bc

TOLENTINO BROTHERS SERIES 2: A CHILDHOOD PROMISE

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
HE
heir/heiress
drama
scary
witty
like
intro-logo
Blurb

Harry John Allan Tolentino ang pangalawang anak ng mag-asawang Totentino. HJ, ang hunky CEO ng isa sa negosyo ng Tolentino, ang Parameter Technology Corporation. Bilang isang Tolentino ay maraming privilege na natatanggap si Hj lalo na kapag nasa labas siya ng kompanya. Bata palang si Hj ay nakikitaan na ito ng galing sa teknolohiya ngunit sa kabila ng pagiging moderno nito ay nanatili ang puso ng binata sa isang batang pangako. Na babalikan at pakakasalan niya ang batang tanging nagustuhan sa bahay ampunan.

Ngunit isang gabi ay may nakilala siyang babae, Emerald Venus Pimentel is a very seductive lady. At isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap na siyang na uwi sa pagpaplanong kasal ng kanilang pamilya.

While preparing for their upcoming wedding, Emily comes back and wants to claim the childhood promise he made.

(c) 2024

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
“IIWAN MO DIN PALA kami kagaya ni Sam at Ronna, Harry?” May lungkot na wika ni Emily sa kanya. Tumungo siya bilang sagot. Nasa likuran silang bahagi ng bahay ampunan. Kasama niya ang tatlong babaeng kaibigan. Si Emily, Lorie at Carila. Ang mga ito ang kasama niya lagi dahil mas gusto niya kasama ang mga babae kaysa sa mga lalaki na laging binubully ang tatlo. Pinuprotektahan niya ang mga ito sa grupo ni Steve na kung umasta ay siga siya ampunan na iyon. Mas matanda kasi sa kanila si Steve ng limang taon. Harry is already seven years old while Emily, Lorie and Carila is six years old. Apat na taon siya ng iwan ng Lolo sa bahay ampunan. Matanda na daw kasi ito at hindi ito kayang alagaan. Iniwan kasi siya ng ina sa Lolo’t Lola pero hindi na binalikan. Kahit magpadala ng pera para sa kanya ay hindi nito ginawa. Wala din paramdam. Nang mamatay ang Lola niya noong apat na taon siya ay hindi umuwi ang ina siyang ikinasama ng loob ng kanyang mga tiyuhin at tiyahin, kaya pinilit ng mga ito ang Lolo niya na ibigay siya sa bahay ampunan. Alam ng Lolo niya na sinasaktan siya ng kanyang mga tiyuhin at para ma-iligtas siya ay pumayag na lang ito sa gusto ng mga anak. Wala siyang sama ng loob sa kanyang Lolo. Paminsan-minsan kasi ay dinadalaw siya nito sa unang taon niya sa bahay ampunan pero noon nag anim na taon siya ay nalaman niyang namatay ito sa sakit sa puso. Tinulungan siya ng mga madre na dalawin ang Lolo sa burol nito. Hinayaan siya ng mga Tito’t Tita na makita ang kanyang Lolo sa huling pagkakataon pero may narinig pa rin siyang masakit na salita. Ayon sa mga Madre ay maaga siyang namulat sa realidad ng buhay. Sa mura niyang edad ay na-iintindihan na niya ang mga bagay-bagay dahil nasaktan siya na ganoon ang tingin sa kanya ng pamilya ng kanyang ina. Pagkatapos mawala ang tanging pamilya niya ay naging tahanan na niya ang bahay ampunan. At nitong nakaraang linggo ay may pumunta mag-asawa. Dalawang buwan na daw siyang pinagmamasdan ng mga ito at nais siyang ampunin. Mabait at mayaman daw ang mag-asawa ayon sa mga Madre kaya naman pumayag siya ng sabihin ng mga ito na siya ang napiling ampunin at kupkupin. “Dadalawin ko naman kayo dito,” aniya sa kaibigan. “Ganyan din ang sinabi ni Sam pero hindi na siya bumalik.” Na-iiyak na wika ni Lorie. Bukas na siya kukunin ng mag-asawa. Natapos na kasi ang legal na proseso ng pag-ampun sa kanya. “Iba naman ako kay Sam. Babalik ako.” Malungkot niyang wika. Kahit naman kasi siya ay nalulungkot din sa pag-iwan sa mga ito. Napatingin siya kay Emily. Bakas na bakas ang lungkot sa mga mat anito. Tumayo siya at lumapit sa kaibigan. Hinawakan ito sa braso at iniharap. “Wag na kayong malungkot. Babalik ako dito para dalawin kayo at hinding-hindi ko kayo makakalimutan.” “Sinabi din iyan ni Sam at Ronna pero kahit isang beses hindi naman na sila bumalik.” Tuluyan ng umiyak si Lorie. “Sino na magtatanggol sa amin kay Steve?” Umangat ng mukha si Emily at umiyak ng tuluyan. Pati na rin ang tahimik na si Carila ay umiyak na rin. Nasasaktan siyang makita na umiiyak ang kaibigan. Niyakap niya si Emily at hinagod ang likod. Ang bigat na iwan ang mga ito pero kailangan. Pagkakataon na niya iyon para magkaroon ng sariling pamilya at makapag-aral ng maayos. Dito kasi sa bahay ampunan ay nahihirapan siya. Pinapa-aral naman sila pero natatakot siya na baka maging kagaya siya ni Steve na tumigil sa pag-aaral dahil nagsawa na sa pangaral at sitwasyon sa ampunan. “Nandiyan sina Mother Sally. Isumbong niyo siya para mapagalitan. Sasabihan ko din si Warren na tingnan kayo lagi.” Si Warren ay isa din sa mga bata doon. Mas matanda lang siya ng isang taon pero mabait din at marunong lumaban kay Warren. Mas malapit lang ito sa ibang lalaki doon sa ampunan. “Pero……” “Babalik ako.” Bulong niya kay Emily. Ang totoo ay matagal na siyang may paghanga kay Emily. Nagagandan kasi siya dito. Maliban doon ay matalino at mabait din ang babae. Lagi niyang itong pinagmamasdan. Masayang ka-usap si Emily kaya talagang nalulungkot siya ngayong iiwan ito. Hindi nagsalita ang kaibigan. Nanatili itong nakayuko at umiiyak. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Babalik talaga siya doon para tuparin ang pangako kay Emily. He will keep his promise. HINAHANAP NI HARRY SI EMILY. Wala kasi ang babae sa kwarto nito. Nais niya itong maka-usap ng mag-isa. Nalalakad siya sa may play ground ng makita ito sa swing. Nakatalikod ang babae. Walang masyadong bukas na ilaw doon dahil gabi na rin. Halos lahat ng mga bata ay nasa kwarto na at matutulog. Kaya naman nagtaka siya ng makitang wala doon si Emily. Lumapit siya sa kaibigan at umupo ng patalikod dito. “Emily…” tawag niya dito. Naramdaman niyang gumalaw ang swing. Alam niyang magsasalita sana ito pero pinigilan niya. Nais niyang siya ma-una dahil kapag ito ay baka mawalan na siya ng lakas. He wanted her to know how much he treasure this friend of his. “Hayaan mo muna akong magsalita,” aniya. Hindi naman nagsalita ang babae na siyang pinagpapasalamat niya. “Alam kong nalulungkot ka sa paglisan ko. At nais mong manatili ako dito sa ampunan kasama kayo pero may nais akong marating sa buhay, Emily. Ito na kasi ang pagkakataon para magkaroon ako ng magandang buhay pero hindi naman kasi ibig sabihin noon ay kakalimutan ko na kung sinong iiwan ko dito sa ampunan. Babalikan ko kayo dito. Dadalawin at kakamustahin. Hindi ko kayo kakalimutan lalo na ikaw.” Tumingin siya dito pero nanatiling nakatalikod sa kanya ang babae. Tahimik lang ito at pansin na pansin niya ang mahigpit nitong paghawak sa tali ng duyan. Huminga siya ng malalim. “Emily, babalik ako. Pinapangako ko na babalik ako at sasamahan ka hanggang sa paglaki. Tayo pa rin ang magkasamang dalawa.” “Siguraduhin mo lang.” Narinig niyang wika ng babae. Mahina lang ang boses nito pero naririnig niya. Ngumiti siya. Lumakas ang loob niya dahil sa narinig. “Oo naman dahil para sa akin. Ikaw ang babaeng nais kong makasama sa habang buhay.” “Ohhh!” Narinig niyang wika ng babae. “Maniwala ka sa akin.” Humaarap na siya pero si Emily ay nanatiling nakatalikod. Narinig niya ang mahina nitong paghikbi. Umiiyak na naman ito. Napakuyom si Harry. Nais niyang patahanin ang kaibigan ngunit alam niyang ayaw nitong makita niya ang mukha nitong puno ng luha. “Pakakasalan kita pagtanda natin.” Wala sa sariling wika niya. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng sinabi pero lagi niya iyon naririnig sa mga dramang pinapanood ng mga Madre. Nakikita niya din sa palabas na natutuwa ang mga babaeng marinig ang ganoong kataga sa mga lalaki. PINAGBUKSAN NG DRIVER ANG MAG-ASAWA Carmila at Arlando. Ngayong araw nila kukunin ang pangalawang anak nila, si Harry. Matagal na nilang pinagmamasdan ang batang iyon simula ng makita niya sa bahay ampunan ito. Agaw pansin kasi ang batang lalaki. Hindi lang dahil sa may dugo itong banyaga kung hind isa asta nito. Carmila immediately process the adaption paper after they decided to adapt Harry. Sinalubong sila ni Mother Sally. Isang ngiti ang binigay nito. “Kamusta kayong mag-asawa?” Masayang bati nito. “Maayos naman po, Mother.” Magalang na bati niya. “Pasok muna kayo at magmeryenda habang hinihintay si Harry. Inaayos na niya ang gamit na dadalhin sa paglipat sa tahanan niyo.” Napangiti siya. Hindi kagaya ng panganay nilang si Liam ay bukas at maayos na tinanggap ni Harry ang pag-ampun nila. Agad daw sinabi ni Mother Sally sa bata na aampunin ito at ayon dito ay walang kahit anong pagtutol sa bata. Harry is very intelligent child. Naghihinayang si Mother Sally kung mananatili ito sa bahay ampunan. Kaya naman labis na nagpapasalamat ito ng dumating silang mag-asawa at napili ang bata. Narating nila ang opisina ni Mother Sally at umupo silang mag-asawa sa mahabang sopa. Binigyan sila nito ng ma-iinum na malugod nilang pinagsalamatan. “Narinig ko na may kinuha na kayong isang bata sa bahay ampunan. Natutuwa ako at magkakaroon agad ng kasama si Harry sa bahay niyo.” Hindi ma-itago ng matanda ang saya sa mga mata nito. “Yes. We adapted Liam. Mabait at mahiyaing bata si Liam. Ngayon ay nasa mansyon siya at excited ng makita ang magiging kapatid niya.” Sinabi nila kay Liam na magkakaroon ito ng kapatid na lalaki at ka-edad din nito. Nakita nilang nagulat ang anak pero hindi nagsalita. Nagulat na lang sila kinabukasan na inaayos nito ang ilang laruan na binila nila para dito at sinabihan ang isang katalong na ilagay sa magiging kwarto ni Harry. Nais nitong ibahagi ang laruan sa magiging kapatid. Wala pa kasing anong gamit sa kwarto ni Harry maliban sa importanting gamit. Balak nilang bumili kapag nakatira na ang bata. Kagaya ni Liam ay ito ang bahalang pumili ng gamit na idadagdag sa kwarto nila. “Nakakatuwa naman malaman. Liam pala ang pangalan ng batang una niyong inampon.” “Yes but I prepared people calling Liam as my son. Hope you start addressing him like that if you don’t mind, Mother Sally.” Malumay-may niyang wika. She didn’t mean about anything. Alam naman niyang walang ibig sabihin si Mother Sally sa pagtawag nito ng ganoon kay Liam. She just wanted to correct the people addressing at her son. “Oh! I’m sorry.” “It’s okay. I know you don’t mean to harm.” Ngumiti siya. Ngumiti na rin ang Madre. Mukhang napansin nito na hindi naman siya galit. She just wanted to correct those things that she doesn’t and it’s right to call Liam her child. Simula ng inampun nila ang bata ay naging anak na nila ito ni Arlando. At magiging ganoon di naman si Harry pagkatapos nila itong makuha sa ampunan na iyon. “Maari ba kaming matanong patungkol sa totoong magulang ni Harry.” Mamaya pa ay nagtanong ang kanyang asawa. Nang makilala nila si Harry ay walang nabanggit si Mother tungkol sa magulang ni Harry na siyang hindi na nila inusisa noong pinuproseso nila ang mga papeles. Wala naman silang paki-alam sa nakaraan ng bata. Ang importante sa kanila ay mabigyan ito ng maayos na buhay. “Lumaki si Harry sa Lolo’t Lola niya ngunit namatay ang dalawang matanda noong apat na taon pa lang ito. Tinatakwil naman ito ng mga kamag-anak dahil iniwan ito ng ina. Hindi na nagparamdam ang ina ni Harry simula ng maka-alis dito sa bayan namin. Wala din alam ang Lolo nito kung sino ang totoong ama ni Harry. Ang balita lang ng mga tao ay may nakilalang foreigner sa malapit na resort dito ang ina ng bata ay binuntisan. Hindi namin alam kung totoo ba ang balitang iyon.” Tumungo silang mag-asawa. Nang inampon nila si Liam ay ninais na nilang malaman ang tungkol sa pagkatao ng totoong magulang ng mga bata. They already know who is Liam’s mother. Hindi nga lang nila sinasabi sa bata dahil masyado pa itong galit sa ina’t-ama. Tinanong kasi nila si Liam patungkol doon at ayaw daw nitong makita ang totoong mga magulang. They are waiting until Liam’s in the matured ages. “Balak niyo bang ipahanap ang ina ni Harry?” “Oo, Mother. Nais pa rin namin makilala nila ang mga taong nagluwal sa kanila sa mundong ito. Hindi man ngayon ay maaring sa paglaki nila. Sa tamang edad na kaya na nilang tanggapin ang lahat ng hirap at bagay na ibabato sa kanila.” Ngumiti si Mother Sally. “Nakakatuwa kayong mag-asawa. Masaya akong sa inyo mapupunta si Harry. Magkakaroon siya ng magulang na talagang aalagaan at pahahalagahan siya.” “Iyon ang misyon namin sa buhay ng bata, Mother Sally.” She said to her. KINUHA NG DRIVER SA KANYA ang dala niyang bag. Kunti lang naman ang damit niya kaya kunting gamit din ang dadalhin niya sa mansyon ng magiging magulang niya. Nakita niya ang mga ito kanina sa opisina ni Mother Sally. Hindi pa rin siya makapaniwala na aampunin siya ng mga ito. Napakaganda kasi ng babae at magandang lalaki din ang asawa nito. Carmila Tolentino at Arlando Tolentino ang pangalan ng magiging magulang niya. Hindi sinabi ng mga ito kung anong uri ng trabaho ang mga ito pero kung pagbabasihan ang ayos ay alam niyang may kaya sa buhay ang mga ito. “Harry, you can say goodbye to your friends.” Malumaymay na wika ng kanyang bagong ina. Tumingin siya sa pinto ng bahay ampunan. Lahat ng mga bata doon ay naruruon at nakatingin sa kanya. Nakadama siya ng kalungkutan. Tumingin siya sa magiging ina. “Magpapaalam lang po ako.” “Go on. We will for you.” Pagkatapos marinig iyon ay tumakbo siya sa mga naging kaibigan sa lugar na iyon pero himinto siya sa harap ni Emily. Katabi nito si Lorie at Carila. “Wag ka ng malungkot. Babalik ako. Tutuparin ko ang mga pangako ko sa iyo. Kaya sana ay hintayin mo ako,” aniya kay Emily. Tuluyang pumatak ang mga luha ng kaibigan. Mahigpit niyang niyakap ito. Niyakap din siya nito at nasundan iyon ng yakap ng iba pang kaibigan. Narinig ang malakas ng iyakan ng mga bata. Lahat ay ayaw bumitaw. Hindi na rin niya napigilan ang sarili at umiyak. Natigil lang sila ng pagsabihan sila ni Mother Sally. “Harry, kailangan mo ng umalis. Hindi mo pwedeng paghintayin ang mga magulang mo.” Sa huling pagkakataon ay pinangaralan siya nito. Tumungo lang siya. Tumakbo na siya pabalik sa magulang. Pinagbuksan siya ng driver ng pinto. Nasa loob na kasi ng kotse ang kanyang mga magulang. Nasa likuran at kasama niya ang ina doon habang ang ama ay sa tabi ng driver. Sumakay na siya ng kotse. Nang ma-isara ang pinto ay tumingin siya sa mga kaibigan. Nandoon pa rin ang mga ito sa pinto at nakatingin sa kanya. Kumaway siya bilang hudyat ng pagpapaalam sa mga ito. Pinapangako niya na babalik siya doon. Nagsimula ng gumalaw ang kotse pa-alis sa lugar na iyon. “Wag kang mag-alala at dadalaw tayo sa susunod na linggo, Harry. Magdadala tayo ng maraming laruan para sa kanila.” Narinig niyang wika ng ina. Napatingin siya dito. May kaka-ibang ningning ang mga mata nito. “Maraming salamat po,” aniya dito. Matagal ang byahe nila at nakatulog na siya sa byahe. Malamig kasi sa loob ng kotse at sobrang nakomportable siya. Nagising na lang siya ng niyugyog siya ng ina at sabihin nasa bahay na sila. Pinagbuksan siya ng driver at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang malaking bahay. “Welcome to your new home, Harry John Allan Tolentino.” Napatingin siya sa ama ng marinig ang pagtawag nito sa kanya. Hindi kasi iyon ang totoo niyang pangalan. “From now on, you are no longer Harry Dizon. Ikaw na ay si Harry John Allan Tolentino. Ang pangalawang anak namin.” “Pangalawang anak?” Nagtataka niyang tanong. “Daddy, Mommy you are here.” Isang malakas na boses ang narinig niya. Lahat sila ay napatingin sa taong sumigaw. Nakita niya ang isang batang lalaking palapit sa kanila. May isang babaeng nakasunod dito. “Sir Liam, wag po kayong tumakbo ng mabilis at baka madapa po kayo.” Paki-usap ng babaeng nakasunod sa bata. Huminto ang bata sa harap nila. “It’s okay. I’m already big and know myself.” “Even so, Liam. You should listen to Yaya Eena. Don’t be naughty.” Pangaral ng ina sa batang lalaki. “I’m not naughty, mommy. I’m just excited to meet my brother.” Tumingin sa kanya ang batang lalaki. Isang matamis na ngiti agad ang binigay nito sa kanya. Nagulat pa siya. Walang sinabi sa kanya na may anak na pala ang dalawang taong umampun sa kanya. Nakadama ng takot si Harry. Kung may anak ang mga ito ay paniguradong mas mahal ng mga ito ang batang lalaki. “Liam, I want you to meet your brother. Harry Tolentino. You two are in the same age, so talk to him with respect….” Humarap sa kanya ang ina. “Harry, he will be your brother, Liam James Albert Tolentino. Siya ang unang batang inampon namin.” “Nice meeting you, my brother.” Inilahad ni Liam ang kamay sa harap niya. Nagulat siya sa narinig. Akala niya ay totoong anak ng mag-asawa ang batang ito ngunit ampun din pala ito. Nakikita din niya na sobrang saya nito. Walang halong pagpapanggap ang saya na nakikita niya. This kid is happy to have him inside this big house. “Masaya akong makilala ka.” Tinanggap niya ang pakikipagkamay niya. “Yes, finally I have a brother. I’m so lonely in this big house.” Hinila siya nito papasok sa loob ng bahay. Narinig niyang tumawa ng ina. Wala siyang nagawa kung hindi sumama sa batang ito. Umakyat sila sa pangalawang palapag. “Yaya already fixed your room. I also put some toys. You will be happy here. I’m also happy here. Mommy and Daddy is so good to me and I know to you too.” Matalas ang pagsasalita ng English ng bata. Halatang nag-aaral ito sa mamahaling paaralan. Ngayon ay nagugulat siya sa mga nangyayari. Hindi niya akalain na sobrang yaman ng taong umampon sa kanya. Mukhang hindi lang simpleng tao ang mga ito. Sa laki ng tahanang iyon ay masasabi niyang mapalad siya na siya ang piniling maging anak nito. “Magugustuhan mo itong magiging kwarto. Magkatapat lang tayo ng kwarto, Harry.” Huminto silang dalawa sa isang pinto. Tinuro pa ni Liam ang pinto ng kwarto nito na siya talagang nakatapat sa kwarto niya. Binuksan ni Liam ang pinto at agad niyang napansin ang kulay asul na pintura. Siya ang unang pumasok ng kwarto at nakasunod sa kanya si Liam. Ang ganda ng kwarto niya. Malaki iyon dahil maliban sa kama at malaking kabinet ay may maliit na table sa unahan. Meron siyang maliit na sala sa kanyang kwarto. Sa gilid naman katabi ng malaking kabinet ay mesang may nakapatong na libro. Sa isang sulok naman ay may mga laruan na doong nakalagay. “Nagustuhan mo ba ang kwartong nilaan namin para sa iyo, Harry?” tanong ng ina na nakasunod pala sa kanila ni Liam. Tumingin siya dito at tumungo. Sobrang nagustuhan niya. Hindi iyon ang kwartong inaasahan niya. Napakalaki noon at mukhang may sarili din siyang banyo dahil may napansin siyang pinto. “Masaya akong malaman na nagustuhan mo ang kwatong inihanda namin.” Nakita niya ang kasayahan sa mga mata ng babae. “Welcome to our family, Harry.” Ipinantay ng ama ang sarili at hinawakan siya sa balikat. “Asahan mong aalagan at iingatan ka namin. Ibibigay namin ang mga bagay na dapat ay sa iyo. Masaya kami na kami ang magiging magulang mo, Harry.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.6M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
469.5K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
511.6K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
608.6K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
469.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook