bc

MAYBE THIS TIME (CS-3) Tagalog

book_age18+
843
FOLLOW
3.7K
READ
love-triangle
possessive
independent
boss
drama
sweet
bxg
office/work place
first love
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Cousinhood Series 3

Maybe This Time

A Novel written by Han Ji Mie

Anna Cordero is the newest and smartest lawyer in DL Law Firm. Ilang taon palang mula ng makapasa ito sa board exam ay marami na itong napanalong kaso. Para kay Anna, lahat na nang nais niya sa buhay ay nasa kanya. Masayang pamilya, magandang career at mapagmahal na nobyo.

Ngunit nabago ang lahat ng bumalik sa buhay niya si Alexander Cortez-Kim. Ang lalaking dapat niyang iwasan dahil na rin sa kanilang nakaraan. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana, gumawa ito ng paraan para makasama niya si Alexander.

Matatakasan pa ba ni Anna ang binata na ginugulo muli ang ma-ayos na niyang buhay? Hindi lang iyon, pati din ang puso niya.

chap-preview
Free preview
MFIAH - CHAPTER ONE
SINO BA AKO? Saan ba ako nagmula? Paano ako nakarating ngayon sa position na aking tinatamasa? Everything I have in my life, I owe it to someone so precious to me. Gusto niyo bang malaman kung sino siya? Let me tell you a story about a man who sacrifice his life to his love once. NAKATINGIN ako sa labas ng bahay. Nais kong lumabas at makipaglaro sa mga batang naruroon ngunit ayaw naman akong payagan ng aking ina. Wala akong nagawa kung hindi ang titigan sila. Ako nga pala si Anna. Dalawa lang kami ng ate ko at ako ang bunso. Nag-aaral na rin ako, sa katunayan Grade four na ako ngayon. At hindi man sa pagbubuhat ng bangko pero matalino ako. Nasa top ten ako ngayon sa school, top two to be exact. Proud na proud sa akin si inay at itay. "Anna, halika dito at tulungan mo ako sa mga damit ninyo." Malakas ang boses na sigaw ni Ina. Agad naman akong tumalina. Bumaba ako mula sa ikalawang palapag ng bahay namin. Nakita ko si ina na nagtutupi ng mga damit namin. Ngumiti ako sa kanya at lumapit. "Tulungan na kita inay." Masayang sabi ko at umupo sa tabi niya. Tinulungan ko siyang magtupi ng mga damit namin. Nang matapos na ang ginagawa namin ni Inay ay ako na ang nagpasok ng mga damit sa kabinet namin. "Salamat anak." Sabi ng aking ina at hinawakan ako sa buhok. Ngumiti naman ako. Sobrang saya ko kapag ginaganoon ni inay ako. Pakiramdam ko ay nagbibigay ako ng saya sa kanila. Sumama ako kay inay sa kusina para tulungan siya sa pagluto ng hapunan namin. "Salamat anak." Sabi ni Inay ng ibinigay ko sa kanya ang santok. "Paborito ni Itay iyan, di ba inay?" tanong ko. Umakyat ako doon sa mesa na nilulutuan niya. "Anna, nalaglag kang bat aka." Sigaw ni inay at agad akong inalalayan sa pag-akyat. "Kaya ko na inay. Malaki na po ako." Sabi ko sa kanya. Umupo ako at tumingin sa niluluto niya. "Ikaw talagang bata ka. Atatakihin ako sa puso dahil sa iyon." Pinalo ng marahan ni inay ang aking hita. Hindi naman iyon masakit. Tumawa ako sa ginawa ni inay. "I love you, inay." Sabi ko nalang. Nawala ang simangot ni inay sa sinabi ko at muling itinuon ang attensyon sa pagluluto. Ang paborito ni tatay na chicken adobo ang niluluto ni inay. "Inay, nandito si itay mamaya?" tanong ko sa kanya. "Oo. Nagsabi siya sa akin na uuwi siya mamaya." "Talaga!" hindi ko maitago ang saying nararamdaman. "May dala po ba siyang chocolate?" "Oo, siguradong may dala iyon para sa iyo. Ikaw pa malakas ka sa tatay mo." Hindi din maitago mo inay ang saya. Family driver ang aking itay sa Manila. Sa isang loob ng buwan ay dalawa o tatlong beses lang siya umuuwi sa amin. Hindi ko siya madalas nakakasama ngunit sobrang mahal ko si itay. Kapag umuuwi ito galing Manila ay hindi maaring wala siyang dalang pagkain para sa akin. Madalas din kaming lumalabas ng bahay para mamasyal. Minsan nga ay nais kung sumama sa kanya sa Manila. Ayaw ko kasing malayo sa aking ama. Mahal na mahal ko siya. "Gusto ko ng makita si Itay." ____ NASA loob lang ako ng kwarto ko buong araw. Nakadapa ako at nakatutuk ang atensyon sa mga libro ko. Marami kasi akong assignment kaya naman nagsisipag ako. Natigilan lang ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Napaangat ako ng tingin ng bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga ate ko. "Anna, labas tayo?" sabi ni Ate Camilla. Lumapit ito sa akin at umupo sa kama kung saan ako nakadapa ng mga sandaling iyon. "Ha! Saan naman tayo pupunta?" tanong ko at umupo ng kama. "Doon sa tindahan ni Aling Carla. Bili tayo ng makakain." Sabi ni Ate. "Bibili tayo. May pera ka? Saan mo nakuha?" "Ha! Saan ko nakuha?" ulit niyang banggit sa tanong ko. Nakita kong namutla ito. "Ano.... Ipon ko. Ano ayaw mo ba?" may bahid ng galit ang boses niya. "Ipon mo?" Nagdududa kong tanong. Sumimangot si Ate. "Kung ayaw mo, di wag." galit itong umalis sa harap ko. Sinundan ko ng tinging si Ate. Nagtataka ako kung paano nagkaroon ng pera si Ate. Alam ko kasi ay walang natitira sa baon nito. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko si inay sa may kabinet namin kung saan nakalagay ang mga libro. "Inay, may hinahanap po kayo?" tanong ko sa kanya. "Oo anak. Iyong perang bigay ng Itay mo bago siya pumunta kay Tito Ben mo." Napaisip ako bigla. lahat kaming magkakapatid ay alam na doon inilalagay ni inay ang kanyang pera. Hindi ako nakaimik. Bigla akong nagduda kay Ate ngunit wala naman akong kasigaraduhan na siya nga ang kumuha ng pera ni inay. Mahirap mangbintang lalo na kung wala naman akong ebidensya. "Inay, tulungan na po kita sa paghahanap." sabi ko kay inay at nagsimulang maghanap sa ibabang drawer. "Salamat, Anna." HINDI namin nakita ni inay ang pera kaya nagdesisyon kami na wag nalang hanapin pa. Naghahanda kami ng hapunan ng biglang dumating si Itay kasama si Ate. Hawak-hawak nito sa braso si Ate at umiiyak. Agad kaming lumapit ni Inay at hinawakan si Itay. "Amilio, anong ginagawa mo sa anak mo?" sigaw ni Inay. "Ang batang ito nakita kong naninigarilyo sa tindahan ni Aling Carla. Kababaing tao pero naninigarilyo." kinuha ni itay ang suot nitong sinturon at bigla nalang hinataw kay Ate. Napaiyak ako sa ginawa ni Itay. Ngayon lang niya ginawa iyon. Ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan niya ng kamay si Ate kahit si inay ay nagulat. Agad nitong niyakap si Itay. "Amilio, tama na! Bata iyan." sigaw ni Inay. "Kailangan niya magtanda. Hindi ko nagtatrabaho at nagpapakahirap sa Manila para lustayin niya ang pera ko sa mga walang kwentang bagay." muli nitong hinataw ng sinturon si Ate. "Itay, tama na po." umiiyak na pakiusap ni Ate. "Anong tama na? Kailangan mong magtanda. Saan mo kinuha ang perang pinangbili mo ng sigarilyo." "Ipon ko po iyon, Itay." "Sinungaling kang bata ka!" "Itay, t-tama na po." Wala akong nagawa kundi ang umiyak sa isang sulok habang nakatingin sa kay ate na umiiyak. Patuloy parin si Inay sa pagpigil kay Itay. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil din si Itay. Doon lang ako nakagalaw at lumapit kay Ate. Agad ko siyang niyakap. "Ikaw, Anna. Wag mong gayahin iyang ate mo kung ayaw mong masaktan." binitawan ni Itay ang sinturon at lumabas ng bahay. Lumapit si Inay sa amin at agad na sinuri si Ate. "Bakit mo kasi ginawa iyon, Carila?" umiiyak na tanong ni Inay. "I'm sorry, Inay. Hindi na ako uulit. Pangako po." yumakap si Ate kay Inay. "Tuparin mo ang pangako mo, Carila dahil ako naman ang magagalit sa'yo kapag inulit mo ang ginawa mo ngayong araw na ito." itinayo ni Inay si Ate. Tumulong naman ako. Hinatid namin si Ate sa kwarto namin. Wala pa rin tigil ito sa pag-iyak. Marahan namin siyang inihiga sa kama. "Bantayan mo ang Ate mo, Anna. Kukuha lang ako ng gamot." sabi ni Inay at lumabas ng kwarto. "Ate, saan mo nakuha ang pera?" Napatingin sa akin si Ate. "Kay Inay." "Kung ganoon, ikaw ang kumuha ng pera ni Inay sa lagayan?" malungkot niyang tanong. Nang tumungo ang Ate niya ay nais niyang mainis dito. Kinuha nito ang pera ni Inay para lang bumili ng sigarilyo. Hindi ba ito nag-iisip? Alam naman nito na hirap si Inay sa pagtitipid. Binabudget na lang nga nito ng mabuti ang pera na bigay ni Itay tapos kinuha pa nito. Tatayo na sana siya ng hinawakan ni Ate ang kamay ko. "Galit ka?" "Oo." "Sorry na, Anna. Na curious lang ako kung anong lasa at pakiramdam na naninigarilyo. Hindi ko lang akalain na makikita ako ni Itay." Hindi ako nakaimik. Inis pa rin ako sa kanya. Tinalikuran ko siya at nahiga sa kama ko. Hindi na muling nagsalita si Ate. Kahit pa anong sabihin niya ay hindi mawawala ang inis ko sa kanya. Mali kasi kahit saan tingnan ang ginawa niya. Lumabas ako ng kwarto ng pumasok si Inay na may dalang pagkain at gamot. Nais niyang sabihin kay Inay kung anong ginawa ni Ate ngunit ayaw naman niya na pati si inay ay magalit dito. Pumunta siya ng kusina at kumain. Doon na lang niya ibubunton ang galit na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Nang makita ang ina na pumasok ng kusina ay agad siyang kumuha ng plato para makakain din ito. "Salamat, Anna." Sabi ni Inay ng makaupo ito. "Saan kaya pumunta si Itay?" nag-aalalang tanong niya. "Sa labas lang iyon. Babalik din mamaya ang itay mo. Nagpapalamig lang iyon ng ulo." Ngumiti ng bahagya si Inay. Hindi na ako umimik. Pinagpatuloy ko ang pagkain ng hapunan habang pasulyap sulyap kay Inay. Tahimik din ito kagaya ko. Ng hindi na ako makatiis ay inilapag ko ang aking kutsara. "Inay, may sasabihin po ako." "Ano iyon, Anna?" sumulyap sa akin si Inay. "S-si Ate Carila po ang k-kumuha ng pera niyo sa lagayan." Napahinto si Inay sa pagsubo. Narinig niya itong huminga ng malalim at pinagpatuloy ang pagkain nito ng hapunan. "Hindi po kayo galit, Inay?" tanong ko sa kanya. Tumingin sa akin si Inay at malungkot na ngumiti. "Kung magagalit ba ako may mangyayari ba? Naparusahan na siya ng ama mo kaya okay na sa akin iyon. At saka, nangako na rin ito na hindi na uulit." "Inay..." "Mahal ko ang Ate mo at kahit anong ginawa niyang mali ay hindi ko magawang magalit o saktan siya. Ina ako, Anna at bilang isang ina ay dapat puno ako ng pag-unawa. Hindi ko kayang magalit sa inyo. Tandaan mo iyan, Anna" "Pero..." Tinapik ni Inay ang aking kamay. "Maiintindihan mo din ako kapag naging ina ka din, Anna." Hindi na ako muling kumibo pa. Pinakatitigan ko na lang si Inay. Napakabait talaga ni Inay. Pagkatapos namin kumain ni Inay ay agad kong niligpit ang pagkainan. Naghugas na rin ako ng plato kahit hindi naman ako ang nakatuka ng gabing iyon. Pumasok na rin ako ng kwarto namin ni Ate Carila ng matapos ako sa paghugas. Natutulog na ang ate ko ng mapasukan ko siya. Lumapit ako sa kanya at doon ko nakita ang bakas ng sinturon. Umusbong ang awa ko para sa kanya. Agad akong nakaiglip ng humiga ako ng aking kama ngunit nagising ako ng may biglang gumalaw sa gilid kung saan nakahiga si Ate. Nagtaka ako ng makita si itay na nakatayo habang nakatingin kay Ate. Bahagya itong yumuko at hinaplos ang mukha ni ate. Dahil nakabukas ang lamp shade sa tabi ni Ate Carila ay nakita ko ang mukha ni Itay. Nakita ko ang pag-agos ng mga luha nito. "Patawarin mo ako, anak. Nagalit lang si itay. Hindi na ito mauulit pa. Hindi na kita ulit pagbubuhatan ng kamay." narinig kong bulong ni Itay. May humapos na mainit na bagay sa puso ko dahil sa sinabi ni Itay. Pumatak ang mga luha ko. Si itay. Siya pa ang humingi ng tawad sa ate ko. Bakit ganoon si Itay? Hindi ba dapat si Ate ang humingi ng tawad dahil siya ang may ginawang mali. Ganoon ba talaga magmahal ang isang magulang sa anak? Bakit parang kasalanan pa ni Itay ang nangyari kanina? --- HanjMie

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.2K
bc

His Obsession

read
74.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook