Chapter 1

1176 Words
'May we invite everyone to please pause for a  while, and observe silence as we pray the Angelus.' "Finally," I said as I let out a sigh of relief, glancing up at Engineer Olvido, our instructor in Basic Calculus. Mabilis akong tumayo at ganoon din ang ginawa nang mga kaklase ko. I felt relieved that the sudden test was cancelled. Well, thanks to the prayer leader for that very good timing. 'Let us pause for a while and pray with me the Angelus. Please all stand...' Malalapad ang ngiti nang ilan sa aking mga kaklase dahil katulad ko ay maaaring gutom na rin sila, at wala nang lakas pa para sumabak o makipagbakbakan pa sa mga numero. Numbers are like boys, they're both pain in the a*s. They exist just to give you headaches, and make you suffer. 'The Angel of the Lord, declared unto Mary...' 'And she conceived by the power of the Holy Spirit,' we responded. Ito ang nangyayari sa lahat ng Catholic Schools: at exactly 8:00 in the morning ay mayroon kaming Gospel reading, every 11:45 a.m ay nagdarasal kami ng Angelus, at 3 o'clock prayer naman tuwing 3:00 p.m. 'As it was in the beginning is now, and ever shall be world without end. Amen. In the name of the Father, and of the Son, and the Holy Spirit. Amen.' Lumakas ang hiyawan nang matapos ang dasal at lumabas si Engineer. Itinago ko ang aking calculator, highlighters, journal, at dali-daling lumabas. "Oy, 'di ka sasabay?" Cassandra, my friend, asked. Maangas ang pagkakatanong niya, dahil ganoon talaga siya magsalita. Madalas siyang napagkakalaman na tomboy dahil sa kilos at salita niya, but believe me, may tinatago ring kalandian sa katawan 'yan. "May kikitain ako," I lied. Gusto ko lang talagang mapag-isa, at mag-isip isip. "p****k ka talaga!" Pagbibintang ni Vettinah habang nag-aayos ng mukha. Sa aming apat, siya ang pinaka-wild, party girl, maingay, at laging go with the flow sa buhay. While Ernisha, is the smartest and kindest among us. Matured na 'to mag-isip, at ang dakilang killjoy sa barkada. "Mana sayo!" I shouted back before turning my back. Cassandra, Vettinah, and Ernisha are my friends and kakopyahan buddy na rin. I was tired of going down the stairs. Hinarang ako ng guard dahil muntik ko nang makalimutang i-tap out ang aking Identification Card. Gutom na ako, at masyado pang mahaba ang pila sa RFID. With a deep sigh, I rolled my eyes and waited for my turn. I decided to eat at It's Friday, one of my favorite fast food restaurants that offers unlimited wings and rice. Stress eating ako ngayon. Everytime na may problema ako o kapag hindi ko maintindihan ang sarili ko, I eat a lot as I can. "Tatiana?" This can't be. I know that voice! Of course, paano ko ba naman makakalimutan ang boses na dati ay hinahanap-hanap ko, at kinahuhumalingan ko pa. I gulp. Tila nanlamig ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Ace, my cheater ex-boyfriend. Maayos ang pagsasama naming dalawa akala ko nga hanggang dulo na, pero akala ko lang pala. Puro nalang pangako na lagi namang napapako. Pinangakuan ako ng taong hanggang pangako lang. I admit that I was wrong for trusting him and falling for his words. Natawa na lamang ako ng maalala ang nangyare nung bakasyon. Nagbakasyon lang pati feelings niya sa akin nagbakasyon na din, halatang mahal ka lang kapag kasama ka. "Kamusta ka?" "I'm fine, and thankful." I casually replied while waiting for my order. I was actually a bit irritated by his presence. Nakakainis! Mayroon pa 'tong ganang harapin, at tanungin ako na para bang walang nangyari at hindi niya ako ginago. Ang kapal ng mukha! Ang kapal kapal! "Thankful, kasi iniwan mo ako," I smiled bitterly. Mukhang nagulat 'to, at tila hindi niya inaasahan ang sagot ko. From my peripheral vision, I saw his new toy. Totoo nga, kung sino ang pinagseselosan mo ay siya ang magiging girlfriend ng boyfriend mo kapag nag-break kayo. "Wait," I said before turning my back. "Let me rephrase it. Hindi mo ako iniwan, God removed you for me. He removed a toxic person like you, in my life." I faked my smile, get my food tray, and paid for my bill. Napako ang aking tingin nang makita ang paglalampungan ng dalawa. I bitterly mocked myself.Nakakatawa, yung sinasabi niya noon na kaibigan niya lang, ay bebe niya na ngayon. Nandidiri ako sa sarili ko, dahil nagmahal ako ng manloloko. Ngumisi siya nang makita niyang nakatingin ako. Akala niya siguro ay nagseselos ako pero ang hindi niya alam ay nandidiri ako. Diring-diri! Naisipan kong balewalain na lamang sila, at ipinagpatuloy ang paghahanap ko nang upuan. Tumaas-baba ang dibdib ko dahil sa pinipigilang inis habang patuloy na naglalakad.  My jaw literally dropped when I saw some of my chicken wings rolled on the floor. "What the hell!" Umalingawngaw ang mababa at barito niyang boses sa loob ng restaurant. I lifted my gaze and saw him looking at my eyes intently.  Sa tono ng kanyang pananalita ay halatang hindi ito natuwa sa nangyayari. Paano ba naman siya matutuwa kung isa sa mga chicken wings ay lumipad at dumikit na pala sa damit niya, at namantsahan pala 'to! Napansin ko na unti-unti na naming nakukuha ang atensyon ng iba, kaya yumuko na lamang ako. I bit my lower lip and took a deep breath before facing him. I was about to say sorry, but I was a bit stunned by his stares. I admit he's good looking, but sad to say dahil allergic na ako sa gwapo. Malaki ang paniniwala ko na kapag gwapo, gago at manloloko. I believe na kung gusto mong makahanap ng true love, o nang taong seryoso wag kang magmamahal ng gwapo. "Are you done checking on me?" mayabang niyang tanong. I gulp again when he raised a brow, which makes him look more sexier. Nakakalunod ang mata niya, at nakaka-akit din ang boses niya. I wanted to defend myself, gusto kong magsalita ngunit ayaw bumuka ng bibig ko at tila hindi ko rin mahanap ang tamang salita na dapat kong bitawan. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay at inirapan. Naisip na umalis na lang dahil ayaw ko sanang gumawa ng eskandalo. Napansin ko ang pagsulyap ni Ace kaya lalo akong nainis at nagkaroon ng rason para umalis. Hindi ko 'ata kayang magtagal sa isang lugar kasama siya, at ang kabit niya. I was about to go, pero bigla na lang hinawakan ng lalaki yung kamay ko kaya napatigil ako. Napatigil ako hindi dahil nasaktan ako kundi dahil nagulat ako nang maglapat ang balat naming dalawa. A-ang weird ng lalaking 'to! Pati ako nagiging weird na rin. Kung anu-ano na ang nararamdaman ko. Nakita ko ang pag-ngisi niya nang makita ang naging reaksyon ko. I blink more than twice when he leaned closer to me. "Where are you going? Sa tingin mo miss, palalagpasin ko ang—?" I kissed him out of irritation, and suddenly left like nothing happened. Hindi ko alam kung anong klase nang espiritu ang sumanib sa akin upang magawa ang bagay na 'yon. Dali-dali akong naglakad palayo habang nag-iinit ang pisngi ko. Paulit ulit akong tinawag nito, ngunit hindi ako lumingon at wala akong balak dahil wala na akong mukhang maihaharap sakanya. What the f**k, Tatiana! Why did you kissed him? Why did you kissed a stranger?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD