CHAPTER 3

1878 Words
Today is our Orientation at ito ako ngayon natutulog sa gilid habang busy yung nag di-discuss about policy dito sa company. Kailan ba matapos ito. Maya-maya ay yung mga Team Leader na ang mag sasalita tungkol sa mga policy each Account. Nung tinawag ang Account na pinag applyan ko ay lumakad sa harap yung speaker nag expect ako na si Kaylee yung speaker pero hindi pala. Hopia ako! Pagkatapos ng 5 hours Orientation ay nag dinner na kami sa pantry. May bago na din akong mga kaibigan. Naghahanap kami ngayon ng mauupuan at sakto namang may bakante pa. Agad nag order yung iba kong kasama, pagbalik nila galing order ng food ay ako naman ang nag order. Pagbalik ko ng table namin ay meron kaming dalawang babae na katabi parang one seat apart lang ang pagitan namin sa kanila. Habang busy kami sa pagnguya at pagkwekwentohan ay napatigil ako sa pakipagkulitan sa kasama ko kasi parang may magandang chismis itong dalawang babae na katabi namin. "Alam mo bang naghiwalay si Kaylee at Kristelle." Sabi nung isang babae. Pagrinig ko sa pangalan ni Kaylee ay agad na lumaki ang tenga ko literally para mapakinggan pa yung susunod na sasabihin nila. "Oo nakita ko sa post niya. Merong kasama natin ang nakakita sa nangyari, sa mall sila naghiwalay kasi nakita niyang kasama ni Kristelle yung kabet niya." Chika pa nung isa. Napatango-tango naman ako. Kaya pala! "At marami ding taong dun nung naghiwalay sila. Dun kasi sila sa garden nung mall nagkita, may sorpresa sana si Kaylee kay Kristelle na sapatos pero yun pala si Kristelle ang may sorpresa sa kanya." Bigla kong naalala yung nakita namin ni Queen kahapon. May nag aaway na dalawang babae dun sa garden at yung isa ay Kristelle ang pangalan at may kasamang lalake. At yung isa may bitbit na paper bag na kagaya ng binili ko kahapon. Nanlaki ang mga mata ko dahil na realize kong si Kaylee pala ang nakita ko. My ghaaaaaadddd!!!!!!! So nagtagpo na ang tadhana namin pero wala akong kaalam ala-- "Ms. Excuse me! Baka pwedeng bumalik ka na sa inuupuan mo! Hindi naman tayo close para dumikit ka sakin." Sabi nung mataray na babae na ka table namin. Nagulat ako kasi nakalipat na pala ako nang upuan, ngayon hindi na kami one seat apart kundi, one elbow apart. "Hoy! Mars! Anong ginagawa mo dyan??" Tanong nung baklush sakin. Napa hihihi nalang ako saka bumalik sa upuan ko. Hindi na ako lumingon dun sa dalawang babae dahil sa sobrang hiya ko. "Diba sabi nila wag ng mag shabu kasi matotokhang ka! Maawa ka sa magulang mo girl!" Inirapan ko lang yung bakla kong kasama at patuloy na sa pagkain kasi baka mabaliw natong bituka at dragon ko sa tyan paghindi sila nakakakain. "Dito kana umupo." Narinig kong sabi nung isang babae na ka table namin, napansin kong may humila sa upuan na siyang inupuan ko nung naki chismis ako, pag upo nung taong humila ay bigla ako na istatwa na nakatingin lang sa kanya. Si.. Si.. Kaylee!!!!!!????? Napaatras ako ng upuan at saktong nadaplisan nung kamay ko ang plato ko kaya umalingasaw ang pagkabasag nito. Nataranta ako dahil lahat ng attention na sakin at mas lalong nataranta ako dahil nakatingin si Kaylee sakin. Pinagpawisan na akong husto at di mapakali! Anong gagawin ko??? "Ma'am kami ng bahala mag ligpit niyan." Sabi nung Housekeeping na nakatayo sa gilid ko. Agad na akong tumayo at nagtatakbong palabas ng pantry. Pagdating ko sa cr ay nagpahinga ako kasi sobrang hinihingal ako. Badtrip!!!! Nakita niya pa ang katangahan ko!! Grrrrr! Pumasok ako sa cubicle para magpalabas ng aking sinaloobin. Pagkatapos ay lumabas ako ng cubicle at saktong nakita ko siya. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. nakatingin siya ngayon sakin sa salamin. "Excuse me? Why are you looking at me." Napalunok naman ako dahil sa sobrang sexy ng boses niya! My ghaaaad!!! Naiihi na ako sa kilig kahit kaiihi ko lang.  Lumapit ako sa kanya."Alam mo girl ayusin natin yung hair mo!" Saka pinakialaman ang buhok niya "yan! You're so pretty na girl!" Sabi ko sa kanya at tinignan niya lang ako ng sobrang inis. "I'm a lesbian so I'm not pretty! Weirdo!!"Sabi niya saka nag walk out. Then I make faces nyenyenye weirdo!! Nyenyenye! Lord! Feeling ko kabaliktaran yata ang mangyayari samin. Help me God! Pagkatapos ng ma drama naming pagtatagpo sa CR ay lumabas na ako at bumalik sa venue ng orientation namin."Hoy! San ka galing?" Tanong ni bakla sakin. Napabuntong hininga nalang ako at tumabi sa kanya. "Nag CR lang ako." Plain kong sagot sa kanya. "Okay everyone lets all settle down. Let's all call our next speaker from HGU account. Ms. Kaylee Madrigal" napatingin ako sa speaker pagkatapos niyang e announce na si Kaylee ang next speaker. Napahawak ako sa dalawa kong palad na parang nag action na she's so dreamy! Agad naman akong hinampas ni bakla at tinignan ko lang ko siya ng masama. Asungot! "There are many policy that I want to tackle with you guys." Sabi niya at para na akong nabingi sa susunod niyang sinabi kasi nakatitig lang ako sa kanya at naglalaway pa. Napatingin naman siya sakin at nginitian ko siya ng sobrang palad at bigla nalang kumunot ang kanyang noo saka nag snob. Aba!!!! Kainis ang babaeng yan ahhh! Sige lang! Ngayon e- isnob mo pa ako bukas mamahalin mo na ako. "Bwahahahahaha." "Excuse me! Do you have any problem right now?" Sabi niya sakin na naka mic pa. Napatingin naman ako sa aking paligid at kitang kita sa kanilang paningin na na we-weirduhan sila sakin. Napalakas pala ang pagtawa ko. "Just what our President's platform no to drugs! Not in my watch." Habang nakatingin sakin ng derecho pinagtawanan naman ako nung ibang tao dito. Gigil mo c acoeh!! May araw ka talaga Kaylee!!! Nag proceed na siya sa pag discuss nung mga policy pero hindi ko na siya pinansin pa. Bahala ka sa buhay mo. Pagkatapos naming mag orientation ay sinundan ko si Kaylee kung saan siya pupunta at saan siya nakatira. Hindi naman niya ako napansin dahil mabilis syang lumakad para makapara na ng jeep. Pagsakay niya sa jeep ay agad akong sumunod sa kanya. Hindi niya parin niya ako namalayan kasi nasa opposite side kaming dalawa. Inabut ng 30 mins. Ang byahe namin. Nung pababa na siya ay agad din akong sumunod sa kanya. Hihihi pumasok siya sa isang village na ang nakatira dun ay mayayaman. Wow! Yaman pala ni girl! Patuloy ako sa pag hakbang hanggang sa tumigil siya at tumalikod para harapin ako. Na frozen naman ako sa kinatatayuan ko. Uhh ohhh! Sinamaan niya ako ng tingin at dahan dahan sa paglalakad patungo sakin. Hindi na ako nakakilos pa dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Kung tatakbo kaya ako? Hindi pwede! Baka akalain niyang baliw ka! Kung maghimatay matayan kaya ako? Nah! Baka isugod niya ako sa hospital takot pa naman ako sa injection. "Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" Nabalik ako saking huwisyo dahil nandito na pala siya sa harapan ko. "Woahh! Dahan dahan sa pagbibintang ha! Sino ka ba para sundan ko? Artista ka ba?" Pagtataray ko sa kanya at bigla naman siyang nainis dun. "Ehh!? Bakit ka nandito?" Taas kilay niya. "Bakit bawal ba akong dumalaw sa kaibigan ko?" Pagtataray ko pa sa kanya. "Mars!" Napatingin naman kami sa babaeng tumawag sakin. Nagulat ako dahil hindi ko inasahan na makikita ko dito ang isa sa malapit kong kaibigan. "Vanika! Dito ka pala nakatira? Ohh dito ka tinira ng sugar daddy mo?" Agad ko siyang nilapitan para mapahiya ang Kaylee na 'yan! Wahaha. Sinapak naman niya ako sa braso kaya napa aray ako. "Baliw ka talaga kahit kailan, napaka bully mo kahit kailan." Sabi niya. Napatingin naman siya kay Kaylee kaya nilingon ko rin si Kaylee with a smirk. "Insan you know that crazy girl?" Sabi niya at lumapit na samin. Wait? Magkakilala sila? "Oo insan college buddies kami nito." "So siya ang tinutukoy mo na kaibigan mo na nakatira dito sa village?" Baling ni Kaylee sakin. Napalunok ako bago sumagot. "Ahh.. ehhh.. oo! Sya nga!" Sabi ko kay Kaylee at tinaasan ko lang siya ng kilay. Napa smirk naman sya tapos tumingin sa gilid. WAAAAHHHHHHH!!! Why so pretty?? Lalo na talaga ako maiinlove sayo nyan! "Hoy! Are you deaf?? My cousin told you if you want to join us for dinner!" Sabi niya sabay rolled eyes. Nakakunot lang ang noo ko. Wait? Tama ba ang narinig ko? Dinner?? It means sabay kaming mag di-dinner! Waaaaaaaahhhh!! This must be destiny! "Kung mapilit kayong dalawa sige go! Tara na! Medyo gutom na talaga ako ehh!"  Napa tsss! Nalang siya kaya sabay kaming pumunta sa kanila. Wow! Tama pala yung ginawa ko na pagsunod sa kanya. Pagdating namin sa bahay nila ay napatulala ako at namangha! WOW na WOW as in WOW!!! "Sa inyo ba 'to? Ang ganda! Ang yaman nyo naman!" Sabi ko kay Kaylee sabay sapak sa braso niya, tapos pinagpagan niya ang damit niya kung saan dumapo ang kamay ko sa braso niya. Tssss!! Ang arte!! Kala mo naman maganda!! Inirapan ko nalang sya. Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami ng ate ni Kaylee at isang bisita. Napansin kong biglang nag-iba ang awra ni Kaylee pagkita niya dun sa babaeng bisita nila. "Bakit nandito yan?" Sabi niya sa ate nya saka nilagpasan silang dalawa. "Gusto ka niyang makausap Kay!" Sabi nung ate niya saka sinundan siya sa kwarto. Naiwan naman si Kristelle sa sala at pinaupo na din ako ni Vanika. Bakit ba nandito ang babaeng 'yan? Don't tell me that makipagbalikan siya kay Kaylee? Ahhhh!! Asungot!!! "Hi! Ikaw ba yung ex girlfriend ni Kaylee?" Tanong ko sa kanya. "Yeah! Ikaw sino ka? Ngayon lang kita nakita dito." Sabi niya at ngumiti sakin. "Friend ko si Vanika binisita ko lang." "Dun tayo sa kwarto ko." Napalingon ako nung napansin kong may nagsalita. So makikipag balikan siya sa bruhang 'to??? Bakit ang tanga-tanga niya?!!! Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib at parang tinusok-tusok ito ng ilang beses. Pinagmasdan ko lang sila na unti unti ng mawala sa paningin ko. Tingin ko magkakabalikan sila ngayon. Bakit pa ba ako pumunta dito? Para ipa mukha ng tadhana na wala akong lugar sa buhay niya? Ang  hirap  naman  manghingi  ng  papel. Papel  sa buhay  ng taong  gusto  mo. "Guys let's have dinner." Sabi nung ate ni Kaylee. Agad naman akong pumunta sa dining table nila at nakita kong magkatabi ng upo si Kaylee at Kristelle. Hindi ko nalang sila tinignan para ano pa? Para sumakit ang mata ko??? Ganern!!!!?? Tsk! "Ate ito pala si Marceline college friend ko." Pagkilala ni Vanika sakin. Nag hand shake naman kaming dalawa at nagpatuloy sa pagkain. Tinatapunan ko ng tingin si Kaylee pero nakatingin lang siya sa kawalan. "So kayo na ulit?" Basag ng katahimikan nung ate ni Kaylee. Napatingin naman ang atensyon namin nila Kaylee at Kristelle. Ngumiti lang si Kristelle at poker face parin si Kaylee. Nataranta naman ako bigla dahil tumingin siya sakin kaya ang naging reaction ko ay nakakunot noo at inirapan niya lang ako. Tssk!! Snobera!!! Tusukin ko mata mo dyan ehhh!! Nakaka gigil!!! "Maraming salamat po sa hapunan. It's nice to meet you po." Sabi ko sa ate ni Kaylee, pauwi na kasi ako at nandito na ako sa labas ng bahay nila. "Okay lang pumunta ka ulit dito. Bukas lang ang bahay namin." Sabi niya at ngumiti sya at napangiti na din ako. "Mag ingat ka Marceline ha! Ay! Mali pala, sila ang mag ingat sayo!" Asar ni Vanika sakin. "Tse!! Tumigil ka nga!" Yung ang huli kong nasabi nila at nagpaalam na. Hindi ko na nakita si Kaylee, siguro natulog na yun. Hindi naman ako mapakali kasi nagpa iwan pa si Kristelle sa kanila. Hay naku! Suko na ba ako? Eh! Nagsisimula pa akong magparamdam sa kanya. Na malaman niyang nag exist ako sa mundo na may lihim na magptingin sa kanya. >>>>>>>>>Nothing Follows<<<<<<<<
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD