CHAPTER 2

1245 Words
“GOOD MORNING.  I want to open an account.” Pag-angat ng mukha ni Sierra mula sa inaasikasong report sa kanyang computer ay agad gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita ang mukha ng kanyang bisita. Ang lalaking nasa visitor’s chair kasi sa harap ng kanyang table ay tila mala-anghel na bumaba sa langit para lang masilayan niya ngayong umaga sa napakalamig na klima sa loob ng branch ng kanilang bangko. And that beautiful smile was meant only for her. Kinikilig tuloy ang puso niya. “Ah, yes. Good morning, Sir.”  Ang gandang almusal nito!  “You’re opening an account?  Savings account ho ba o checking account?” “Saving account sana.” “Puwede hong mahingi ang ilang personal informations tungkol sa inyo?” “Ano ba?  Telephone number?  Cellphone?” Bahagya pa siyang natawa sa katangahan niya.  Ano ka ba, Sierralaine?  Nakakita ka lang ng guwapo, natataranta ka na.  “Two valid ID’s lang, Sir.  And three two-by-two pictures.” Three.  Para sa kanya ang isa.  Hehehe.  Ibinigay naman nito sa kanya ang mga hinihingi niya.  Agad niyang inalam ang status nito.  Single.  Hmmm, available din kaya siya?  Sana.   “Kung alam ko lang na may magandang new account manager pala sa branch na ito, sana noon ko pa naisipang mag-open ng bank account.” At palabiro pa. Swerte, pumapatol ako sa mga ganitong biro ngayong umaga. “Kayo kasi, Sir, eh.  Ngayon lang kayo naligaw dito.” “Oo nga, eh.  Pero at least, nagkita na rin tayo, hindi ba?”  Tiningnan nito ang nameplate sa blouse ni Sierra.  “Sierralaine.” “Sierra na lang, Sir.” “Nice name.  Bagay sa may-ari.” Guwapo na, bolero pa!  “Kayo talaga, Sir. Ang lakas nyong magbiro.” “I don’t lie in front of a pretty woman like you.” And that’s the biggest lie anyone could ever make, except for the ‘pretty woman like you’ part, but she would accept this with an open heart because it felt so good being praised like this. “Nakakatuwa naman kayo, Sir. Sana lagi kayong maligaw dito sa branch namin para mabawasan ang stress namin dito araw-araw.” “Oo naman. Siguradong mapapadalas na ang mga bank transactions ko rito.” Bumaling ito sa ibang empleyado ng branch nila. “Lalo na at mababait pa ang mga tao rito. Very accommodating and…” Na kay Sierra na uli ang atensyon nito. “All very pretty.” Gusto niyang tumili.  Pero kailangan niyang magpaka-propesyonal kaya nakangiti lang niyang ibinigay sa lalaki ang mga dokumentong pipirmahan nito. “Paki-fill-up-an na lang ‘yung mga may tsek na blangko, Sir.” “Donald.” “Sir?” Inilahad nito ang kamay. “Donald’s my name.” “Ah.” Inabot niya ang kamay nito. “Nice to meet you, Sir.” “Pleasure’s all mine.” Pinirmahan nito agad ang mga dokumento. “May iba pa ba akong nakalimutang fill-up-an?” “Let me check first, Sir.” “Donald.” “Donald. Let me check it first, Donald.” “Better.” He’s really handsome when he’s smiling like that. Konting-konti na lang ay madi-distract na si Sierra. Keep calm and be professional. keep calm… “Heto pa ang di nyo napirmahan, Sir.” Itinuro niya sa dokumento ang part na iyon. May tsek na iyon, tanda na isa iyon sa mga dapat fill-up-an. Pero okay lang na parang sinadya nitong kalimutan iyon. Mabait naman ito, guwapo pa.  At higit sa lahat, mukhang type siya nito dahil sa walang sawa nitong pagpapa-cute.  Grabe, excluding Reigan, ngayon lang siya nakaranas na mabigyan ng special attention na tulad ng ipinapakita ng lalaking ito.  And she liked the feeling.  Pakiramdam niya ay babaeng-babae siya. “Ang ganda pala ng mga daliri mo. Hugis kandila,” mayamaya’y wika ni Donald. “I heard na ang mga taong may ganyang mga kamay ay tamad daw.  Pero sa nakikita ko sa iyo, mali agn kasabihang iyon.  And I like that in a woman.  ‘Yung marunong magtrabaho.” “Ay, thank you, Sir.”  Kung makakatili nga lang siya nang mga sandaling iyon, baka basag-basag na ang lahat ng bagay na gawa sa salamin sa bangko na iyon.  “Pakihintay lang po sandali at ipa-process ko lang ang application ninyo.” “Matatagalan ba iyan?  Okay lang naman kung medyo matatagalan ang processing. I can just come back again for it.  Baka kasi may iba ka pang importanteng ginagawa.” “Ah, hindi naman matagal ang pag-aasikaso ko sa mga paper mo, Sir. Sandali lang naman ang processing nito at wala naman akong importanteng ginagawa.  Kung meron man, kayo pa rin ang uunahin ko dahil ang mga kliyente namin ang pinakamahalaga para sa amin.” “Really?  Hmm, and here I thought you were giving me a special treatment.” Napangiti na lang si Sierra.  Ang sweet talaga ng mokong.  “Lahat naman ng kliyente namin ay binibigyan namin ng special treatment, Sir.” “Puwede kaya akong mag-request na ako lang ang bigyan mo ng special treatment? Like calling me by my first name?” Naramdaman ni Sierra na nag-init ang kanyang mga pisngi.  Napansin din niyang napapatingin na sa kanya ang mga kasamahan niya sa trabaho. “Kidding,” nakangising bawi ng lalaki.  “Go on, Miss.  Pasensiya na sa kakulitan ko.  I just couldn’t help it. Ang cute mo kasi talaga.” “Sir, nagseselos na ako,” singit ng isa sa mga lalaking personnel nila roon. Doon na nagtawanan ang iba pa nilang kasamahan pati na rin ang mga kliyente nilang maaaring kanina pa nakikinig sa pambobola ng lalaki.  O, e, ano kung nambobola nga siya?  Gusto ko naman magpabola!  Mabilis nga niyang inayos ang mga papeles nito para sa bago nitong account.  Nakita niya ang pangalan nito.  Donald Reyes.  Single and available.  Pagkatapos ay ang ATM card naman nito ang inasikaso niya. “Would you like to avail of our Master Card and Visa, Sir?  Madali na lang namin maibibigay iyon sa inyo since account holder na kayo ng bangko namin.  Iyon ho ang promo namin ngayon.” “Next time na lang siguro.”  Kinuha na nito ang bago nitong ATM card.  “Para may dahilan ako na magpunta uli dito.  Sige, I’ll see you again, Sierra.” Bago ito tuluyang lumabas ng bangko ay muli siya nitong binigyan ng isang napakagandang ngiti.  Kaya naman ang mga kasamahan niya roon, todo ang tukso sa kanya.  Hindi na rin mapuknat ang ngiti sa kanyang mga labi.  Kapag gusto mo ang isang tao, masarap pakinggan ang panunukso ng ibang tao.  Lalo na at kitang-kita naman ang interes din ng lalaki sa kanya.   Buong araw na naging napakagaan ng kanyang pagtatrabaho.  Kahit ilang problema rin ang dumating sa kanya, okay lang.  Nakangiti pa nga siya habang sinesermunan siya ng ilang kliyente sa telepono dahil sa pagka-delay ng kung ano-anong hinihinging informations at applications ng mga ito.  Bahala kayo sa buhay ninyo.  Basta ako, masaya.  Walang e-epal.  Pero hindi pala roon natatapos ang regalo ng tadhana sa kanya.  Dahil paglabas niya nang hapong iyon sa kanyang trabaho, naroon at naghihintay si Donald sa parking lot. “I hope you don’t find me too strong, Sierra.  But…can I invite you out for dinner?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD