CHAPTER 2

1169 Words
NAGPALIPAT-LIPAT NG tingin si Nadja sa kanyang nakatatandang kapatid na si Neiji at ng big boss ng Stallion Riding Club na si Reid Alleje.  Nananahimik kasi siya sa kanyang lungga sa Picka-Picka nang ipatawag siya ni Reid.  Pero ano nga kaya ang kailangan nito sa kanya?  At ano ang ginagawa roon ng kanyang kuya?  Mukhang importante ang pag-uusapan nila dahil ang hipag niyang si Winry ang nagboluntaryong tumao na muna sa kanyang shop.  Parang alam na nitong matatagalan sa opisina ni Reid. She started humming.  Napatingin sa kanya ang dalawang lalaking kanina pa tahimik na nag-uusap. “What?” tanong niya sa mga ito.  “Mapapanisan na ako ng laway dito kung hindi ko igagalaw ang mga muscles sa bibig ko.” “Nadja,” saway ng Kuya Neiji niya.  “Alam mo ba kung bakit ka ipinatawag dito?” “Well, kung alam ko, sa tingin nyo ba uupo na lang ako rito na parang tanga at nagtatanong sa kawalan?” Reid sighed.  “Someone proposed to close up your shop.” “What?  Who?” “Angelo.” “Angelo Exel Formosa?”  Ang antipatikong iyon?!  Kinalma niya ang sarili.  Dahil kung magwawala siya ngayon sa galit, siguradong disadvantage iyon sa kanya.  Ayaw na ayaw pa naman ni Reid ng ingay at g**o sa loob ng pinakamamahal nitong riding club.  “Ano naman daw ang dahilan niya at ipasasara niya ang shop ko?” Buwisit siya! Her brother gave her a piece of paper.  Isang proposal iyon.  Ng pagpapasara ng shop niya!  Parang gusto niyang lamukusin ang naturang papel at ipakain iyon sa buwisit na lalaking nakapirma roon. “Uncooperative and unrespectful to the clients?” “You know the rules around here, Nadja,” wika uli ni Reid.  “I will agree for some establishments to be put inside the Stallion Riding Club.  Pero kung may isa sa mga members ng club ang magpoprotesta, I’ll have to side with them.  Afterall, sila ang talagang priority dito.” “Pero…anong…bakit…”  Ilang beses pa niyang tiningnan ang lintik na papel.  At sa bawat pagtitig niya roon ay tila mas lalong pumupula ang kulay ng kanyang paligid.  “Saan…unfair.” “Ano ba kasi ang ginawa mo kay Angelo at bigla na lang niyang naisipang patalsikin ka ng club?” tanong ng kuya niya.  “He was one of the friendliest people around here.  Siguradong hindi naman maghahain ng ganitong petisyon ang isang iyon kung wala kang ginawa na ikinaglit niya.” “Wala naman talaga akong ginagawang masama…”  Naalala niya ang araw na nagpunta ito sa shop.  O, hindi naman niya ito sinigawan o inasar.   Maayos niya itong pinakiharapan.  Kaya ano ang dahilan ng kurimaw na iyon na palayasin siya sa lugar na iyon?   “Kuya, ako rin kilala mo.  Napaka-bait ko ring tao.  Napaka-friendly.  Pinakiharapan ko naman siya ng maayos nang magpunta siya sa shop noong nakaraang araw.  Baka siya ng may problema kaya niya ginagawa ito sa akin.”  muli niyang binasa ang nakasulat sa papel.  “Hindi kaya naiinggit siya sa akin dahil malakas ang kita ng Picka-Picka at gusto niyang i-take over ang management ng shop ko?” Napangiwi na lang siya nang makita ang reaksyon ng mga ito sa sinabi niya.  Parang kulang na lang ay sigawan siya ng mga itong nasisiraan na siya ng bait. “Angelo owned the most prestigious modelling agency in the country,” mahinahong wika ng kuya niya.  “Not to mention one of the biggest advertising company today.  As international model, he’s earning thousand of dollars every time he strut his stuff on the ramp.  Kaya ano ang gagawin niya sa isang gaya ng Picka-Picka?” Doon siya umalma.  “Hoy, Kuya, kahit maliit lang ang Picka-Picka dito sa Stallion Riding Club, ito ang may pinakamalaking income sa lahat ng branch ng shop ko.  At pinaghirapan kong i-establish ang negosyo kong ito kaya huwag na huwag mong lalaitin ang Picka-Picka ko.” “Okay, okay.  I’m sorry.  I shouldn’t have said that.”  Napakamot na lang ito ng ulo nang balingan ang kaibigan.  “Baka naman puwede pa natin itong ipakiusap kay Angelo.  I’m sure this was just a little misuderstanding.  Minsan kasi may pagkataklesa rin iyang kapatid ko.” “If you wanted to talk this over with, I’m not the one you, two, should be talking to right now.”  Nilingon siya ni Reid.  “Hindi ko ia-approve ang proposal na ito ni Angelo.  Pero sa isang kundisyon.” “Basta huwag lang pera,” wika niya.  “Okay sa akin.” “Ikaw ang makipag-usap kay Angelo.  Kumbinsihin mo siyang bawiin itong proposal niya.” “Sige, perahin ko na lang iyan.” “Nadja,” singit ng kuya niya.  “I know you’re a proud little Gremlin—“  Sumimangot lang siya.  “Pero ito na lang ang tanging paraan para hindi tuluyang ma-dissolve ang shop mo rito sa SRC.  Take it or leave it.” “I’m giving you a week,” dugtong pa ni Reid. Asar niyang kinamot ang ulo.  Wala na talaga siyang ibang choice kundi ang sundin ang suggestion ng mga ito.   “Do I really have to beg?” “If you really care for your shop.” Lulugo-lugo siyang tumayo, dala ang lintik na proposal ng lintik na Angelo Exel Formosa na iyon.  Aburido pa rin siya sa kinahinatnan ng inakala niyang maganda at tahimik niyang buhay sa loob ng Stallion Riding Club.  Nang biglang mabangga siya ng kung sino. “Ops.  Sorry.” Handa na siyang manlapa nang mapatingin siya sa mukha ng taong nakabangga sa kanya.  Tila biglang nilipad ng hangin ang lahat ng problema niya sa buhay nang makilala ang lalaking nasa harap niya ngayon. At hawak ang braso ko!  Syet! “Galing ka ba sa opisina ni Reid?” tanong ni Ian Jack.  “Is he there?”  Nakatanga lang siyang tumango.  “Thanks.” Marahan pa siya nitong tinapik sa balikat saka nagtungo sa opisina ni Reid.  Hinawakan niya ang balikat niyang pinagdampian ng mapagpala nitong kamay.  Pagkatapos ay sininghot niya nang husto ang bango ni Ian Jack na dumikit sa damit niya. “Jack…” parang lumulutang pa rin ang utak niyang sambit.  “Hey, Jack…” Ngayon higit kailanman, nagkaroon siya ng mas matibay na dahilan upang manatili pa sa naturang lugar.  Kailangang manatili siya roon.  Dahil kung hindi, wala ring Ian Jack na magpapasaya sa bawat araw niya. Binigyan niya ng huling sulyap ang nakasaradong pinto ng silid ni Reid kung saan pumasok si Ian Jack. “Wait for me, irog,” wika niya sa hangin.  “Aayusin ko lang ang problemang ibinigay sa akin ng kulugong Angelo na iyon.  Saka tayo mag-uusap, okay?  Diyan ka lang, ha?  Babalikan kita agad.” Bitbit ang proposal, sinugod niya ang…Napahinto siya.  “Teka, saan ko nga pala makikita ang kulugong iyon?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD