bc

Montereal Intimacy Affair Series: Into Him

book_age16+
52
FOLLOW
1K
READ
submissive
sweet
Multi-professional Billionaire Writing Contest
LGBT+ Writing Contest
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
bully
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Allysandro Allyson Acosta Montereal's Story

Dahil sa labis na nasaktan si Allyson ay naisipan nitong lumayo ng kanilang tahanan. Naisipan niyang magtungo sa Bicol upang doon magsimula muli at ibalik ang sarili ngunit dahil sa malakas na bugso ng hangin at lakas ng alon ay lumubog ang sinasakyan niyang ferry boat.

Hanggang sa mapadpad ang katawan niya sa isang dalampasigan ngunit sa kaniyang paggising ay wala na itong maalala. Isa ba iting magandang simula para sa kaniya o magiging panibagong dahilan nanaman ito ng pagkabigo niya sa buhay?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Disclaimer: This is a work of fiction names, characters, business, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or use in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events are purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission. Kabanata 1: Into Him "Kyle anak, pakidala mo nga sa tatang mo itong tanghalian niya sa bukid, sigurado akong nagugutom.na iyon kanina pang madaling araw gumagapas iyon" utos ng nanay Delia niya habang inaayos ang mga pagkain sa isang basket na kahoy. "Opo nay" magalang na sagot ni Kyle. "Pagkatapos pakidaanan si Aling Panching at kunin mo sa kanya ang bayad sa limang tray na itlog na kinuha niya siyam na raan iyon huwag mong kalilimutan" dagdag pa ng nanay Delia niya. Simula noong matagpuan siya ni Miguel sa dalampasigan ay wala na itong nalalaman sa nakaraan niya. Si Miguel ang panganay na anak ni nanay Delia. May pagkamasungit pero mabait iyon lalo na kay Kyle lalo na sa kanilang magkakapatid. Si Chukoy naman ang bunso. Alam naman ni Kyle na hindi siya totoong anak ng nanay Delia at tatay Amado niya. Mahigit isang taon na rin kasi ng wala na siyang maalala ni isa sa nakaraan niya. Ilang buwan na lamang at magtatapos na siya sa sekondarya. Matalino, mabait, at maasahan ilan lamang iyan sa mga katangian ni Kyle. Wala siyang problema sa paaralan dahil iskolar ito. Silang dalawa na lamang kasi ni Chukoy ang nag-aaral, ang kuya Miguel kasi nito ay tumigil na at tinutulungan na lamang ang tatay Amado nila sa bukid. Naalala niya pinilit pa noon ni tatay Amado at nanay Delia si kuya Miguel ngunit ayaw na talaga nitong pumasok ngayon si Kyle ang nagtuturo ng mga basic sa kuya Miguel nito. "Magdala ka ng payong napangga mo sa balat mo, mainit ang sikat ng araw baka mamula nanaman iyang balat mo at mapagalitan kapa ng tatang mo" paalala ng nanay nito. Tama nga naman ito kapag sobrang naarawan ang balat ni Kyle ay namumula ito "Opo inay, magpapalit lamang ako ng damit sa itaas" sambit nito sa ina. Pumunta muna ito sa kaniyang silid at nagsuot ng long sleeve at pants. Makaraan lamang ang ilang minuto ay lumabas na ito at naka long sleeve at pants. "Aalis na po ako inay!" pagpapaalam ni Prim sa ina na ngayo'y nasa kusina. "Teka lamang anak" pagpipigil ng ina nito sa kanya. May dinukot ito sa bulsa ng kaniyang daster, isang nakatuping singkwenta pesos. Iniabot ito sa kanya ng ina at iwinikang "Pagkatapos mong ihatid ang pagkain ng tatang at kuya mo dumaan ka sa tindahan sa may kanto malapit kina aling Panching at bumili ka ng maiinom mo" "Inay huwag na ho, ayos lang po ako, hindi po ba kakakain lang po natin ng bananacue? Busog pa po ako sa kinain ko kanina" pagtanggi ni Kyle sa salaping iniaabot ng ina nito sa kaniya ngunit mapilit ang ina nito at isinuksok ang salapi sa bulsa niya. "Inayyy naman ea mapilit talaga kayo, sige po inay maraming salamat, aalis na po ako baka gutom na ho si kuya at tatang, I love you nay" malambing na wika ni Kyle sa nanay niya. Tila parang may humaplos sa puso ng nanay Delia niya sa tuwing sinasabihan siya ng anak na mahal na mahal siya nito silang dalawa ng tatang niya. Isa ito sa nagustuhan ng tatang niya sa kanya hindi ito nahihiyang sabihan ang mga ito ng 'I love you' hindi katulad ni Miguel at Chukoy. . . . Naglalakad si Kyle sa daan ng biglang isang boses ang tumawag sa kaniya. Si Maleng. "Kyle saan ka pupunta? Magdedeliver ka ba ng itlog?" tanong nito. Si Maleng ang kaibigan niyang babae, kaklase niya ito, pareho na silang nasa ikalabing dalawang baitang. "Hindi Maleng, ihahatid ko ang pagkain ni kuya at tatang sa bukid" nakangiting sagot nito kay Maleng. "Ganoon ba, siya nga pala Kyle may punsan ako na galing Maynila, lilipat na sila dito dahil nakick out ito sa dati niyang pinapasukan, basagulero kasi atsaka laging bagsak sa mga asignatura niya. Nagpapatulong ang tiya ko kung may kilala ba daw ba akong pwedeng magtutor sa anak niya, naisip kita baka gisto mo ano game ka" wika ni Maleng sa kanya. Isa rin ito sa mga pinagkakakitaan niya, sa katunayan ay mayroong siyang dalawang tinuturuan na isang elementary at isang kinder. "Sige ba, sabihan mo na lang ako kung kailan mag-uumpisa, pasensiya ka na Maleng kailangan ko ng umalis baka gutom na si tatang at kuya" pagpapaalam niya sa kaibigan. Ilang sandali lamang ay nakarating na siya sa bukid nila. Mayroon silang isa't kalahating ektaryang sakahan. "Tatang!" sigaw niya sa tatang Amado niya na nasa ilalim ng mangga kasama ang kuya Miguel nito. Kumaway naman ang tatang nito at nagtungo sa kubo kung saan sila kumakain. "Magandang tanghali tatang" bati niya "Bakit ikaw ang naghatid niyan anak nasaan ba si Gabo?" tanong ng ama niya, si Gabo ang pinsan niyang kasa-kasama ng tatang at kuya nila sa bukid. Tumigil rin ito sa pag-aaral dahil wala daw itong interes. "Inutusan po ni inay sa palengke tatang" sagot ni Kyle habang tinatanggal sa basket ang dala nitong pagkain. "Baka mamula nanaman iyang balat mo, alam mo ng mainit" wika ng tatang niya at naggalit galitan. Lumapit naman si Kyle sa tatang nito at hinalikan ito sa pisngi. Hindi na alintana kay Kyke ang amoy araw na ama. "Kyle! Amoy araw ako anak" sambit ng ma sa anak na nakayakap sa kaniya. "Ano naman ngayon tatang" sagot nito. "Ikaw talagang bata ka" natatawang wika ng ama. "Tatang si kuya Miguel ho?" tanong ni Kyle sa tatang niya, dahil kanina pa nito hinahanap ng mata niya ang kuya niya. "Ahh ang kuya Miguel mo? Nagpaalam lang siyang ipagpipitas ka ng mangga diyan malapit sa may batis, nakita niya kasi kanina maraming hinog na mangga kaya naisipan niyang ikuha ka" mahabang paliwanag ng tatang niya. "Oh ayan na pala siya" sambit ng kaniyang tatang sabay turo sa paparating na si Miguel. "Miguel! Bilisan mo at kanina ka pa hinahanap ng kapatid mo" turan ng ama sa kaniyang kuya Miguel. Umalis naman ang ama niya upang mamitas ng buko sa likod ng kanilang kubo. "Oh bakit mo ako hinahanap?" prenteng tanong nito. Sa paraan ng pagsasalita nito ay parang laging galit pero nakikita ni Kyle na kyut ang kuya niya. Ewan ba niya bakit walang ibang pinapansin ang kuya nito sa mga babaeng lumalapit sa kaniya. Lagi na lang nitong sagot na hindi ito intetesado. "Sabi kasi ni tatang nanguha ka daw ng mangga, pahingi naman ako kuya" sambit ni Kyle. Ibinigay naman ni Miguel ang mga hinog na mangga sa kapatid niya ngunit wala man itong sinambit kahit isang salita. "Salamat kuya! I love you!" masayang sambit nito at dinampihan ng halik ang kuya nito sa pisngi. "Kyle ano ba?!" galit na tiran nito. "Bakit kuya?" tanong ni Prim "Huwag mo ng uulitin na halikan ako! Maliwanag ba?" masungit nitong tanong. "Oh nag-aaway nanaman ba kayo?" boses iyon ng kanilang tatang na paparating. "Inaaway mo ba ang kapatid mo Miguel?" seryosong tanong ng tatang Amado nito sa kuya Miguel niya. Hindi naman nakakibot ang kuya Miguel niya. "Miguel ilang beses ko bang sasa-" hindi na naituloy ng tatang niya ang sasabihin ng bigla siyang nagsalita. "Tatang pasensiya na po kayo ako po ang may kasalanan huwag niyo na pong pagalitan ang kuya Miguel, nabigla lang po siguro si kuya Miguel kaya napataas ang boses niya, hinalikan ko po kasi siya sa pisngi dahil sa labis na saya, pasensiya na po talaga tatang, kuya Miguel" pagpapaumanhin ni Kyle sa tatang niya at sa kuya Miguel nito. "Halik lang Miguel bakit pinagtataasan mo ng boses ang kapatid mo, masaya lang siya kaya lang niya nagawa iyon" panagaral ng tatang Amado nito sa kuya niya. "Ayoko ho tatang, hindi po ako komportable" masungit nitong sambit at pumanaog sa kusina ng kubo at kumuha ng mga plato, kutsara at kubyertos. "Pasensiya na kuya" sambit ni Kyle ng nakayuko. Nahihiya siya dahil sa ginawa niya. Nasanay lang naman kasi ito na humahalik kapag masaya. "Hayaan mo na ang kuya Miguel mo, pagod lamang siya kaya siguro mainit ang ulo, hayaan mo't lilipas din iyan" turan ng ama niya sa kanya habang nakayapos. Nabawasan naman ang bigat na nararamdaman nito. "Kumain ka na ba?" tanong ng tatang niya. "Huwag na po tatang, may iniuutos pa po kasi si Inang sa akin, pinapakuha niya po ang bayd ng itlog kay Aling Panching" pagbibigay alam nito sa ama. "Kumain ka na lang muna at mamaya mo na daanan si Aling Panching mukhang masarap ang niluto ng nanang mo" nakangiting sambit ng tatang Amado niya ngunitbayaw na niyang magtagal pa roon lalo na't baka hanggang ngayon ay galit pa rin ang kuya Miguel nito sa kanya. "Sa bahay na lang po tatang, wala pong makakasabay sa hapag si Nanang at Chukoy" sambit nito. "Ganoon ba?" tanong nito. Kapagkuwan ay pumunta ito sa gilid ng kubo kung saan may kabinet. Binuksan ng tatang niya ang kabinet at kinuha ang isang daang piso. Iniabot ito ng tatang Amado nito sa kanya. "Bago ka umuwi bumili ka ng gusto mo" sabay abot kay Kyle ng isang daan. Nahiya naman si Kyle dahil binigyan siya ng tatang niya. Ibinalik naman niya ito sa palad ng ama. "Tatang okay lang po ako, itago niyo na iyan" nakangiting sambit ni Kyle sa ama. "Hindi! Tanggapin mo na iyan, naibenta ko kasi ang mga bunga ng mga papaya kay aling Martha, gagawa daw kasi ito ng atchara, hiwag mo ng subukang ibalik, dagdag mo na lang yan sa baon mo kung ayaw mong magmeryenda" sambit ng tatang niya. "Pero tang binigyan na ako ni nanang ng singkwenta kanina" aniya. "edi idagdag mo yan, huwag mo ng ibalik sa akin iyan magagalit ang tatang sayo" nakangiting sambit ng tatang Amado niya. "Salamat ho tang! I love you" sambit ni Kyle at hinalikan sa pisngi ang ama. "Mahal din kita anak, sige na umuwi ka na at baka gutom na si Chukoy at ang nanang mo" sambit nito. . . . "Aling Panching!" "Aling Panching!" "Tao po? Tao po? Aling Panching" Ilang beses niyang tumawag si Aling Panching ng bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki. "Nandyan ho ba si Aling Panching?" tanong nito sa lalaki na sa tingin niya ay nasa dalawang put tatlong gulang ngunit hindi sumasagot ang lalaki. Nakatitig lamang ito sa kanya. "Hello po?" saad ni Kyke at iwinagayway ang kamay sa harapan ng lalaki dahil natulala ito. "A-ano iyon?" at sa wakas may iwinaka na rin ang lalaki. "Pasensiya na miss hindi kasi kita masyadong narinig kanina" nakangiting sambit ng lalaki. "Ayy hindi po ako Miss lalaki ho ako" natatawang sambit ni Kyle "Si Aling Panching po nandyan po ba?" dagdag na tanong ni Kyle. "Ahh si Tiyang Panching, saglit lamang at tatawagin ko siya" ngiting wagas na sambit ng lalaki. Natatawa si Kyle sa kaniyang isipan dahil parang tanga yung lakaki kaninang natulala ito. Isa ito sa ugali ni Kyle ang pagiging mapanghusga nito, hindi nito sinasabi ang panghuhisga bgkus sa isip niya hinuhusgahan ang isang tao. Alam naman niyang mali pero alam niya ring karamihan sa mga taong nakakasalamuha niya ay ganito rin. "Oh ikaw pala Kyle, kukunin mo ba yung bayad sa mga itlog?" tanong ni Aling Panching na galing sa gilid ng bahay nila. Malamang ay nakikipagkuwentuhan nanaman itonsa chismosa niyang kapitbahay na si Aling Tansing. "Opo, pinadaan ho kasi ako ng nanang ko rito" nakangiting sagot naman ni Kyle. "Sige, halika ayaw mo bang pumasok at magmeryenda muna? Nagluto ako ng bico na may kalabasa masarap iyon" pag-aaya ng ale. "Naku, huwag na ho Aling Panching baka naghihintay na po si nanang ko sa bahay namin, magtatanghalian pa po kasi kami kung makikikain ho ako baka hindi ko na ho sila masaluhan sa hapag" pagpapaliwanag ni Kyle. "Kung ganon dalhin mo na lamang, ipambabalot na lamng kita ng matikman rin ng nanang mo" sambit ni aling Panching. "Kayo ho ang bahala" anito. Umakyat muna si Aling Panching upang kuhanin ang mga ipambabayad niya sa mga itlog na kinuha nito sa nanang niya. Lumapit naman sa kanya ang lalaki na kung makangiti ay wagas. "Hi! Ako nga pala si Rex, pamangkin ni tiyang Panching" saad nito sabay lahad ng kaniyang kamay. "Oy Rex tigilan mo nga iyang si Kyle pati siya'y pinagtritripan mo" boses iyon ni Aling Panching na pababa mula sa hagdan. "Si tiyang talaga oh, nakikipagkaibigan lang ako diyan kay Kyle ea" sambit ni Rex sabay tingin sa kanya at kumindat. "Pumasok ka nga doon sa kusina at ibalot mo sa plastik yung bico na nakalagay doon sa tupperware na kulay dilaw. Huwag mong ilipat yung laman ng tupperware sa plastik iplastik mo lang ang tupperware na dilaw" utos ni Aling Panching sa pamangking si Rex. Napakamot na lang ng ulo si Rex at tumalima sa sinasabi ng tiyahin. "Oh ayan, siyam na raan yan Kyle pakisabi sa nanang mong oorder ako ng tatlong tray ng itlog at talong tray din ng itlog na maalat" ani ng ale. "Sige ho Aling Panching sasabihin ko ho kay nanang ko maraming salamat ho dito sa bico" pagpapasalamat ni Kyle. "Walang anuman" ani ni Aling Panching. "Sige ho mauuna na ako Aling Panching" pagpapaalam ni Kyle. "Hatid na kita Kyle" boluntaryong wika ni Rex pero bago pa man ito makahakbang ay nahaklit na ni Aling Panching ang patilya nito. "Aray ko ho tiyang!" pagpupumiglas ni Rex. "Anong hatid? Yung mga iniuutos ko sa ito sa likod iyon ang ayusin mo!" saad ng ginang. "Sige ho mauuna na po ako" ani Kyle. . . . "Oh anak bakit ang bilis mo yata? Atsaka ano yang dala mo?" tanong ng inang niya matapos itong humalik sa pisngi at nagmano. "Ahh ito hong mangga ay kinuha ni kuya Miguel sa bukid habang ito naman pong nakatupperware ay bigay ni aling Panching  bico daw ho na may kalabasa" sagot ni Kyle. "Ahh ganoon ba, sige na magbihis ka na at ipaghahain kita, nakakain nanaman kadi kami ni Chukoy" sambit ng nanang niya. "Naku nang huwag na ho ako na pong maghahain sa sarili ko kaya ko naman po" pagpipigil ni Kyle sa nanang nito na akmang kukuha ng plato. "Sige na gusto ko itong ginagawa ko atsaka ikaw nglakad ka sa initan kaya kailangan ikaw ang magpahinga" sambit ng ina nito matapos mailapag ang plto sa mesa "Tignan mo iyang likod mo at basang basa" turan nito at hinawakan ang damit nito na puno ng pawis "hala umakyat ka na doon at magpalit ng damit baka magpulmunya  kapang bata ka" galit galitang sambit ng ina nito. "Sige ho nay! the best ka po talaga nanang I love you" malambing na wika nito. "I love you too anak" sagot naman ng nanang niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
573.0K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.5K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.6K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.7K
bc

Just A Taste (SPG)

read
895.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook