco habang nakaakbay sakin. Teka? Ano nga bang problema dito? May problema ba? "Ah..Eh wala. Pipila rin yata sila.." Sagot ko sa kanya. Ano nga ba nangyayari sa lalaking nasa harapan namin? Parang nakakita siya ng hindi niya maipaliwanag ah! "Tol tara na! Nagugutom na ako!" Rinig kong sabi nung kasama niya sabay tapik sa balikat. Biglang bumalik sa katunuan yung lalaki at kaaga narin silang pumila sa likuran namin ni Francisco. "Lakad na do-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng mapansin ko ang suot ni Francisco. Napatitig talaga ako. Kailangan ko bang kiligin? Ayieeee! Tawiwit! Suot din niya yung superman na yellow na sando. Kilig ulit ako. Ayieeee! Couple shirt. "Oy! Kanina ka pa tinatanong kung ano order mo!?" Biglang sabi ni Francisco na nakapagpabalik sakin sa katinuan. Langyang to ah! Lakas makabasag ng trip! Kinikilig pa ako eh! Matapos naming umorder ay bumalik na kami sa table para makakain na agad. Mukhang marami pang balak puntahan itong kapatid ko eh. Dami kasi niyang nakita kanina habang papunta kami dito sa foodcourt. May mga rides kaming hindi nasakyan. Nakakatakot kasi yung iba. Takte! Tingnan ko palang ay parang susuka na ako. Kaya eto kami ngayon. Pinapanuod namin ang nagmamagic. Ang gagaling nga nila ee. Lalo na yung parang maliit caterpillar na paikot ikot sa baso na parang kinokontrol nung lalaking nagtitricks. Sumunod naman yung pitaka na kapag binuksan ay may apoy na nalalabas. Abnormal lang ang may gusto nun! Humanga rin ako dun sa card tricks. Binalasa ng ilang ulit nung lalaki tapos paglapag ay naging puro number seven ang cards. Ang galing nu! "Nei, huwag ka magpaloko sa simpleng bagay. May daya yan!" Biglang sabi ni Francisco habang manghang mangha ako sa ginagawa ng lalaki sa harapan namin. Takte to! Basag trip nanaman! Ang galing nga eh! Parang gusto ko tuloy bumili nun tapos mamagikin ko si Sheryl! Hahaha! Naiimagine ko na agad ang pagmumukha ng hayop na yun. Miss ko na si Sheryl. Matapos yun ay nagpaikot ikot pa kami sa loob ng starcity. Ang daming tao. Ang saya. Hanggang sa mapadaan kami sa isang stall na puro stufftoys. Ong gondo!!!! "Kuya pasok tayo sa loob!" Yaya ni Chrien kay Paul. Aba! Chrien ako ang kuya at kapatid mo! Ako ang yayain mo! Garabe ka ah! Kinakalimutan mo na agad ako! Pumasok kami sa loob at s**t! Ang gaganda! May mga malalaking bear at maliliit. Ang cute! Napukaw ang tingin ko sa isang malaking teddy bear na nakaupo sa isang upuan ng stall. Nilapitan ko iyon. Pinisil pisil ko iyon at niyapos yapos. Ang gandaaaa! Ang sarap katabi nito sa kama. Kama? Takte! Bigla akong may naalala! Naramdaman kong medyo nagiinit ang mukha. s**t! Ayoko muna maalala yon! Huwag muna. "Oh bat namumula mukha mo?" Sita sakin ni Francisco habang may hawak na teddy bear. "Ah.. Wala.. May naalala lang ako bigla..." Sagot ko sa kanya sabay iwas tingin. Takte namang tao to oh! Siya kaya ang dahilan kung bakit namumula ako! (Ang hot mo kase!) hahaha! Sa isip ko lang yan - baka kasi kung ano nanaman ang maisipang gawin ni Francisco mamaya. Binayaran ni Francisco yung hawak niyang teddy bear at inabot sa kapatid ko. Buti pa kapatid ko binigyan niya ng bear. Nakakaselos ah! "Nei hawakan mo muna tong paperbag" sabi niya sakin pagkatapos ay binuhat niya yung malaking teddy bear na kanina lang ay hawak hawak ko. "Tara na! Baka matrapik pa tayo sa daan" muling sabi niya habang dala dala ang malaking teddy bear. Den pigilan ang kilig. Mamaya na. Sa bahay na. Huwag masyadong obvious. Ayieeeeee! Sa likod inilagay ni Francisco ang malaking teddy bear. Pahiga. Kami naman ni Chrien ay nasa unahan. . . "Hindi ka ba muna papasok sa loob nei!" Tanong ko sa kanya habang nasa harapan kami ng pintuan ng bahay namin. "Hindi na. Kailangan ko na umuwe eh. May pag-uusapan daw kami ni Ate" -Francisco. "Ayy teka..." Dugtong niya at mabilis inabot sakin ang paperbag na pinahawak niya sakin kanina. "Ano to?" Takang tanong ko. "Paperbag" sagot niya. Takte! Alam kong paperbag toh! Ibig kong sabihin ano ang laman nito! Jusko naman! "Dejokelang. Nakasave na number ko diyan. Speed dial 1." Nakangiting sabi niya sakin. Nilapitan niya ako. "Uwe na ako. Balik ako bukas. Sabay tayo maglunch" sabi niya habang nakayapos sakin. Mabilis din niyang tinanggal ang pagkakayapos sakin at nagsimula na maglakad palabas. "Nei..." Tawag ko sa kanya. Agad naman siyang humarap ulit sakin. Mabilis akong lumakad papunta sa kanya at hinalikan ko siya sa labi. "Mahal na mahal kita..." Sabi ko sa kanya matapos maghiwalay ng mga labi namin. "Alam ko naman yun - mahal na mahal rin kita Nei" sagot naman niya sakin at ginangihan niya ako ng halik. "Uuwe na ako Nei... Baka hindi ako makapagpigil at dito pa ako matulog sa kwarto mo..." Pang-aakit niya. "Ayy! Lakad na Nei! May pag-uusapan pa kayo ni Ate Taniya. Ingat!" Sabi ko habang tinutulak ko siya palabas. Naku! Pagnagkataon mauulit nanaman yun! Whaaaaaaa! Nakakahiya! "Wala ka na dapat ikahiya Nei... May nangya-" "Ingat! See you tomorrow Nei! Pakisabi kina Mama kinakamusta ko sila" nakangiting sabi ko sa kanya. Nginitian lang ako ni Francisco. Ayaw ko kasing pag-usapan yung nangyari. Nahihiya kasi ako. First time ko kaya yun kaya... Whaaaaaaah! Ayoko na muna maalala! Pagkatapos kong marinig ang pagbusina ng sasakyan niya ay bumalik na ako sa bahay at pinasok ko na sa loob ng kwarto ko ang malaking teddy bear. Inihiga ko yun sa kama ko habang binubuksan ko ang laman ng paperbag. Cellphone. IP5s. Wallpaper ang picture namin nagkikiss habang nakaupo kami sa buhangin at sunset nun. Perfect yung view. Nagpakuha pa talaga kami nun sa photographer para maayos ang pagkakakuha. Mamaya ko nalang tatawagan si Francisco. Sigurado ako nagdadrive pa yun. Kinalikot ko muna ang bagong cellphone ko. Binuksan ko ang sss acct ko. Tangna! Puro mukha ni Sheryl ang nakikita ko! Puro talaga kalokohan! Pati ba naman natutulog na pusa sa kalye pinopost niya? Kakaiba! May caption pa na "My Bestfriend" oh diba? May sayad! Bestfriend niya pusa!? Lumipas ang isang oras ay tumunog ang cellphone ko. Text galing kay Francisco. Nei, bukas na tayo mag-usap. May pag-uusapan kasi kami nila Ate. Magpahinga ka na. Labyu Nei" Nireplyan ko siya. Sinabi kong okay lang kahit bukas na kami mag-usap. Maghapon narin naman kami magkasama kaya ayos lang iyon. Ang bilis lumipas ng araw. Pasukan na agad. Enrolment. Third year na ako. Di na nga ako makapag-intay na maggraduate ako eh. Okay lang. Masaya naman ang naging bakasyon ko. Palagi kaming magkasama ni Francisco. Palagi siyang napunta dito sa bahay. Ang diba? Lahat ng hindi magandang nangyari dati ay may maganda palang kapalit. Kaso, may sinabi sakin si Francisco. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako o malulungkot. Flashback (Last week sa Island Cove) Ewan ko ba dito kay Francisco. Pwede naman kaming sa bahay nalang mag-dinner. Dito pa naisipan sa fishing village. Kaming dalawa lang. Hindi ko na kasi pinasama si Chrien baka kung saan nanaman maisipan magyakag. Inihain na ng waiter ang mga order na pagkain ni Francisco. Haaay.. Umorder ng alimasag pero hindi naman marunong kumain nun! Alam ko na mamgyayari, ako maghihimay para sa kanya. Lagi naman kasi ganun nangyayari ee. Abnormal talaga. Sweet? De no! Pahirap kamo! Habang nakain kami ay biglang tumugtog ang mga musician. Hawak ang mga simpleng instrumento, di ko alam yung tawag basta may ubod laking gitara at may mga maliliit rin. Tapos yung maliit na organ. Astig nga eh! Gusto ko nun! Nagsimula na silang tumugtog. We've only just begun ang kanilang sinisipra sa kanilang instrumento. Ang galing. Mas lalong naging romantic ang scenario naming dalawa ni Francisco. Biglang huminto sa pagkain si Francisco. Dahan-dahan tumayo. Papunta sakin. Nakangiti siya sa harap ko habang inaantay niyang ipaubaya ko sa kanya ang kamay ko. Takte! Nakakakilig to! Pero langya! Hindi na nahiya! "Nei naka-" Wala na akong nagawa. Naramdaman ko nalang na sumasabay na ang katawan namin sa kanta. Dahan-dahan kaming sumasayaw at sinasabayan ang magandang musika. Nakapulupot ang dalawang kamay ko sa leeg ni Francisco at nasa baywang ko naman ang kanyang kamay. Magkatapat ang mukha namin at kapwa kami nakatitig sa bawat isa. Shit! Ayoko na matapos ang kanta. Ayoko na matapos itong gabing ito. "Iloveyou so much...." Sabi niya sakin habang patuloy kami sa pagsabay ng indayog sa kanta. "Iloveyou more..." Sagot ko sa kanya. Unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha sakin. Hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Damang dama ko nanaman ang napakalambot niyang labi. Yung labing nagbibigay ng tamis sa labi ko. Kasabay ng pagkahiwalay ng labi namin ay kasabay rin ng pagtapos ng kanta Bumalik kami sa pagkakaupo at pinagpatuloy namin ang pagkain. "Nei..." Mahinang tawag niya. Shit! Nang-aakit ang pagtawag niya sakin. Parang alam ko na ang susunod na mangyayari pagkatapos naming kumain. "Nakapag-usap na kami nila Mama" dugtong niya sa kanyang sinabi. Oo nga pala hindi pa niya naikukwento ang napag-usapan nila dati ng ate niya. Ang alam ko lang ay mag-uusap ulit sila ng Mama niya. "Ano sabi ni Mama?" Tanong ko naman sa kanya matapos kong uminom ng iced tea. "Sabi ni Mama, graduate nanaman daw ako... kaya ako na pinapamahala nila ng company namin..." Marahang sagot ni Francisco. "Oh.. Iyon naman pala eh.. Maganda yun Nei.. Atleast matututo ka na maghandle ng business niyo. Masaya yun! Magiging astig at awesome ka lalo nun!" Sagot ko sa kanya. Masaya ako sa narinig ko. Magiging matured na sigurado ang Nei ko kapag naranasan niya ang magtrabaho. Nasanay kasi siya na pa-easy easy lang eh. Yung walang ibang inatupag kundi ang gimik at social life. "Paano yan kapag ikaw na naghahandle ng company niyo, tuwing gabi nalang tayo magkikita o kaya madalang na sa isang linggo. Pero okay lang yun Nei para din naman sayo ang gusto mangyari nila Mama eh" mahabang dugtong ko. "Sa Japan..." Mahinang sabi niya na sapat na para marinig ko. Muntik na akong masamid nung narinig ko mula sa kanya ang salitang yun. Hindi ko nalang pinahalata sa kanya. Japan!? Takte! Ang layo nun! Parang nawalan ako ng gana kumain. Yung sayang nararamdaman ko ay biglang naglaho. Yung kilig na nararamdaman ko ay biglang napalitan ng kirot. Para kasing tinusok bigla ang puso ko eh. Syempre! Japan yun! Malayo! Malayo kami sa isa't isa. Hindi naman sa wala akong tiwala sa boyfriend ko - pero iba parin yung magkalapit at nagkakasama kaming dalawa. "Talaga? Galingan mo dun Nei... Kailangan mag-aral ka ng nihonggo" sagot ko sa kanya. Ayoko naman kasing ipahalata sa kanya yung biglang naramdaman ko. "Okay lang sa-" "Nei ipabalot nalang natin ito. Mukhang naparami ako ng kain. Medyo sumasakit ang tiyan ko" putol ko sa dapat niyang sasabihin. End of Flashback "Okay ka lang Nei?" Tanong sakin ni Francisco habang nasa sasakyan kami. Inihatid niya ako papunta sa school. Tumatanggi nga ako kanina kaso ayaw niyang pumayag. Sinabi kong ayusin niya na ang mga gamit niya na dadalahin para bukas. Bukas na kasi ang flight niya. Akala ko nga matatagalan pa bago ang pag-alis niya pero hindi pala. Bago niya pa sabihin sakin na aalis siya ay nakabook na pala siya at ayos na lahat ng documents niya. "Okay lang Nei. Medyo excited lang kasi third year na ako" sagot ko sa kanya. Syempre di dapat ipahalata sa kanya na hindi ako okay. Ayoko maging hadlang nanaman para sa magandang kinabukasan niya. "Ingat ka. Sunduin kita mamaya" sabi niya sakin at kaagad akong hinalikan sa labi. Matapos yun at umalis na si Francisco. Ako? Eto pipila nanaman sa napakahabang enrolment! "Deeeeeeen!" Takte! Alam ko na kung sino ang babaeng yun! Kung makasigaw ay parang wala ng bukas! "Deeeeeeeeeeeen!" Walang humpay na tawag niya sakin kahit nasa harapan ko na siya. "Tumahimik ka nga!" Sigaw ko sa kanya. "Walang tatamihik! Mamamatay ang tahimik!" Patuloy na sigaw niya. Napatawa nalang ako sa ginagawi niya. Parang nagwewelda ee. May hawak hawak na sign board na may nakalagay na walang tatahimik! Hahahaha! "Langya ka! Puro ka talaga katarantaduhan! Tara na mag-enroll!" Sabay hila ko sa kanya. Pumila na kami sa napakahabang enrolan. At paglipas ng isang oras ay si Sheryl na ang nagfifill up tapos ako na ang sunod. Haaay.. May naalala ako sa ganitong sitwasyon. Dito kami unang nagkatagpo ni Francisco. Lihim akong napangiti nung naalala ko iyon. "Pwede bang mamaya ka na magpangiti ngiti diyan? Ngalay na ang kamay ng S.A sayo!" Bulyaw sakin ni Sheryl dahilan ng pagtawa ng student assistant na nag-aabang ng form ko. Sa wakas. Nakapagenroll narin. Napagdisisyunan namin ni Sheryl na kumain na muna sa cafeteria. Syempre favorite tambayan namin yun ee. Medyo nag-iba na ng kaunti ang itsura nadagdagan ng mga tables at ng stall ng pagkain. Matapos umorder ay naupo na agad kami. "Mukhang mahihirap na ang mga subj. natin noh She?" Untag ko kay Sheryl habang pinagkakasya niya sa bibig niya ang burger. "Asdgjskshsksbd" -Sheryl. "Lunukin mo nga muna yan bago ka magsalita!" Sabi ko sa kanya. "Tangnamo! Nahihirinan ako hindi mo man lang ako abutan ng tubig!" Mabilis niyang sabi sakin pagkatapos niyang uminom ng tubig. Habang nagkukwentuhan kami ay may isang lalaking lumapit samin. "Hi! Pwede ko po ba makuha number mo?" Sabi nung lalaki. "Oh She! Number mo daw!? Ayieeee!" Sabi ko. "Number ko? 69" Seryosong sagot ni Sheryl. Napatawa ako sa sagot ni Sheryl. Takte! Nahingi ng number tapos 69 ang binigay! Hahaha. "Oh bakit ka natawa? Nahingi ng number ee. Yun ang favorite number ko eh!" Dugtong pa ni Sheryl dahilan ng dire diretsong pagtawa ko. Langya ka talaga Sheryl! Hahaha! Laftrep! Napatawa rin yung lalaking nanghihingi ng number. "Ah..Hindi po kayo Ate. Siya po" sabay turo sakin. "Ahh si Den pala. Alam ko favorite number niyan! 2!" Kasunod nun ay ang pagtawa ni Sheryl. Tangnaka She! May araw karin sakin! Hahaha! "Ibigay mo na Den! Number lang naman eh. Wala naman masama saka mukha naman mabait si Kuya" seryosong dugtong ni Sheryl. Nung hindi ako nagsasalita ay si Sheryl na mismo ang nagbigay ng number ko. "091796870**. Oh ayan number ni Den. Paloadan mo at bihira magload yan!" Sabi ni Sheryl sa lalaki. "Ah...ang totoo po may nakisuyo lang sakin. Sige po salamat!" Huling sabi nunh lalaki bago ito tunakbo palayo samin. Lumipas ang ilang oras ay hapon narin. Nakumpleto na namin ni Sheryl ang mga requirements. "Sige na She. Ingat! Kitakits bukas! Huwag magpapalate ha!" Paalam ko sa kanya bago tuluyang sumakay ng baby bus. Naramdaman ko nalang na biglang may kamay na umakbay sakin. Si Francisco. "Tara na. Dinner tayo" malambing niyang sabi sakin at sumakay na kami sa kanyang sasakyan.   Chriden Miguel Point of View Paikot-ikot ako sa higaan ko. Kahit na ano atang posisyon ang gawin ko ay hindi talaga ako makatulog. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang pag-alis ni Francisco bukas. Syempre naman. Malaking kawalan sakin yun. Nasanay na akong palagi siyang kasama at palagi siyang nandiyan para sakin. Tapos biglaan naman ang pag-alis niya. Wala rin naman akong magagawa eh. Una, para sa kanya rin yun. Dadating din kasi ang araw na siya na talaga ang magmamanage ng company nila. Pangalawa, yun ang gusto ng mga magulang niya. Kahit gusto ko siyang pigilan ay wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang suportahan siya. Ayoko naman maging selfish at ang iisipin ko lang ay ang para sa kaligayahan ko. Sabagay, kahit anong oras naman ay pwede namin makita ang isa't isa o makausap ang isa't isa. May f******k naman kami at may cellphone. Madali lang. Pero iba parin yung magkasama diba? Haaaay... Nalulungkot talaga ako pero kailangan ko magpakatatag. Ang dami ng pinagdaanan namin tapos papaapekto ako sa ganitong sitwasyon lang. "Nei..." Mahinang tawag niya sakin at hinawakan ang kamay ko. Nandito na kasi kami sa airport ngayon at nag-aantay nalang ng kaunting minuto para magbukas ang boarding gate ng plane na sasakyan niya. "Sigurado ka bang wala kang nakalimutan?" Mabilis na sagot ko sa kanya. Ayoko kasi ipahalata sa kanya na nalulungkot ako baka kung ano pa maisipan gawin nito eh. Alam niyo na. "Okay na Nei. Wala na akong nakalimutan..." Mahinahong sagot niya. "Mag-aaral kang mabuti ha! Huwag puro gala. Medyo matagal tagal din tayong di magkikita kaya ingatan mo ang sarili mo." Sabi niya sakin. Hindi ko na napigilan ang mga luha sa mata ko. Nagdaloy na ito. "Mag-iingat ka dun ha... Tawagan mo ako palagi kapag hindi ka busy... Kahit anong oras.. Kahit madaling araw pa dito aantayin ko palagi ang tawag mo..." Sabi ko sa kanya habang pinilipit kong pigilan pa ang mga luha ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at siniil ako ng halik. Banayad. Malumanay. Niyapos ko siya ng mahigpit na mahigpit. Kahit alam kong pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan ay wala akong pakialam. Ang tanging nasa isipan ko lang ay kailangan sulitin ko ang sandaling ito dahil napakatagal pa bago ko ulit mayakap ang taong mahal ko. "Oh paano? Check in na ako... Mag-iingat kayo ha..." Nakangiting paalam ni Francisco habang nakapila sa check in area. Inantay ko talaga muna siyang makapag-check in at makapasok sa immigration bago ako tuluyang tumalikod. Tangina. Ang sakit sakit pala. Akala ko kaunting sakit lang mararamdaman ko dahil hindi naman kami maghihiwalay. Mawawalay lang siya ng medyo matagal na panahon. Muli akong lumingon sa pinasukan niya at nakita ko siyang kumakaway habang hawak ang passport niya. Mag-iingat ka Nei... Sana mahal mo parin ako pagbalik mo.... "Tara na Den..." Yaya sakin ni Luis pabalik sa sasakyan. . . . . . . . . . . "Kuya! Kuya!" Tawag sakin ng kapatid ko. "Kuya oh! Ang dami kong stars!" Pagmamalaki ni Chrien sa notebook niya. Second day na kasi ng school ni Chrien. Pinagmamalaki niyang maigi yung magandang pagkakakulay niya sa dinikit na drawing pattern sa notebook niya. "Ang galing naman ni bunso! At dahil diyan kapag walang lakad si Kuya sa Sabado gagala tayo!" Masayang sabi ko sa kanya. "Yeheeeey! Promise yan kuya ha!" "Promise!" "Promise din Kuya bukas may stars ulit ako!" "Kayong ngang dalawang magkapatid ay matulog na. May mga pasok pa kayo bukas" sita samin ni Mama. "Oh sige na bunso. Pasok na ako sa kwarto. Ikaw matulog na ha!? Huwag na makulit kay Mama" bilin ko kay Chrien. "Opo Kuya!" Kaya eto na ako sa kwarto ko. Nakahiga habang paulit ulit kong tinitingnan ang mga pictures namin ni Francisco. Tangna. Nakakamiss agad si Francisco. Ganitong oras kasi magkatext o magkausap kami o di kaya ay magkasama pa kami. Sana tawagan niya agad ako pagkadating niya sa Japan. Habang paulit ulit kong tinitingnan ang mga pictures ay biglang tumunog ang cellphone ko. Text. +639169646*** Hi!  Teka? Sino kaya yun? Konti palang naman nakakaalam ng number ko ah. Si Sheryl, Francisco at ibang mga classmates ko. ??? - yan ang reply ko sa kanya. Hindi ko kasi siya kilala eh. Mark James nga po pala pangalan ko. Ikaw si Chriden diba? Reply niya sa text kong ???. Aba kilala ako ah! Teka, wala akong kilalang Mark James. Sino pong Mark James? Wala po kasi akong kilalang Mark James. -Ako. Kaya nga po ako nagpapakilala eh. :) Pwede ba tayong maging magkaibigan? - Mark James. At dahil sa sobrang kalungkutan ko ay nakipagpalitan ako ng text sa kanya. Wala naman masama don diba? Textmate lang naman at isa pa mukhang mabait naman siya base sa kanyang pagtetext. Nalaman ko na sa iisa pala kaming school nag-aaral. Third Year na siya at Computer Science ang kanyang kurso. Hindi nga siya nauubusan ng kwento eh. Feeling close agad. Paano yan Mark James. Pahinga na ako. Regular class na kasi bukas kaya hindi dapat ako ma-late. Tulog ka na rin ha.. -Ako Yes Madaam! Goodnight po!  -Mark James. Hindi ko na nireplyan yung huling text niya. Baka kasi magreply pa siya ng magreply eh. Almost 12 na kaya kailangan ko na matulog. Muling tumunog ulit ang cellphone ko. First time I saw you I ask for your name From a common friend Information I have gain. Woooh! LoveAtFirstSight! Sh*t! Goodnight guys! Bawal late bukas ah! Group message galing kay Mark James. Lakas makapabebe nito ah! Ni-set ko na ang alarm clock ng cellphone ko at pinatong ko ito sa mini table ng kwarto ko. Kinuha ko ang malaking teddy bear na binigay sakin ni Francisco at niyakap ko ito ng napakahigpit. Mahal na mahal kita Francisco... "Takte! Akala ko ba regular class na ngayon!? Saka bakit kailangan pa ng orientation eh third year na tayo!?" Walang tigil na bunganga ni Sheryl habang papunta kami sa auditorium ng school namin. "Wala tayong magagawa She. Actually kanina ko pang umaga iniisip yan She" sagot naman ng presidente ng Psyche. Mia Dones. Weird noh? "Naku! Mia-chan wag mo ako maganyan ganyan. Halika na nga! Baka mahawa pa ako kay Mia!" Sabay hila sa kamay ko ni She. Shaks! Ang daming tao. (Malamang school to) punung puno ang auditorium. "Nga pala guys we need to sign sa attendance kaya pila na tayo" dagdag naman ulit ni Mia. Kaya wala na kaming nagawa kundi ang pumila. Lagi naman ganito eh. "Den find your height daw! Dun ka sa likod!" Bungisngis na sigaw ni Sheryl dahilan para magtinginan ang ibang mga estudyanteng kasabay namin. "Lagot ka sakin mamaya Sheryl!" Sagot ko sa kanya. "Uyy tol find your heart daw! Lakad dun ka sa kabilang pila!" Sigaw nung isang lalaki na nakapila sa kabila. Pagkatapos nun ay nagtawanan sila. Tangnang mga to ah! Asar!! Iba't ibang course pala ang magkakasama dito. Comsci, Nursing, IT, Mascom at kami mga Psyche. Kahit pumili kami ng gusto naming pwestuhan ay hindi pwede dahil may mga sign kung saan kami dapat maupo. "Den tingnan mo yung magsasalita sa unahan mukhang tulya!" Sabi ni Sheryl tapos ay tumawa ng pagkalakas lakas. "Tangnaka She! Mahiya ka! Ang dami nating ibang kasama dito!" Sabi ko sa kanya habang natawa ako. "Hoy! Tumigil nga kayong dalawa diyan! Kaingay ingay niyo!" Saway samin ni Norman. "Tangnamo! Baboy!" Sigaw naman ni Sheryl. Na naging dahilan ng lalong pagtawa naming mga psyche major. "Goodmorning Sebastinian!" Bati samin nung sinasabi ni Sheryl na mukhang tulya. "Oh makinig ka sa reyna ng tulya!" Kalbit sakin ni She. "Nagtataka siguro kayo kung bakit kailangan pang iorient ang mga third year students..." Dugtong niya sa kanyang sinasabi. "Excuse me po... Pwede po bang maupo dito? Puno na kasi sa likuran eh..." Sabi sakin ng lalaki mula sa likuran ko. Tinutukoy niya yung bakanteng upuan sa tabi ko. "Huwag ka na magpaalam diyan kuya. Upo ka na. Ingat ka lang diyan sa katabi mo. Mangkukulam yan!" Mabilis na sagot ni Sheryl. Tawa lang ang sinagot ng taong tumabi sakin at tahimik na itong naupo sa tabi ko. Nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang babaeng nasa unahan ng auditorium hanggang sa naramdaman kong tumunog ang cellphone ko. Hi! Goodmorning!  Sender: Mark James Hindi ko na muna nireplyan iyong text niya at mabilis kong ibinalik ang cellphone ko sa bag ko. Nalaman namin na magkakaroon kami ng retreat next month. Kasama na daw iyon sa binayaran namin sa tuition fee kaya wala na daw kailangan problemahin. Nalaman din naming magkakaroon nanaman ng foundation day sa school kaya kailangan daw namin maghanda nanaman ng booth bawat kurso. Haaay... Bringing back the old memories. Ang sarap balikan ng mga namgyari nung nakakasama ko si Francisco at sila Jerome. Musta na kaya sila Jerome? Tama! Tetext ko siya mamaya. Memorize ko naman ang number niya. "So ngayon magpagalingan muna ang bawat course. Walang magpapatalo! May reward ang mananalo!" Masayang sigaw nung babaeng tulya sa harapan dahilan para maghiyawan naman ang mga nasa loob ng auditorium. "Den! Ikaw na representative ng course natin!" -Sheryl. "Hala! Bakit ako? Gusto niyo bang mapahiya ang section natin! Huwag ako! Ikaw nalang She!" Tanggi konsa kanila. "Ano gagawin ko diyan? Tutuwad! Wala akong ibang talent bukod sa tumuwad kaya ikaw na!" Giit ni Sheryl. "Kapag di ka pumayag Den di kita papakopyahin kapag may exam kay Maam Baron!" Singit naman ni Gladys na mukhang aswang. Takte! Habang nag-uusap pala kami ay tapos na magperform ang ibang kurso. May nagsayaw at yung iba naman ay nagRap. "And now, tingnan naman natin ang mga psychology student!" Malakas na sigaw ng babaeng tulya. Naghiyawan ang mga classmates ko at itong si Sheryl ay talagang itinayo pa ako at hinila papunta sa stage. "Galingan mo! Lagot ka saken kapag nagpatanga tanga ka diyan!" Pahabol ni She bago tuluyang bumalik sa upuan. "Ano ang gagawin mo?" Tanong sakin nung babae. "Kakanta nalang po...." Mahinang sagot ko sa kanya. Walang minus one o kahit na anong background song na handa kaya kakanta ako ng boses ko lang talaga. For all those times you stood by me For all the truth that you made me see For all the joy you brought to my life  For all the wrong that you made right Panimula ko sa kanta. Biglang tumahimik ang buong paligid. Tanging boses ko lang ang naririnig ko at pakiramdam ko ay walang taong nakikinig sa boses ko. For every dream you made cone true For all the love I found in you Damang dama ko yung kanta kasi si Francisco ang nasa isipan ko. Kumakanta ako habang pinipicture ko sa isipan ko ang mga scenario na magkasama kami. You were my strenght when I was weak You were my voice when I couldn't speak You were my eyes when I couldn't see You saw the best there was in me Shit! Francisco namimiss na agad kita. Hanggang sa hindi ko namalayan na natapos ko na pala ang kanta. Pagkatapos kong kumanta ay biglang napuno ng hiyawan ang buong auditorium at nagpalakpakan ang mga kasama ko. "Akin ka nalang!!!!!" "Anong number mooooo!!" "Ikaw na forever koooo!!" Samut saring sigaw na narinig ko. Natatawa nga ako eh. "Hindi na daw pwede kasi taken na siya!" Pabirong sabi nung babaeng tulya. Pero totoo naman TAKEN na ako kaya di na ako pwede. Hahaha! Pagkatapos kong kumanta ay naglakad na ako pabalik sa pwesto namin. Kitang kita ko nga ang mukha ni Sheryl na malawak ang pagkakangiti. "Hi! Pwede makuha number mo?" Biglang sulpot ng isang lalaki sa harapan ko. "Ha? Ah... 091-" "Oy! Patrick! Bumalik ka na nga sa upuan mo! Mamaya na yang kalokohan mo!" Biglang singit naman nung lalaking katabi ko. Magkaklase siguro silang dalawa. Napakamot nalang sa ulo yung lalaki at mabilis na bumalik sa pwesto nila. Ako naman ay eto nakaupo na sa upuan ko at inaabangan ang susunod na magpeperform. Tatlong nalang kasi ang natitira. IT, ComSci at Nursing. "Ngayon naman ating tawagin ang representative ng ComSci!" Matapos sabihin nung babaeng tulya yun ay napuno nanaman ng hiyawan ang buong auditorium. Biglang tumayo ang lalaking katabi ko at nagpunta sa stage. Comsci pala kurso niya.   Mark James Point of View "Tol find your heart daw!" Sigaw ni Patrick dahilan para kantyawan ako ng tropa. Alam kong tinutukso ako nila Patrick at Zymone. Sinasabi nilang dun ako pumila sa line ng mga wirdo. Oyy! Hindi ako nagsabi niyan - si Patrick! Flashback "Were here!" Sigaw ni Manel nung nasa tapat na kami ng Starcity. Napagkasunduan kasi ng tropa na bago magpasukan ay magkaroon muna kami ng gimik na magkakabarkada. Pumasok na agad kami sa loob para masulit namin ang buong araw. Gusto ko rin naman kasi maenjoy ang itong bakasyon ko. Wala rin naman kasi akong nakakausap sa bahay bukod sa nakakabata kong kapatid at yaya namin. Si Mama? Busy sa trabaho. Manager siya ng isang company. Si Papa naman ay maagang kinuha samin. Car accident. Pero hindi kami pinabayaan ni Papa. Bago siya namatay ay naging masagana na ang buhay namin at meron narin kaming sariling business bukod sa pagiging manager ni Mama. "Tara Mark dun tayo! Hila sakin ni Manel tukoy sa rollercoaster. Habang hila hila niya ako ay naagaw ang atensyon ko ng isang tao. Alam niyo ba yung pakiramdam na parang naglalakad ka ng sobrang bagal habang nakatuon lamang ang mga mata mo sa isang tao. Sa mukha ng isang tao. s**t! Ganoon ang pakiramdam ko. Teka! Bakit... Bakit ... Lalaki!? Bakit natuon ang atensyon ko sa isang lalaki....? Pinagmasdan ko siyang maigi. May kasama siyang isang bata at isang lalaki rin na nakaakbay sa balikat niya. Takte! Ano ba itong pumapasok sa isipan ko! "Oyy! Tulala ka diyan! Gusto mo iyon!?" Untag sakin ni Hans habang naturo sa lugar na tinitingnan ko. "Gusto ko? Siya....?" Utal na sagot ko. "Ha?" Sabay sabay na sabi ng tropa. "Alam mo Mark kung hindi ka lang gwapo baka natuktukan na kita! Ibig sabihin ni Hans ay kung gusto mo ba yung cotton candy na yun! Kanina ka pa kasi nakatanghod sa lugar na yun!" Pambabara naman sakin ni Manel. Ano ba kasi itong nararamdaman ko. Bakit na nakuha ng taong yun ang atensyon ko. Inalis ko na ang pagkakatingin ko sa kanila at mabilis na kaming sumakay sa rollercoaster at iba pang mga rides. Ang saya. Ganito talaga kaming magkakaibigan. Kahit magkakagiwalay kami ng school na pinapasukan ay nagkikita-kita kami para gumimik. "Oyy guys, kita-kita nalang tayo mamaya. Maglilibot muna kami nila Aira. Alam naman naming mababagot lang kayo kapag sumama kayo!" Sigaw samin ni Manel at mabilis na kaming naiwan. "Tara tol hanap tayo ng makakainan. Kanina pa ako nagugutom eh!" Sangguni ni Patrick. Wala na kaming nagawa ni Hans kundi ang sumang-ayos. Tutal gutom narin kami at siguradong mamaya pa matatapos sa paglilibot ang mga babae. Nauuna akong maglakad sa dalawa. Puro kasi kalokohan ang pinag-uusapan nila. Katarantaduhan. Tawa sila ng tawa. Ako naman nakikinig lang habang inililibot ko ang aking mata sa fastfood. Ayos to! May parang waterfalls at mukhang masasarap ang pagkain. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa bigla akong napatigil. Kahit gusto ko ihakbang ang mga paa ko papunta sa likuran niya ay hindi ko magawa. Napukaw ang aking atensyon nung malapitan kong nakita ang kanyang mukha. Shit! Bakit ganito nararamdaman ko!? Bakit interesado ako sa... sa... bakla!? Nakita kong gumalaw ang labi niya pero wala akong naririnig na kahit na anong salita. Nakatuon lamang ang atensyon ko sa mukha niya. Biglang may dumating na lalaki. Tama! Siya yung kasama niya kanina nung nakita ko siya. Naakbay ulit ito sa kanya. Tangina! Gustong gusto kong tanggalin ang kamay na iyon sa balikat ng taong nasa harapan ko. "Uyy tol!" Sabay tapik sakin ng tropa ko dahilan para bumalik ako sa katinuan. Tangina! Ano iyong bigla kong naramdaman? "Tol, type mo!?" Bulong sakin ni Hans. "Umayos nga kayo!" Saway ko sa kanila dahil nasa unahan lang namin sila. End of Flashback Nakapasok na kami sa loob ng auditorium. Ang daming tao. Bakit pa kasi kailangan pang iorient kami eh third na kami ah! "Ayy sorry Mark. Wala ng upuan. Ang bagal mo kasing maglakad eh. Dun ka sa bakante oh!" Nakangising turo ni Patrick sa bakanteng upuan malapit sa unahan. "Excuse me po.. Pwede po bang maupo dito?" Paalam ko sa nakaupo sa tabi ng bakanteng upuan. Hindi ako nakapagsalita nung nakilala ko kung sino ang taong makakatabi ko. s**t lang ha! Destiny ba to? Hindi siya ang sumagot. Yung katabi niya ang nagsabing pwede akong maupo kaya mabilis ako naupo. Pagkakataon ko na yun eh. Takte! Ang sarap ng pakiramdam ko. Ewan ko. Hindi ko maexplain. Kagabi nga lang nung katext ko siya ay hindi na halos ako makatulog. Lalo pa ngayon. Wala pa akong planong ipaalam sa kanya na ako yung katext niya. Gusto ko muna na maging close kami sa text bago ako magpakilala. Mahirap na. Alam ko naman na may boyfriend na siya. Nagkaroon ng pagalingan ang bawat course. Yung iba sumayaw, meron naman nagRAP at meron din umarte. Nagulat nalang ako nung biglang tumayo ang dalawang katabi ko. Tulak tulak nung maingay na babae si Den. Alam kp na nga rin pala pangalan niya. Lihim akong nagtanong tanong sa mga schoolmates namin. Nasa harapan na ng stage si Den. Hawak ang mic. For all those times you stood by me For all the truth that you made me see For all the joy you brought to my life For all the wrong that you made right Oh! Shiiiiit! Boses niya yun!? Paano nangyari yun? Narinig kong naghihiyawan ang mga kaklase ko pati ang ibang mga estudyante. Napipikon nga ako sa mga sinisigaw nila eh. Gusto ko sanang tumayo at pagmumurahin sila kaso magmumukha naman akong tanga at katawa tawa. "Hindi na po siya pwede. Taken na po siya!" Sabi nung babaeng mukhang hito na nasa stage. Oh si Hans ang nagsabi nun ha ndi ako! Nakita kong tumayo si Patrick. At mas ikinagulat ko nung sinalubong niya si Den habang hawak hawak niya ang cellphone niya. Tanginang to ah! Traydor!!! Sakin yan! Pinigilan ko siya at sinabi kong bumalik na siya sa upuan niya. Nakita ko rin na tatawa tawa si Hans nung nakita ang reaksyon ko. Humanda kayo sakin mamaya! Tinawag na ang course namin. Si John John dapat ang ipangbabato ng Comsci pero kusang tumayo ang katawan ko nung tinawag ng babaeng hito ang courae namin. "Hoy! Mark! Bak-" tiningnan ko siya at binigyan ko siya ng makahulugang ngiti dahilan para hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin. "Mark eto oh!" Sabay anot sakin ni Hans ng gitara. Tama! Kakanta ako! Ako naman ang magpapasikat. Dapat mapansin niya ako. Nagsimula na akong sumipra ng gitara. Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka. Sino ba tong mukhang gago? Nagkandarapa sa pagkanta At nasisintunado sa kaba. Nagsisimula ko ng marinig ang pagsabay ng mga tao sa auditorium sa pagkanta ko. Sa pagharana ko sa kanya. Hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa kanya. Feel na feel ko nga ang pagkanta ko eh. Puno ang langit ng bituin At kay lamig pa ng hangin Sayong tingin ako'y nababaliw giliw At sa awitin kong ito Sana'y maibigan mo Ibubuhos ko ang buong puso ko Sa isang munting harana.... Para sayo.... Nagpalakpakan ang mga tao sa audi. Pero mas nakapagpasaya sakin ay nakita ko siyang pumapalakpak sakin. Sarap sa pakiramdam. Feeling ko sinagot na niya ako. "Galing mo pala kumanta..." Puri niya sakin nung aktong uupo na ako sa tabi niya. "Den nga pala..." Pagpapakilala niya habang nakalahad ang kamay niya sakin. "MJ.." Sagot ko sa kanya tapos mabilis kong tinanggap ang pakikipagkamay niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
365.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

Just A Taste (SPG)

read
895.5K
bc

The Sex Web

read
134.5K
bc

He's Cold Hearted

read
160.8K
bc

OSCAR

read
227.8K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
967.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook