Chapter 2

1374 Words
Chapter 2 Nanatiling nakatitig ang dalaga sa binatang estrangherong nagpapakilalang magkasintahan sila ngunit ngayon lamang niya ito nakita, habang ito naman ay nagtataka rin at bahagyang na iinis sa kanyang kinikilos. “Anong sabi mo?” Hindi siya makapaniwala sa nangyayari at sinabi nito. Ilang minutong hindi nagsalita ang binata, “halika na uuwi na tayo.” “Teka lang, bitawan mo ko!” Tuluyan niyang nakuha ang braso sa binata na halos ikatumba niya, “nasa reality show ba ako, bakit ganito ang suot ko? Sino ka ba?” Napasuklay ang binata sa kanyang buhok dahil sa inis kay Suyen, “tigilan mo ko Beatrice, isang buwan ka ng nawawala at hindi ako nagkamaling dito lang kita makikita sa bahay ng dati mong kasintahan! Na saan siya? Sabi ko sayo hindi ka na pwedeng makipagkita o makipag-usap sa kanya, magiging asawa na kita, pagmamay-ari na kita, ikaw ang kabayaran sa lahat ng utang ng mga magulang mo sa pamilya ko!” Mas lalong nagulat si Suyen sa mga narinig niya, hindi niya maintindihan ang nangyayari, “paanong nagkautang ang mga magulang ko sa inyo? Patay na ang mga magulang ko.” Hindi maintindihan ng binata ang mga pinagsasabi ng dalaga, “tigilan mo ako sa mga bago mong plano Beatrice---” “Hindi ako si Beatrice, ako si Suyen! Ikaw ang tumigil, hindi kita kilala! Hindi ko alam kong paano ako napunta rito? Nagkakamali ka ng hinahanap mong tao!” Pagsusumamo nito sa binata. Ngunit hindi siya maintindihan ng binata, para sa binata siya si Beatrice na nakilala nito. Lumapit ang binata kay Suyen huli na ng umatras siya, agad siyang hinapit sa bewang nito, bahagya itong bumaba at isinampa ito sa balikat nito, napatili sa gulat si Suyen at akala niya ay ibabagsak siya ngunit nakasampa na siya sa balikat ng binata. Sa liit at gaan ng dalaga nabuhat siya nito, “bitawan mo ako! Ano ba!?” Sigaw niya habang pinaghahampas niya ang binata sa likod, ngunit para itong walang naririnig. Buhat-buhat siya nito hanggang sa makalabas sila ng mansyon, natigilan siya ng tuluyan niyang makita ang lugar, matataas na puno, umuulan ng nyebe at kakaibang lugar. Hindi niya namalayan na isinakay na siya sa karawahe, sa hudyat niya sa driver nito ay siya namang pagkilos ng mga kabayo habang hila ang sinasakyan nilang karawahe. Hindi maiwasan ni Suyen na mamangha sa mahiwagang lugar na ngayon lang niya napuntahan, pakiramdam niya nasa ibang bansa o ibang mundo siya na malayo sa kinalakihan niya. Sa paghinga niya at usok na lumalabas sa kanyang bibig dahil sa lamig. Napansin ng binatang nilalamig siya, hinubad nito ang suot na mahabang itim na coat at sinampa sa balikat niya kaya muli na namang naalala ni Suyen ang lahat. Humarap siya sa binatang tahimik na nakaupo sa tabi niya, “excuse me mister kong sino ka man, inuulit ko hindi ako si Beatrice o sino mang kasintahan yang hinahanap mo, ang pangalan ko Suyen Mitchell, kong ako sayo ituro mo na lang sa’kin kong sayo---” Natigilan siya ng biglang lumingon ang binata na kamuntik nang magkadikit ang mga labi nila, ang sama ng pagkakatitig nito sa kanya, halos hindi makahinga si Suyen at makakilos sa kanyang kinauupuan. May dating at gwapo ang binata ngunit hindi niya talaga ito kilala. “Tigilan mo ko, pagod ako galing sa trabaho, marami akong inasikaso ngayong araw kaya wag mo akong sabayan.” Malumanay ang boses nito at halata nga pagod sa mga mata, saka muli itong lumingon sa labas ng bintana. Hindi na muling nagsalita si Suyen, ‘sino ba si Beatrice? Bakit pinagkakamalan niya akong Beatrice, sino ba ‘tong lalaking ‘to?’ HALOS UMABOT ng isang oras ng biyahe bago sila huminto sa isa pang mansyon na mas malaki pa kesa sa pinanggalingan nila kanina, manghang-mangha sa buong klase si Suyen, dumaan sila sa bayan kong saan nakita niya ang mga kasuotan na puros nakabistida ang babae, pakiramdam niya bumalik siya sa sinaunang panahon. Bumukas ang pintuan na malapit sa binata at una itong bumaba, hinintay siyang bumaba kaya sumunod siya. Nakabukas ang malaking pintuan ng manyson kaya kitang-kita niya mula sa kinatatayuan niya ang ganda ng loob nito kahit simple ang pagkakadesinyo at ayos nito, may ilang katulong din ang naghihintay sa kanila mula sa loob na siyang mga nakabistida ring pangkatulong at ilang lalaking katulong. Nagulat siya ng hawakan ang kamay niya ng binata, hihilahin niya sana ngunit hindi siya nito binibitawan hanggang sa makapasok sila at saka siya binitawan nito. “Magandang hapon po master Nikolai at lady Beatrice,” sabay-sabay nitong bati habang mga nakayuko bilang paggalang sa pagdating nila, sabay-sabay din itong tumayo ng tuwid at naghihintay ng sunod na utos galing sa binata. “Dalhin ninyo siya sa silid namin at do’n na rin siya kakain ng hapunan niya, pakihatid na rin ng akin sa opisina dahil may kailangan pa akong tapusing trabaho.” Utos ni Nikolai sa mga katulong. Na unang naglakad si Nikolai at umakyat sa hagdan habang sinusundan ng tingin niya ang binata hanggang sa pumasok ito sa isang silid. “Lady Beatrice halika na po sa silid ninyo,” sabi ng isang katulong na babae na hindi man lang tumitingin sa mga mata niya habang nakikipag-usap. Na una itong naglakad at sumunod naman siya, umakyat din sila ng hagdan, kumanan sa isang pasilyo, do’n niya rin napansin ang mga makalumang painting sa bahay ngunit napakaganda para sa kanya, ‘yon ang mga bagay na gusto niyang gawin. Huminto sila sa isang pintuan pinagbuksan siya ng katulong, “hintayin ninyo na lang po rito sa silid ninyo ang hapunan,” wika nito sa kanya. Wala siyang nagawa kong di ang pumasok at saka muli siyang pinagsarihan. Nilibot niya ang buong silid, may isang malaking kama na kasya ang apat na tao, halos makikitang kulay ginto at pula, may mga preskong bulaklak at halaman, mga palamuting mamahaling vase, painting at isang litrato na nakapatong sa lamesang katabi ng kama ang kanyang napansin. Agad siyang lumapit do’n at laking gulat niya na isang dalaga ang talagang kamukhang-kamukha niya, para silang pinagbiyak na bunga o kaya’y isang perpektong kopya niya. “Siya ba si Beatrice?” Tanong niya sa kanyang sarili. “Hindi ako si Beatrice, pero hindi naman naniniwala sa’kin ang lalaking ‘yon,” bulong niya at napapaisip kong anong gagawin niya. Bigla na lamang siyang napasulyap sa pintuan papuntang balkonahe ng silid at agad siyang lumapit do’n para buksan ito, sumalubong sa kanya ang malamig na hangin, natatanaw niya mula sa kinatatayuan ang masukal at madilim na kagubatan, mailaw at maliwanag na bayan na dinaanan nila kanina. Yumuko siya para dungawin ang baba, nasa ikalawang palapag siya ng bahay, napansin niyang puro halaman at mga bulaklak ang babagsakan niya kaya nakaisip siya ng paraan para makaalis sa mansyon. Muli siyang pumasok sa silid, pinaghihili niya ang mga kumot ng kama at ilang pang kumot sa kabinet para pagkabit-kabitin ito at gawing lupid pang baba niya. ‘Kailangan kong makabalik sa’min,’ sa isip-isip niya habang ginagawa niya ang plano. *** Muling bumalik ang katulong na dala na niya ang hapunan ni Suyen ngunit sa pagbukas niya ng pintuan ng silid, tumambad sa kanya magulong silid at bukas na pintuan ng balkonahe, agad siyang pumasok at kinabahan. Nilapag niya ang dalang tray ng mga pagkain sa bilog na lamesa, dumungaw siya sa baba ng balkonahe at nakita niya ang pinagkabit-kabit na kumot pababa, nanglaki ang mga mata niya at agad na lumabas. Patakbo siyang pumunta sa opisina ni Nikolai at hindi na nagawa pang kumatok. Nagulat naman ang binata sa kanya at nagtaka. “Bakit?” Tanong nito sa kanya. “Paumanhin po master Nikolai ngunit wala po si lady Beatrice sa silid niya.” Agad na napatayo sa gulat si Nikolai at hindi nagdalawang isip na iwan ang ginagawa, dumiretso siya sa silid nila at do’n niya nakita ang nangyari, dumungaw din siya sa balkonahe at nakita niya ang mga nakalaylay na kumot. Napakuyom siya ng mga kamao sa inis, “inuubos mo ang pasensya ko Beatrice,” bulong niya habang nakatanaw sa madilim at masukal na kagubatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD