Chapter 1

1044 Words
Chapter 1 Malalim na nag-iisip si Violet habang naka-tingin sa blangganang maliit na may lamang maligamgam na tubig at sa gilid naman nu’n ang malinis na tuwalyang maliit. Siyam na buwan na nilang tinatago si Eunice na ngayun ay kinikilala nang Alanis, wala ni sinong nagbabangit sa dating pangalan ng dalaga at lalo na ang pangalan ni Dylan. Siyam na buwan na ring dinadala ng dalaga ang sanggol sa tyan nito, kabado ang buong tao sa paglabas ng bagong miyembro sa kanilang angkan na kinabibilangan nito at pinalitan nila ang dating alaalang meron ang dalaga. Kong may maalala naman ito ibibigay nila ang bersyon na meron sila para hindi na muling maalala pa ni Eunice ang binata, si Dylan. “Bakit kailangan nating itago sa kanya ang lahat?” Tanung ni Violet kay Luna habang pinag-mamasdan si Eunice na hawak ang bilugan nitong tyan at nakangiti na para bang excited makita ang kanyang anak. “Ayoko nang may maalala siya sa kahit na anong tungkol sa mga Otis, sa mga nangyari sa kanya at lalong lalo na kay Dylan. Mas mabuti na ‘yong ganito.” “Parang masama naman ata na itatago natin sa kanya ang lahat, importante ang alala ng isang nilalang at kong wala siyang kahit na ito para siyang isang papel na walang laman,” aniya ni Violet. “Magkakaroon naman siya ng alaala pero babaguhin natin ang lahat,” wika ni Luna. Napabuntong hininga si Violet, gusto niyang makipagtalo kay Luna ngunit hindi niya magawa, mas mataas ang posisyon nito kesa sa kanya at dahil na din sa takot nito na baka itakwil siya sa angkan na kinabibilangan niya. “Paanu kong malaman nila na may nagdudugtong sa mga Otis at Jimenez dahil sa anak nilang dalawa?” “Ilang beses muna ba yan tinatanong sa ‘kin? Basta ang sagot ko sa ‘yo walang makakaalam hangga’t walang nagsasabi galing dito.” Biglang naalala ni Violet ang pag-uusap na yon kay Luna nong nakaraang buwan pa at paulit-ulit na lamang nilang pinag-usapan ang mga bagay na ‘yon dahil hindi pa rin siya makapaniwala. Naalala din niya ang isang pag-iusap nila ni Eunice na hindi niya alam kong sasagot ba siya sa tanong nito o hindi. Parang siya mismo ang na uubusan ng lakas at naawa sa dalaga dahil sa nangyayaring gulo. Hinihimas ni Eunice ang kanyang tyan na may walong buwan na at habang naghihiwa naman ng prutas si Violet napasulyap siya sa dalaga na bigla na lamang nag-humming ng isang lullaby para sa ana. Napa-ngiti siya at napaisip, ‘paano kaya kong na andito si Dylan? Matuwa din ba siya na ayus lang ang kasintahan niyang si Eunice at lalong lalo na ang anak nila? Maging masaya ba sila?’ “Violet,” nawala si Violet sa pag-iisip nang tawagin siya at agad na lumingon kay Eunice, “buntis diba ako?” “Oo, bakit mo na tanong?” Medyo napatawa pa ito ng mahina pero natigilan din at halos nawala ang dugo sa buong mukha sa kanyang sunod na narinig mula sa dalaga. “Kong buntis ako, na saan yung ama ng dinadala ko?” Napailing na lamang siya sa kanyang naalala, isang malaking tanong din sa kanya ang biglang pagpapaalam ng mga Grace sa kanilang lugar at hindi pa niya na sabi ang lahat ng nalaman niya kay Luna. Gusto niyang kumuha ng kaunti pang oras para masabi niya ang lahat lalo na’t wala ang mga ito sa mansyon. “Violet,” tawag sa kanya ng isang lalaking kaseng tangkad niya at may matabang pangatawan, “kanina ka pa hinahanap doon ah, kailangan na yang dala mo sa silid ni prinsesa Alanis.” Saka lang niya naalala na sa gabing ‘yon din lalabas ang bagong miyembro ng Jimenez. Nag lakad sila ng diretso sa pasilyo, kumaliwa at umakyat sa isang hagdan nito sa kanan. Pumasok sila sa unang pintong nakita nila at maraming bantay sa labas. Kabado din ang iilang bantay nasa labas, tanging marinig ang pag-eri ni Eunice at ang utos ng kumadrona. May taga-paypay sa gilid na isang babaeng tumutulong sa loob at sa gilid naman ni Eunice ang kanyang ina na si Luna. “Eeri mo pa iha, nahawakan ko na ang ulo ng bata!” utos muli nito, “hinga malalim at isang malakas na eri.” Lumapit na siya kay Eunice at pinunasan ang noo ng dalaga na halos pinang papaligo na ang pawis. Marinig din ang malakas nitong pag-eri at paghinga. Ang iilan naman ay nagdadasal na sana maging ayus ang panganganak ni Eunice. Umabot ng tatlong oras hanggang sa marinig nila ang, “malapit na malapit na!” sigaw ng kumadrona sa mga taong na andoon. Narinig nilang lahat ang malakas na iyak ng sanggol nang lumabas na ito kay Eunice, hingal na hingal at latang-lata si Eunice dahil sa panganganak nito. Napangiti ang ina ni Eunice na si Luna, si Violet at ang iba pa nitong kasama sa silid ng dalaga. Ngunit mas tuwang-tuwa ang dalaga dahil sa hirap niya sa wakas na ilabas na rin niya ang kanyang magiging bagong buhay. Nang tanggalin ang umbilical cord, linisan ang bata ay agad nitong tinabi sa dalaga nang balutan sa isang puti at malinis na tela. Marinig na animoy nag-echo ang iyak ng bata sa buong mansyon, sa labas at loob nito. Pati sa gubat ay marinig ang iyak ng sanggol na ‘yon. “Baby,” kahit na pagod na pagod ay agad nitong yinakap sa bisig ni Eunice ang bata. May bilugang mata, maputi, makinis na kutis, malusog, may kaunti na itong buhok pero kulot at ang hugis pusong labi ng katulad nang kay Dylan. “Lalaki po siya,” aniya ng kumadrona sa dalaga. Kinuha ni Eunice ang maliit na kamay ng sanggol at tinawag niya ang bata sa pangalang unang pumasok sa kanyang isip, “ikaw na ngayun si Eulexis,” napangiti ng bahagya ang sanggol na animoy na gustuhan ang pangalang binigay sa kanya ng kanyang ina, “na gustuhan mo ba?” ngiting tanung ng dalaga. Pati ang mga taong na andoon at lalo na si Violet ay natuwa sa nakita nila. Kinuha naman ni Luna ang sanggol at pinayagan naman ng dalaga. Kinarga ito ni Luna at iangat sanggol ng bahagya, “bagong miyembro ng Jimenez na anak ni Alanis. Si Eulexis Jimenez na magpapatuloy ng susunod na heneresasyun ng buong Jimenez.” Nagpalakpakan naman ang lahat ng nasa silid hanggang sa mawalan ng malay si Eunice dahil sa pagod. Hinayaan na lamang itong magpahinga, ang iba naman ay inabot-abot ang sanggol at sa ibang gustong makakarga nito sa bagong miyembro ng angkan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD