Chapter 2

1309 Words
 Chapter 2             Nagising si Agatha mula sa masamang bangungot, hingal na hingal siya at nakatitig sa kisame ng ilang minuto, muli niyang pinikit ang mga mata at dinilat. Bumangon siya at umupo sa kama niya, nang sulyapan niya ang bintana, madilim pa mula sa labas dahil nagising siya sa gitna ng madaling araw, sinulyapan niya ang buong silid niya sa bahay nila at hindi na sa bahay ng lola niya.             Simula nang matapos ang pasukan, madalas na naman siyang dalawin ng mga kakaibang panaginip, katulad ng dati, madalas makakita siya ng mga taong pinapatay sa panaginip niya, ginagahasa at kong ano-ano pang karumal-dumal na pangyayare.             Dahil bakasyon na rin, kailangan niyang umuwi sa bahay nila, iniwanan na muna niya ang bahay ng namayapang lola, na siya mismong nagbabantay pagpasukan at doon naninirahan. Naalala na naman niya ang nakaraang taon, kong saan nasangkot siya sa krimen, nagamit niya ang kakayahan niya para tumulong sa mga pulis, pero ito ring kakayahan niya ang kamuntik nang maglagay sa kapahamakan.             Simula nang pangyayareng ‘yon sa buhay niya hindi na muli siya nagkaroon ng kakaibang panaginip o di kaya’y nakakakita ng kong ano-ano, ngayon na lamang bumalik na mag-umpisa ang bakasyon.             Napasulyap siya sa orasan sa tabi ng lamesa, ‘4 am? Siguro hindi na ako makakabalik nito sa pagtulog,’  sa isip-isip niya, kinuha na lamang niya ang cellphone sa tabi, may mga ilang mensahe doon galing kay Jane, napangiti siya sa mga text nito sa kanya kagabi na nakatulugan niya.             Jane: Kita-kits na lang bukas, sabay na tayong pumunta sa shop, sunduin kita sa inyo.             Naalala niya kasing niyaya siya nito na sumama sa bakasyon kila Dante, naging kaibigan na niya itong dalawa simula noong nakaraang taon, dahil din sa krimen na nangyari sa paaralan nila, lalo na si Jane na parang kapatid na rin ang turing niya at ate.             Samantalang si Alex na pagkatapos ng lahat, iwas pa rin ito sa kanya, kahit na wala na sa kanya ang mga pinagbibintang nito noon at mga maling akala, hindi rin niya ito madalas makita, kaya mas close siya sa kila Dante at Jane.             Noong nakaraang buwan pa ito sa kanya tinatanong nila Jane kong sasama siya, pero hanggang ngayon pinag-iisipan niya kong sasama ba siya, maliban sa school, mall, bahay, wala na siyang ibang alam na lugar kong di ang mga ‘yon, hindi niya alam kong anong mararamdaman niya kong nasa ibang lugar siya.             Inalala din niya na ilang araw lang niya nakakasama ang pamilya, mas gusto na lamang niyang manatiling nasa bahay, makasama ang mga ito, na miss din niya ang mga ito, kaya siguro hindi na lang muna siya pupunta. ~*~             “Nagtext si Jane, kasama raw niya si Agatha ngayon papunta na sila,” natigilan si Alex sa pag-inom ng kape niya at napatitig kay Dante, hinahanap niya sa mukha ng kaibigan kong nagbibiro ba ito.             Nawala din ang sigla sa mukha niya at naalala niyang niloloko na naman siya ni Dante, kitang-kita niya ang pagtaas-baba ng kilay ng kaibigan, “biro lang,” sabay peace sign ni Dante kay Alex.             “Siraulo ka talaga,” bulong ni Alex sabay inom sa tasa ng kape niya, narinig naman niya ang mapang-asar na halakhak ng kaibigan.             “Eh naniniwala ka naman, kita mong wala akong hawak na cellphone,” sabay pakita ni Dante sa mga kamay niya, “aminim muna kasi na may gusto ka kay Agatha.”             “Wala akong gusto sa weird na babaeng ‘yon,” sabay sulyap sa labas ng bintana.             Nasa loob sila ng isang coffee shop kong saan magkikita silang tatlo nila Jane para sa bakasyon, simula nang maging bodyguard siya ni Agatha noon nag-umpisa siyang makaramdam ng kakaiba, nararamdaman na madalas niyang ipagkaila sa kanyang sarili, pero madalas naman mapansin ng kaibigan niyang si Dante.             Kaya nang matapos ang tungkulan niya sa dalaga, iniwas na niya ang kanyang sarili, dahil para sa kanya alam niyang hanggang paghanga na maaring mawala kong hindi na niya makikita si Agatha, pero simula rin nang umiwas at hindi na makita ang dalaga, doon naman siya nag-umpisang makaramdam na kailangan niyang makita si Agatha, nakaramdam siya ng pagkamiss na sinasabi niya sa kanyang sarili na mali ‘yon.             Iniisip niya kong makakasama si Agatha sa bakasyon nilang tatlo, baka hindi niya alam ang tratong ibibigay niya sa dalaga, kong katulad pa rin ba ng dati o iiwasan na lang niya hanggang sa matapos ang bakasyon? Kong maari lang na hindi siya sumama, gagawin niya, kaso kailangan niya ng bakasyon, marami rin ang naging kasong hinawakan nilang tatlo, kailangan niya ng pahinga.             Hindi naman niya kailangan sirain ang bakasyon nila dahil sa kanya. Nawala siya sa kanyang iniisip nang magsalita si Dante.             “Na andyan na pala si Jane,” wika ni Dante.             Kinabahan siya at nakaramdam ng pag-iinit ng buong katawan na animoy lalagnatin siya, ‘kasama niya kaya si Agatha?’ Tanong niya sa kanyang sarili, hindi niya gustong lumingon sa likod kahit na gusto na niyang makita kong may sagot ba sa tanong niya.             Nang makarating si Jane sa kanila at umupo sa tabi ni Dante sa harapan, nagtaka siya at walang Agatha na kasama ni Jane.             Nakasimangot si Jane at halatang hindi maganda ang araw, “na saan si Agatha?” Tanong ni Dante sa dalaga.             ‘Yong tanong na ‘yon ang gustong itanong din ni Alex kanina pa, laking pasalamat niya at si Dante ang nagtanong.             “Pinuntahan ko siya sa bahay nila, sabi niya sa akin na hindi siya makakapunta dito at sa bakasyon, sabi niya kasi na kailangan niyang makasama ang pamilya niya dahil mahaba-haba rin nang hindi niya nakasama ang mga ‘yon,” huminga ng malalim si Jane bago nagpatuloy, “kaya medyo bad trip sayang naman kasi, gusto ko pa naman siyang kasama sa bakasyon natin.”             Nawala lahat ng kaba ni Alex nang malaman ang kwento ni Jane, ‘sayang nga’ sa isip-isip niya.             “May ideya ako,” tumingin si Alex kay Dante ng magsalita ito at gano’n din si Jane.             “Ano na naman yang ideya mo?” Nagkukunwaring seryosong tanong ni Alex sa kaibigan.             “Bakit hindi ikaw Alex ang magyaya kay Agatha?” Aniya ni Dante sa dalawa.             “What?” Gulat na bulalas ni Alex sa kaibigan. Hindi niya alam kong iniinis na naman siya ng kaibigan pero mukhang seryoso ito sa ideyang binigay sa kanila, napasulyap naman siya kay Jane na patango-tango na animoy may tamang sinabi si Dante.             “Bakit hindi nga, total baka kong lahat tayo magyaya sa kanya baka magbago ang isip niya at isipin niyang belong talaga siya sa ating tatlo, kahit din ikaw Dante yayain mo siya uli,” sabi ni Jane.             Hindi makakilos si Alex sa kinauupuan niya, ni hindi pa siya sumang-ayon sa usapan, nawawala ang tikas niya pag-napapag-usapan si Agatha.             “Bakit ako na naman?” Reklamo ni Dante, “ako na ‘yong unang nagyaya sa kanya, simula nong niyaya natin siya madalas ko siyang pinapaalahanan na tungkol doon para hindi niya makalimutan, mas maganda na si Alex naman ang gumawa ng kilos, alam naman natin na magaling siya lumutas ng mga kaso, malutas kaya niya ang problema natin na maisama si Agatha?” Pang hamon na tanong ni Dante.             Tumawa naman si Jane nang makitang nang lilisik ang mga mata ni Alex kay Dante.             “Hindi ko talaga alam kong ano ang problema mo sa akin, Dante?” Inis na tanong ni Alex.             Hindi naman na inis si Dante at animoy sanay na kay Alex, binigyan lang si Alex ng kaibigan ng isang ngiti.             “Hindi naman sa iniinis kita, pero tignan mo kailangan mo na ng bagong girlfriend matagal-tagal na rin nong huli, baka hindi ka pa naka-get over sa kanya, try to let go and find someone that make you happy,” wika ni Dante.             “Wow,” sabay palakpak ni Jane, “hindi ko alam na magaling naman humugot si Dante Marquez,” biro ni Jane.             Natigilan muli si Alex, wala naman na sa kanya ang tungkol sa namatay niyang ex, matagal na siyang nag-let go, pero ang maghanap ng bago, parang nakalimutan na niya kong paano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD