Chapter 3

1806 Words
JHO. "So ano nga nangyari, gurl?"   Wala. Wala naman talaga diba? WAAAAAAAAAAAH! Nakakahiya!   "Hindi ako naniniwala. Yung ganyang galawan mo na di mapakali? Parang may ginawang krimen? Nako, wag ako." Sabi ni Jia.   "Promise. Wala naman pero parang meron."   "Gaga. Di yung status niyo tinatanong ko. Ang tinatanong ko is kung ano nangyari sa inyo ni Beadel kaninang umaga? Ang lala ha. Umagang kay ganda ang peg."   Napahilamos na lang ako sa mukha ko. After kasi manyari nung muntikan mangyari samin inasar na niya ako ng bongga. As in, inaasar ako ng de Leon na yun! Shemay naman eh. Nadala lang naman ako sa kissing scene sa Kdrama na pinapanood ko eh. Nalimutan ko na si Beatriz pala kasama ko, yung ever papi kong bestfriend na singkit din. Nakakadala diba?   Tapos sa sobrang pang-aasar niya sakin kaninang umaga, nag walk-out ako. As in umalis ako sa bahay nila dahil sa hiya. At ngayon? Ayun warla kami ni Beatriz. Pero yung isang kupal na yon parang ang saya-saya pa kahit galit ako sa kanya. Kainis!   "Yun nga bes. Muntik mangyari ang di dapat mangyari."   Napatakip naman si Jia sa bibig niya. Hindi makapaniwala.   "OMG! You mean muntikan na kayo mag kemerut you know sa kama? Like yung masarap and ugh ugh?"    -_________________-   Nabatukan ko naman siya. "Ang berde mo. Hindi yun gaga!"   "Makabatok! Eh ano pala ha?"   "Muntik na kami mag-kiss and alam mo yun ako yung pumikit so parang sign yun na gusto ko i-kiss niya ako diba? Tapos alam mo ginawa niya? Imbis na sa lips, sa noo niya ako hinalikan tapos nun pinitik niya noo ko sabay sabing hindi kami talo."   "HAHAHAHAHAHAHAHA! Te gurl! Ang lala! Masyado mong ginalingan!"    "Wag ka nga tumawa dyan!"   "Maikwento nga yan kay ate Ells. Sure akong bongga tawa non sayo."   "Wag na. Ako na magku-kwento. Malala ka mag-kwento eh misan kulang, minsan may nadadagdag."   "HAHAHA syempre O.A ako!"   "Proud ka pa ah!"   "Pero bes seryoso. Ang bobo mo. Pikit pa more."   "Tse. Nadala lang ako sa kissing scene sa Kdrama na pinapanuod namin."   "Pero bes, yung real ha. Umasa ka na sa lips ka niya iki-kiss?"   Napangiti naman ako. "Oo eh, pero wala eh. Sayang eh."   Sinabunutan naman niya ako. "Waaaah! Walangya ka! Ang harot mo bes!"   "Aray! Jia!"   "Ang harot mo sa part na yun. Akala ko ba di mo gusto si Bea?"   "Huy! Leche ka! Hinaan mo naman boses mo!"   "Oh sagutin mo na."   "Di ko naman talaga siya gusto eh. Sweet lang talaga kami sa isa't isa pati as in nadala lang talaga ako sa scene na yun. Bestfriend lang tingin ko sa kanya. Promise. Kayo lang yung mapaglagay ng malisya."   "Edi shing po. Dami mo sinabi."    "Leche ka!"    Totoo naman eh. Di ko gusto si Bea. Sadyang pareho lang kaming clingy s***h mas clingy ako ganun. Pero yung nangyari talaga kanina, nakakabaliw lang. Nahihiya ako sa kanya!    "Ate Ella sa wakas dumating ka na!"   "Oh bakit, Jia? Miss mo ang mama bear mo?"   "Hindi. May kwento kasi si Jho."  Nabatukan ni ate Ella si Jia. "Real talk bes? Di pwede mag-kunwari na miss ako?"   "Ehhh arte. Mamaya na yan ate Ells promise masaya kwento ni Jho." -Jia   Naupo naman sa harap namin si ate Ella. "Sige, ano yun Jho?"   "Eh kasi ate Ella nanunuod sila non ng beastie niya ng Kdrama tapos meron dun na kissing scene." Sabi ni Jia.   "Oh tapos, Jho?"   Mag-sasalita pa sana ako kaso si Jia... "Edi ayun nga ate Ella, nadala si ate gurl sa kiss scene dun. So nag-lapit face nila ng beastie niya tapos ayun nga pumikit ng bongga si ate gurl. Hinihintay ang kiss ng bebegurl. Tapos alam mo nangyari?"   "Oh, ano?"   Bumwelo na ako pero... "Sa noo lang siya hinalikan tapos pinitik pa siya right after sabay sabi ng di sila talo! WAHAHA!"   "Yun lang, Jho?"   "Ewan ate baka may idadagdag pa si Jia tutal alam niya naman lahat." Sarcastic na sabi ko.   "Oo nga, Jia! Si Jho ang tinatanong ko ikaw umariba!"   "Ayy.. oo nga noh? Hehe, sige ulitin na lang natin." -Jia   "Wag na. Ikaw na magkwento Jia pati yung nararamdaman ko ikaw na."   "Grabe! Na-excite lang naman ako!"   "Inagawan mo si Jho ng spotlight, Jia." -ate Ella   "Sorry na, Jho. Hehehehe. Kiss na lang kita sa noo." Pang-aasar ni Jia.   "HAHAHA! Ako din bebe, pero dapat pikit ka muna." -Ate Ella.   At yun po noh. Join force nanaman sila sakin.   "Tigilan niyo ko!"   Maya-maya pa dumating na si Bea kasama si ate Ly dito sa BEG. Nagkatinginan pa kami tapos bigla ba naman siyang nagsmile sabay pumikit.    "Urgh!"    Napalingon naman ako kayna ate Ells tapos nakapikit din sila ni Jia. Oh dear God. Help me survive this day please. AYOKO NA!    Lumapit naman ako kay ate Den. "Ate tayo na lang partner sa stretching please."   "Uhm, sige sabihan ko lang si Ly."   "Sige po."   "Bakit ayaw mo ako ka-partner?" Napatalon ako nung may bumulong sa likod ko.   "Isabel!" Inis na sabi ko.   "Sorry na Jho. Bati na tayo please?" Natatawang sabi niya.   Umirap ako. "Yan ba ang nagso-sorry? Tumatawa?"   "Ang cute mo kasi eh."   Hindi ko siya pinansin. Nakakainis.   "Jhow, please? Bati na tayo?"   "Tigilan mo ako ah."   "Tingin ka naman sakin. Kahit isang beses lang. Kahit last na tingin sa araw na to tapos wag mo na ako pansinin." Bulong niya.   Tss. Lumingon ako sa kanya tapos saktong hinalikan niya yung forehead ko. Nagulat ako. Parang nanigas na ako sa kinatatayuan ko.   "Yan. Galingan mo sa training." Sabi niya sabay pikit habang nakangiti tapos tinalikuran na ako habang tawa nang tawa.    AISH! Akala ko pa naman seryoso na siya!   Sa inis ko kinuha ko yung bottled water na walang laman tapos binato ko sa kanya. Head shot!    Napalingon siya sakin tapos sinamaan ako ng tingin. Nag-belat lang ako. Kala mo, de Leon ah. Quits lang tayo. Psh.   Nag-start na stretching and partner ko si ate Den. Tapos nun mga drills na.     "Water break daw muna girls!" Sigaw ni Ate Ly.   Lumapit ako kayna Jia and ate Ella. "Babalik na daw sa training si Mich!" Sabi ni Jia sakin.   "Seryoso?" Di makapaniwalang tanong ko.   "Oo bes! Baliw baliw nanaman tayo lalo!" -Jia   "May ipapalit na kayo sakin kasi last playing year ko na, ganorn?" Sabi ni ate Ella.   "Ate Ells hindi ah ikaw pa rin ang Madame piggy namin." Sabi ko.   "Keme mo, Jho."   "Kailan daw balik ni Mich?" Tanong ko.   "Next month pa. Hehe. Sinabi ko lang ng maaga." -Jia   "Ang tagal pa pala eh. Wiee, nakaka-excite lalo." Sabi ko.   "Teka gurl, okay na ba kayo ni Beatriz?" Tanong ni Jia.   "Hindi pa. Bakit?"   "Eh ano to?" Tanong ni Ate Ella sabay pakita nung medyo blurred na picture namin ni Bea nung kiniss niya noo ko kanina.   "Hala bes, pinost ng fan yan. Goodluck ka, magkakaroon ka na ng barko." Sabi ni Jia.   "Barko?"   "Gaga. Magkakaroon na kayo ni Bea ng shippers. Start na yan bes. Mala-AD na." Pang-aasar ni ate Ella.   "Ahh. Okay lang yun." Sabi ko.   "At bakit okay?" Tanong ni Jia.   "Baka mamaya maging dahilan pa yan para ma-awkward kayo sa isa't isa eh." Sabi ni Ate Ella. "Katulad ni Den and Aly."   "Hindi ate ah. Baka nga sakyan pa namin trip ng mga shippers kung sakali eh. Alam mo naman kami ni Bea, ma-trip din."   "Parang JiaMich lang yun ate Ella. Tignan mo pareho kami ni Mich may lovelife tapos keri lang samin na may shippers kasi wala naman kami feelings sa isa't isa eh." Sabi ni Jia.   "So sinasabi mo kaya naging awkward yung kay Den at Ly kasi isa sa kanila may feelings sa isa't isa ganun?" -Ate Ella   "Opo. Parang ganun. Malay mo naman diba, ate. Maski nung awkward nga silang dalawa di sila nago-open sayo eh. Bigla na lang din umayos lahat sa kanila pero makikita mo na may nag-bago na talaga." -Jia   "Oo nga eh." Tinignan naman ako ni ate Ella. "Ikaw may feelings ka ba kay B?"   Umiling agad ako. "Wala ate ah. Bestfriend lang talaga tingin ko sa kanya. Promise."   Nag-make face naman si Jia. "Keme."   "Oo nga! Check mo pa puso ko, wala na ako feelings noh. Ubos na."   "Edi shing po." -Jia   "Ay, Jho. May ipapakilala ako sayo. Cute siya, kaibigan namin ni Ly. Idol ka nun." Sabi ni ate Ella.    "Sino?"   "You'll find out soon. Basta feeling ko talaga siya na magiging forever mo. Gentleman at mabait, lahat ng hinahanap mo sa isang lalaki nako, nasa kanya na."   "Sus ate Ella! Sabihin mo pag papakilala mo na ah, kailangan kasama ko si Beatriz eh." Sabi ko. Baka kasi magalit yung isang yun.   "Sure!"   Bumalik na ulit kami sa training. Kung ano-ano pa pinagawa samin. Mabilis din natapos yung tatlong oras na training. And agad din lumapit sakin si Bea.   "Dorm or samin?" Tanong niya sakin habang inaayos ko gamit ko.   "Ikaw san ka?" Tanong ko.   "Bahay eh. Okay lang?"   "Dorm ako."   "Jho. Galit ka pa rin?"   "Eh baka mamaya asarin mo nanaman ako."   "Hindi na promise. Bahay tayo please? Madaming hinanda si Mommy for dinner."   "Hmm. Okay sige." Sabi ko na lang.    Kinurot naman niya pisngi ko. "Basta talaga pagkain eh."   "Tse. Galit pa rin ako sayo noh."   "Sorry na nga eh. Kalimutan na natin yun. Balik normal ulit. Okay?"   "Coming from you ah? Ikaw nga 'tong anlakas mang-asar."   "Hahaha! Ang hirap kalimutan eh."   "Tignan mo!"   After ko ayusin gamit ko sabay na kami lumabas ng BEG tapos may mga fans na naga-abang samin dalawa magpapapicture.  Kaliwa't kanan na nagpapapicture samin. Pero hinayaan na lang namin kasi ang tagal din naman nag-hintay ng fans para samin eh. So kahit pagod, gutom, at gusto na namin umalis, tiis na lang muna.   "Ate Jho, eto po gift ko sa inyo sana po magustuhan niyo." Sabi nung bata sakin sabay abot nung box. In-open ko tapos puno ng chocolates.   "Hi. Thank you! Uwi ka na agad ah? Baka hinahanap ka na sa inyo."   Kinausap ko pa ibang fans kasi si Bea sobrang dinumog na. Lumapit ako kay Bea nag-excuse ako sa mga fans.   "Tama na guys tapos na oras ng hiram, akin na ulit de Leon niyo." Biro ko sa kanila.   Nagulat naman kami ni Beatriz kasi nag-sigawan mga fans. Pero after nun lumayo na sila tapos hinila ko na paalis si Beatriz.   "Bye ate Jho!"   "Bye ate Bea!"   "Bye JhoBea!"   Nagkatinginan pa kami ni Beatriz dun sa jhobea. Nako po. Nadale na nila.    "Bye guys!" Sabi namin tapos tumakbo na kami pareho papunta sa kotse niya.    "Grabe, pinagdamot mo pa ako." Pang-aasar ni Bea nang makasakay kami pareho sa car niya.   "Dinumog ka na eh. Halata naman sa mukha mo na nalilito ka na pati nag-hahanap ka na ng way para makaalis." Natatawang sabi ko.   "Ang dami kasi nila grabe, I really don't know where to look."   "Di daw alam pero sakin ka nakatingin." Sabay belat ko sa kanya.   "Baka iwan mo ako eh!" Sabi niya while driving.   "Nye, bat ko naman gagawin yun?"   "Baka lang naman."   "Asa ka pang gagawin ko yun. Di kita iiwan kahit na kapre ka."    Nakita ko naman siya na ngumiti kaya napangiti na rin ako. Naalala ko bigla yung tanong ni ate Ella...   May feelings ba ako for Beatriz? Alam ko sa sarili ko na wala eh. Bestfriends lang talaga kami kahit na minsan parang more than that na.  Lagi ko naman tinatanong sarili ko eh. Pero ang sagot ko lagi, hindi. Hindi talaga.  Kung may chance ba? Para sakin wala. Kaibigan lang nga turing ni Bea sakin eh. Tapos to think na straight pa siya diba? Walang chance talaga. We're both straight. At kung may babaliko man, imposibleng ako, at lalong imposible na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD