2. Been there, done that.

1540 Words
2.      BEEN THERE, DONE THAT.       “WHAT did you call her?” Angelo asked the guy through gritted teeth. His eyes narrowed and she could sense trouble. Palagi na lang, he was always there to defend her. “What? s**t? Why? Did I make the boyfriend mad?”  “You—“ “Don’t, Angelo. He’s not worth it,” she said the words while looking at the stranger, raised a brow and made a b***h face. Pinigilan niya rin sa braso si Angelo nang akmang lalapitan nito ang lalaki. Nagsukatan lang sila ng lalaki ng tingin habang parehong nakataas ang tig-isang kilay nila. Hindi niya namamalayang napatagal na ang titig niya rito. Seryoso… parang gusto na namang mangilid ng mga luha niya.  His smirk. His gaze. His eyes. Particularly, his eyes… Naaalala niya si TJ sa lalaking ‘to. Kaya naman siya na ang unang nagbawi ng tingin. ‘Yun ang kanina pang pilit pumapasok sa isip niya. Ang medyo pagkakahawig nito kay TJ pero malayo. Sa unang tingin, wala. Ni hindi niya naisip na kamukha ‘to ni TJ. Pero ngayong natitigan niya ang lalaki… chills ran over her whole body because the man had an uncanny resemblance to TJ. “Let’s go, Angelo,” hinila niya na ang braso ni Angelo. “Call her that again and you’ll regret it,” banta ni Angelo sa lalaki. “Come on, Angelo,” she said, annoyed that there went his protectiveness again when she could handle it herself. Napasunod niya naman si Angelo pero masama pa rin ang tingin nito at ng lalaki sa isa’t isa hanggang sa makatalikod na sila. “Lord!” sigaw ng isang paparating na lalaki sa estrangherong iniwan nila ni Angelo. Pero hindi niya na narinig pa ang pinag-usapan ng mga ‘to dahil pumasok na ang mga ‘to sa loob ng club. “Kilala mo ba ‘yung sira-ulong ‘yon?” Huminto si Angelo at seryosong tumingin sa kanya. Bakas ang galit sa boses nito. “Hindi,” tipid na sagot niya. “Then why did he call you a s**t?” galit na tanong nito. “Maybe because he wanted to.” She rolled her eyes. “Really, Gelo? I don'’t care.” “Lagi naman. Lagi namang you don’t care! Kailan ka—“ “Enough, okay? Umuwi na lang tayo. Go get the car, I don’t wanna walk,” putol niya sa sinasabi ni Angelo. Tinitigan muna siya nito nang matagal sa naniningkit nitong mga mata.  Galit, pag-aalala at pagpaparaya, nagbuntong-hininga si Angelo.  “Stay here. Wait for me,” sabi nito, tsaka naglakad papunta sa parking lot para kunin ang kotse. Wait for me? Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Sinabi na rin sa kanya ni TJ ‘yun, e. Ano ngayon? Naghihintay pa rin siya sa wala. Pinagmasdan niya ang pag-alis ni Angelo. Gusto na naman niyang maiyak pero syempre, kaya niyang pigilan ‘yon. Angelo, hindi ko siguro kakayanin kung pati ikaw mawawala pa sa’kin. Pero sana maintindihan mo kung bakit ayaw kong pahalagahan ka. Takot na kasi akong mabigo. Takot na akong maiwan ulit. Natatakot ako na… na madagdagan ‘yung sakit. Malalim na nagbuntong-hininga na lang siya. Umikot ulit siya at bumalik sa loob ng club nang maalala niyang may purse nga pala siyang dala at naalala niyang nilapag niya ‘yon sa bar counter. Agad niya namang nakita ang purse niya pagdating niya sa counter. Kaya lang, nu’ng paalis na siya, narinig niya ang pangalan niya. “Aria S. of Helen Fashoin Company? Why?” one lady asked another. “Her grandfather made an announcement that she’s finally going to show her face in public any day in the next two weeks, right?” Kumunot ang noo niya. Her lolo did what? That was bullshit. Hindi niya napigilang mapaupo sa stool na kanina ring inupuan niya. Sa tingin niya kasi, hindi lang ‘yon ang patutunguhan ng usapan ng mga babaeng ‘to. She named them B1 and B2. Like how she gave name to anyone who liked to gossip about her. Bitches. Everybody was a b***h, anyway. Now those two were b***h 1 and b***h 2. “Yeah, so?” parang hindi interesadong tanong ni B1. “That table at the very corner of the room. I overheard their conversation. They are making a bet,” pagbibigay alam ni B2. Bet? Napaismid siya. Bet na naman? Alright. Bet pala, ha? Hindi niya na pinakinggan ang pagpapatuloy ng usapan ng mga babaeng ‘yon. Agad na nagpunta siya sa katabing table sa sulok na inginuso kanina ng babae. She sat down on the couch and leaned to further hear the conversation from the next table. “My car!” “Kotse mong bulok!” “Kotse pa rin!” “I bet my dog!” “Ayos ‘yan! Pampulutan, ‘no? Parang kanto-kanto lang? Umuwi ka pa sa inyo’t magpadede ng aso!” “Tangna ‘to! E, ikaw, ano ba’ng pusta mo?” “E, buhay mo!” “Ulol mo!” “Hindi sa’yo!” “Pakyo!” She shook her head in frustration. Napapikit din siya dahil sa pagkainip. Obviously, pinag-uusapan ng mga gago ang mga ipupusta ng mga ‘to. Napag-usapan na kaya ng mga ‘to ang pagpupustahan? Baka naman hindi pala siya ang pagpupustahan, e, ingungudngod niya sa baso si B2! “Tama na nga kayong tatlong bugok! Ipusta niyo na lang mga girlfriend niyo. Ako, ipupusta ko si Cherry, o! Ipusta niyo na mga syota niyo!” “Puta, kahapon lang Apple ‘yan, ha? Naging Cherry na?” “Walang pakialamanan! Bukas, para mas masustansya, sasagutin ko na rin si Pepper. O, dalawa na ‘yun, ha? Si Apple at si Pepper! Ipusta niyo na inyo!" “Gago. Akala ko ba si Cherry?” “Ah, ewan, nalilito na ‘ko! Basta syota na lang ang ipusta!” “Ha ha! Tangina, ang sama mo, ‘tol!” “Ako? Masama? E, ayain niyo lang ‘yung mga ‘yun, pustahan, hindi ko na kailangang ipusta pa.” “Sabagay, may point ka.” Napahawak na lang sa sentido si Arianna sa pagtitimpi. Ilang kabulastugan pa kaya muna ng mga ‘to ang maririnig niya bago niya marinig ang talagang pakay niya? Nabubwisit na siya, e. Gusto niya nang pagsasakalin isa-isa ang mga gago para lang sabihin na sa kanya kung ano talaga ang pinagpupustahan ng mga sira-ulo. “Sige na, deal na! Ipusta lahat ng syota, tapos!” “Shoot! O, tapos?” “Anong tapos?” “Gago. Sino’ng gagawa ng pang-aakit na kilabot kay mysterious Aria Thank You? ‘Wag ako, ha. Feeling ko pangit ‘yan. Tinatago mukha, e.” “Ganun ba ‘yun? Malay mo mas maganda pala sa mga model niya?” “Malay! E, ano’ng malay ko? Buti na’y sigurado! Baka iya’y hukluban na pala.” “Ulol! Kaka-twenty three pa lang, hukluban na?” “Aba, ano’ng malay ko? Palibhasa, basta babae updated ka!” Nagpinting ang mga tenga niya sa mga narinig niya. Thank You?! How dare they make fun of their family name? And how dare they make fun of her? Tatayo na sana siya para sugurin isa-isa ang mga sira-ulo pero napigilan niya ang sarili niya. Makahulugang ngumiti siya. Mas mabuti nang mabigo ang plano ng mga ‘to.  Gusto pala ng mga ‘to ng laro, ha? Pwes, pagbibigyan niya ang mga gago. “Alam ko na kung sino,” isang bagong boses ang nagsalita. At isang saglit na katahimikan din mula sa table ng mga ito ang nangibabaw. “Nah. Been there, done that,” isang pamilyar na boses naman ang nagsalita.  That voice. “Oh, come on, Lord! Move on na kayo ni Hero! ‘Wag kj!” Napatiim-bagang si Arianna. Lord? That jerk again? Was that his real name or what? Oh, to hell with him. “No,” the so-called Lord said with his same cold voice. “Yes na ‘yan! Mag-yes ka na!” kantyaw ng mga kaibigan nito. “No.” “You win this bet and I’ll tell you where she is.”  “No—what?” tila nagulat na tanong nu’ng Lord. “Her location, or no?” Isang saglit na katahimikan ang muling nangibabaw. “Yes,” that Lord answered. Napabuntong-hininga na naman siya sa g**o ng pag-uusap ng mga ‘to. Tapos na.  Nalaman niya na ang pustahan ng mga ‘to. At sisiguraduhin niyang mabibigo ang mga ‘to. How about I seal their own deal? An evil smile played across her lips. Kinuha niya ang isang baso na may lamang beer sa table kung nasaan siya. Malamang may naka-table kanina rito. Nilagyan niya ‘yon ng ice cubes. She stirred it well and not before long, she walked to their table. Sa half circle kung saan nakaupo ang mga ito, nakita niya agad kung nasaan ang hudas na Lord ang pangalan. Luckily, isang lalaki lang ang pagitan bago niya maabot ang Lord na ‘yon. They were busy talking and so she was ready to seal the deal. Nagkunwari siyang naglalakad lang at pagtapat na pagtapat niya sa mga ito, ibinuhos niya ang laman ng baso sa tapat mismo ng Lord na ‘yon. Medyo natapunan din ang katabi nito. Walang makakapag sabing hindi niya sinadya ‘yon when it was so very obvious that she stretched her arm to give him the treatment. Of course, they were all taken aback. “s**t!” Lord cursed as he jumped up. Syempre naman! Malamig kaya ‘yon. Sinakto niya talaga sa p*********i nito, e. Huh. Say hello to the greatest b***h. She smirked, looked at his blazing eyes and smiled her infamous witch smile. “Oops,” she smirked again and then placed the glass on the group’s table. Naglakad siya paalis. Same here, Lord-whoever-you-are. Same here… Bet? Been there, done that. Deal sealed? Right? “Hey, you s**t!” Ganoon na lang ang gulat niya nang may humawak sa braso niya at inikot siya pabalik. At ang lalong nakapagpalaki ng mga mata niya ay nang biglang… hinalikan siya nito! Halos hindi siya makagalaw sa bilis ng pangyayari. No one ever kissed her except TJ. No one ever dared to kiss her except from TJ! How dare this jerk?! Gamit ang buong lakas, tinulak niya ang lalaki ng pagkalakas-lakas. At nang magkalayo sila, agad niyang pinadapo sa gago ang kamao niya. She didn’t know how to punch but adrenaline did it. “Die, you bastard!!” nagngingitngit na sigaw niya rito tsaka siya tumalikod at naglakad paalis. Gusto niyang maiyak. Gusto niyang maiyak pero hinding-hindi siya iiyak. Lahat nakatingin sa kanya kaya hinding-hindi siya iiyak. Hindi siya iiyak dahil lang sa isang walang kwentang lalaki. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad. Pero malayo pa siya sa entrance, bigla na lang siyang napahinto. Did he see that? Oh, God, he did. He stood there and stared at her, his face was of pure disbelief and shock, hurt written in his eyes. “Angelo…” — — — — — — — — — — — — — — —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD