Epic Fail

1299 Words
Elven’s POV “Whahahahaha!” “Hahahahaha, hooo grabe ka Elven.” “WHAHAHAHAHAHAHA!” Hindi ko alam na ako na pala ang pinakaswerteng tao sa buong mundo sa pagkakaroon ko ng mga supportive na kaibigan katulad nila na pagtatawanan ako pagkatapos kong ikwento sa kanila ang nangyaring break namin ni Ara. Akala mo joke ‘yong kwento ko sa kanila, iritado ko silang tinitignan habang nasa loob kami ng canteen, break time kaya kompleto na naman kami, si Fraynard ang pinaka-oa tumawa sa amin na nakanganga pa at kitang-kita mo ‘yong nginuya niyang cheese mac, tumatalsik na nga ang iba kay Kent-tot dahil sa kakatawa niya. Himala na napatawa ko ng todo ang dalawang matino namin na sila Kelly at Adam, hindi ko nga lang alam kong matino pa ba sila, si Yash na kaibigan ni Cyrel naitulak pa si Jojan kaya nahulog sa kinauupuan nito, pero si Jojan na seryoso at siga tumatawa ng malakas, hindi talaga ako makapaniwala. Si Kent naman ‘yon hawak pa ang magkabilang pisngi na sinampal sa kanya ng isang babae kanina dahil na naman sa kalasingan niya, pero wala pa ring tigil sa kakatawa. “Sige tumawa lang kayo nang sumakit yang mga tyan ninyo, mga gago,” sarkastiko kong sabi sa kanila. “Grabe ang sakit ng tyan ko,” reklamo ni Kent habang tawa pa rin ng tawa. “Masakit ang tyan o masakit ang mukha mo dahil sa sampal sayo nong babae kanina, tigilan mo ako Kent-tot,” sabi ko sa kanya. Binigyan naman niya ako ng masamang tingin dahil tinawag ko na naman siya ng ga’nun. “Tumigil ka nga unang aswang baka mamaya maging mananangal ka dyan kakatawa,” pagsisita ko kay Chachicorz, dahil sa ginawa ko tumigil nga siya at napangiwi, ayaw niya kasing tinatawag na unang aswang, kapangalan niya kasi si Corazon doon, kaya siya mismo ang nagbigay ng nickname sa sarili niya ng Chachicorz. Sinulyapan ko naman si Jojan, “ano?” Pagsisiga nitong tanong. “Wala bakit may sasabihin ba ako?” Sa totoo niyan takot ako sa kanya kaya wag na lang. “Ikaw Fraynard kong makatawa, wagas akala muna man kayo ni Cyrel may forever, sana magka-amnesia kana uli gago,” dahil sa sinabi ko lahat sila natigilan lalo na si Cyrel na nahulog pa ang kutsara sa plato niya sa sobrang gulat. Magsasalita pa sana si Cyrel nang pigilan siya ni Fraynard sa pamamagitan lang ng titig, hindi siya makapagsalita dahil may laman pa ang bibig niya, kaya huminahon naman si Cyrel, humarap sa akin si Fraynard at ngumiti, dapat pala hindi ko na lang sinabi ‘yon, alam ko na kong anong gagawin niya sa akin. Tumayo siya at sabay sigaw ng, “anong sabi mo sa aming hayop ka!?” ‘Yong sigaw niya talsikan pa sa akin ang ilang laman ng bibig niya, napapikit na ako, may kasama pang laway, pasalamat siya hindi amoy bagang, pero kadire. “Tama na nga yan, nakakahiya sa mga taong kasama natin dito,” saway sa amin ni Adam dahil pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Kumuha naman ako ng tissue para punasan ang gwapo kong mukha na binaboy ni Fraynard. “Si Fraynard lang naman ang hindi tao dito,” sabi ko. “Isama mo pa si Corazon,” pagdugtong pa ni Fraynard na siyang nagtawanan na naman sila. “Tigilan ninyo ako,” sabi ni Chachicorz na parang naiiyak na sa pang-aasar namin. “May maganda pa naman akong ideya kong anong pwede mong gawin sa Ara na ‘yon.” Napasulyap naman kaming lahat sa kanya, sa totoo niyan pagkatapos ng pag-uusap na ‘yon hindi ko na siya nakita, siya pa mismo ang umiiwas kaya hindi ko na sinubukan pang makipag-usap sa kanya. “Ano naman ‘yon aber?” Tanong ko sa kanya. “Simple lang Elven ang problema, hindi ka lang nag-iisip.” Sabi niya. “Paano wala namang isip yan,” narinig kong side comment ni Fraynard, nang sulyapan ko siya tahimik lang niyang sinusubuan si Cyrel ng pagkain nila. “Ganito kasi Elven, bakit hindi mo sabihin lahat kay Kuya Ely mo, total ikaw naman ang nagbigay kay Ara, papakinggan ka no’n kong anong ginawa ng bruha na ‘yon sayo,” paliwanag niya sa amin. “Na isip ko na yan Corz pero isa sa mga sikat na model at cover girl si Ara, imposibleng mangyari ‘yon,” sabi ko sa kanya. “Kong hindi tumalab ang plan a, bakit hindi tayo gumawa ng plan b?” Suwestyon ni Jojan, sa kanya naman kami napasulyap, naghihintay sa sasabihin niya. Pero ilang segundo na pero hindi pa rin siya nagsasalita. “Ano na?” Tanong ni Yash. “Huh? Sinabi ko bang ako magbibigay ng ideya, ideya ko na lang na dapat may plan b,” sabi niya. “Ang galing din ano,” sarkastiko kong wika sabay palakpak na walang sounds sa harap niya. “I got it,” napasulyap uli kaming lahat kay Corz, “ang plan b mo, maghanap ka ng ipangtatapat kay Ara, kong sa ga’nun, mapaalis siya sa FAME magazine, ‘yong babaeng mas maganda pa kay Ara, hindi nakakasawa tignan, mala-dyosa ang ganda, cute kong titignan at medyo cool.” Napangiwi ako sa sinabi niya, “wag mong sabihin na ikaw ‘yon.” “Hindi ko sinabing ako, alam kong dyosa ako, pero hindi ko trip ang pag-modelling.” “Kasi walang kumukuha sayo,” sabay comment ni Kent-tot. “Bwisit ka!” Sigaw naman ni Corz. “Tama si Corz, may point siya, bakit hindi ka maghanap ng ipangtatapat sa kanya, kay Ara,” parang pabor si Adam kay Corz, alam kong matalinong tao si Adam, minsan lang ‘tong sumang-ayon sa gusto namin, ibig sabihin maganda ang payo ni Corz, tama pero sa ngayon kailangan ko munang makausap si Kuya sa bagay na ‘to. KATULAD nga ng plano ko, kinausap ko si Kuya Ely sa bagay na ito tungkol sa amin ni Ara. Sinabi ko sa kanya na kong maari tanggalin na sa kompanya si Ara, pero dahil wala akong posisyun sa kompanya at isa lang akong dakilang kapatid niya at anak ng may-ari nito, ito lang naman ang isinigaw niya sa harapan ko pagkatapos kong ipaliwanag sa kanya lahat.             “Hindi! Hindi, hindi, hindi, hindi pwede ang gusto mo!” Sigaw ni Kuya sa akin.             Nasa tabi lang niya ang sekretarya niyang palaging wala sa mood, “Ms. Secretary pakipaliwanag sa magaling kong kapatid na hindi pwede ang gusto niyang mangyari.”             Sumulyap muna ang sekretarya niya sa kanya at saka bumalik ng tingin sa akin, “for your information Mr. Monforte, hindi namin pwedeng basta-basta na lang tanggalin si Ms. Ara lalo na kong kakapirma lang niya ng kontrata, pwede lang po siyang tanggalin kong may nilabas siyang rules habang nasa FAME magazine pa siya. Hindi saklaw ng relasyon ninyo ang masira ang din line-ups ng kompanya, trabaho lang po at walang personalan.”             “See Elven, hindi mo pwedeng dalhin dito ang pagiging immature at pagiging childish sprout mo sa trabaho at sa kompanya, isa pa, isa sa mga magagandang model at class a personnel ng magazine si Ara, ano naman kong nag-break kayo, mangbabae ka uli, that’s easy kalimutan muna lang siya,” paliwanag sa akin ni Kuya.             Alam ko naman na mangyayari ‘to, nagbabasakali lang na mangyari nga ang gusto ko. Nagpaalam na ako sa kanila, nakita kong naghihintay ang mga kaibigan ko sa akin, dahil supportive nga sila sinamahan nila ako, halata naman sa mukha ko kong anong resulta kaya hindi na ako nagsalita.             “Elven, hindi pa tapos ang laban, may plan b pa,” pagpapaalala sa akin ni Kent-tot.             Tama, operation maghanap ng bagong model na ipangtatapat ko sa ex ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD