Chapter 2

1097 Words
Chapter 2 Taas-baba ang balikat nito at halatang hingal sa pagtakbo. “Mag-uumpisa na po ba?” Tanong niya habang inaayos ang pagkakasukbit ng bag niya sa kanyang balikat. Bukas ang dalawang butones ng uniporme kaya nakikita ang pang ilalim niyang gray t-shirt. Bahagyang gulo ang buhok niyang wavy kaya sinuklay niya gamit ang mga daliri at binasa ang labi gamit ang dila niya. Gumalaw ang Adam’s apple niya sa paglunok. ‘Teka lang! Anong ginagawa niya rito?’ Isang malaking palaisipan ito para sa ‘kin. “Mag-uumpisa pa lang, halika na at maghanap ka ng puwesto mo.” Sabi ni brother Mike sa kanya. Lahat ng mga babaeng ka-support group ko titig na titig sa kanya. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya? Ang gwapo at ang ganda ng tindig. Mas matangkad lang siya ng kaunti kay Kent. Ang lakas ng s*x appeal niya kahit na singkit ang mga mata niya at talagang Asian ang datingan, parang ‘yong mga lalaking napapanood ko sa mga koreanovela at pansinin talaga kong saan magpunta. Ngumiti ito sa lahat at nagpasalamat. Biglang nagtama ang mga mata namin at bahagyang namilog ang mga mata niya ng makita ako. Binigyan niya ako ng ngiti ngunit tipid pero parang hindi na makita ang mga mata niya sa pagkasingkit ng mga mata niya. Nahanap niya ang bakanteng upuan na pang lima sa may kanan ko kaya malayo siya sa ‘kin ngunit katapat din niya sila Kent at Kelly. Nagdasal muna kami bago kami nag-umpisa ng session namin ngayong hapon. “Mukhang may bago tayong makakasama, pwede ba kayo magpakilala sa lahat?” Sabay sulyap ni brother Mike sa tatlong binatang bagong pasok sa support group. Una akong napasulyap kay Kelly na napakamot sa kanyang batok at para bang nahihiyang tumayo sa harapan namin. Nang makatayo siya kumaway siya sa aming lahat. “Hi…Magandang hapon sa lahat, ako nga pala si Kelly Manalastas,” sabay upo nito at yuko na para bang may kakaiba sa kanyang bag na nakapatong sa kanyang lap. Tinignan ni brother Mike si Kent, napasulyap si Kent sa kanya pabalik at tinaas ang isang kilat nito. Ang bastos naman ng batang ‘to, bakit pa siya nandito kong ganyan din ang iaasta niya rito? Ako na lang nahihiya sa mga pinag gagagawa niya. “Anong tinitingin tingin mo dyan?” Maangas niyang tanong na akala mo taga-kanto lang ang kausap niya. Napasinghap ang ilan at nagulat sa inasta niya kay brother Mike ngunit hindi ito na inis sa kanya. Tinago ni Kent ang kanyang mukha sa kanyang dalawang palad, siguro’y nahihiya rin sa kanyang katabi. Pare-parehas pa kaming naka-uniform ng iisang school at naka-ID lace. “Pwede ka bang magpakilala?” Tanong ni Brother Mike sa kanya habang nakangiti na akala mo wala siyang ginawang mali. Siguro dahil mahaba ang pasensya ni brother. “Ako si Kent Tomas,” pagpapakilala nito. Napangiwi ako na hindi man lang siya tumayo at ngumiti pa rin si brother Mike saka naman siya napasulyap sa gawi namin, kay Adamson. Hindi na nagpahintay pa sa lahat at tumayo na siya na may ngiti sa kanyang labi. Ganyan naman siya kaibigan ang lahat dahil siguro kilala siya sa buong town at galing siya sa kilalang pamilya. Nagpakilala siya sa lahat at sinabi rin kong saan siya nag-aaral bago siya naupo. Nag-umpisa na si brother Mike para sa pagpapaliwanag sa aming session ngayong hapon. May absent kami nong nakaraang linggo at may pinagawa siya sa amin na dapat meron kaming tula tungkol sa positivity sa likod ng dinadala namin sa buhay. May nag-volunteer na magbabasa ng gawa niya. Napangiti ako at si Alex ‘yon ‘yong katabi kong may sakit na alopecia. “Good luck,” bulong ko sa kanya bago siya nakarating sa podium para basahin ang gawa niya. Muli akong napasulyap kila Kelly at nagtataka pa rin kong paano sila napunta rito. Maniniwala akong kailangan ni Kelly and Kent. Si Kent kasi laman ng guidance at kong ano-anong pinaggagagawa sa school, parang ‘yong utak niya nong high school siya nadala niya hanggang college at hindi siya napapatalsik kasi vice pres ang lolo niya sa buong campus. Si Kelly naman naging viral siya last year dahil sa ginawa niyang pag-suicide, uminom siya sa mismong banyo ng boys ng pang lason sa daga and pasalamat namang nabuhay pa siya. Maraming usap-usapan kong bakit nangyari ‘yon sa kanya at kong bakit niya ‘yon ginawa. Mas nalungkot ako sa nangyari sa kanya dahil pati mga teacher sa amin masyado siyang jinudge pero wala naman akong pakialam o panahon para ipagtanggol sa mga ‘yan. Mas pinagtataka ko kong bakit nandito si Adamson? Mukhang wala naman siyang problema at galing siya sa perpektong pamilya. Ano naman ang problema niya para mapunta siya rito? Natapos ang ilang nag-volunteer para sa kanilang tula na wala akong naintindihan kakaisip sa tatlo hanggang sa matapos ang first half ng session at break time muna para sa merienda. Sa isang mahabang lamesa sa likod naka-puwesto na may puting takip na tela. Nakapatong doon ang mga iba’t ibang snack na cupcake, ham sandwich, candies, orange juice at tubig. Busy sila sa pagpili ng gusto nilang kainin nang maramdaman kong may tumabi sa ‘kin. Napasulyap ako sa kanya at nakita ko ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ako agad naka-imik. “Hi,” bati sa ‘kin ni Adamson. “Hello, bakit?” Nagtaka ako sa biglang pag-approach. “Hindi ko alam na pumupunta ka pala rito, your…” “November.” Tumango tango siya na para bang may naalala siya, “oh, I remember you, ako nga pala si…” “I know you.” “Okay,” sabay tango-tango uli siya habang pinaglalaruan ng bahagya ang basong hawak na may lamang juice na kumakalahati na, “gusto mo?” Umiling ako, “bawal sa ‘kin ‘yan, tubig lang. “Gusto ko lang sabihin na sana hindi makarating sa school na pumunta ako rito, may research kasi kaming inaasikaso at kailangan kong pumunta rito.” Natikom ko ang bibig ko, ah, yon ba ang dahilan niya? “Mas maganda siguro kong wala nang makakaalam baka kasi kong ano ang isipin nila.” Tumango-tango ako, “no problem, wala naman akong ka kilala sa campus na pwede kong pagsabihan o malapit sa ‘kin.” “Good, sige punta lang ako sa kanila,” sabay turo niya sa gawi nila Kent. Tumango ako at hindi na sumagot. Nakita kong lumapit siya sa dalawa at siguro sasabihin din kong ano ang sinabi niya sa ‘kin. Nang matapos din ang sunod na session namin, bago pa man ako tuluyang makalabas sa chapel tumabi sa ‘kin si Adamson at nakisabay sa paglalakad. “See you again, November.” Paalam niya at nauna nang naglakad. Paglabas ko nakita kong agad siyang pumasok sa itim na kotse siguro’y sundo niya. “Vem!” Napasulyap ako sa direksyon ng boses na tumawag sa ‘kin, andoon na pala si tito Mark. Nakataas ang isa niyang kamay na kumakaway sa ‘kin habang ‘yong isang kamay niya hawak ang phone niya na nakatapat sa tenga na para bang may kausap bago ako dumating. Lumapit na ako sa kanya at para makauwi na rin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD