Simula

1343 Words
Ella's POV Habol ang hininga habang inililibot ko ang tingin sa kabuo-an ng bahay. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil ang aliwalas na tingnan sa loob lalo na sa kusina. I've been waiting for this, iyong makapag-general cleaning na wala ang buong pamilya ko. Hindi kasi puwede na nandito sila, magkakagulo lang ang lahat. Ewan ko ba pero nakakairita kapag may kasama sa tuwing naglilinis. Napatingin ako sa bintana. Sa aliw ko sa paglilinis, hindi ko namalayan na gabi na pala. Pinalis ko ang pawis na tumagatak sa mukha ko at napatingin sa aking sarili. Mahina akong natawa dahil mukha na akong basang sisiw sa itsura ko. "Ella! Lumabas ka muna dyan!" napatingin ako sa may main door nang marinig ang boses ni Ara, ang matalik kong kaibigan dito sa probinsiya. "Magugustuhan mo ang ibabalita ko sa'yo! Bilis! Pagbuksan mo ako! Tama kana kaka-linis sa bahay niyo!" Naiiling na lang ako nang kalampagin niya ang pintuan. Bumuntong-hiningang tinungo ko ang pintuan at mabilis na kinalas ang mga lock. I usually lock the door kapag ako lang kasi malay ko bang may pumasok na hindi ko kilala at baka may gawin pa sa akin. "Sandali lang naman!" sigaw ko kahit hindi ko sigurado kung narinig ba niya ako. "Hoy! Kumalma ka nga! Masisira ang pintuan namin!" Humagalpak ako ng tawa nang halos ngumudngod siya pagkabukas ko ng pintuan. Sinamaan niya ako ng tingin habang hinihingal na humawak sa doorknob. "Ikaw!" pinasadahan niya ako ng tingin at napangiwi. "What the actual fudge, El?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Oh ano? Expect mo na bihis na bihis ako? Alam mong naglilinis ako." "Ew! Ang lagkit mong tingnan pero maganda pa rin naman," aniya pero nakangiwi pa rin, hindi inaalis ang tingin sa akin. "Anyways, you look like katatapos mo lang makipagchukchakan, sarap ba?" Nagtaka ako sa sinabi niya. Masarap naman maglinis pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Hindi ako gano'n ka-expose sa social media, tv at iba kaya hindi ako makarelate minsan sa pinagsasabi niya. Hindi naman sa ayaw kong mag-explore, hindi lang ako gano'n ka interesado unlike her na babad sa selpon. Siya na nga minsan gumagamit sa phone ko at hinahayaan ko lang naman. Mas gusto ko kasing magpaint na lang at gumawa ng kung anu-anong makaluma. Sabi nga ng mga tao rito sa probinsiya ay masyado raw akong inonsente, walang kaalam-alam kaya minsan hindi ako lumalabas kasi nahihiya ako. "Anong chukchakan ang pinagsasabi mo?" takang tanong ko at ibinaba ang hawak na dustpan at walis sa likod ng pinto. Umiiling siyang tumawa ng mahina. "Ewan ko sa'yo, Ella. Sa pagiging inosente mo, people will take advantage of you." Hinila niya ako patungong living room at hinatak ako paupo sa pabilog na sofa. Masama na bang maging insosente? Is that a weakness? Tingin ko naman ay okay lang. I was born like this. For me, it's a waste of time kung pagtutuonan ko pa ng pansin ang ibang bagay na hindi naman talaga pasok sa interes ko. Is it wrong na ibalin ko ang pansin sa mas makabuluhang bagay? Iyong may may matututunan ako? Na mahahasa ang skills ko? Sumandal ako sa sandalan ng sofa at nag-indian seat. "Hindi naman siguro saka ikaw lang naman ang lubos kong kilala rito... maliban na lang kay Kino pero wala na iyon dito, eh." Pikit-mata kong isinaisip ang kung paano siya umalis no'ng araw na iyon. It was so unexpected. Hindi ko inasahan na aalis siya ng gano'n-gano'n lang to the point na hinabol ko pa siya sa oras na iyon para pigilan. I was crying that day na akala ko ay makakapagpigil sa kanya para manatili but wala na talaga. They left me crying in pain. Umuulan pa iyon. It was so sad for me na mawalan ng kaisa-isang kaibigan. Mabuti na lang at kinaibigan ako ng bruhang 'to at nakatagal sa pagiging inosente ko habang siya naman sa pagiging talakera niya. Kino was my childhood sweetheart at hindi ko naman siya masisisi kung bakit biglaan ang pag-alis niya since choice iyon ng mga magulang niya. I was wondering, kamusta na kaya siya ngayon? Ano na kaya itsura niya? Napamulat ako at napahawak sa aking braso nang hampasin ako ng bruha. Salubong ang kilay ko nang tingnan ko siya. "Ano?" kalmadong tanong ko pa kahit masakit. Sanay na ako sa pamimisikal niya pero minsan ang sakit na. Iyong feeling na parang matatanggal na ang braso ko kakayugyog at kakahampas niya. I creased my forehead while looking at her. Humina na ang paghampas niya sa akin at kitang-kita ko sa mga mata niya kung paano iyon mangislap. Excited na naman 'to sa ibabalita niya. Ganitong-ganito kasi ang mga mata niya kapag may ichi-chika siya. "Si Kino dumating na!" she blurted out in excitement sabay sinundot-sundot ang tagiliran ko. Natigilan ako sa sinabi niya at mariing napalunok. Ilang taon din simula no'ng umalis sila and now that bumalik na sila, hindi ko mapigilan na kabahan. Why do I feel like na-excite ako? Dahil ba sa miss ko na siya? That I've been longing for him for years? "Hoy! Kumibo ka naman dyan! Hindi mo man lang ba namiss?" she snapped kaya nabalik ako sa ulirat. "Wala ka talagang alam? Tutulong daw tayo sa paglilinis ng bahay nila kaya ako pumunta rito, expert ka no'n eh. Paano naman ako?" Umismid ako sa sinabi niya at umirap. "Grabe ha? Ako talaga ang pinuntahan kasi expert?" sarkastikong sabi ko. Humagikhik siya. "Hindi kasi talaga. Wag mong ibahin ang topic, miss mo? Punta tayo? Birthday niya raw sa isang araw." "Alam ko, Ara." Deritsong sambit ko na ikinangisi niya at mahina na namang hinampas ang balikat ko. "Talaga naman, childhood sweetheart nga naman! Love never dies!" pang-aasar pa niya na inirapan ko lang. "Anong gift mo? Saka hoy! Pupunta daw tayo sa kanila ngayon!" Sabay kaming napatingin sa may pintuan nang bumukas iyon at bumungad sa amin si Papa at Mama na bitbit ang kani-kanilang briefcase. "Ara and Ella, tulungan niyo sina Tita Lia and Tito Kean niyo sa pag-aayos ng—" napatingin sa akin si Mama na may ngiti sa labi. "Naglinis kana naman 'no?" Ngiti-ngiti akong tumango at sinundan ng tingin si Papa na dire-deritsong pumanhik sa taas. Naintindihan ko naman na pagod siya pero gano'n ba kahirap na tapunan lang man niya ako ng tingin? Papa and I were not in good terms dahil sa hindi ko makikipag-socialize sa mga pinsan ko at sa hindi ko pagsama sa mga okasyon o event nila. I like to stay in my comfort zone and to isolate myself. He's forcing me to do what my cousins na makipagsalamuha sa iba pero ayaw ko. Siguro darating din ako sa puntong iyon pero ayaw ko muna sa ngayon. "Yes po, Tita!" nasisiyahang sagot ni Ara at napatingin sa akin. "Tara na ba?" she mouthed to me. Tinanguan ko lang si Mama at seninsyasan ako na kakausapin niya si Papa for me. Binaling ko ulit ang tingin kay Ara na excited nang lumipad sa kabilang bahay. Well, kilala naman niya si Kino since nakukuwento ko siya sa kanya and plus magkalaro rin dati. Syempre, no'ng bata, expected na expose ako sa mga bata at sa mga tao kasi dahil sa paglalaro. Since no'ng umalis sila at iwan ako ng walang paalam, I started to distant myself at napansin iyon ng lahat. Si Ara na mahilig mangulit at araw-araw na pumupunta sa bahay para makipaglaro. Hindi ko namalayan na nagiging close na kami. Hindi niya talaga ako tinantanan hanggang sa napaamin na nga niya ako kung bakit biglang naging gano'n at naintindihan naman niya nang ipaliwanag ko. "Hindi ka man lang excited na makita siya?" takang tanong niya at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Hindi ko alam." I replied casually na para bang wala lang sa akin. Wala lang ba talaga? "Alright, for now, maligo ka muna at magpalit." Aniya at sabay na napatingin sa damit ko. Our eyes met as we simultaneously lifted our gaze. Naghaharumentado ang dibdib ko sa kaba. "I'm honestly nervous to see him. Will I be able to face him?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD