Chapter 03

1108 Words
"What? "Hindi makapaniwalang tanong niya sa sinabi ko. Hayyyssss. Kailangan ba talagang ulit-ulitin? "I said, ipahiram mo sakin ang kotse mo para makabalik na ako sa Maynila? Gets mo na? "Mataray na sabi ko sa kanya. "I dont even know you tapos gusto mong hiramin ang kotse ko? If I know, ganito ang mga modus niyo. "Sabi niya. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Minamaliit niya ba ako at akala niya ba masamang tao ko? Wow naman. Ang mga lalaki talaga. Pag bakla, may masamang balak na agad? Nakaka hiya naman sa kanila. -__- "Excuse me Sir, kaya kong palitan ang kotse mo kahit dalawa pa. Kaya kung pwede pahiramin muna ako. "Sabi ko kanya. "No way! "Matigas na sagot niya at tuluyan nang sumakay sa bangka. Ahh ganon? Ganito ba ang gusto niya? Oh sige! Mabilis akong sumunod sa kanya at sumakay din dun sa bangka. "What are you trying to do!"galit na sigaw niya sa'kin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. "Im trying to save myself. Hindi mo ko pwedeng iwan kaya sasama na lang ako sayo. "Sabi ko sa kanya at umupo na. "Nasisiraan ka ba ng ulo? Hindi mo nga alam kung saan ako pupunta ehh. "Sabi niya. "Wala akong pake. "Mataray pa rin na sagot ko. "Bumaba ka na or else mapipilitan akong ilaglag ka sa dagat. "Pag babanta niya. Tinawana ko naman siya. "Edi subukan mo. Isa akong sirena noh. "Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na parang naiinis na siya sa'kin pero hindi na siya umimik. "Sige Manong tara na po. "Sabi niya doon sa matanda at nagsimula na itong paandarin yung bangka. Sorry na lang siya. Baklang matapang ata toh at walang ina-atrasan. Hahahaha. . . OLIVIA's CALLING... "Oo pasensya na pero hindi pa talaga tumatawag samin si Euly ehhh. "Sabi ko sa secretary ni Euly sa Botique niya. Kanina pa daw niya kasi tinatawagan ang sir Euly niya para sabihin na may nag order ng 50 shirts at nag bigay ito ng isang design para doon at kailangan nang magawa ni Euly yun sa lalong madaling panahon. Pero wala kaming magawa dahil hindi naman namin alam kung nasaan si Euly at hindi din namin siya matawagan. Hayys. [Sige Ma'am pakibalitaan mo na lang po ako kapag naka usap niya niyo na po si Sir.] "Sige. Bye. "Sabi ko. Maya maya ay nag ring na naman ang cellphone ko. Sir Erickson's Calling... Hayyyss. Isa pa toh. >_< "Hello Sir? " [Olivia, I want to ask if Euly talked to you last night? Hindi ko siya ma-contact but I really have to discuss to him about the check? ] Nako. Bakla ka! Asan ka na ba talaga? "Nako Sir, hindi ko pa rin kasi nakaka usap si Euly ehh pasenysa na po. "Sagot ko. [Ganon ba? Hihintayin ko siya hanggang Wednesday before my flight going back to Paris. Sayang din ang perang nasa check ko kung hindi niya iintindihin.] "Okay Sir. "Sagot ko. Sa kabilang banda naman ay may kausap din si Patty sa telepono at about din yun kay Euly. Dito siya natulog sa condo ko after namin mag inom sa club at binulabog lang naman kami ng sobrang dami na tawag nitong umaga dahil lahat yun kay Euly. Asan na ba kasi ang baklang yun? Hindi ba niya alam na nagkakagulo ang trabaho niya pag wala siya? Hays. "Sige po. Sasabihin ko po. Salamat. "Sabi ni Patty at binaba na ang tawag sa telepono. "Hayyssss. Nakakaloka na itey. Asan ba nag gorabels ang babaitang yun, my G--- nakaka stress siya. "Angal ni Patty. Pabagsak din akong nahiga ulit sa kama sa sobrang stress din. "Hindi kaya nag tanan na yun kasama yung Roy na boylalet niya? "Tanong ko. "Huh? Shunga ka ba? Kahit mahal non si Roy, mas mahal niya ang trabaho niya noh. "Sabi sa'kin ni Patty. Tumango tango naman ako kasi may point siya doon. Pero nasaan na ba talaga si Euly? Riiingggg Riinnnggg Napa bangon agad ako nang mag-ring na naman ang cellphone ko. Napalaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang Caller ID. "Sino yan? "Tanong ni Patty. "Si Tito Martin."sagot ko. Napa upo din si Patty at pinakinggan ang magiging pag uusap namin nk Tito which is ang Papa nk Euly. "Hello Tito. " [Hello Olivia. ] "Yes Tito, bakit po? " [Asan na ba si Euly hindi siya tumawag sa'kin ngayong umaga, usually kasi ay tumatawag yun.] sabi nito. "Nako Tito, nag---nag out of town po kasi si Euly ngayon. Ahmmm nasira po yung phone niya at ang sabi niya ay tawagan ko kayo para sa kanya...actually naunahan niyo lang po ako. "Pag si sinungaling ko. [Ganon ba? Oh sige. Pakisabi na mag ingat siya sa lakad niya at bisitahin niya kami pagbalik niya.] "Opo Tito. Sasabihin ko po. "Mabilis na sagot ko at mabilis ko din na pinatay na yung tawag. Hindi kasi namin pwedeng sabihin kay Tito Martin na nawawala si Euly dahil mahina na ang puso nito. Kaya sa ngayon ay kailangan muna naming ilihim toh sa kanila hanggat maari. Hinarap ko si Patty. "Baks (Bakla) I think, kailangan na nating hanapin si Euly. "Suggestion ko. "Sa tingin ko nga. "Sabi niya. "Sige na uwi ka na tapos balikan mo na lang ako dito para makapag palit ka na rin tsaka tayo pupunta na para hanapin si Euly. "Sabi ko. "Sige. " "Gamitin mona yung kotse ko. "Sabi ko pa. Nag-nod na lang siya at tatayo na sana nang mag-ring ulit ang cellphone ko kaya napatigil din si Patty. Unknown Calling... "Hello? " [Hello? This is from Chariot Club. Ms. Olivia right?] "Yes. Ako nga yun. " [We would like to inform you na kailangan niyo na pong kunin ang kotse niyo dito.] Huh? Kotse? Nag katinginan kami ni Patty dahil clueless kami sa sinasabi ng lalaki sa kabilang linya. Anong kotse ang tinutukoy niya eh nasa garahe ang kotse ko. "I think nagkakamali po kayo. "Sabi ko. [Pero calling card niyo po ang nakuha namin sa kotse na toh. This caramel with black colored car also contains a sticker written E. F. S. Hindi po ba sa inyo toh?] Lalo kaming nag katinginan ni Patty dahil sa sinabi nung lalaki. Caramel na may kulay itim na kotse? Hindi malabong kay Euly yun!!! "Sa kaibigan namin yan pero sorry to inform you na nawawala ang kaibigan namin. Kung pwede, pupunta kami diyan to check the car also the CCTV footage. "I said. [Okay Ma'am. Hihintayin ka namin.] sabi nito at namatay na yung tawag. Nag madali na akong tumayo. "Wag ka nang magpalit baks. Tara na. "Sabi ko at nauna na sa kanya. Sana wag naman tama ang hinala na nabubuo sa isip ko, baka kinidnap na ang baklang yun kagabi. Waahhh. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD