Chapter One

1384 Words
Tenebrous Affection Chapter One Ayumi "Happy birthday Avan," I whispered as I put down his favorite flower - lavender. Mag-iisang taon na simula noong umalis siya sa bahay namin para kumuha ng damit, mula noon hindi na siya bumalik pa. Nakita ko nalang siya sa hospital... walang buhay. God knows how sad and devastated I was mula no'ng araw na 'yon. Sinabi sa akin ng mga magulang niya na car accident daw ang sanhi ng pagkamatay niya. Kung alam ko lang... kung alam ko lang na hindi na siya makakabalik sa akin ng buhay, hindi ko sana siya pinilit na pauwiin sa kanila. Nagsisisi akong sinigawan ko siya, nagsisisi akong hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal, nag-sisisi ako sa lahat. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong bumalik dito sa puntod niya. Nabawalan na nga ako ng mga magulang niya, ang kaso makulit talaga ako. Wala na rin silang nagawa sa huli. Sila na rin mismo ang sumuko. Alam kong ako ang sinisisi ng mga magulang niya, hindi man nila sabihin pero nararamdaman ko iyon, na para bang sinasabi nila na malas ako. Lahat kasi ng taong napapalapit sa 'kin namamatay. Pati nga yung pusang kinupkop ko kamakailan lang, namatay. Nadatnan ko nalang siya sa sala, wala ng buhay. Pinunasan ko ang mga luhang walang pakundangan tumulo mula sa mga mata ko. "Nakakainis ka, ang daya daya mo! Ang sabi mo hihintayin mo muna akong mamatay bago ka sumunod, pero bakit ikaw iyong nauna?! Hindi ka kasi nag-iingat, kaya ayan!" I cried. I just want this pain to go away like what he did. Halos matanggal na lahat ng damo dito sa puntod niya dahil sa pagkakahawak ko, but who cares? I do what I want to do. I just want to let my pain go away dahil baka mabaliw na ako nang tuluyan kung hindi ko 'to mailalabas. Naiinis ako, hindi sa kanya kun'di sa sarili ko. Pinaglandas ko ang palad sa puntod niya, "bakit kasi ang malas ko? Nakakatawa lang, feeling ko naman sasagutin mo ako e 'no?" I sobbed until I couldn't cry no more. I was hoping that he would arise from his grave. He was so precious to me that's why I just can't easily accept that he's gone. "Magpapahinga kana nga lang, panghabang-buhay pa," I muttered, then looked up to the sky. I tried to commit suicide before but when I saw my little brother, saka ko nalang na-realized na may dahilan pa ako para mabuhay. Plus, I promised Avan na hindi ko gagawin 'yon. I just can't broke that promise dahil may isang salita ako. "Avan, I love you... so-" naputol ang pag-i-emo ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. I saw my Tito's name as I gazed at the screen. "Tito?" Panimula ko as I gently wiped the tears from my cheeks. "Yes Tito, I'll be there in 15 minutes," I replied, before I turned it off.  Bakit? 'yan ang unang tanong na pumasok sa isip ko. Kinakabahan si Tito kanina nang makausap ko siya. No... no... not this time. Kaagad akong nag-panic nang pumasok sa isip ko ang nakababata kong kapatid. Ito ang kadalasan na nangyayari sa 'kin, Hindi ko maiwasan mag-overthink matapos lahat ng nangyari. Ang pagkamatay ng magulang ko at ni Avan ay tila bangungot pa rin, kahit anong pilit kong gumising mula dito, hindi ko na magawa. Dahil tuluyan na akong nakulong. "Calm down, Aya," pagpapakalma ko sa aking sarili. Yes, this is what I've turned into after almost a year, traumatized and always scared na baka mawalan na naman ako ng mahal sa buhay. Walang nagbabalak lumapit sa 'kin para makipag-kaibigan, kung meron man, ako na mismo ang nagtataboy sa kanila. Mas ayos na rin iyon, kaysa mapahamak pa sila nang dahil sa 'kin. Although, I have a one friend na sobrang tigas ng ulo. "Ayumi." Boses ng isang taong may edad na ang tumawag sa pangalan ko. He's wearing his usual clothes - white polo shirt and cargo pants. "Good morning Tito," bati ko, saka ko siya hinalikan sa pisngi. Dahil sa sobrang pag-iisip, ngayon ko lang napansin na nandito na ako sa harap ng coffee shop na tagpuan namin. Inakbayan niya ako, "c'mon let's talk inside." Bahagya siyang ngumiti. But there's something on it - pag-aalinlangan, bakit? We sat near the window kung saan kita ang kalsada. "Ano po ang pag-uusapan natin Tito?" Nakangiti kong tanong. Ayokong mahalata ni Tito na kinakabahan ako. Isa pa, mukhang hindi naman ito tungkol sa kapatid ko. I felt relieved because of that. Sumenyas ito sa waiter, "ayaw mo bang kumain muna bago tayo natin iyon pag-usapan?" Panghihikayat niya. "Hindi na Tito, hmmm... ayos na po ako sa Winter Melon milk tea," tugon ko. Naalala ko na ito ang madalas naming binibili dati ni Avan. Ang akala ko nga kami ang magkakatuluyan. Akala ko lang pala ang lahat. Paano na mangyayari ang bagay na 'yon kung wala na siya? "One maxim gold coffee and one winter melon milk tea," baling niya sa waiter na kanina pa nakatayo sa harap namin. Nginitian niya lang kami saka na umalis upang kuhanin ang order namin. Ilang minuto pa, bumalik siya nang dala-dala ang mga ito. Hindi pa rin pala nagbabago ang mga trabahador dito, mabilis at maingat pa rin silang kumilos gaya ng dati. Marahan itong humigop sa paborito niyang kape, "hija, ayoko sanang magtrabaho ka dahil alam ko na hindi mo pa kaya, subalit nangangailangan na ng sekretarya si Mister Avajero." He was hesitant when he uttered those words. Alam niya kasing wala pa 'kong balak mag-trabaho. Avajero? Hindi ako pamilyar. Kumunot ang noo ko sa narinig. "Bakit naman po ako Tito? Ang dami namang iba diyan na naghahanap ng ganyang posisyon," iritable kong sagot. I have been through a lot and it was kinda traumatic for me. Hindi ko pa kaya... Kinuha niya ang kamay ko mula sa mesa, "ikaw lang kasi ang pasok sa standards na nais niya. Isa pa, bago mamatay ang magulang mo nagkaroon sila ng malaking utang kay Mister Avajero that's why you need to work for him to pay your parent's debt." What the hell? Bakit hindi man lang nila nabanggit sa 'kin ang tungkol sa bagay na 'to? Inis kong naiyukom ang kamao ko. Palagi nalang silang ganito, ang hilig nila mag-sikreto mula sa 'kin. Why they can't even trust me? "Oo nga pala, wala ka naman sigurong bagong kasintahan ngayon hindi ba?" Tito abruptly asked. Hindi na ako sumagot, alam na naman din niya ang sasabihin ko. I avoided his gaze at ibinaling ang tingin sa mga taong dumadaan sa labas. "Good, because one of the requirements of Mister Avajero is being single, kung meron man, you need to break up with that man. Dahil hindi ka matatanggap sa trabaho hanggat kayo pa ng kinakasama mo," he explained briefly. Seriously? Ano naman ang kinalaman ng relationship sa trabaho? Bagong pauso na naman ba 'to? Kung iisipin, ang dami na sigurong napaghiwalay ni Mister Whatever nang dahil lang sa requirement na 'yon. I sipped from my Winter Melon Milk Tea, "may itatanong po sana ako." Curious lang talaga ako. Uncle drank his maxim gold coffee before he spoke. "Ano iyon?" He deliberately asked. I pursed my lips to collect my thoughts and uncertainties. "Ano po ba ang pisikal na anyo ni Mister Whatever? I mean, what does he look like?" Gusto ko lang naman alamin kung matanda na ba iyong magiging boss ko. Para naman makapag-handa ako kung sakali. Nagpakawala ito ng buntong hininga, "ang totoo niyan, wala pang nakakakita sa kanya, ikaw palang ang unang magiging sekretarya niya," he paused. "Maaga kasi siyang dumadating sa opisina, hindi rin siya lumalabas kapag oras na ng tanghalian. Kapag uwian naman, hinihintay niya munang makauwi ang lahat." Mahabang pagpapaliwanag ni tito. I can't help but wonder why he doesn't want to show his face? Baka naman kasi pangit siya? Paano nalang kung rapist pala iyon, o kaya serial killer? Naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo ko. Jeez... what am I gonna do? "Don't worry, mukha naman siyang mabait noong nakausap ko siya sa telepono," pagpapakalma sa 'kin ni Tito nang mapansin ang reaksyon ko. Good luck nalang sa 'yo Ayumi. Kung ano man ang mangyari, sana kayanin mo. Fighting!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD