bc

The Surrogate

book_age16+
57
FOLLOW
1K
READ
revenge
others
dark
contract marriage
HE
drama
bxg
humorous
kicking
addiction
like
intro-logo
Blurb

Dwayne Magnum Devinoir is a broken soul lost in his dark past. As a product of a messy scientific exploration, Magnum had his fair share of horrifying experiences. He was molested at a young boy thus, his jaded view of the world forbids him to like women.

Subalit, Kailangan niya ng anak na magmamana ng multi-milyung ari-arian mula sa kayamanang mula sa nasirang mga magulang.

Ano ang kaniyang gagawin upang magkaroon ng tagapagmana?

“Ayaw mo sa babae… then you need someone who’ll carry your child without being penetrated!” Carries casually said and sipped a little whiskey from the bottle itself. Kunot- noong napatitig si Magnum sa kapatid.

“W-What does that suppose to mean?”

“You need a surrogate…” Natahimik si Magnum saglit. Carries pasted a victorius grin on his face, madali talagang patahimikin ang masungit niyang kapatid.

“Then… find me one! ASAP. What the f*ck! s**t!” Hindi na nakailag si Magnum nang mabugahan ni Caries ng iniinom na alak.

“Oo na! Oo na!” Carries took his phone out and typed some digits. “Hello, the boss needs a puss—son! I said son. Find some women, I’ll make the contract.”

Anne is in a desperate need to find money--ASAP!

Kritikal ang kalagayan ng kaniyang ama na may canser sa utak. Kaya naman, pikit-mata niyang pinasok ang trabahong ni sa hinagap ay di niya naisip na susuungin. Bahala na si Batmat!

Magampanan kaya niya ang strictly-work-ethics na gusto ni Magnum o di kaya ay mahuhulog sa mala-ice cream nitong alindog?

Sino ang unang bibigay, ang masungit na boss, o ang desperadang Surrogate?

The game begins!

chap-preview
Free preview
The Search
"Next!” tawag ng receptionist sa may labas ng opisina.  Dalawang aplikante na lang at ako na ang susunod. Ewan ko ba pero, kinakabahan ako dito sa kinauupuan ko. Parang audition kasi ‘to sa PBB dahil sa dami ng aplikante, kaya naman halos apat na oras muna ang lumipas bago ako makarating sa kinauupuan ko ngayon. Sinipat ko ulit ang paligid… parang gusto kong manliit sa itsura ko! Lahat kasi ng mga nandito ay nakapang-office attire, eh ako, maong na pantalon at T-shirt na puti lang ang suot! Kung di ba naman kasi pasaway si Leila at hinatak ako papunta dito eh di sana nakapag-ayos man lang ako kahit kaunti! DEVINOIR EMPIRE Ito ang nakapaskil sa glass na pinto sa may kaliwa ng receptionist. Napailing ako sa isiping tunog ‘devil’ ‘yong apelyido ng may-ari. "Ms. Andrea Santa Lucia!!!” Nagulantang ako sa boses na iyon ng babae. Nakatutok na sa akin ang tingin ng iba pang aplikante at karamihan sa kanila, kung hindi man lahat ay nakaismid. "Ay, tatanga-tanga kasi!” "Alam mo, miss, hindi lang ikaw ang aplikante dito. Sana, kung tutunganga ka rin lang naman buong maghapon ehh dun ka na lang sa ground floor, mas maraming paintings doon!" mataray na litanya ng payat na clerk. Walang kibong tumayo na lang ako at hinawakan ang doorknob ng glass door... pero bago ako makapasok nang tuluyan ay narinig ko pa siyang nagsalita… "Sus, tatanga-tanga. Ang lakas ng loob mag-apply… tagabundok yata!" Kinuyom ko ang aking mga kamao... kung di ko lang talaga kailangan ng trabaho ay baka nagulpi ko na ang babaeng ‘to! Ang lakas ng loob manlait eh siya naman ‘tong mukhang tanga sa kapal ng make-up! Nagmukha itong sapin-sapin dahil sa hindi pantay na kolorete! Para tuloy siyang may black-eye o pasa sa buong pagmumukha… idagdag pa na iba ang kulay ng leeg nya.. Ano ‘yon, pinagtagpi-tagpi lang ang buong mukha niya? Tsk! Dii bale na nga lang! Tuluyan na akong pumasok ng silid. I gasped upon seeing the entire office na sa TV ko lang noon nakikita. Sa sobrang lawak niyon ay kasya yata ang pinagtabi-tabi naming apat na espasyo ng palayan. Binundol ng kaba ang dibdib ko nang sa unahang bahagi ay nakita ko ang isang magarang mesa. Sa likod niyon ay may glass window kaya kitang-kita ang makulimlim na langit. Nasa sixty ninth floor kami dahil pitumpong palapag lang naman ang building. Muntik pa akong madapa nang matisod ako sa isang vase na ewan kung bakit nakalagay sa daraanan.. "Anastasia Steel…" bulong ko sa sarili. Ipinilig ko ang aking ulo sa isiping baka maging ganoon nga ang kahinatnan ko. Ilang beses na ring mag-alok sa akin ng indecent proposal ang mga nagiging amo ko. "Are you okay, Miss?”' Awtomatikong napaangat ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses. Parang gusto kong kiligin dahil ang sexy ng boses na ‘yon at kahit isang dipa pa ang layo ng nagtanong sa akin ay naaamoy ko na ang swabeng aroma ng kaniyang pabango… GUCCI GUILTY! At s**t! Puwede bang makapagmura ng isang malutong na “tang ‘na!” dahil kahit yata gahasain ako ng lalaking kaharap ko ngayon ay di ako magrereklamo! Bagkos ay baka ako pa ang gumawa ng kahalayan sa kanya! "Are you okay, miss?"  Shit! Hindi ako makahinga…hindi ako makapagsalita o kahit kumurap man lang! Ang gwapo… Ang hotness ay dinaig pa ang araw! Parang nescafe 3-in-1 original sa sobrang yumminess... at kahit medyo dumistansya na siya nang kaunti sa akin ay amoy na amoy ko pa rin ang elegante ngunit malanding aroma ng kanyang pabango! “Laway mo, miss!” Mabilis pa sa alas kuwatrong dumistansiya ako sa kanya. Sayang! Nang makaupo na siya sa swivel chair ay inayos muna niya ang collar ng suot na puting longsleeves. Medyo hawig sya kay Channing Tatum. Maamo ang mukha niya at ang kung kumilos… ay susko po! Masarap yatang maging amo ‘to kung saka-sakali dahil mukhang mabait at maganda pa ang "view"! Napamulagat ako nang lumapad ang ngiti nya...hindi ‘yong tipid kundi yung pang-commercial ng Colgate… Close-up o di kaya ay Sensodyne para sosyal! "Stop drooling missy, let's get to business," aniya na di naman mukhang galit…parang aliw na aliw pa nga. I swear, I turned like red peppers dahil sa sobrang hiya! Nahuli niya akong nakatingin sa may bandang puson niya! "Don't blush too much, It’s fine with me." Kahit papaano naman ay kumalma ako doon... sabi sa inyo mabait eh! Napailing akong muli sa itsura nya... mukha kasi siyang kagalang-galang sa itim nyang tuxedo. Naalala ko tuloy si Christian Grey, sa ilang pagkakataong may nag-alok sa akin ng indecent proposal ay di ako pumatol... pero kung itong poging mamang ito, capital Y ang isasagot ko! Willing akong maging anastacia Steel! Sasagpangin ko siya without second thought! "Relax ka lang, miss. So let’s start... uhhm... according to your resume... you are living with your father... and a graduating student.” He paused for a while then..tumingin sa akin nang matiim. "Are you sure you want to work here?" aniyà na bahagyang sumeryoso ang mukha.Guwapo pa rin! Napakagat ako nang bahagya sa aking pang-ibabang labi... para kasing maiiyak na ako pagkarinig pa lang ng pangalan ni tatay.  "P-Pero sir, if you look at my credentials… I believe I'm qualified enough for any accounting or secretarial job, considering my three-year experience as a student-assistant of our school…" "Exacty my point, Ms. Sta. Lucia. You are believably intelligent... sayang naman kung titigil ka." Nakikita ko sa mga mata niya na sincere naman siya sa tanong na iyon, pero iisipin ko pa ba ang sarili ko kung buhay nan i Tata yang nakasalalay? "I have to stop, sir. My father is undergoing a chemo therapy… There is no other way for me to support his medication dahil nasaid na lahat ng naipundar namin." "Are you really that needy today?" Napakamot ako. Bente pesos na lang ang pera ko sa bulsa at kasya lang sa pamasahe at ice tubig! "Eh, sir, pautangin niyo na lang kaya ako para di na ako tumigil sa pag-aaral…?" tanong ko na obviously ay joke lang dahil ang kapal ko naman if totoo ‘yon. Isang mahabang katahimikan... muntikan pa akong dumausdos sa kinauupuan ko nang bigla siyang tumawa na halos dumagundong pa sa buong silid! May tinatagong topak din pala ang mga guwapong tulad nya... buti na lang kinagat niya ang joke ko! He dialed in the intercom at kinausap ang receptionist sa labas. "Send the other applicants home, Mercedes... and give them compensation for the long wait. I've already found what the Boss needs," aniya na sumandal muli sa swivel chair at inayos ang bumukas na blazer ng tux. Muli akong lumunok... parang naglalaway talaga ako sa alindog nya… wala man lang beer belly! Yum yum! "You’re… interesting, Miss. I'm Carries Grapheme... and welcome to the DEVINOIR EMPIRE.” ------------------------- "Welcome to Devinoir Empire." Paulit-ulit ‘yong kumakalembang sa kukote ko.... EMPIRE, ibig sabihin ay malaking kompanya... malaking-malaki! "But we're not looking for an accountant or secretary, miss. The position has nothing to do with the company... well at least not for now... " makahulugan niyang sabi. Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kulay sapin-sapin na receptionist. She smirked at me na parang sinasabing "Andito ka pa?" "Ahh… sir, the applicants are alreay gone. They were given the exact----“ "You're fired, Miss Tapia." Tinakasan ng kulay ang mahaderang sekretarya... pati ako ay nawindang sa walang kagatol-gatol na pagsisante ni Carries sa kaniya. Parang gusto kong manginig sa coldness ng mata ni poging mama na ngayon ay nakatingin sa shocked paring allien... este dating affiliate pala. "But sir..." dagdag pa nito pero agad ding napayuko nang iharap ni Carries ang monitor ng computer... CCTV yata. "Look, Miss Tapia... the company has been good to you since day one but in return, you gave us nothing but negative feedbacks from your coworkers... and evidence don't lie." Teka… kanino ko ba narinig yun? Pamilyar yata... English version nga lang. Tumayo si Carries at may kinuhang sobre sa drawer saka iniabot ‘yon kay Miss Tapia. Mangiyak-ngiyak na tinanggap naman nito ang sobre. "We don't know your reasons... but you see, mabait pa si Magnum niyan dahil hahayaan ka niyang magbagong buhay. Now go, Miss Tapia… and don't do the same mistake." Habang nandoon ako’t naglilipat-lipat lang ng tingin sa dalawa ay hindi ko mapigilang pasadahan si Sir Carries ng tingin. Bumabakat yung abs niya sa suot niyang damit at talaga namang nakakatakam--- este, mukhang alagang-alaga sa gym! Yun… yun ang ibig kong sabihin! Wag kayong ano diyan, wholesome ‘to! "T-Thank yuo po... p-pakisabi po kay Sir Magnum, s-salamat po!" ‘Yon lang at umalis na ang babae...wala naman akong maintindihan sa usapan nila. When Carries sat back on his swivel, he loosened a bit of his tie… kaya kailangan ko na namang lumunok at kumurap-kurap ng maraming beses dahil naaakit na naman ako sa pagkain...I-I mean, sa appeal niya! Ohh tukso, layuan mo ako! "Are your eyes okay, Miss Anne? Napuwing ka ba?" "Ha?" Agad akong napatakip sa aking bunganga... sa sobrang kaba kasi ng nararamdaman ko ay parang na-hype ang aking vocal cords kaya high pitch ako nang sumagot! Napapadalas ang pagkapahiya ko sa taong ‘to! May balat yata ‘to sa puwet! Parang tawang-tawa na naman siya pero pinipigilan niya lang... tumikhim muna siya bago muling nagsalita. Kung bakit ba naman kasi kahit ano’ng gawin ng taong ‘to ay napaka-sexy sa aking paningin. Nagdududa na tuloy ako kung red nga ba talaga ang kulay ng aking dugo... feeling ko kasi GREEN ito! Berde... at ang braincells ko ay nilulumot na! "Anne... I hope it would not offened you but the job we’re offering will involve much about your virginity..." (0•0) Ano daw? I cleared my throat... paano niya nalamang di pa nasusuong ng kahit sino ang "Bataan" ko? "There were two other applicants who passed this screening. The next step is the investigation and medical check ups... sagot namin lahat ‘yon. All you have to do is sign this contract, Miss Anne." Napatingin ako sa folder na nasa harap ko. DEVINOIR EMPIRE...naka-engrave ito sa harapan ng folder at kulay gold pa man din tapos may naka-undelined na CONFIDENTIAL sa bottom part. "Your father is sick, right? Kapag pinirmahan mo ang preliminary contract na ‘yan... we will give you two hundred fifty thousand pesos bilang rights at authority na pakuhanan ka ng iba't-ibang medical exams at background checklist mo, though hindi naman talaga kailangang hingian ka pa ng permiso," anito at pinagsalikop pa ang dalawang palad. He looked so formal this time na para bang nakikipag-business meeting.I wonder kung bakit kailangan pa ng panibagong medical exam at background records eh… may kasamang medical certificate at NBI clearance naman ‘yong isinumete kong mga papeles. Hindi naman kaya white s*****y syndicate ito at ibebenta ako sa mga foreigners? O di kaya ay i-chopchop at gawing dinuguan? Iyong background check ba ay para malaman kung asset ako ng batas? Parang gusto ko nang himatayin sa mga pinag-iisip ko. Nang tignan ko ang repleksyon ko sa glass window ay tama nga ang hinala ko... I ran out of color… near to fainting. "I hope you're not thinking we're some kind of a mafia or something... ‘coz we're definitely not, Anne." PAHIYA Sabi ko nga di talaga maganda sa kalusugan ‘yong palagiang pag-inom ng kape... nakaaalog kasi ng utak ‘yon! "I can't tell you about the other contract yet, but let me ask you this one, will you just let go of this once in a lifetime opportunity to save your father's life?" Si Papa... ang papa ko! Kaya ko ba ‘to, kaya ko ba? "Wala kang dapat alalahanin, Anne. Impormasyon pa lang naman ang kukunin namin… if you passed the test, we can proceed to the Contract Proper but if not, malaya ka na." Kinunutan ko siya ng noo. Sino naman kayang matinong negosyante ang gagawa nito? Bukod sa walang kita eh, gagastos pa sila ng malaki! Napatalon ako nang mag-vibrate ang 3315 ko sa bulsa... naka-silent mode kasi ‘yon dahil ayaw ni Miss Tapia ng kahit na anong ingay.... Sumulyap muna ako kay Carries at tumango lang siya bilang approval na sagutin ko ang tawag. Dumistansya ako at pumuwesto sa may main door at sinagot si Leila. Natahip ko ang dibdib ko... at nang ibaba ko ang telepono, deri-deretso akong nagtungo sa lamesa… kinuha ang ballpen at… pinirmahan ang unang kontrata.  ---------------------------------------- Ni-review ko ulit ang kopya ng kontratang pinirmahan ko three weeks ago. Sa listahan kasi ng mga gagawin sa akin o ipapagawa sa akin… ang pagbisita sa obegyne ang di ko pa nagagawa. Nag-research na rin ako ng mga patungkol sa pinagdaanan kong mga proseso at tama nga ang hinala ko... the different tests were connected to IVF o Invitro Fertilization. Artificial insemination at surrogacy... ano ba ‘tong pinasok ko? At si Carries, wala, hindi naman sa nawala ang galang ko sa kaniya pero madalas talaga kumulot ang imaginary bangs ko sa kaniya. Masyado siyang maloko. Kasa-kasama ko siya sa lahat ng test na pinagdaanan ko, pero siyempre sa labas lang ng clinik, alangan namang sa loob. Hanggang ngayon…naka-comatose pa rin si tatay. Halos magkulang pa nga ang two hundred fifty thousand na bigay ng Devinoir Empire para sa admition ni tatay sa hospital. Napaigtad ako nang may sunod-sunod na katok akong narinig. "Ang aga nama---" Naputol ang ano pa mang sasabihin ko nang walang anu-ano’y pumasok si Carries… prenteng naupo sa lumang sofa at ininom ang tinimpla kong iced tea kanina. "At home?" tanong ko at umupo na rin sa tapat niya. Halos araw-araw kaming magkasama dahil sa mga check-ups... at araw-araw ko na rin siyang kinukulit tungkol doon sa "contract proper" na tinutukoy niya. Sa loob ng mga araw na iyon ay nalaman kong hindi naman pala siya ang magiging boss ko. Allien din siyang tunay dahil lumabas ang tunay niyang ugali---ugaling isip-bata! Sabi ko nga, madalas ko siyang tanungin kung anon a ang nagyari sa kontratang sinasabi niya pero ang laging sagot niya ay "In time…" In-timen ko mukha niya eh! Kainis! Umuwi lang ako sa bahay para kumuha ng ilang damit, kailangan na kasing umalis ni Laila at ako na ang magbabantay kay Tatay sa ospital. "OB not needed, you already passed… only you," aniya na tila hapong hapo. "A-Ano ‘to?” kandautal kong tanong. Bigla kasing binundol ng kaba ang dibdib ko sa isiping baka kung ano na naman ang nasa kontrata. Mayamaya pa ay lumapat na ang likod ni Carries sa sofa... tulog. Minsan talaga iniisip ko nab aka Allien ‘yong nakausap ko sa opisina noon. Kagalang-galang kasi iyon tapos ito parang… blank space ang utak! Magagalit talaga si Taylot Swift nito! Napakamot ako sa noo habang binubuklat ang kontrata. Nandito ako ngayon sa ospital at binabantayan si tatay. Art. 1.1 The surrogate must be of good health. She is not allowed to take any alcoholic drinks, cigarette, drugs or anything not prescribed by a specialist. Unang article pa lang ito. Ayan na naman ang surrogate thing. Akala ko ay di na ako magugulat sa kung ano mang nilalaman ng contract, pero eto ako ngayon... halos di makapaniwala na maaaring ito ang kahihinatnan ko. "So, are you in for the challenge?" Tinapunan ko ng masamang tingin si Carries. Nakasandal siya sa pinto ng private room ni Tatay. Kinukulit pa rin niya ako tungkol pagpirma ng kontrata, the contract proper, to be exact. Twenty two lang ako, kakayanin ko bang dalhin sa sinapupunan ko ang sanggol for nine months? Parang hindi ko ma-imagine ang sarili kong pinag-eeksperementuhan at pupunlaan ang aking bahay-bata. Nalilito ako... naguguluhan ako! Tatay... tatay... tulong tatay! Napatingin ako sa mukha ni tatay… napamulagat ako nang may tumunog sa maliit na monitor na konektado sa katawan niya! I went hysterical nang bigla siyang mangisay at nag-straight line naman ‘yong sa monitor. "Tay... ‘Tay, kapit ka lang... laban lang tay! Huwag mo ‘kong iwan... natatakot akong mag-isa ‘Tay!" Hindi ko na pinansin ang mga nasasagi ng pagwawala ko. Nagsidatingan ang ilang duktor at mga nurse… lumapit sa akin ang dalawa at hinila ako paalabas ng silid. Kinalampag ko nang husto ang pinto ngunit ayaw nila akong papasukin. Basang-basa na ng luha ang mukha ko pero di ko ininda ‘yon. Ang tatay ko... Diyos ko, ‘wag mo muna siyang kunin sa akin! “Clear?" “Clear!” anang doctor at pagkatapos ay inilapat na ang aparatong di-kuryente. “Tatay... ‘wag ngayon! Kailangan kita ngayon... kailangan kita magpakailanman!” Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Carries. Kailangan ko ‘to… kailangan ko ng lakas. "Ahm, excuse me," anang duktor na lumabas sa silid ni tatay. “Sino ang immediate family?” Agad akong lumapit sa duktor… sumunod si Carries. "Tatapatin na kita… your father should undergo an operation as soon as possible." "O-Operation?" Napapahid agad ako ng luha, pera na naman ito! "Yes, Ms. Sta. Lucia. Operation… He has another tumor in his right lungs... ‘pag di ‘yon natanggal… mababalewala ang ilang buwan niyang Chemotherapy. Napaluhod na ako't humagulhol. “Bakit, Diyos ko? Bakit ang ama ko?” Paraan... kailangan kong makaisip ng paraan! At… sa isang iglap, nahagip ng paningin ko ang folder. Ang folder na magbabago ng buhay ko. Pikit-mata, pikit-mata Kong isinulat sa ilang pahina ang isang pangalan. Kahit hindi ko pa nababasa ang bawat detalye... wala akong pakialam… wala na! Hahamakin ko ang lahat, mailigtas ka lang Tatay! Sa huling pahina… sa huling pahinang hindi ko na naman binasa, paro ano pa? Si Tatay iyon, ang ama k! Kaya, isinulat kong muli. ANDREA STA. LUCIA, the bearer... the surrogate!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook