bc

Eternity

book_age16+
176
FOLLOW
1K
READ
family
fated
opposites attract
independent
drama
tragedy
sweet
bxg
humorous
rejected
like
intro-logo
Blurb

Calcifer M. Revano is the ball of sunshine in Calle Nueva. He lives free and easy. Adventurous, spontaneous, and game for anything. He can't last a day without having fun. Para sa kanya, mas mahalaga ang ngayon kaysa sa bukas.

But what if he crosses path with someone who lives her life differently? Kabaliktaran ng kanya. Iba sa lahat ng nakilala. Walls start crumbling. Realities began unleashing. Sa pagitan nilang dalawa, sino nga ba ang duwag at sino ang hindi?

chap-preview
Free preview
Prelude
Lakas "Hiraya Manawari," Patuloy ang marahang hampas ng alon sa bangka namin kasabay ng haplos ni Ina sa buhok ko. "Iyon ang buong pangalan mo, Raya." ngiti niya. "Kapag pumasok ka na sa eskwela, iyon ang isusulat mo sa papel. Hiraya Manawari P. Sadava," Abala ang Ama sa pagsasagwan ngunit sumulyap siya samin nang may ngiti. Masagana ang huli sa pangingisda kaya't masarap ang ulam namin mamaya. Nanatili akong nakatingala sa mga bituin sa langit. Inabot na kami ng dilim. Kung kasama namin si Ate Maya ay tiyak na nanginginig na iyon sa takot. Mahina kasi ang loob niya pagdating sa lalim ng dagat at lawak ng kalangitan. "Bakit iyon ang ipinangalan niyo sakin, 'Nay?" tanong ko, nakatuon pa rin sa itaas— nawawala sa dami ng mga tala. Huminto ang galaw ng kamay niya. Pumirmi lamang sa isang bahagi ng ulo ko. Ramdam ko ang gaan at init sa palad niya. "Dahil may magandang kahulugan iyon, Raya. Walang kapares sa iba. Mananatiling paalala na balang araw, lahat ng pangarap mo ay matutupad." aniya. Batid ko ang ngisi sa tono niya. Bumaling ako sa kanya. Tama ako. May maamong kurba pa rin ang mga labi niya. Ang mata ay may nakamamanghang kislap. 'Sing ningning ng mga nasa itaas. Pangarap. Binalik ko ang tingin sa alapaap. Bumagal ang pagkurap ng mata ko. "'Nay..." panimula ko, malamyos ang tinig. "Bakit tayo sinusundan ng buwan?" Pansin kong kanina pa iyon sumasabay sa pag-andar namin. Saan man magpunta ay nakabuntot. Dinig ko ang munting halakhak niya. "Bukas na bukas, pwede mo nang itanong sa titser lahat ng gusto mong tanungin, Raya. Unang araw ng klase kaya't magpakabait ka. Huwag kang makikipaghabulan kay Vito anumang tukso niya. Saka na ang laro pag-uwi sa bahay," Bigo akong makakuha ng sagot sa tanong ko. Subalit kung tiyak na mabibigyan iyon ng tugon bukas ay maigi pang ilista ko na ang iba pang gustong malaman. Gaya ng kung bakit hindi ko nararamdaman ang paggalaw ng mundo gayong sabi ng Ate ay umiikot daw ito. "Basta't kami ng Tatay mo, isa lang ang hiling namin," aniya. "Mapapanatag lang kami sa oras na maging Nurse ka na. Matagal pa pero maigi nang pagbutihin mo ang pag-aaral ngayon pa lang. Nang sa gayon, ikaw na mismo ang tutulong at gagamot sa Ate Maya mo." Lumipat ang tingin ko mula sa kisap ng mga tala patungo sa kinang ng mga mata niya. Puno ng pag-asa. Ngumiti siya, tuloy pa rin ang hagod sa buhok ko. "Palagi mo lang tatandaan, darating ang panahon, maabot mo lahat ng nais mong marating." kumpyansa ang tingin niya. "Kapag nawalan ka ng pag-asa, alalahanin mo lang kung sino ka. Ikaw si Hiraya Manawari at wala nang iba," Limang taon lamang ako noon. Musmos at walang muwang. Masyado pang mura ang pag-iisip para sa reyalidad. Lumaki akong dala ang tiwala sa mga salita nila. Subalit mali sila. Ngayong nasa wastong gulang na ay mulat na ko sa katotohanan. Manhid na sa lupit ng kapalaran. Bato na sa balasik ng tadhana. "Oh, ito laang." tila labag sa loob na abot sakin ni Ante ng pera. Kahit halos pabato ang pagkakaabot ay agad ko pa ring pinulot nang malaglag iyon sa buhanginan dahil alam kong kailangan. Ako lang din ang magdudusa kung hindi ito kukunin. Binilang ko ang binigay ng Tiyahin. Seven hundred. Gusot ang limang daan at may punit ang kulay berdeng papel pero ayos na. Magagawan ng paraan. Didikitan ko na lang ng tape. "Sagad na yan." aniya, kahit nagsasalita na ay may lumalabas pa ring usok sa bibig mula sa hinithit na sigarilyo. "Pasalamat ka pa't binigyan kita ng pera sa kabila ng mga iniwang utang ng Nanay at Tatay mo sakin," Tinuwid ko ang pagkakalamukos sa kulay dilaw na salapi. Maarte ang kundoktor sa istasyon ng lugar namin kaya't isasantabi ko na lang muna ito. Ang ipon ko na lang muna ang gagamiting pamasahe. Sasapat naman siguro ang hawak ko hanggang makahanap ng trabaho sa Maynila. Napaghandaan ko naman dahil inasahan ko nang darating ang araw na to. "Iwan mo na yung bulok na selpon. Maibenta ko man lang. Kabayaran sa pagapapatuloy ko sa inyong dalawa ng baldado mong kapatid. Isang taon din kayong palamunin at pabigat sakin," aniya. Aalma sana ako sa gusto niyang mangyari ngunit nang maabutan ang matigas na ekspresyon niya ay hindi na nag-abala pa. Malabong pakinggan niya pa ako. Ayoko nang magsayang ng enerhiya para sa wala. Nang maiabot sa kanya iyon ay dinampot ko na ang kakarampot na bagahe. "Aalis na ho kami, Ante." "Osya, wag na kayong babalik. Kung ano mang maging problema niyo ron, wag niyo na kaming idamay. Isipin niyo na lang, wala na kayong natirang kamag-anak." Pasok sa isang tainga at labas sa kabila na lamang ang maaanghang niyang salita. Kung tutuusin, maliit na bagay lang naman ito kumpara sa ibang dinanas. Hindi na para mag-aksaya pa ko ng lakas. "Halika na, Ate." mahinang wika ko. Kumapit ako sa hawakan ng wheelchair ng kapatid saka iyon tinulak paalis. Palayo sa lugar na saksi ng bawat hinagpis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
239.7K
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook